Part 10

523 Words
Hindi makuhang galawin ng driver ang katawan ni Gerry dahil sa takot na baka mas mapasama ito. Pero tiningnan nito ang pulso ni Gerry, natiyak niyang buhay pa ito. Si Ginang Zenaida naman ay walang tigil sa pag-iyak habang kinakausap ang anak. Paulit-ulit nitong binabanggit ang salitang patawad anak. Paulit-ulit nitong binabanggit na lumaban siya para sa kanila at nangangako itong magigint maayos na ang lahat kapag naging okey sya. Sa pag-aagaw ng tila kadiliman sa buong pagkatao ni Gerry, naulinigan niya ang napakagandang boses na iyon. Napakalambing nito, madadama mo ang pagmamahal at pag-aalala sa boses nito habang umiiyak. "M-Mommy!" sigaw niya sa isipan. Hindi siya makaaniwala na andon ang kanyang Ina habang umiiyak. Iniiyakan siya nito? Tumulo ang kanyang luha, luha ng kagalakan dahil sa wakas muli niyang narinig ang boses ng kanyang Ina sa ganong tono. Sa tonong nag-aalala at punong-puno ng pagmamahal. Napangiti siya, tsaka napapikit at tuluyan ng nilamon ng kadilimang iyon. Samantala, dumating na ang ambulansya at agad na naitakbo sa ospital si Gerry. Napakababa lang ng porsyentong mabuhay ito, 30% nga lang daw ang sabi ng Doctor. Agad na lumaganap ang nangyari sa sumisikat ng lead singer at napakarami ang nagdasal at naghangad na makaligtas siya. At halos lahat ng natulungan nito ay dumagsa sa ospital dangan nga lang at hindi maaaring pumasok ang mga ito kaya nagkasya nalang ang mga itong maghintay ng magandang balita sa labas ng ospital. Dumating din ang manager at mga kasamahan nito sa banda. Halos lahat ay umiiyak, hindi nila akalain na nilalamon na pala ito ng matinding depression. Hindi manlang nila nahalata dahil parati lang naman itong okey sa harapan nila. Palagi masaya, nakangiti at punong-puno ng sigla hindi nila akalain na may pinagdadaanan pala ito. Ang matigas ang loob na Ama ni Gerry ay napasugod din sa ospital kasama ang Kuya Wally niya. Tigasin ang puso ngunit ng makita ang sinapit ng anak at makitang nasa bingit ito ng kamatayan ay napahagulhol ito. Lalo na ng malamang sinadya nitong tumalon sa veranda nito para magpakamatay. Para tapusin na nito ang mga paghihirap nito, kaya sising-sisi siya na ipinagtabuyan niya ito kaninang umaga. Higit sa lahat, naisip niya na kung pinagbigyan lamang niya itong makausap siya at magpakaama dito at hinayaan niya itong sabihin sa kanya ang mga problema nito disin sana'y hindi nito maiisipang magpakamatay. Ilang oras na pero hindi pa rin lumalabas sa operating room ang doctor na nag-oopera dito. Magkakahawak kamay silang buong pamilya na nanalangin para sa kaligtasan ni Gerry at ipinapangako nila na hindi na muling mag-iisa ang nag-iisang singer sa kanilang pamilya. Ang kanilang anak na si Gerry, simula sa araw na ito tinatanggap na nila ang mga hilig nito na akala nila noon ay masama para dito. Pero nagkamali sila, dahil dapat pala nila itong ipagmalaki. Patunay nalang ang napakaraming taong nasa labas na naghahangad ng kaligtasan nito. Ang mga media na inaabangan ang magandang balita. Tunay ngang mahalagang tao pala ang anak nila sa lipunan,ngunit silang sariling pamilya nito ang hindi nakita ang halaga nito. Halaga bilang anak nila at maging halaga bilang tao, parati nila itong basura kung ituring. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD