Chapter 7: Buhawi

3469 Words
Alas singko ng umaga ng gumising at mag-set ng alarm si Giordano. Iyon rin ang oras ng gising ni Chanel na nagre-ready naman sa shooting na kanyang pupuntahan. Naghanda lang ang binata ng cereals na kanyang magiging almusal. Pagkatapos maligo ay kinuha niya ang cellphone at idi-nial doon ang kanyang kaibigan na siyang nag-organize ng sky diving na gagawin niya malapit at tanaw ang Taal Volcano. Hindi pa niya nasusubukan dito dahil madalas na ginagawa niya iyon sa kanyang hometown sa Iba,  Zambales. Ngunit madalas na nagtutungo rin siya sa Isla ng Marinduque, kung saan nakatayo ang diving company ng kaibigan niya. Sakop nito ang scuba at sky diving na madalas niyang gawin. Nag-invest pa ito sa Isla niya para sa mga turistang hilig ang ganitong hobby. Kung kaya naman mayroon siyang discount at mga prebelihiyong nakukuha tuwing magda-dive gamit ang organizer ng kumpanya, ang nakakatawa pa ay binigyan siya nito ng sariling team na makakasama sa mga diving na madalas at hilig niyang gawin.   “I am sorry kung nagbago ang isip ko sa oras, Dameil.” hingi niya agad ng paunmanhin nang sumagot ito sa kanyang tawag, “May lakad pa ako pagkatapos nito siguro after lunch.”   “Ayos lang, naiintindihan ko at ng team na gusto mong gawin ito kasabay ng pagsikat ng haring araw.” pagak pa itong tumawa sa kabilang linya, “Ano, doon na ba kayo magkikita sa lugar?”   “Sige, chopper ko nalang rin ang gamitin natin sa aking pagtalon. Treat ko nalang ng almusal ang team.”   “Sige, ikaw ang bahala. Guide lang kami sa’yo.” sang-ayon nito na ikinangiti ng malawak ng binata, “At ilang feet ba ang plano mong talunin ngayong araw, Giordano?”   Ang lalaking kausap niya ay may-ari ng diving company sa buong kapuluan, sikat at mapagkakatiwalaan ang kumpanyang iyon. Kaklase niya rin ito noong college pero hindi niya lubusan na kaibigan. Magkakilala lang sila, madalas na mag-usap. May-ari rin siya ng sikat na para gliding company.   “Ten thousand feet,” walang gatol na tugon ni Giordano, “Maayos naman ang panahon hindi ba?”   Pagak na tumawa si Dameil na siyang may-ari ng diving company na kanyang kausap.   “Wala namang balita na mayroong sama ng panahon,” tugon nitong patuloy na humahalakhak, “Natatakot na ba ngayon ang isang Giordano Matthew Andrade? Bakit hindi ka kumuha ng tandem?” “Ayoko, gusto ko pa rin ng solo jump.” mariing pagtanggi niya sa suhestiyon nito, “It’s not my first time Dameil, at palagi akong solo na tumatalon mula noong kahiligan ko na ito.”   “Seryoso ka ba diyan?” hindi makapaniwala nitong tanong, “Pero sa ten thousand feet ay first time mo.”   “Ganundin naman iyon, at kailan pa ako nagbiro ng tungkol sa hobby kong ito?” ganting tanong niya dito ng natatawa na rin, “Huwag kang mag-alala, walang mangyayaring masama kung iyon ang iniisip mo.”   “O sige, e-organize ko na ang special team mo para naman maalagaan ka,” anang kausap niyang sa tono ng tinig ay talunan na, “VIP customer ka namin eh, kaya dapat kang alagaan at ingatan.”   Tumawa lang muli si Giordano sa huling sinabi nito dahil alam niyang inaalaska lang siya nito.   “Wala bang sasamang tumalon sa mga kaibigan mo?” ilang saglit ay tanong pa nito na agad ikinailing ni Giordano kahit na hindi naman siya nito nakikita, maya-maya pa ay mahina na siyang natawa nang maalala ang pagtalon dati ni Roch kasama siya sa four thousand feet, hindi sinasadyang naihi ito sa kanyang pants right after they landed sa labis na takot at kaba. “Maiba lang, malay natin mayroon.”   “Wala, siguro kung pagtalon sa dagat ng mga babae at hindi ng mga ulap baka sakaling nag-uunahan pa sila sa pagpresinta kung sino ang sasama sa kanila.” tugon niya na malakas ng tumawa.    “Alright, how about your girlfriend then?” muling tanong nito, kilala ng lalaki si Chanel bukod sa pagiging artista nito na sikat sa kapuluan ng bansa, “Matagal na panahon noong huli siyang nag-dive.”   “Mayroon siyang shooting today.” maikling tugon nito, ilang beses na niya rin itong isinama na tumalon.   “Solo ka ngang talaga,” halahakhak nito na kapagdaka ay tinapos na ang tawag, “O sige, ingat ka sa pagtalon mamaya.” saad nito bilang pamamaalam sa kanya, “Good luck, Giordano!”   “Thank you, Dameil.” tugon niya bago mamatay ang tawag.   Sinimulan niya ng kainin ang cereals habang kausap sa chat ang fiancee na patungo na sa studio nila. Hindi mapawi ang kanyang ngiti sa labi habang naiisip na mamaya, bago matapos ang araw ay muli silang magkikitang dalawa. Tutulog siya ng isang gabi sa unit nito bago tuluyang bumalik sa Isla niya. Agad nangunot ang kanyang noo nang sunod-sunod na may mag-doorbell sa pintuan ng kanyang silid.   “Hindi naman aakyat dito ang mga pilotong kasama ko ng ganitong oras,” sambit niya sa sarili bago tumayo, “Sino naman ang bubulabugin ako ng ganito kaaga?” dagdag pa niya habang humahakbang.   Marahan niyang hinila ang pintuan at ganun nalang ang gulat niya sa kanyang nakita.   “Anonng ginagawa niyo dito?” tanging nasambit niya sa nakangising mga mukha nila.   “Papanoorin ka naming tumalon,” si Zach na tuluyan nang pumasok sa kanyang silid.   “Ayaw mo ba?” si Roch na tinapik pa ang balikat niya,”Susuportahan ka namin kahit hindi ka namin magawang samahan tumalon. Hihintayin ka namin sa ibaba.”   “Seryoso ba kayo?” tanong nito na hindi pa rin makapaniwala, tiningnan niya isa-isa ang mga ito na bagong ligo at maayos na ang itsura. Taliwas iyon ng nagdaang gabi. “Sasamahan niyo ako?”   “Oo nga,” si Maximo na natatawa pa rin sa reaction niya, “Wala naman kaming gagawin ngayon at isa pa ay minsan ka lang magtungo ng Manila, lubusin na natin ngayon bago pa kami maging abala sa trabaho.”   Napilitan si Giordano na baguhin ang kanyang plano ng umagang iyon. Tinawagan niya ang piloto ng kanyang chopper na kanina pa rin gising at naghihitay sa ipag-uutos ng bagong among si Giordano.   “Doon nalang tayo magkita, sasabay ako sa sasakyan ng isa sa aking mga kaibigan.”   “Sige po, Sir Giordano.”   Masaya ang naging biyahe ng pito patungo sa venue lulan ng isang van at panay ang kulitan. Dumaan sila sa isang sikat na fastfood chain at nag-order doon ng breakfast para sa mga kasama at aabutan sa lugar.   “Tutuloy ka pa ba bro, parang makulimlim ang kalangitan ngayon.” si Jason na unang umiibis ng sasakyan, nakatingala ito sa langit na katapat ng malawak na field na kanilang kinaroroonan. “Hindi ba magiging delikado ang gagawin mong pagtalon sa mataas na kalawakan mamaya?”   “Hindi iyan, normal lang iyan dahil hindi pa sumisikat ang haring araw.” pakli ni Giordano sa sinabi nito.   “Hayaan mo na Jason, ngayong naandito na tayo ay hindi mo iyan mapipigilan pa.” si Pariston, naiiling.   “Oo nga, parang hindi niyo naman kilala iyan.” si Octavo na iginagala ang paningin sa paligid.   Pagak na muling tumawa si Giordano matapos niyang ipamahagi ang mga pagkain sa mga kasama doon.   “Ang sabi po ni Sir Dameil ay e-suggest namin na itong airplane nalang ng company ang gagamitin,” saad ng isang crew ng organizer na lumapit sa kanya, “Pumayag raw po sana kayo sa suhestiyon niya.”   “Nag-usap na kami ng tungkol dito kanina,” pameywang ng binata na nasa malawak na parang ang mga mata, “Pero sige, pagbibigyan ko siya sa nais niya.” pagpayag niya sa nais ni Dameil, naisip niya na siguro ay natatakot lang ang lalaki na baka masira ang chopper niya at pagbayarin niya ang mga ito ng mahal, “Lokong Dameil, talaga iyon!” palatak na iling niya pa, isa lang naman ang naiisip niyang rason sa naging suhestiyon niya dito, nais niya lang masigurado na malinis ang sinasakyan niya at wala kahit na alikabok.   Matapos ang mabilis na agahan ng lahat ay naghanda na sila, muling ipinaalala kay Giordano kung ano ang marapat na gawin kung sakaling magkaroon ng aberya habang nasa itaas ang binata at lumilipad. Kasama ng mga ulap at habang ini-enjoy niya ang buong paligid na maaabot ng kanyang mga mata.   “Got it,” sambit niya na tumango-tango pa sa mga ito, hindi lang naman iyon ang unang beses na siya ay tatalon, hindi na mabilang pa kung ilang beses niya ng nagawa. “Maayos naman ang panahon ngayon.”   Pagkatapos ng ilang kulitan at ilang buskahan kasama ng kanyang mga kaibigan ay nag-aya na si Giordano na gawin iyon na tatagal ng wala pang isang oras kasama ng paglipad ng chopper at ng pagtalon niya. Plano niyang dalhin ang mga kaibigan sa sikat na lomihan sa nasabing lugar pagkatapos niyang tumalon. Gusto nilang subukan ang lomi ng Batangas na sikat, ganundin ang bulaluhan dito.   “Bababa ako kaagad,” isa-isang yakap niya sa mga kaibigang kasama na nakasanayan na niyang gawin bago ang diving, “Makikita niyo kung paano ang mabilis na makakababa sa lupa.” dagdag niya pa.   “Bilisan mo lang at gutom na ako.” pagbibiro pa ni Zach sa kanya na humahagalpak ng tawa.   “Oo nga bro,” kaagad na sang-ayon dito ni Maximo.   “Oo na, saglit lang naman ito.” tugon ng binata na natatawa na rin sa asta nila.   Nagpalit na siya ng damit, nilagyan ng camera sa ulo at helmet. Inayos ang parachute na nakakabit sa kanyang likod. Habang ginagawa niya iyon ay matamang nakatingin lang ang mga kaibigan niya sa kanya.   “Bubukas naman ang parachute mo, hindi ba?” nag-aalala na ang tinig ni Octavo na tanong.   “Malamang,” natatawang tugon niya dito, “Lagot ang kumpanya nila kapag hindi,” lingon ng binata sa team na kasama niya habang natatawa, “Saka may kasama akong tumalon, kukunan niya ako ng video.”   Kung saan pa napunta ang kanilang usapan, pilit na inalo ni Giordano si Octavo na sa tingin pa lang ay kinakabahan. Naging tampulan tuloy ito ng tukso at mga kalokohan ng kanilang grupo na nandoon.   “Ilang dekada ng ginagawa iyan ni Giordano,” si Pariston na naiiling kay Octavo, “Tingnan mo naman hanggang ngayon ay walang nangyayaring masama sa kanya. Huwag ka na diyang mag-alala pa.”   “Kung labis talaga ang pag-aalala mo, samahan mo nalang siyang tumalon Octavo.” si Maximo na nagtaas at baba pa ang kilay sa kanya, “Panonoorin namin kayong dalawa na tumalon mula dito.”   Malakas silang nagtawanan nang mariin itong umiling sa kanila. Hindi naman ito takot sa heights, ayaw niya lang talagang gawin ang bagay na iyon na hindi naman niya nakasanayan simula pa lang noong una.   “Kung scuba diving iyan, ako na ang unang magpre-presentang sumama.” pagbawing saad ni Octavo, “Kaso ay hindi, dahil sa halip na mga isda ang kasama niya sa dive, pinili ni Giordano ang mga ulap.”   “Next month, pupunta tayo sa Marinduque may schedule tayo doon ng scuba diving.” si Giordano.   “Ayon, babawi kami sa’yo doon, masasamahan ka namin sa diving.” si Roch.   Muli pa silang nagtawanan hanggang nagdesisyon na silang simulan na ang sky diving ni Giordano.   “Teka lang,” senyas ni Giordano nang makita ang tawag ng kanyang fiancee, “Sasagutin ko lang.” turo niya sa cellphone na tumutunog pa rin, “Si Chanel.” bigay niya ng sagot sa mga mata nilang nagtatanong.   Lumayo siya ng ilang hakbang bago sagutin ang tawag nitong malapit ng maputol.   “Hon?”   “Nakatalon ka na ba?” bungad na tanong ng kasintahan sa kanya.   “Hindi pa, papunta pa lang kami.” maliit siyang ngumiti habang nasa beywang pa rin ang isang kamay. “Nasa venue ka na ng photoshoot niyo?”   “Oo, kadarating ko lang pero Hon, medyo makulimlim ang panahon hindi ba delikado ang pagtalon?”   “Hindi naman siguro babagsak ang ulan nang biglaan,” hinuha ni Giordano na muling pinagmasdan ang langit, “At saka papasikat pa lang ang haring araw, huwag kang mag-alala diyan.” pagak siyang tumawa, “Walang mangyayari sa aking masama, see you later? Sa unit mo ako matutulog mamaya at bukas na umaga na ako babalik ng Resort ko.” kagat-labi niyang bulong, hinintay ang reaction nito sa turan niya.   Kaagad na namula ang kanyang mukha nang marinig ang malakas nitong pagtawa.   “Oo na, sige.” tugon ni Chanel sa tanong niya, “Mag-iingat ha? I love you, Hon.”   “I love you too, Hon.”   Malakas na nagsigawan ang kanyang mga tropa nang bahagyang marinig iyon na sinundan ng tawanan.   “Ang tamis naman talaga!” si Maximo na taas-baba pa ang kilay sa kanya.   “Oo nga, in love ka na talaga niyan?” si Pariston na umiiling-iling.   “Ang pag-ibig kapag kumatok sa iyong dibdib wala kang magagawa kung hindi ang pagbuksan ito.” si Zach na animo isang makata, “Kaya itong si bro, hayaan na nating lumandi sa fiancee niya.”   “Mga nimal, engage na nga siya doon sa tao!” si Roch na malakas na tumatawa, “Huwag kayong ganyan! Kapag iyan nagtampo o napikon na naman...” tumigil ito at tumingin kay Giordano na medyo masama na ang tingin sa kanya, nakakaloko itong tumawa nang malakas. “Wala pala.”   Malakas na tumawa si Jason habang naka-akbay kay Octavo. Naiiling sa kalokohang sinasabi nila. Umiling lang rin si Giordano, hindi na pinatulan pa ang mga nagsasabi nang kung anu-ano sa kanya. Ilang saglit pa ay sumenyas na ito sa team na umalis na sila, bago sumakay sa sky diving lane na naghihintay. Lumapit sa kanya si Dens ang piloto ng chopper niya at kinuha ang kanyang bag, at mga gamit.   “Mabilis lang ito,” tapik niya sa balikat ng piloto, “Pwede ka muling umuwi sa inyo pagkatapos. Bukas pa tayong umaga babalik ng Resort.” Pagbibigay alam niya.   Tumango lang sa kanya ang piloto at tumalikod na. Isang saludo ang ginawa ni Giordano sa tropa niya.   “Take care, bro!” they shout in unison while waving their hands, “Have fun and enjoy!”   Ngumiti lang muli sa kanila si Giordano na lulan na ng sky diving plane. Makulimlim pa rin ang panahon, hindi pa lumlabas at nagpapakita ang araw kahit na malapit ng mag alas-siyete ang oras ng umagang iyon. Hindi kababakasan ng takot o kaba man lang ang mga mata ng binatang excited na sa gagawin niya. Paulit-ulit siyang umiling ng tanungin ng team kung ica-cancel ba nila ng diving nito ngayon.   “Nandito na tayo, bakit natin hindi itutuloy?” tanong niyang pagak na tumawa.   “Sir, dahil mukhang masama ang panahon.” tugon ng isang crew sa kanya na itinuro pa ang mga ulap na kulay itim habang pataas sila nang pataas, “Baka magkaroon tayo ng casualties kapag nagkataon.”   Umiling si Giordano, hinawakan ito sa balikat at marahang pinisil iyon.   “Walang masamang mangyayari, nagbabadya lang ang ulan pero hindi iyan babagsak.”   “Nag-iiba rin ang ihip ng hangin Sir, delikado itong gagawin natin.”   Pagak na tumawa si Giordano, wala pa ‘ring bakas ng takot ang kanyang mga mata.   “Ilang dekada ko na itong ginagawa, huwag kayong mag-alala sa akin.” muli ay saad niya sa kanila.   Hindi nagpapigil si Giordano kahit pa paulit-ulit siyang sinabihan ng team. Inalok rin siya na tumalon ng may ka-tandem pero muli niya iyong tinangihan, ayaw niya iyong gawin dahil para sa kanya ay hindi ito masaya. Hindi niya mae-enjoy ang paligid, ang kanyang pagtalon kung mayroon siyang kasama dito.   “I’ll be fine.” ani Giordano na inayos na ang suot na gloves sa kamay.   Lalo pang dumilim ang paligid nang sapitin nila ang spot na pagtatalunan ng binata. Nang dahil sa makakapal na ulap ay hindi naging visible ang Taal Volcano, ganundin ang structure na nasa ibaba.   “See you later!” sigaw ni Giordano na kaagad na tumalon na.   Kaagad siyang niyakap at sinalubong ng malakas at malamig na ihip ng hangin. Ilang sandali pa ay sinundan na siya ng isa pang diver mula sa comapany ni Dameil upang kunan siya ng footage nito. Malawak siyang ngumiti at kumaway pa sa camera habang pinagsasawa ang mga mata sa paligid. Ilang segundo pa ang lumipas ng kanyang pagkahulog nang buksan niya na ang parachute na kaagad namang gumana. Nagpadala siya sa ihip ng malakas na hangin, hindi mapawi ang kanyang mga ngiti na nasa labi.   “Giordano? Giordano can you hear me?” tinig iyon ni Octavo sa kanyang radio na nasa katawan.   Pagak siyang muling tumawa at sumagot dito.   “Yes.”   “Nakikita ka na namin, bilisan mo ng bumaba diyan huwag kang makupad!” si Roch na inagaw ang radyo kay Octavo, “Huwag mo kaming paghintayin ng matagal dito sa ibaba, bro.”   “Asan ba kayo?” pagbibiro ni Giordano na sinundan ng malakas na pagtawa, “Oo na, ini-enjoy ko pa.”   Namatay ang radyo na ibinalik niya sa kanyang bulsa. Marahan niyang inayos ang goggles na kanyang suot. Hindi pa rin visible ang ilang bahagi ng kalupaan na natatakpan pa rin ng maiitim at makakapal na mga ulap, maliban sa malayong parang na kanyang pupuntahan. Kaagad nangunot ang noo ni Giordano nang makita niyang mabilis na tinangay ng malakas na hangin ang kasunod niyang crew ng team.   “What the f**k!” bulalas niya nang hindi niya na ito makita pa.   Doon pa lang ay labis na siyang kinabahan, may mali sa panahon na kanina ay maayos lang.   “Giordano? Bro! Naririnig mo ba kami?” nagpa-panic ang tinig na iyon ni Maximo.   Bago pa makasagot ang binata ay bumuhos na ang malakas na ulan at ilang saglit pa ay dumating at itinaboy siya ng malakas na ihip ng hangin at mabilis na walang humpay na umiikot nang umiikot.   “Tornado?” mahinang tanong niya sa sarili habang nandidilat ang mga mata.   “Giordano?!” narinig niya pang malakas na sigaw ng mga kasama sa radyo.   Hindi na siya nakapalag at magawang mag-maniobra ng parachute upang makalayo sa buhawi. Kaagad siyang nilamon nito, hindi niya na makita pa ang buong paligid. Doon niya lang napagtanto na nasa panganib ang kanyang buhay. Panganib na hindi niya alam kung kakayanin niyang malagpasan ng buhay at muling makita pa ang sasapit na panibagong umaga. Doon niya naisip habang umiikot ang kanyang patang katawan nang mabilis na marami pa pala siyang pangarap. Isa na doon ay ang maikasal at makasama ng matagal ang kanyang fiancee na si Chanel. At tingin niya ay malabo na itong mangyari pa.   “Sana nakinig ako sa inyo,” usal ng binata habang bumabalong ang luha sa likod ng googles na suot.   Sa kabilang banda hindi magkamayaw ang mga tropa ni Giordano na hindi malaman ang mga gagawin. Ang ilan sa kanila ay tumatangis na dahil alam nilang delikado ang mapunta sa mata ng buhawi. Ang buhawi na kumikilos pa nang mabilis patungo ng South ng bayang kanilang kinaroroonan.   “Magsikalma lang kayo,” pakiusap ng pinuno ng team na lumipad kasama ito habang may kausap sa cellphone na hawak, bakas rin ang takot sa bilugang mga mata. “Hahanapin natin siya.”   “Paano kami kakalma?!” sigaw ni Zach na hindi na maipinta sa takot ang itsura, “Kaibigan namin iyong nasama sa buhawi, tapos sasabihin niyong kumalma kami?!”   “Bilisan niyo namang kumilos, hindi ba pwedeng lumipad na at hanapin na siya?!” histerikal ni Roch.   “Ito na nga ba ang sinasabi ko!” si Octavo na mariing napasabunot pa sa kanyang ulo.   “Anong gagawin natin ngayon?!” si Roch na hindi na rin matuto sa gagawin niya.   “Paano kung may masama ng nangyarisa kanya sa oras na iyon?” si Jason na masama na ang tingin sa crew, “Dapat ay alam niyo ang lagay ng panahon, alam niyo ng madilim ang mga ulap kanina!”   “Maghunusdili kayo, may kasalanan rin si Giordano kasi nagpumilit pa rin siyang mag-dive.” si Maximo na mayroong tinatawagan sa hawak na cellphone, “Malakas iyon, makakaligtas at makikita nating muli.”   Kasabay ng paghupa ng mabilis na dumaang buhawi sa kalangitan ay ang pagkawala rin ng anino ni Giordano sa harapan mismo ng kanyang mga kaibigan. Kumalma na ang paligid na parang walang nangyari. Sumikat at ngumiti na rin ang araw, kahit pa ang may delubyong dumaan noong umaga.   “I can’t take this anymore, tatawag ako ng maraming rescue!” si Pariston na hindi na maitago ang luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD