Chapter 7

1935 Words
Enjoy reading! "Let's go?" Napatingin ako kay Aiden nang lumapit siya sa 'kin. Agad akong tumayo. Lumapit din ang mga magulang niya sa amin. "Sana ay dalasan niyo ang pagpunta dito sa bahay. Sobrang namiss ko kayong dalawa." Sabi ni tita Maryen. "Don't worry, ma. Dadalasan na namin. Right, love?" Sabi ni Aiden at tumingin sa 'kin. Tumango lang ako at ngumiti sa kanila. Napatingin ako kay Matthew na nakatingin sa 'kin ng seryoso. "Sige po. Kailangan na po namin umuwi," paalam ko. Ayoko ng magtagal pa rito sa bahay ng mga magulang ni Aiden. Mas lalo lang akong nakokonsensya sa mga kasinungalingan namin. "Sige, hija. Mag-ingat kayo sa byahe." Sagot ni tita Maryen. Agad akong humalik sa pisngi niya at sabay kaming lumabas ni Aiden. Habang bumabyahe pauwi ay hindi ako umiimik. Nanatili ang paningin ko sa labas. Sa mga ilaw na nakikita ko. Kay gandang pagmasdan ang mga ilaw sa dilim. "Anong pinag-usapan niyo ni Matthew kanina?" Biglang tanong niya sa gitna ng katahimikan naming dalawa. Ibig sabihin ay nakita niya kaming nag-uusap kanina ng kapatid niya. "Wala 'yon." Sagot ko. "May sinabi ba siya tungkol sa 'kin?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya. "Bakit? May dapat ba akong malaman tungkol sa 'yo?" Tanong ko. Masamang tingin lang ang natanggap ko sa kanya. May tinatago ka ba sa 'kin, Aiden? Niloloko mo lang ba ako ulit? "Wala kang dapat malaman sa 'kin. Dahil wala naman akong tinatago sa 'yo." Seryoso niyang sagot habang nakatingin sa daan. Sana nga totoo ang sinasabi mo, Aiden. Bigla kong naalala ang sinabi ni Matthew kanina. Minsan na akong niloko ng lalaking minahal ko. Magpapaloko ba ako ulit? Bakit ang bilis kong bumalik sa kanya? Pagkarating namin sa bahay ay diretso akong naglakad paakyat sa hagdan. Ngunit agad din akong napahinto. Humarap ako sa kanya kaya natigilan din siya sa paglalakad. "Sa guest room ako matutulog." Sabi ko. "Ayaw mo sa kwarto natin?" Tanong niya. Hindi na kami tulad nang dati. Bakit naman ako matutulog sa iisang kwarto kasama siya? "Hindi ko na kwarto 'yon. Kaya sa guest room na lang ako matutulog," sagot ko. Napabuntong hininga siya. "Nasa kwarto natin ang mga damit na binili ko sa 'yo. Kwarto pa rin natin 'yon, Anthonette." Hindi ko alam kung matatakot ba ako o magagalit dahil sa sinabi niya. Alam kong galit siya. Tinawag niya ng buo ang pangalan ko. "Kung gusto mo na maging maayos ang gabing 'to hayaan mo ako sa guest room matulog." Sagot ko. "Fine. Pero kung gusto mo magbihis ay bukas ang kwarto ko," sagot niya. Hindi na ako sumagot pa. Agad akong nagpatuloy sa pag akyat sa hagdan at pumunta sa isang pinto ma katabi lang ng kwarto namin noon. Hindi naka lock ang pinto. Kaya agad akong pumasok sa loob. Malinis ang sahig. Ganoon din ang kama. Walang nag iba sa mga kurtina. Kulay puti pa rin. Katulad nang dati. Naalala ko noon ako ang pinapili niya ng kulay ng mga kurtina. Kulay puti ang pinili ko para maaliwalas tingnan. Hinanap ko ang dala kong bag. Pero wala rito sa loob ng kwarto. Lumapit ako sa isang cabinet. Nagbabakasali na naroon ang bag na dala ko. Pero wala rin doon. Agad akong lumabas ng kwarto at lumapit sa isang pinto kung saan ang kwarto ni Aiden. Hindi ko na hinintay pang may sumagot sa loob. Agad kong binuksan 'yon. Nakita ko siyang naka upo sa kama niya habang nakatingin sa 'kin. Wala siyang damit pang itaas. "Yung bag kong dala k-kanina?" Nauutal kong tanong. "Nasa walk-in closet. Nandon rin ang mga gamit mo." Hindi na ako sumagot. Agad akong naglakad at pumunta sa walk-in closet. Hinanap ko roon ang dala kong bag at ang sinasabi niyang mga gamit ko. Napahinto ako sa mga damit ko. Narito pa pala ang mga luma kong damit noon. Naroon din ang mga sari-saring bag na binili niya sa 'kin. Nakita ko ang bag na hinahanap ko katabi lang din ng ibang bag. Agad kong kinuha 'yon. Kumuha na rin ako ng damit na susuotin ko ngayon gabi. Pagkatapos ay agad na akong lumabas. Nadatnan ko pa rin siya na nakaupo sa kama niya habang nakatingin sa 'kin. "Salamat sa damit." Sabi ko at lumapit sa pintuan. Nanatili siyang nakatingin sa 'kin. Nang hindi siya sumagot ay agad na akong lumabas sa kwarto niya. Nang makapasok sa guest room ay roon lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Agad akong nagbihis ng damit. At pagkatapos ay humiga na sa kama. Pipikit na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Shiela. "Hello, ma'am Shiela," sagot ko. "Hello, ma'am Anthonette. Nasaan ka ba? Bakit wala ka sa apartment mo?" Tanong niya. Hindi pala nila alam na inuwi ako ni Aiden dito sa dati naming bahay. "Ma'am Shiela, dinala ako dito ni Aiden sa bahay namin," sagot ko. "Alam mo 'wag mo na akong tawaging ma'am. Shiela na lang." Sagot niya. Napangiti ako sa sinabi niya. "Sige." "Nandiyan ka lang pala sa asawa mo. Kumusta? Iisang kwarto lang ba kayo?" Tanong niya. Halatang kinikilig siya sa kabilang linya habang sinasabi niya 'yon. "Hindi. Sa guest room ako matutulog." Sagot ko. "What? Bakit sa guest room? 'Di ba mag-asawa kayo? Dapat iisang kwarto lang para makabuo," sagot niya. Wala talaga preno ang bibig niya. "Shiela, ano ba 'yang pinagsasabi mo?" Suway ko sa kanya. Narinig kong tumawa siya. "Alam mo, may utang kang kwento sa 'kin. Kung mag-asawa kayo, bakit parang ang sama ng pakikitungo mo sa kanya? Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?" Tanong niya. Siguro nga dapat ko ng sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Aiden. Tutal alam niya na rin na mag-asawa kami ni Aiden. "Niloko niya ako noon. Ginamit niya lang ako para makuha ang inaasam niyang kompanya. At nang bumalik na ang babaeng mahal niya talaga ay doon ko nalaman na ginamit niya lang ako. Na hindi niya pala ako minahal. At ngayon gusto niyang bumalik ako sa kanya." Pagkukwento ko sa kanya. "Ganon? Akala ko pa naman mabuting tao 'yang si sir Aiden. Katulad din pala ng ibang lalaki. Pero malay mo nagbago na talaga siya. Bigyan mo ng isa pang chance." Sagot niya. "Hindi ko rin alam, Shiela. Kahit ako naguguluhan na rin kung bibigyan ko ba siya ng isa pang pagkakataon," sagot ko. Narinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya. "Subukan mo nga. Malay mo nagbago na talaga siya. Halata naman na mahal ka ni sir Aiden." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa huling sinabi niya. Ang hirap ng ibalik ang tiwala ko sa kanya. Na kapag nagtiwala ulit ako sa kanya ay agad kong iniisip na baka uulitin niya ulit 'yon. Paano kung hindi ko na kayanin? Kinabukasan, medyo na late ako ng gising. Madaling araw na ako nakatulog dahil sa kakaisip ng sinabi ni Shiela kagabi. At ngayon ay sigurado na ako sa desisyon ko. At sana hindi ko pagsisisihan 'to sa huli. Susugal ulit ako sa pangalawang pagkakataon. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay agad akong lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko roon si Aiden na naglalagay ng pinggan sa lamesa. Napahinto siya sa ginagawa nang makita ako. "Good morning," bati niya. "Morning." Sagot ko at ngumiti. Lumapit siya sa 'kin at nagulat ako nang naramdaman ko ang dalawang kamay niya sa baywang ko. Para akong ipinako sa aking kinatatayuan ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Mabilis lang ang halik na 'yon. Pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang halik niya. "Let's eat," sabi niya at hinila ako sa isang upuan. Agad akong umupo sa upuan. Umupo naman siya sa kaharap kong upuan. "May pupuntahan ka ba ngayong araw?" Tanong niya habang kumakain kaming dalawa. "Pupunta ako kila nanay." Sagot ko. Ang totoo niyan ngayon ko lang naisip 'yon. Ang gusto ko sana ay rito lang sa bahay kasama siya. Pero alam ko naman na busy siyang tao. Kaya imposible na sasamahan niya ako. "Sasamahan kita." Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. Alam niya na galit ang pamilya ko sa kanya. Pero bakit pa niya ako sasamahan? Mapapahiya lang siya roon kapag sumama siya. Naisip niya ba 'yon? "Aiden, alam mong galit ang pamilya ko sa 'yo tapos sasama ka pa sa 'kin?" Tanong ko. "Gusto ko rin humingi ng sorry sa kanila. Wala akong pakealam kung magalit sila sa 'kin. Gusto kong ipakilala mo ulit ako sa kanila at sabihing nagkabalikan na tayo." Sagot niya. Hindi na ako sumagot pa. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Kahit na umangal ako ay siya pa rin naman ang nasusunod. Pero kinakabahan din ako sa naiisip ko. Paano kung galit pa rin sila kay Aiden? Paano kung magalit din sila sa 'kin? Pagkatapos kumain ay agad na akong naligo at nagbihis. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay agad na akong lumabas ng kwarto. Habang pababa sa hagdan ay rinig ko na ang boses ni Aiden na para bang may kausap. "Thanks, pare. Ikaw na muna ang bahala," rinig kong sabi sa kanyang kausap sa cellphone. "Don't worry, Red. I won't let that happened again." Patuloy niyang sagot sa kausap. Nang naramdaman niya ang paglapit ko ay agad siyang humarap sa 'kin at binaba ang tawag. "Let's go?" Tanong niya. Tumango lang ako at sumunod sa kanya palabas ng pinto. Buong byahe ay iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya ko kapag nakita nila ulit ako. At kasama ko si Aiden. Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa 'kin at agad na bumalik ang tingin sa daan. Ilang minuto na byahe ay huminto ang sinasakyan naming kotse sa isang sementadong bahay. Hindi 'yon kalakihan. Lihim akong napangiti sa nakikita ko. Parang dati lang ay pinapangarap ko pa lang 'to. Agad akong bumaba sa kotse at ganoon din ang ginawa ni Aiden. Lumapit kami sa isang maliit na gate. Dumungaw ako sa loob. Nakita ko si mama na abala sa pagtatanim ng mga bulaklak. "Ma," tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa 'kin at halatang nagulat nang makita ako. Tumayo siya at agad na pinagbuksan ako ng gate. "Anthonette, anak." Tawag niya at agad akong niyakap. Pero agad din siyang lumayo nang makita kung sino ang kasama ko. "Good morning po, ma." Bati sa kanya ni Aiden. Pero nanatili siyang tahimik ang masama ang tingin. "Anthonette, sana ay mali ang iniisip ko," seryosong sabi ni mama habang masamang nakatingin kay Aiden. "Ate!" Napatingin ako kay Irish at sa isa ko pang kapatid na si Camille. Lumapit sila sa amin. "Ma, magpapaliwanag po ako." Sagot ko. Tumingin si mama sa 'kin nang sabihin ko 'yon. "Talagang magpapaliwanag ka ngayon. Hindi ko gusto na makita pa ang pagmumukha ng lalaking 'to dito." Galit na sabi niya. "At ikaw. Umalis ka na dito. Hindi na kita gusto para sa anak ko." Galit niyang sabi kay Aiden. "Ma, gusto ko pong humingi ng pasensya---" "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Huwag mo ako matawag-tawag na mama. Umalis ka na. Hindi kita mapapatawad. Alis." Pagtataboy niya kay Aiden. Pilit ko siyang pinapakalma. Inaasahan ko na ang ganitong reaksyon ni mama kapag nakita niya si Aiden. "Aiden, sige na. 'Tsaka na tayo mag-usap." Sabi ko. "Susunduin kita mamayang hapon dito. Hintayin mo ako." Tumango lang ako. Agad siyang naglakad at pumasok sa loob ng kotse niya. Pagkaraan ay umalis na. Hindi na nagsalita pa si mama. Nauna siyang naglakad papasok sa loob ng bahay. Habang kaming tatlong magkakapatid ay sabay na naglakad papasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD