Chapter 1

1980 Words
Enjoy reading! LUMIPAS ang mga araw at pilit kong kinakalimutan ang pulang box na naglalaman ng marriage contract namin ni Aiden. Pati na 'yong sulat na naroon. Hindi ko dapat iniisip 'yon. Tapos na kami at wala na dapat akong pinoproblema.  "Ma'am Anthonette, alam mo ba na mayroong outing na magaganap ngayong summer?" Excited na sabi ni ma'am Shiela. Hindi ko alam 'yon. Hindi pa naman kasi napag-usapan 'yan kasama ng principal. Saan niya naman kaya narinig ang tungkol sa outing na 'yan? "Talaga po, Ma'am Shiela? Mabuti naman at naisipan 'yan ng principal natin." Nakangiti kong sagot.  "Syempre naman. Para kahit papaano ay makapag relax tayo." Sagot niya.  Ilang buwan din kaming walang pahinga sa pagtuturo. Tama naman siya. Kailangan din ng mga guro ang magpahinga kahit ngayong summer man lang. Pagkatapos nang kaunting pag-uusap namin ay kanya-kanya na kaming punta sa susunod na subject namin.  Habang naglalakad papunta sa principal's office ay nakita ko ang mga estudyante na nagsisiksikan sa gate. Hindi sila kayang suwayin ng security guard dahil sa dami nila.  Maaga ang uwian ng mga estudyante dahil pinatawag lahat ng mga guro upang pag-usapan ang tungkol sa outing namin ngayong summer. Nauna na si Ma'am Shiela kaya mag-isa akong naglalakad. Hindi ko rin mahanap si Sir Diether. Siguro ay naroon na rin sa principal's office.  Pagdating ko roon ay agad na kumaway sa akin si Ma'am Shiela. Itinuro niya ang bakanteng upuan na nasa tabi niya. Kaya agad akong pumunta sa tabi niya upang doon umupo.  "Excited na ako kung saan ang outing natin." Pabulong niyang sabi. Ngumiti lang ako sa kanya.  Ilang minuto pa ang hinintay namin. Nang kompleto na lahat ng mga guro ay sinimulan na ng principal ang pagpupulong.  "Siguro alam niyo na magkakaroon tayo ng outing ngayong summer?" Nakangiti niyang tanong. Bulong bulungan ang narinig ko mula sa mga kapwa ko guro.  "Nakahanap na ako ng place kung saan ay may magandang tanawin. Sigurado ako na magugustuhan niyo ang lugar na 'yon. At mag o-over night tayo roon." Nakangiting sabi ng principal.  Agad na nagtaas ng kamay si Ma'am Shiela. "Ma'am Laina, saan po ba ang lugar na 'yon?" "Sasabihin ko sa inyo bago tayo pupunta roon. Medyo malayo itong lugar na 'to rito. At nakausap ko na rin ang may-ari ng lugar na 'yon. Libre ang entrance natin." Nakangiting sagot ni Ma'am Laina— ang principal.  "Talaga po, ma'am? Ang bait naman ng may-ari." Sagot ni Ma'am Shiela.  Hindi naman nagtagal ang pagpupulong namin. Sinabi lang sa amin kung ano ang mga dadalhin. At kung ano ang bawal. Sinabi rin sa amin na libre pati ang sasakyan na gagamitin. Sino ba talaga ang may mabuting puso na may-ari ng lugar na sinasabi ng principal namin? Bakit parang ang sobrang bait niya naman sa mga guro.  Libre na ang entrance, pati ang sasakyan na gagamitin namin ay libre na rin. Napaka yaman niya naman. Marami rin kaming mga guro. Paano kapag nalugi siya? Baka nga sobrang yaman talaga niya.  Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog 'yon. Kaya agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Irish. Kapatid ko.  "Hello, Irish?" "Hello, ate? Kumusta?" Tanong niya.  "Okay lang naman ako. Kayo diyan? Kumusta? Si mama at papa?" Tanong ko.  "Okay lang naman kami rito, ate. Nga pala, ate, alam mo ba si Mang Tony, 'yong kapit-bahay natin? Nagtatrabaho siya sa kompanya ni Kuya Aiden."  Hindi ako nakasagot kaagad. Bakit apektado pa rin ako kapag binabanggit ang pangalan niya?  "At, ate, gusto rin akong pag-aralin ni Kuya Aiden. Tumanggi  lamg si papa at mama."  Napahigpit ang paghawak ko sa aking cellphone dahil sa sinabi ng kapatid ko. Gagawin 'yon ni Aiden? Para ano? Kapalit ng panglolokong ginawa niya sa 'kin noon? "Irish, kailangan ko ng ibaba 'to. Marami pa akong gagawin. Pag-igihan mo ang pag-aaral mo. Sige na. Bye." Agad kong ibinaba ang tawag. Wala naman talaga akong gagawin dahil tapos ko na. Ayaw ko lang marinig pa ang pangalan ng lalaking nangloko sa 'kin. Dahil kapag naaalala ko lahat ng mga ginawa niya ay bumabalik lahat ng sakit.  Ayaw ko pa siyang makita. Ayaw ko pang makausap siya. At ayaw ko pang patawarin siya. Masakit ang ginawa niya sa 'kin. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin akong isipin na ginamit lang niya ako.  ——— Kinabukasan ay sabado kaya walang pasok. Kapag mga ganitong araw ay nasa apartment lang ako. Nagkukulong. Wala akong masyadong kakilala rito. At wala rin naman akong gana lumabas.  Pagkatapos kong magluto ng umagahan ay naisipan kong maglinis. Kaunti lang naman ang dumi kaya hindi ako nahirapan sa paglilinis.  Napahinto lang ako nang may kumatok sa pinto. Inayos ko muna ang magulo kong buhok at nagpunas ng pawis. Pagkatapos ay agad akong pumunta sa pinto para pagbuksan kung sino man 'yong kumakatok. Isang lalaki.  "Good morning po. Ikaw po ba si Anthonette Castillo-Sarmiento?" Tanong niya habang may hawak na papel at doon binasa ang pangalan ko.  "Anthonette Castillo lang po." Sagot ko. Napakunot noo siya. Para bang naguguluhan.  "Pero ang nakalagay pong address ay rito sa bahay niyo po." Sagot niya.  "Ano po bang kailangan niyo?" Tanong ko. May binigay siyang susi. Susi ng kotse? Hindi ko 'yon tinanggap.  "May nagpapabigay po nito sa 'yo, ma'am." Sabi niya nang hindi ko tinanggap ang susi.  "Sino?" Tanong ko.  "Wala pong nakalagay na pangalan kung kanino galing." Sagot niya.  "Bakit susi lang? Nasaan ang kotse?" Tanong ko. Hindi rin biro itong sasakyan na 'to. Mamahalin.  "May letter din pong pinadala sa 'kin." Sagot niya at binigay sa 'kin ang isang papel.  "Paki pirmahan na lang po rito, ma'am." Sabi niya at binigay sa akin ang papel at ballpen. Agad kong pinirmahan 'yon.  "Salamat po, ma'am." Sabi niya at agad na umalis. Habang ako ay tinitingnan ang hawak na susi at letter. Hindi na ako magugulat kapag kay Aiden galing ang mga 'to.  Sinarado ko na ang pinto at agad na umupo sa sofa. Pagkatapos ay nilagay ko sa lamesa ang susi. At agad kong binuksan ang letter at binasa ang nakasulat doon.  Hindi na ako makapaghintay na bumalik ka ulit sa 'kin. Kung gusto mong makuha ang sasakyan,bumalik ka sa San Miguel. Ibibigay ko sa 'yo. I miss you and I love you, my wife.   Your husband, Aiden Pagkatapos kong basahin ang sulat ay agad kong pinunit 'yon. Ang kapal ng mukha niya para sabihin pa sa 'kin lahat ng ‘yon. Pagkatapos ng lahat nang ginawa niya sa 'kin noon? Sa tingin niya ay mapapatawad ko pa siya?  Pagkaraan ay tumayo na ako at itinapon ang punit-punit ng papel sa basurahan. Hindi ko dapat iniisip lahat nang sinabi niya sa sulat. Dalawang taon na ang lumipas. At dapat ko na siyang kalimutan.  ——— Pagkatapos nang pasukan at graduation ay nakapag-pahinga na rin kami. At bukas ay outing na namin. Hindi ko pa rin alam kung saan nga ba ang lugar na tinutukoy ng principal namin. Pero base sa mga kwento niya halatang maganda ang lugar na pupuntahan namin. Sana nga. Para naman kahit papaano ay makalimutan ko ang mga iniisip ko.  Abala ako sa pag-aayos ng mga damit na dadalhin ko para bukas. Maaga ang alis namin dahil malayo layo pa raw ang byahe papunta sa lugar na sinasabi ng principal. At magkikita ang lahat sa school. Dahil doon rin maghihintay ang sasakyan na magsusundo raw sa amin. At dahil overnight kami roon, ilang pirasong damit ang mga dinala ko. Inilagay ko lahat 'yon sa isang malaking bag.  Kinabukasan madaling araw pa lang ay gising na ako. Agad akong naligo at nagbihis. Simpleng pantalon lang at isang t-shirt na bigay ng school. Ito raw ang susuotin namin para sa outing. At tinakpan ko 'yon ng suot kong jacket. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng bahay. Madilim pa at walang katao tao sa paligid.  Nag-abang ako ng masasakyang jeep. Ilang minuto pa ay agad na may dumaan kaya sumakay na ako.  Pagdating sa school ay sumalubong sa 'kin si Ma'am Shiela. "Ma'am Athonette! Nako, excited na talaga ako sa pupuntahan natin. Sana, roon ko na mahahanap ang lalaking para sa 'kin." Kinikilig niyang sabi.  "Sana nga, ma'am." Sagot ko.  Ilang sandali lang ay nagsidatingan na rin ang mga kapwa ko guro. At isa na roon si Sir Diether. Pagkarating niya ay agad siyang pumunta sa amin ni Ma'am Shiela.  "Hi, Ma'am Anthonette." Bati niya.  "Hello, sir." Bati ko rin sa kanya.  "Nako, naiinggit ako sa inyong dalawa." Panunukso ni Ma'am Shiela.  Magsasalita pa sana ako nang may pumasok na mga puting sasakyan. Limang sasakyan ang sunod-sunod na pumasok. At may nakasulat sa gilid na pangalan.  "A.A Resort." Basa ni Ma'am Shiela. Ito na siguro ang susundo sa amin.  "Mga teachers, bago tayo bumyahe, katulad ng pinangako ko sa inyo. Sasabihin ko na kung saan nga ba ang outing natin." Sabi ng principal.  "Sa A.A Resort tayo pupunta. At ang mga sasakyan na 'to ay pagmamay-ari ng resort. " Dugtong pa niya.  "Ma'am Laina, saan po ba ang resort na 'yan?" Tanong ng isang kasama namin.  "Sa San Miguel." Napatingin ako sa principal namin nang sabihin niya 'yon. Sa San Miguel kami pupunta. Kaya pala ang sabi niya ay malayo ang pupuntahan namin. Bakit doon? Sana hindi na lang ako sumama kung alam ko lang na roon pala kami pupunta.  Nakakahiya naman kung ngayon pa ako aayaw.  "Okay na ba? Kompleto na lahat? Pwede na kayong sumakay sa van." Agad na sumakay ang mga kasama ko sa mga van. Habang ako ay parang gusto kong umatras.  "Ma'am Anthonette, bakit hindi ka pa sumasakay?" Tanong ng principal.  "Ma'am, pwede po ba na hindi na lang ako sasama?" Mahina kong tanong.  Napakunot noo siya sa sinabi ko. "Bakit naman? Hindi na pwede, ma'am. Nakalista na kayong lahat. Nakakahiya sa may-ari ng resort dahil inaasahan niya tayong lahat." "Sorry po ma'am. Sige po sasakay na po ako," sagot ko at agad na sumakay sa van kung saan naroon si ma'am Shiela.  Hindi ko akalain na ngayon pala ako makaka-uwi sa San Miguel. Hindi ko inaasahan 'to. Sana lang hindi kami magkita. Bakit kasi sa dinami-rami ng mga resort bakit sa San Miguel pa? Ilang oras din ang byahe namin. At nakatulog na kami sa tagal ng byahe.  Magtatanghali na nang makarating kami sa resort. Sa entrance pa lang ay mapapahanga ka na sa ganda. Halatang inalagaan nang maayos. Malinis ang bawat paligid hanggang sa pagpasok sa loob ay kamangha-mangha ang paligid.  Hindi ko akalain na may ganito ka gandang resort dito sa San Miguel. Mukhang ligtas naman ako rito. Hindi mahilig pumunta sa mga resort si Aiden. Kaya wala akong dapat na ika-bahala.  Nang huminto na ang van na sinakyan namin ay isa-isa kaming lumabas dala ang mga gamit namin.  "Welcome to A.A Resort!" Isang babae ang sumalubong sa amin.  "Thank you. Narito ba ang may-ari ng resort? Pakisabi na ako si Laina Concepcion." Tanong ng principal namin sa babae. "Opo, ma'am. Hinihintay na po kayo ni sir." Sagot ng babae at ngumiti. Agad niya kaming sinamahan papasok sa loob ng resort. Nagpahuli kami ni ma'am Shiela. May nakita akong maraming kubo sa paligid. Ang ganda nang pagkakagawa. At halatang mamahalin ang bawat materyales na nilagay roon.  "Sir, narito na po sila." Rinig kong sabi ng babae sa may-ari nitong resort.  "Good afternoon, Ma'am Concepcion." At bigla akong kinabahan sa narinig kong boses. Pamilyar sa 'kin ang boses na 'yon. Alam ko ang boses niya. Agad kong sinilip kung sino 'yon.  "Good afternoon rin, Mr. Sarmiento." At para akong ipinako sa kinatatayuan ko. Si Aiden Sarmiento ang may-ari ng resort na 'to. Paano nangyari?  "Mabuti at nakarating kayo nang maayos rito sa resort." Magalang niyang sabi.  "Ma'am Anthonette, tingnan mo ang may-ari ng resort, ang gwapo!" Kinikilig na bulong sa 'kin ni ma'am Shiela. Bakit siya? Sabi ko na nga ba dapat hindi na ako sumama pa rito. Dahil posible na makita ko siya. ©Miss_Terious02
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD