Chapter 2

1920 Words
Enjoy reading! NANATILI ako sa pinaka-huli kasama si ma'am Shiela habang ginagala kami ni Aiden sa kaniyang resort. Pinipilit kong magtago sa tuwing lilingon siya. Bakit nga ba ako magtatago sa kanya? Wala akong kasalanan. Siya pa nga ang may kasalanan sa akin, kaya dapat siya ang matatakot sa 'kin. Pero bakit ako yung natatakot? Bakit ayaw kong makita niya ako rito sa resort niya? Dahil siguro ayaw ko pa siyang makita. Dahil galit pa ako sa kanya at baka kung ano pa ang masabi ko kapag nagkita na kami. "Ma'am Anthonette, ang ganda talaga rito sa resort ni kuyang gwapo. Tama nga si ma'am Laina ang ganda rito," nakangiting sabi ni ma'am Shiela habang naglalakad. Wala akong alam na mayroon siyang ganitong resort noon. Ang alam ko lang ay mayroon silang kompanya na gusto niyang makuha mula sa mga magulang niya kaya pinakasalan niya ako. Huminto kaming lahat sa paglalakad. Humarap si ma'am Laina sa amin at ganoon din si Aiden. At doon nagtama ang aming mga tingin. Pinipilit kong maging matapang habang nakatitig sa kanya. "Mga kapwa ko guro. Gusto kong ipakilala sa inyo si sir Aiden Sarmiento. Siya ang may-ari ng resort na ito." Pagpapapakilala ni ma'am Laina sa kaniya. Pagkaraan ay ako ang unang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa. "Sir Aiden! May girlfriend ka na po ba?" Biglang tanong ni Shiela kaya napatingin siya sa gawi namin. "I'm already married," biglang bumilis ang t***k ng aking puso nang sabihin niya 'yon. Huwag siyang magkakamali na sabihin sa lahat ang tungkol sa amin. "Ay sayang," bulong ni Shiela sa tabi ko. Tumingin siya sa 'kin. "Ikaw ma'am? May itatanong ka ba kay sir Aiden?" Tanong niya. Umiling ako bilang sagot. Ilang minuto pa ang pag-uusap nila ni ma'am Laina habang kami ay tinulungan ng mga staff ng resort upang ituro sa amin ang mga kubo na paglagyan namin ng mga gamit. Sa isang kubo ay tatlong tao. At ang kasama ko ay si Shiela at ang isa pang kapwa ko guro. "Pinapasabi po pala ni sir Aiden na kakain po muna kayo ng tanghalian." Napatingin kaming tatlo sa babaeng staff na naghatid sa amin dito sa kubo. Hindi ko alam pero sa akin siya nakatingin. Sa akin ba niga sinabi 'yon? "Saan ba pwedeng kumain dito?" Biglang tanong ni Shiela. "Sasamahan ko po kayo sa canteen ng resort," magalang niyang sagot. Habang naglalakad ay panay ang tingin ko sa paligid. Dinaanan namin ang malaking swimmimg pool. May mga naliligo roon at ang iba naman ay na sa gilid lang at naka-upo. May nadaanan rin kaming isang sementadong bahay. Hindi naman kalakihan pero ang ganda ng disenyo. Ilang minutong paglalakad ay huminto kami sa canteen na tinutukoy ng babae. Maraming turista ang nasa loob at kumakain din. Naroon na rin ang mga kasamahan namin. Kumaway sila sa amin kaya agad na kaming pumasok sa loob at lumapit sa kanila. Mahabang lamesa ang sa amin. Kaya napapatingin ang iba sa puwesto namin. "Ma'am Anthonette, dito ka na umupo," tawag sa akin ni sir Diether at tinuro ang bakanteng upuan na sa tabi niya. Tutal ay 'yon lang naman ang natitirang bakante ay roon na ako umupo. Ilang sandali lang ay agad na may dumating ang mga pagkain. Nagulat pa ako sa daming nakahain sa lamesa namin. Halos lahat yata ng mga recipe rito sa canteen nila ay nasa harapan namin. "Sobrang bait talaga ng may-ari ng resort na 'to. Pati pagkain libre," sabi ng kasamang guro namin na lalaki. Bakit niya ginagawa lahat nang ito sa amin? Hindi niya ba naisip na baka malugi siya sa ginagawa niya? Habang kumakain ay pinaplano na namin kung ano ang gagawin namin ngayong araw na 'to rito sa resort. At mamayang gabi. "Nagustuhan niyo ba ang mga pagkain?" Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Si Aiden. Diretso siyang nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. s**t. "Sir Aiden kain po. Salamat po pala sa mga pagkain. Ang sarap po," sagot ng isang lalaki na kasamahan din namin. "You're welcome. Kung gusto niyo pa ay huwag kayong mahiya na tawagin ang mga tauhan ko rito," sagot niya. Ayaw kong tingnan pa siya. Dahil hindi ko kaya. Sana matapos na itong araw na 'to. Dahil hindi ko kayang makasama sa iisang lugar ang taong nangloko at ginamit lang ako dati. Dahil hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kaniya at sa babae niya. Kung pwede lang umuwi na ngayon ay kanina ko pa ginawa. Pagkatapos kumain nang tanghalian ay kanya-kanya kaming labas ng canteen. Kasama ko si Shiela habang naglalakad kami pabalik sa aming kubo. Mabagal lang ang bawat hakbang namin dahil naghahanap pa ng gwapong turista itong kasama ko. Baka raw dito niya mahahanap ang makakatuluyan niya. Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Sa di kalayuan ay natanaw ko si Aiden na naglalakad papalapit sa amin kaya napahawak ako kay Shiela. Napahinto siya sa paglalakad at tiningnan ako. "Bakit ma'am?" Nag-aalalang tanong niya. "W-wala. Tara na," sagot ko at naglakad na. Mas mabilis ngayon ang paglalakad namin dahil ako ang nauuna sa aming dalawa. Habang papalapit kami kay Aiden ay mas lalong bumilis ang t***k ng aking puso. Hindi dapat malaman ng lahat ang tungkol sa nakaraan namin ni Aiden. Lalo na ngayon na hindi pa pala kami tuluyang naghiwalay dahil may bisa pa rin ang kasal namin. Ano na lang ang sasabihin ng mga kasamahan ko sa trabaho? Siguradong tatanungin ako tungkol sa amin. "Hi, sir Aiden." Huminto kami ni Shiela sa harap mismo ni Aiden. Huminto rin siya at tinitigan ako. "Hi. What's your name again, ma'am?" Tanong niya kay Shiela. "Shiela. Shiela Flores," pagpapakilala niya. "Nice to meet you, ma'am Shiela." Sagot niya at tinanggap ang pakikipag-kamay ni Shiela. "Siya naman si Anthonette Castillo." Pagpapakilala sa 'kim ni Shiela. Plastik akong ngumiti sa kaniya. Habang siya ay ganoon pa rin ang mukha. Seryoso. "Pwede ko bang maka-usap sandali si ma'am Anthonette?" Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Damn you, Aiden! Halatang nagulat si Shiela sa tanong niya. Hindi kaagad nakapag-salita. Nakatingin lang siya sa 'akin na para bang hinihintay ang sasabihin ko. Kailangan kong makahanap nang idadahilan ko. Ayaw kong malaman ni Shiela ang tungkol sa amin. Damn it! "Bakit sir? Kilala mo po ba siya?" Tanong ni Shiela. Hindi siya sumagot. Sa halip ay tinitigan niya ako. s**t. Huwag ngayon Aiden! "A-ano k-kasi ma'am Shiela...." Hindi ko alam kung ano ba talaga ang idadahilan ko. Tangina ka talaga Aiden! "She's my wi---" "Amo siya ng tatay ko sa probinsiya!" Napapikit ako nang sabihin ko 'yon. Muntikan na. Tiningnan ko siya ma ngayon ay masama ang tingin sa 'akin. "Ganon? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin kanina?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shiela. "K-kasi ngayon ko lang siya.....namukhaan," pagsisinungaling ko. "Sige. Maiwan ko muna kayo. Punta lang ako sa kubo natin." Paalam niya sa 'kin at pagkatapos ay kay Aiden. "Sir, mauna na po ako. Bye," paalam niya at naglakad na palayo sa amin. Napatingin ako sa paligid namin. Baka may makakita pa sa amin dito na kakilala ko. Nang makita kong wala naman ay agad akong tumingin sa kaniya. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Hindi ako nagsalita. Naglakad ako pabalik na hindi siya nilingon. Hindi dapat kami nag-uusap sa public place dahil siguradong malalaman ng lahat. Patuloy lang ako sa paglalakad at naghahanap nang lugar na tago. Sa ganon ay walang makakakita sa amin. Ngunit nagulat ako nang hinawakan niya bigla ang braso ko at hinigit ako sa sementadong bahay na nakita ko kanina. Agad niyang binuksan iyon at pinapasok ako sa loob at ganoon din siya. Kung maganda sa labas ay mas maganda rito sa loob ng bahay. Halatang lahat ng mga gamit dito ay mamahalin. Kompleto sa gamit. May mga paintings na naka sabit sa dingding. Napasinghap ako nang hinawakan niya ang bewang ko at hinigit ako palapit sa kaniya. Agad kong itinukod ang kamay ko sa dibdib niya upang hindi tuluyang magdikit ang mga katawan namin. "I miss you, baby." Bulong niya. Pilit akong kumuwala sa mga bisig niya na nasa bewang ko ngunit mas lalo lang niyang idinikit ang sarili niya sa 'kin. Naaamoy ko na ang mabango niyang perfume sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. "Comeback to me, please baby." Mahina niyang sabi at idinikit ang noo niya sa aking noo. Napakuyom ako ng kamay dahil sa ginagawa ng kamay niya sa likod ko. Gumagala iyon pababa. "Aiden...." "Bumalik ka na sa 'kin. I can't live without you, wife. I'm sorry for what I did before. I didn't use you. Please maniwala ka sa 'kin." pagmamakaawa niya. "Kailangan ko ng bumalik sa kubo," sabi ko at pilit na kumawala sa kaniya. Ngunit hindi ako nag tagumpay. "Gusto mo bang makuha ang kotse? Nasaan 'yong susi na binigay ko sa 'yo?" Tanong niya. Napatigil ako sa pagpupumiglas dahil sa sinabi niya. "Hindi ko kailangan ang kotse mo." Agad kong kinuha sa bulsa ng pantalon ko ang susi na binigay niya sa 'kin. "Sa'yo na 'yang susi mo," Kanina'y napaka kalmado ng mukha niya. Pero ngayon ay masama ang tingin niya sa 'kin. "Ayaw mo ng kotse na 'yan? Sabihin mo kung anong gusto mo. Ibibigay ko sa 'yo," mahina niyang tanong. "Gusto kong lumayo sa 'yo. Iyon ang gusto ko, Aiden. Kaya pwede ba bitiwan mo na ako. At ayaw ko ng makita ka." Diretso kong sagot. "No. Magpapaliwanag ako kung bakit ko nasabi 'yon dati. Ayaw kong mawala ka pa ngayong nagkita na muli tayo," bulong niya. Umiling ako. Dapat nga hindi na muli kami magkita. "Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa 'yo? Pagkatapos ng lahat ng mga sinabi mo noon? Nagpapatawa ka ba?" "Please, baby." Buong lakas kong tinanggal ang mga kamay niya na nakayakap sa akin. Lumayo ako sa kaniya. "Nananahimik na ako. Masaya na ako kahit ako lang mag-isa. At kaya kong mag-isa habang buhay. Kaya sana huwag mo na akong guluhin pa. Nagmamakaawa rin ako sa 'yo, Aiden. Tapos na tayo." Pagkatapos kong sabihin lahat ng 'yon ay agad akong lumabas. Mabuti na lang at walang tao sa paligid paglabas ko. Mabilis ang bawat lakad ko pabalik sa kubo. Hindi na ako lumingon pa kung saan ako nanggaling. Pagdating ko sa kubo ay mikha kaagad ni Shiela ang nakita ko. Nakatingin sa akin na para bang sinusuri ako. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Kaming dalawa lang ang narito. Wala ang isa pa naming kasama. Siguro ay nasa labas at gumagala. "Ang gwapo ni sir Aiden, ano?" Seryoso niyang tanong. Palagi niyang tinatanong sa akin 'yon. Pero ngayon ko lang siya nakita na nagtanong ng ganiyan na seryoso ang mukha. "Anong masasabi mo, ma'am Anthonette?" Tanong niya. Napatingin ako sa kaniya. May kutob ako na may alam na siya tungkol sa amin ni Aiden. "Ma'am Shiela, lilinawin ko lang po 'yong tungkol sa amin ni Aid-- sir Aiden," kinakabahan kong sabi. "May nakaraan ba kayong dalawa? Kasi base sa tingin ni sir Aiden mayroon e." Tanong niya. Wala na dapat may makaalam ng tungkol sa amin ni Aiden. Nakaraan na 'yon. Dapat ng kalimutan. At ayaw ko ng maalala pa lahat ng 'yon. Pero makakaya ko bang sabihin kay Shiela ang tungkol doon? Bumuntong hininga ako. "M-magkaibigan kami dati," "Iyon lang? Friends lang talaga kayo? Parang hindu naman," nakangiti niyang sabi. "Ikaw ma'am Anthonette may nililihim ka sa 'kin." Nakangiti niyang sabi. Ngunit hindi na ulit kami nagsalita nang dumating ang isa pa naming kasama. Mabuti na lang. Dahul kung hindi ay baka napilitan na akong umamin kay Shiela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD