Prologue

1485 Words
Enjoy reading! "I don't love her, Meghan. I used her."  Dahil sa narinig ko ay napatakip ako ng bibig. Ang sakit marinig mula sa kanya ang katotohanan. Si Meghan ay ang kanyang first love. Ang akala ko dati ay wala na siyang nararamdaman sa babae. Pero nagkamali ako. Ang galing niyang magtago!  "Really, Aiden? Ang akala ko ay hindi mo na ako mahal kaya ka nagpakasal sa kanya." Sagot ni Meghan.  "Wala ka pa noon kaya siya ang pinakilala ko kay mama at papa. Pinakasalan ko lang siya noon dahil kailangan." At doon na tumulo ang luha na kanina ko pa  pinipigilan.  Hindi nila alam na narito ako. Hindi nila alam na naririnig ko sila habang sinasabi nila ang katotohanan. Ang sakit lang isipin na ginamit lang ako ni Aiden. Sa dalawang taon na nagsama kami ay puro kasinungalingan lang pala lahat ng 'yon. Ano ba ang kasalanan ko sa kanya? Minahal ko siya nang higit pa sa sarili ko. Minahal ko siya nang totoo. Tapos ito lang ang igaganti niya sa 'kin?  Nang hindi ko na matiis ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nanlaki ang mga mata nila nang makita ako.  "Anthonette..." Gulat  na sabi ni Aiden.  Hindi ako nagsalita. Hindi ko kayang magsalita dahil sa pag-iyak ko. Sapat na lahat ng narinig ko mula sa kanya. Sa kanya na mismo galing ang totoo. Inilang hakbang ko ang pagitan namin at sinampal siya. Pati si Meghan ay hindi ko pinalagpas.   "I'm sorry, Anthonette." Mahinang sabi ni Aiden. Nanginginig ako sa galit habang kaharap ang dalawang manloloko na 'to.  "Masaya ka na? Nakuha mo na 'yong gusto mo. Na sa 'yo na ang pinaka inaasam mong kompanya." Galit  kong sabi.  "Anthonette---" "Ang galing. Napaniwala mo ako na mahal mo ako. Habang ako, minahal ka nang totoo. Ang tanga-tanga ko para maniwala sa kasinungalingan mo." Napapunas ako ng luha nang sabihin ko 'yon.   "Sabihin mo nga sa 'kin, Aiden. Pati ba 'yong mga nabgyay sa atin parte lang din ng kasinungalingan mo? Ang tanga ko para ibigay sa 'yo ang katawan ko! Nandidiri ako kapag naaalala ko 'yon." Galit kong sabi.   "I'm sorry---" "Wala ng kwenta 'yang sorry mo. Ayaw ko ng makita pa 'yang pagmumukha niyo." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad na akong lumabas ng condo.  Naalala ko na naman ang nangyari tatlong taon na ang nakalipas. Kung paano ako niloko. Kung paano ako ginamit ng isang Sarmiento. Napatayo ako at pumunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig.  Pagkatapos kasi sa nangyari ay agad akong umalis sa San Miguel kasama ang mga magulang at ang dalawa kong kapatid na babae. Lumayo kami roon. Yung malayong malayo na hindi ko na ulit siya makikita.  Dahil sa nangyari ay binuhos ko ang buong atensyon ko sa pag-aaral. At nakapag tapos ako ng education. Ngayon ay nagtuturo ako sa isa malapit na public school. High school student ang tinuturuan ko at kahit papaano ay nag e-enjoy ako sa pagtuturo.  Pinapaaral ko na rin ang dalawa kong kapatid. Habang ang mga magulang ko ay pinili nilang bumalik sa San Miguel dahil ayaw nilang umalis doon. Wala rin naman akong magagawa. Buwan-buwan ay pinapadalhan ko na lang sila ng pera pang gastos.  Habang ako ay nagre-renta ng apartment. Hindi naman masyadong kalakihan. Sakto lang para sa isang tao.  "Good morning po, ma'am Anthonette." Bati sa 'kin ni manong guard pagpasok ko sa gate ng school.  Ngumiti ako sa kanya. "Good morning din po."  Dumiretso ako sa office para sa attandance ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa faculty room.  "Good morning, Ma'am Anthonette." Bati sa 'kin ni Diether. Isa siya sa mga kapwa ko guro rito. At mabait siyang tao. Kada dating ko rito sa faculty room ay binabati niya ako at sinasalubong.  "Good morning," bati ko pabalik.  "Kumusta? Masaya ba ang weekend mo?" Tanong niya. Inilapag ko ang dala kong bag at laptop sa lamesa ko at umupo. Habang siya ay nakatayo sa harap ng lamesa ko.  "Nako, kunwari ka pa, Sir Diether. Sabihin mo na kasi na crush mo si Ma'am Anthonette." Pang-aasar ni Shiela. Kapwa ko rin guro.  "Si Ma'am Shiela naman ang hilig asarin si Sir Diether." Nahihiya kong sabi.  "Totoo naman kasi. Kailan mo ba kasi 'yan payagan na manligaw para naman may love team na rito." Kinikilig na sagot niya. Nginitian ko lang siya.  "Sir Diether, mamaya na ulit tayo mag-usap. May klase na kasi ako." Paalam ko at tumayo. Kinuha ko ang laptop ko at lumabas na ng faculty room.  Alam ko naman na may gusto sa 'kin si Sir Diether. Binata pa siya. At sa pagkaka-alam ko ay wala siyang girlfriend. Dati nga inisip ko na baka bakla siya kasi ayaw niyang magka girlfriend. Pero nang sinabi sa akin dati ni Shiela na may gusto si Sir Diether sa akin ay unti-unti akong umiiwas na sa kanya.  Ayaw kong umasa siya. Nangako ako sa sarili ko noon na ayaw ko na munang pumasok pa sa relasyon. Tsaka na kapag handa na ulit ako. Sa ngayon ay gusto ko munang i-enjoy ang sarili ko sa pagtuturo. Hindi ko pa kayang magmahal ulit. Buong araw akong nagturo. Limang section ang pinapasukan ko araw-araw. Hindi madali ang maging guro. Swerte mo na lang kapag mababait ang mga estudyante. Pero dahil simula noon ay pangarap ko na talaga maging guro.  Pagkatapos ng huling section na tinuruan ko ngayong araw na ' to ay pagod akong pumasok sa faculty room. Sinalubong ako ni Shiela na may dalang pulang box. Iniabot niya sa 'kin.  "Ano 'to?" Takang tanong ko. Inilapag ko 'yon sa lamesa ko kasama ang laptop. "Ewan ko ba riyan. Ang gulo nga ng surname niyan e. Sarmiento? 'Di ba Castillo ka naman? Pero ang nakalagay na pangalang ay sa 'yo." Naguguluhang sabi niya. Sarmiento? Agad kong hinanap kung nasaan ang pangalan na sinasabi ni Shiela.  To: Anthonette Castillo-Sarmiento. Tama nga ang sinabi ni Shiela. Bakit Sarmiento? Ang alam ko ay hiwalay na kami ni Aiden. May pinirmahan ako dati na annulment paper. At nakapagtataka, kanino galing 'tong box na 'to? Huli na yata siya sa balita para ilagay pa ang apelyido ni Aiden sa pangalan ko. "Kasal ka na ba, ma'am?" Tanong ni Shiela.  "H-hindi. Baka nagkamali lang sila ng lagay ng apelyido." Pagsisinungaling ko.  "Ganon ba? Akala ko kasal ka na. Baka umiyak si Sir Diether kapag nalaman niyang kasal ka na." Sagot niya at tumawa.  Hinanap ko kung kanino ba talaga galing itong box na 'to. Pero walang nakasulat. Ayaw ko munang buksan. Sa apartment ko na bubuksan.  Agad kong inayos ang sarili ko. Naglagay lang ako ng pulbo at sinuklay ang buhok ko. Pagkatapos ay inayos ko na rin ang mga gamit ko. Pagkaraan ay nag paalam na ako sa kanilang lahat na naroon pa.  Pagkatapos kong mag log out sa office ay agad akong lumabas ng gate at nag-abang ng masasakyang jeep. Isang sakay lang naman pauwi sa apartment ko. Ngunit ilang minuto lang ay may bumusina sa gilid ko.  "Ma'am Anthonette, sakay na." Nakangiting sabi ni Sir Diether.  "Huwag na po. Maya-maya ay may jeep naman." Pagtanggi ko. Tapos na rin pala siya sa pagturo. Ang akala ko ay mamaya pa siya.  "Sige na, ma'am. Mamaya ay siksikan na rin ang mga pasahero kasi uwian na. Kaya sige na sumabay ka na sa 'kin." Wala akong nagawa kung 'di ang sumakay sa kotse niya.  Habang bumabyahe ay panay ang kwento niya sa 'kin. Pati ang box kanina ay alam niya. Siguro sinabi ni Ma'am Shiela sa kanya.  "Dito ka ba nakatira?" Tanong niya at sumilip sa labas.  "Oo. Sige salamat, sir." Sagot ko at agad na pumasok sa gate. Pagkasara ay agad akong naglakad papasok sa loob ng apartment ko. Nilapag ko sa maliit na lamesa ang mga dala ko. Napatingin ako sa pulang box. Umupo ako sa sofa at hinawakan ang pulang box. Kumuha ako ng gunting sa bag ko at ginupit ang puting ribbon na nakatali roon.  Pagkatapos ay agad kong binuksan ang takip. Napakunot noo ako sa papel na naroon. Isang marriage contract. Marriage contract namin ni Aiden. Bakit ito yung laman ng box? Anong ibig sabihin nito? May naiwang isang letter sa loob ng box. Kaya agad kong kinuha 'yon at binasa ang nakasulat. I miss you, baby. Gustong gusto na kitang makita. Hindi na ako makapag hintay na makuha ka ulit. Your husband, Aiden Agad kong pinunit ang sulat na 'yon kasama ang marriage contract. Paano nangyari na hindi pa kami hiwalay ni Aiden? May pinirmahan ako dati na annulment paper. Imposible na kasal pa kami hanggang ngayon!  Inilagay ko ang punit-punit ng mga papel sa box at itinapon ko 'yon sa basurahan. Kung akala niya ay babalik pa ako sa kanya, nagkakamali siya. Ayaw ko ng maniwala ulit sa mga kasinungalingan niya. Natuto na ako. Hindi na ako yung Anthonette na kilala niya tatlong taon ang nakararaan.  Kahit anong gawin niya ay hindi na ako maniniwala pa sa kanya. ©Miss_Terious02
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD