Chapter 6

2060 Words
Enjoy reading! PAGKATAPOS namin kumain ay nagkanya-kanya ng labasan sa canteen kasama ang mga kaibigan. Kasama ko si Shiela at Diether na lumabas ng canteen. Napapagitnaan nila akong dalawa. "Ma'am Anthonette, may gagawin ka ba bukas?" Biglang tanong ni Diether habang naglalakad kami. Naramdaman ko naman ang pagsiko sa 'kin ni Shiela sa tagiliran. Kaya napatingin ako sa kanya. Todo ngiti siya sa 'kin na para bang nang-aasar. "Naku, sir Diether may magagalit," atad kong hinawakan ang kamay ni Shiela nang sabihin niyq 'yon. Nagtataka namang napatingin sa amin si Diether. "May magagalit? Sino?" Takang tanong niya sa 'min. "W-wala. Nagbibiro lang si ma'am Shiela." Sagot ko at ngumiti sa kanya. "Bukas? May gagawin ka ba? Gusto sana kitang yayain lumabas," sabi niya. Kapag ganitong bakasyon at walang trabaho ay kadalasang nasa bahay lang ako. Naglilinis, kumakain at natutulog. "Pasensya na sir Diether. May pupuntahan kasu ako bukas." Pagsisinungaling ko. "Ganon ba? Sayang naman. Siguro naman next na yayain kita, papayag ka na," sabi niya. "Kung wala akong pupuntahan. Pwede ako." Sagot ko at ngumiti. Nagpatuloy kaming tatlo sa paglalakad palabas ng building. Kaunti pa lang ang mga naroon na kasamahan namin. Ang iba ay abala sa pakikipag-usap sa mga kasama nila. Nagulat ako nang hilain ako ni Shiela palayo kay Diether. "Iba talaga ang ganda mo, ma'am. Pati si sir Diether nagkagusto sa 'yo." Nakangiti niyang sabi. "Ano ka ba, ma'am Shiela. Baka mamaya may makarinig sa 'yo." Suway ko sa kanya. "Okay fine. 'Yong asawa mo pala nandyan na," sabi niya at sabay tingin kay Aiden na naglalakad papunta kay ma'am Laina. Agad namang lumapit ang lahat doon kaya nakigaya na rin kami. Ilang sandali kaming naghintay sa pag-uusap nila. "Okay, mga teachers balik na sa mga sasakyan. Uuwi na tayo." Anunsyo ng principal namin. Agad namang naglakad ang mga kapwa ko guro sa mga naka paradang puting van na sinakyan din nila kanina. "Bye, ma'am Athonette. Mag-enjoy kayo ng asawa mo." Paalam niya at naglakad na palayo. Habang ako ay nanatiling nakatayo sa pinag-iwanan sa 'kin ni Shiela. Doon pa rin ako sasakay sa kotse ni Aiden. Paano ako ihahatid no'n? "Let's go?" Napatingin ako sa kanya. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa 'kin. Nauna akong naglakad papunta sa sasakyan niya. Habang siya ay nakasunod sa likuran ko. Huminto ako pagkadating ko sa kotse niya. Agad akong humarap sa kanya. Huminto siya sa harapan ko. Masyadong malapit ang katawan namin sa isa't-isa. Kaya agad ko siyang tinulak. "Paano mo ako ihahatid sa apartment ko? Malayo 'yon dito. Sa kabilang bayan pa." Tanong ko. "Sumakay ka na." Nagulat ako sa sagot niya. Agad niyang binuksan ang pinto ng front seat at hinihintay akong pumasok doon. Wala akong nagawa kundi ang sumakay. Agad niyang sinarado ang pinto at umikot papunta sa driver seat. Agad niyang pinaandar ang kotse. Napatingin ako sa mga nakahilerang puting van na sinasakyan ng mga kasamahan ko. Hindi pa sila umaalis. Siguro ay may hinihintay pa na iba. Pero bakit kami mauuna? Hindi ba ay kami ang pinakahuling aalis dapat katulae nang kanina? Dinaanan namin ang mga puting van nang lumabas kami sa gate. "Teka. Bakit tayo nauuna?" Takamg tanong ko sa kanya. Ngunit hindi niya ako sinagot. Nanatili ang mga mata niya sa daan. Mas lalong bumilis ang pagpapatakbo niya. "Aiden. Sandali bakit ibang daan ang tinatahak natin?" Natataranta kong tanong. "Calm down, okay? Pupunta lang tayo sa bahay." Sagot niya. Sa bahay? Pupunta kami sa dati naming bahay? "Aiden, wala na akong pakealam sa bahay mo," naiinis kong sabi. Pero hindi niya ako pinakinggan. Nagpatuloy ang byahe namin patungo sa dati naming bahay. Naalala ko lahat ng masasayang alaala namin noon sa bahay na 'yon. Kung paano nagsimula ang masaya naming pagsasama pagkatapos ng kasal namin. At kung paano kami namuhay na kami lang dalawa sa pinapangarap naming bahay. Pero lahat ng 'yon ay bigla na lang naglaho. Lahat ng saya na pinapangarap ko ay nawala. At dahil 'yon kay Aiden at sa babae niya. Hanggang ngayon, kapag naiisip kong ginamit lang ako ni Aiden para makuha ang kompanya na gusto niya ay nagagalit ako. Pinaniwala niya akong mahal niya ako. Naniwala ako sa lahat ng sinabi at pinapakita niya sa 'kin noon. Naging tanga ako. Dahil mahal ko siya. "We're here," napakurap ako nang huminto ang sinasakyan naming kotse. Agad siyang bumaba kaya sumunod din ako. Wala pa ring pinagbago ang bahay namin noon. Ganoon pa rin ang kulay. Kulay puting pintura. Pati ang mga halaman na palagi kong inaalagaan noon ay naroon pa rin. "Don't leave me again, please." Para akong ipinako sa kinatatayuan ko nang niyakap niya ako mula sa aking likuran. Gusto ko ng maniwala sa mga sinasabi at pinaparamdam niya sa 'kin. Pero sa tuwing naaalala ko ang nakaraan ay hindi ko kayang magtiwala ulit sa kanya. Agad kong kinalas ang mga kamay niya sa baywang ko. "Aiden, uuwi na ako." Tanging nasabi ko at akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse nang magsalita siya. "Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?" Tanong niya. Hindi madali para sa 'kin ang magpatawad ng kasalanan. Lalo na kung sobrang sakit ng ginawa sa 'kin. Na kahit dumaan man ang maraming taon ay para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Akala ko rin ay nakalimot na ako. Na okay na ako. Na kaya ko na. Pero hindi pa rin pala. Humarap ako sa kanya. Pinipilit kong huwag umiyak sa harapan niya. Pinipilit kong kontrolin ang sarili ko na hindi siya sampalin. "Sa tingin mo ba ganon kadali magpatawad, Aiden?" Seryosong kong tanong. "I'm sorry. Sorry kung nasaktan kita noon. A-ang akala ko kasi ay mahal ko pa si Meghan kaya nasabi ko 'yon. Pero nang umalis ka ay doon ko lang napagtanto na ikaw ang mahal ko at hindi si Meghan." Paliwanag niya. Sana nga totoo 'yan, Aiden. Sana nga. At sana kayang gamutin ng sorry mo ang sakit na hanggang ngayon ay iniinda ko. "Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa 'yo, Aiden." Sagot ko. Gusto kong maniwala pero natatakot ako. "Believe me please, baby. I'm telling the truth. I still love you." Sabi niya at kinuha ang isa kong kamay at hinigit ako palapit sa kanya. Nakayakap siya sa 'kin. Gusto ko siyang itulak pero ayaw sumunod ng katawan ko. Naguguluhan ako. Gusto kong maniwala at bumalik na muli sa kanya. Pero natatakot ako na masaktan ulit. Paano kung kasinungalingan na naman ulit 'to? Makakaya ko bang masaktan ulit? "Hindi ko alam, Aiden. Naguguluhan pa ako ngayon. Mahirap na ulit magtiwala." Sagot ko. Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya. "Maghihintay ako. Kaya kong maghintay. Kung kailangang ligawan ulit kita ay gagawin ko," sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Sana nga totoo 'yan, Aiden. "Pero may hihilingin lang ako sa 'yo," napakunot noo ako sa dinugtong niya. "Ano?" "Bumalik ka na ulit dito sa bahay natin. Nagtiis ako ng ilang taon na wala ka. Please, baby." Pagmamakaawa niya. Nababaliw na ba siya? "Nababaliw ka na ba, Aiden? Bakit ako babalik dito sa bahay mo?" Sagot ko. Simula noong umalis ako ay wala na akong karapatan sa lahat ng pagmamay-ari niya. "Bahay natin. Babalik ka dito dahil asawa pa rin kita. Kasal pa rin tayo. At magtataka si mama kung bakit magkaiba tayo ng bahay. Dahil ang alam niya kakauwi mo lang galing America." Sagot niya. "Pero may trabaho ako. Isa akong guro, Aiden. At kasalanan mo na 'yon kung nagsinungaling ka tungkol sa nangyari sa 'tin." Sagot ko. "Alam ko. Pero 'di ba bakasyon ngayon? Wala kang trabaho. Kaya walang rason para bumalik ka doon." Napairap ako dahil sa sinabi niya. God, hahanap talaga ng rason. "Pero---" "No buts. You'll stay here." Pagputol niya sa sasabihin ko. "Teka, baka nakakalimutan mo---" "I'm your husband. Sa ating dalawa, ako ang masusunod." Sabi niya ulit at hinila na ako papasok sa loob ng bahay. Sana nga tama 'tong ginagawa ko. Sana tama na bumalik ulit ako sa kanya. Ang akala ko ay kaya kong iwasan siya. Akala ko kaya kong labanan ang nararamdaman ko sa kanya. Akala ko lang pala lahat. Susugal ulit ako sa pangalawang pagkakataon. At san, ngayon, manalo naman ako. "Inimbitahan tayo ni mama sa bahay nila. Mamayang gabi ay doon tayo mag dinner." Sabi niya. Nakaupo ako sa sofa sa sala. Habang siya naman ay katatapos lang sa pagluto ng tanghalian namin. Umupo siya sa tabi ko. "Wala na akong damit na maisusuot," sagot ko. Totoo 'yon. Dahil ilang piraso lang na damit ang dala ko para lang 'yon sa outing namin. Pero dahil dinala ako rito ni Aiden sa dati naming bahay at ayaw na akong pauwiin ay wala na akong maisuot. Narinig kong tumawa siya ng mahina. Napatingin ako sa kanya. Agad na sumeryoso ang mukha niya. "We'll buy your new clothes later. Let's eat our lunch first." Sabi niya at tumayo. Hinintay niyang tumayo ako. Sabay kaming pumunta sa kusina. "Hindi ka kumuha ng kasambahay?" Tanong ko habang kumukuha ng kanin. "No. Bakit naman ako kukuha ng kasambahay?" Tanong niya. "Para tumulong sa 'yo dito sa gawaing bahay," sagot ko. Paano niya nalilinis ang bahay na ganito kalaki? Siya lang ba ang nagluluto ng mga pagkain niya araw-araw? "Hindi ba dapat asawa ang gumagawa no'n?" Napatigil ako sa pagsubo ng kanin nang sinabi niya 'yon. So, kasalanan ko? Hindi ako sumagot. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Kinagabihan, pagdating namin sa bahay ng mga Sarmiento ay hindi ko mapigilang hindi kabahan. Paano kung hindi ko masagot ang mga tanong nila? Damn it! Bakit ako 'yong kinakabahan? Hindi ba dapat ay si Aiden? Dahil siya 'yong nagsinungaling. "Hija, mabuti at nakapunta kayo." Nakangiting salubong sa amin ni tita Maryen. Sa tabi niya ay si tito Nelson. "Good evening po," bati ko sa kanilang dalawa. "Ma, wala pa ba sina kuya Aiden--- Anthonette!" Napatingin ako sa kapatid ni Aiden na si Matthew. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Magkasing edad lang kami ni Matthew. Siguro ngayon ay nagtatrabaho na rin siya sa kompanya nila. "Kumusta? Ang tagal mo rin nawala," nakangiti niyang sabi. "Okay lang naman ako." Sagot ko at ngumiti sa kanya. "Mamaya na tayo mag kwentuhan. Kumain muna tayo." Singit ni tito Nelson. Naunang naglakad ang mag-asawa. Sumunod naman si Matthew at panghuli kami ni Aiden. Pagdating sa dining area ay agad silang umupo sa kani-kanilang upuan. Pinaghila ako ni Aiden ng upuan. Agad naman akong umupo. Pagkatapos ay umupo rin siya sa katabi kong upuan. Habang kumakain ay tanging ang mga magulang lang ni Aiden ang nag-uusap. Kung minsan ay nagsasalita rin si Matthew. Tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila. Kaya kahit na makinig ako ay hindi ko rin maintindihan. "Hija, ano nga pala ang natapos mong kurso?" Biglang tanong ni tita Maryen. "Education po." Sagot ko at uminom ng tubig. "Ibig sabihin ay isa ka ng guro ngayon?" Tanong naman ni Matthew. Tumango lang ako bilang sagot. "Wow. Akalain mo 'yon kuya, nakapag-asawa ka ng isang guro?" Sabi ni Matthew at tumawa. Masamang tingin lang ang naging sagot ni Aiden. Agad namang tumigil sa pagtawa si Matthew. Pagkatapos namin kumain ay ilang sandali pang nag-usap si Aiden at si tito Nelson. Habang ako at nakaupo sa sofa. Nang makita ako ni Matthew ay agad siyang lumapit at umupo sa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya. "Bakit ayaw mong sabihin kay mama at papa ang totoo?" Nagulat ako sa tanong niya. Bigla akong kinabahan. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa 'kin. "Alam mo?" Gulat kong tanong. "Yes. Nasa labas ako ng condo nang mangyari 'yon. Hindi mo lang ako napansin nang lumabas ka." Sagot niya. Ibig sabihin ay alam niya kung ano ang nangyari noon. "Bakit mo tinanggap ulit si kuya? Mahal mo pa rin?" Tanong niya. "Hindi ko rin alam, Matthew. Siguro nga mahal ko pa rin siya," sagot ko. "Paano kung niloloko ka lang ulit ni kuya? Minsan ka ng niloko ni kuya, Anthonette. Magpapaloko ka ulit?" Seryoso niyang tanong. "H-hindi naman na s-siguro, Matthew." Nauutal kong sagot. "Fine. Tandaan mo, niloko ka na niya dati. Sana hindi na maulit 'yon. Mag-ingat kayo sa byahe. Good night, Anthonette." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad na siyang naglakad paakyat sa hagdan. Tama ba talaga na bumalik ulit ako kay Aiden? Tama ba na tinanggap ko ulit siya? Tama si Matthew. Minsan na akong niloko ni Aiden. At hindi ko alam kung maniniwala ba ako ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD