Part 12 finaL

726 Words
Ang kanila namang bunso na si Sherly ay proud na proud na kinukwento sa kanya ang bagong fan club na itinayo nito para sa kanya. Maging ang mga classmate nitong halos mamatay daw sa inggit ng malamang kapatid pala niya ang iniidolo ng mga ito. Kitang-kita niya ang mga mata nito kung papano kumislap kapag nagkukuwento ito. Halatang hangang-hanga ito sa kanya,kabaliktaran noon na halos di ito tumitingin sa kanya. Animo diring-diri sa kanya. Maging mga pormahan niya ay sinisipat din nito at tinataasan ng isang kilay pero heto at para na rin itong rakista sa porma nito. Iniidolo na rin talaga siya ng bunsong kapatid. Sobra-sobra ang kasiyahan ng kanyang puso, idagdag pa ang mga fans at mga kabanda niyang nagmamahal sa kanya. Wala na talaga siyang mahihiling pa, kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya sa Diyos na pinagbigayan pa siya ng pangalawang buhay. Kung noon napakadilim ng kanyang mundo, ngayon naman napakaliwanag na. Napakaliwanag dahil nasa tabi na niya ang mga taong pinapangarap niyang makasama. Pinapangarap niyang matanggap siya. Iyon ay ang kanyang pamilya. Nang makalabas ng hospital halos two weeks din silang nagpraktis para sa gaganaping concert nila. Ang concert na muntik ng maudlot dahil sa nangyari sa kanya. Ang concert na naging dahilan para makilala siya ng husto ng pamilya. Pinalitan nila ng Title ang concert na iyon. "ONE MORE LIGHT" ang title, dahil parang pinakapasasalamat nalang niya ito sa pangalawa niyang buhay. One More Light dahil nagkaron pa ng isang ilaw sa dating madilim niyang mundo, ngayon lahat ay maliwanag na at hinding-hindi na niya gugustuhing bumalik pa sa kadilimang iyon. Inahon siya ng pamilyang dating naglugmok sa kanya doon, at alam din niya o natiyak niya na hindi pala siya pinabayaan ni God. Palagi lang siyang nandiyan para siya ay gabayan. Kaya sigurado siya, hindi na niya mararanasang muli ang manatili sa kadilimang pinagkulungan niya ng matagal na panahon. Nabalitaan din niya na natanggal bilang model si Rowena at halos wala ng tumatanggap dito dahil na rin daw sa kasamaan ng ugali nito na kahit nahahalata na niya noon ay hindi niya iyon pinapansin dahil bulag na bulag siya sa pagmamahal dito. Dumating ang eksaktong araw ng concert. Ang concert na pinaka-espesyal para sa kanya dahil andiyan ang kanyang pamilya para manood,para supurtahan siya sa kauna-unahang pagkakataon. Heto na, heto ang kanyang pinakamimithi. Ang makitang pinapanood siya ng kanyang mahal na pamilya habang kinakanta ang mga musikang siya mismo ang lumikha. Makita ang paghanga sa mga mata nito, at pagmamalaki na anak siya ng mga ito. Naghiyawan ang mga tao ng lumabas na ang banda at lalo na ng magsalita ang lead vocalist na si Gerry. Bago siya nagsimulang kumanta, nagpasalamat muna siya sa libo-libong tagahanga na nagdasal para sa kaligtasan niya. Nagpasalamat din siya sa Diyos at sa pamilya. Pinakilala din niya ang pamilya sa mga fans nila. Nang magsimula ng tumugtog ang banda at pumailanlang ang boses ni Gerry, halos di magkamayaw ang mga tao. Ilang oras din ang itinagal bago matagumpay na natapos ang concert. Ang concert na pinaka-special sa kanya. Dahil buo na at tanggap na siya ng pamilya. Kung ano ang hilig niya at ang pagmamahal niya sa musika. Simula ngayon, hinding-hindi na siya mag-iisa dahil tanggap na siya ng pamilya at andiyan si God para gabayan siya. Mainit na yakap at paghanga mula sa buong pamilya niya ang sinalubong ng mga ito sa kanya ng bumaba siya ng stage at lumapit sa mga ito. Wala na talaga siyang mahihiling pa. Tuluyan na siyang nakaahon sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay, ang panahong tinatalo siya ng matinding depression. Ipinapangako niya na hinding-hindi na siya babalik pa sa panahong iyon. "Salamat po Diyos ko! Salamat po," piping pasasalamat niya sa Poong Maykapal. At di niya naiwasan ang maluha ng mga sandaling iyon. Luha dahil sa nag-uumapaw na kasiyahan. THE END A/N, DEPRESSION KILLS !!! Yan po ang ating pakatatandaan, maging mapagmatyag po sa myembro ng ating pamilya o kaibigan man. Malay nyo may pinagdadaanan pala sila mas mabuti ng maagapan natin iyon bago pa mahuli ang lahat. H'wag na nating hintayin na mag-attempt silang magsuicide o tuluyan na nilang tapusin ang paghihirap nila sa maling paraan. ••• Btw, maraming salamat po sa mga nagtiyagang magbasa ng short story na ito. Sana may mga napulot kayong aral sa kwentong ito. Godbless everyone!!! Love, Ate SanggoL

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD