Naalimpungatan ang magkayakap na magkasintahan na nakahiga sa sofa sa paulit-ulit na vibration ng cellphone ni Chanel. Nakalagay iyon sa itaas ng sofa na kinaroroonan nilang dalawa. Iinot-inot na bumangon ang nakahubad pang katawan ng babae habang paulit-ulit na sinusuklay ng mga daliri nito ang kanyang sabog at magulo pang buhok na umaabot hanggang kanyang balikat. Matangkad si Chanel na halos umabot sa ilalim ng baba ng matangkad na sai Giordano. At ng dahil doon ay lalo pa silang naging bagay, ika nga match na match ang dalawa.
“Hello?” malat na sagot nito sa naghuhuramentadong tawag dito, “Oo, nandito lang ako.”
Ngumiti si Giordano nang lumipad sa banda niya ang mga mata ni Chanel na gaya niya ay inaantok pa. Ginantihan rin iyon ni Chanel habang nakikinig sa kanyang manager na kausap.
“Bukas?” tanong nito na tumalikod pa kay Giordano, kapagdaka ay muli siyang lumingon sa nobyo at itinuro ang kanyang cellphone upang sabihin dito na mayroon pa siyang kausap dito.
Walang ibang nagawa kung hindi ang tumango na lang si Giordano sa fiancee, kaagapay ng kanyang malalim na buntong-hininga habang sinusundan ang likuran ni Chanel ng mainit na tingin. Pumasok ang babae ng kanyang silid pero hindi niya isinara ang pintuan nito. Tanaw pa rin siya ng nobyo mula sa sofang kinauupuan. Naupo siya sa gilid ng kanyang kama at ipinagpatuloy pa ang pakikipag-usap niya sa manager. Sa kabilang banda naman ay tumayo na rin si Giordano, sininop niya ang hinubad nilang mga damit mula sa sofa at ang ilan sa mga ito na nakakalat sa malamig na sahig. Napailing siya sa sarili nang maalala ang kanilang pagniniig. Mainit iyon, puno ng pagmamahal at tila ba sila ay sabik na sabik ang bawat halik sa bawat isa.
“Maliligo ako,” senyas niya sa nobya nang tahimik na pumasok siya sa loob ng silid bitbit ang kanilang saplot na nahubad ng kapusukan nila kanina, tumango si Chanel sa kanya at kapagdaka ay mabilis na tumayo. Humila ito ng isang malinis na tuwalya mula sa cabinet na lalagyan at nakangiting ibinigay iyon sa kanya. Labag man sa loob ay tinanggap niya na ito, “Salamat.”
Tanging tango lang ang isinagot nito sa kanya. Ilang minuto niya pang tiningan ang fiancee na nabaling na naman ang pansin sa kausap. May nais sana siya ditong sabihin at itanong na rin. Ngunit sa bandang huli ay hindi siya nakakuha ng tyempo, nanatili iyon sa isipan ni Giordano.
“Sige po, ilang araw kayang tatagal?” tanong niya sa kausap nito sa kabilang linya.
Muling humugot ng hininga si Giordano pagkatanggap niya ng tuwalya mula sa kanya, mabigat ang kanyang mga paa na humakbang na patungo sa bathroom ng naturang silid. Puno ng labis na panghihinayang ang kanyang mga mata nang linguning muli si Chanel at tuluyang isara ang salaming pintuan ng banyo na naghihiwalay lamang sa silid. Kung hindi lang tumawag ang manager nito ngayon ay siguradong sabay na silang naliligo ngayon sa loob, isang bagay na nakasanayan na nilang gawing magkasintahan. At muling magniniig sa ilalim ng patak ng rumaragasang tubig, kapwa nila nanamnamin ang sayang sensasyong dulot ng init ng katawan.
“Wrong timing,” mahinang bulong ng binata sa sarili at binuhay na ang shower, “Malas!”
Tumapat siya sa tubig at pilit na iwinaglit sa kanyang isipan ang kapilyuhan na naiisip niya na naman ngayon sa kanyang nobya. Gusto niya na itong labasin, patayin ang tawag ng kausap at tuparin na ngayon mismo ang ipinangako nito sa kanyang magpapasisid ito. Pagak na natawa si Giordano sa kalokohang naiisip, ang isipin ‘ring iyon ang muling bumuhay sa kanyang p*********i na ang buong akala niya ay natutulog nang dahil napagod ito sa kanya kanina.
“Damn!” hawak nito sa kanyang p*********i, “Kumalma ka, wala dito ang nais mong kuweba.” saway niya na nauwi pa rin sa marahang paghimas niya dito hanggang marating ang ninanais.
Maya-maya pa ay lumabas na siya ng banyo, mayroong tapis na tuwalya ang kanyang beywang. Kaagad na nangunot ang kanyang noo nang maabutan ang nobya na prenting nakahiga lang sa kama at nagbro-browse lang rin ito ng kanyang social media account na naka-verified.
“Bakit hindi ka sa akin sumunod?” matabang na tanong niya na nagpalingon dito sa kanya.
Mabilis na sumilay sa labi ng babae ang kakaibang ngisi nang tumingin sa ibaba niyang natatakpan. Bahagya pa itong napalunok laway nang makitang nanlalaki na naman ito. Ilang saglit pa ay umakyat ang mga mata nito sa kanyang mukha, matamis na nginitian na siya.
“Hindi mo sinagot ang tanong ko,” may himig na iyon ng pagtatampo sa tinig ni Giordano, na humakbang na patungo sa kanyang nakatuping damit, “Ayaw mo bang sumabay maligo?”
“Hindi naman sa ganun, iyong manager ko kasi sinendan ako ng link ng mga beach na pagpipilian para sa gaganapin na isa sa aking bikini photoshoots this coming summer.”
Hindi na nagsalita si Giordano, bakas pa rin sa kanyang mga mata ang pagtatampo sa kanyang nobya. Paano ba naman, sa tagal na ng relasyon niya dito ay ngayon lang ito hindi sumabay sa kanyang maligo. Bagay na hindi mawaglit kahit na saglit sa kanyang isipang napuno na naman ng kanyang makamundong pagnanasa nang yuamakap ang mainit nitong mga braso mula sa kanyang likuran. Muling binubuhay nito ang kanyang dugo sa p*********i na kusang namatay na lang kanina. Hindi pa rin siya nagsalita, dinampot niya lang ang piraso ng kanyang mga damit.
“And guess what, Hon, kasama ang resort mo sa listahan ng mga pagpipilian.” dagdag pa nitong wika, “Ako ang mamimili kaya alam mo na, malamang resort ng fiancee ko ang pipiliin ko.”
Hindi pa rin nagsalita si Giordano at nang gawin niya iyon iba ang kanyang nasabi dito.
“Kailan ka ba titigil sa modelling ng mga bikini?” bagay na kaagad ikinatahimik ni Chanel kalakip ng kanyang paninitig sa mukha ng nobyo, “Hindi naman ako against sa modelling career mo, kaya lang maraming mga lalaki ang makakakita ng halos hubad na katawan mo, Chanel.”
Kumalas ito ng yakap sa kanya, humugot ng malalim na hininga at pinagmasdan siya ng mga mata nitong agarang napuno ng kalungkutan. Alam ni Giordano na first love nito ang modelling bago pa siya nabigyan ng offer maging artista. Kaya siguro ganun nalang ang reaksyon nito dito.
“Titigil naman ako dito oras na ikasal na tayo,” pabulong na tugon nito nito sa kanya, “Hindi mo pa rin ba iyon nauunawaan ngayon? Akala ko ba nag-usap na tayo ng tungkol dito, Giordano?”
Saglit na napaawang ang bibig ni Giordano sa tinuran nito, kung tutuusin ay napakabait ng kanyang fiancee. Ang lahat ng katangian na nais niya sa babae ay nandito na. Boto rin sa kanya ang kanyang ina, ganundin ang kanyang kapatid na si Hughes. At noong ipakilala niya ito sa kanila ay binantaan siya ng ama na babawian ng mana kapag hindi ito ang magiging asawa.
“Maliwanag ba ang usapan natin, Giordano?” naririnig pa niya sa isipan ang tinig nito.
“Opo, Dad,”
“Maliwanag kung ganun, nagkakaintindihan na tayo.”
Pinagtawanan siya ng kanyang kapatid na kagagaling lang ng ibang bansa, umitim ito sa Kenya.
“Dad, isasalin mo ba sa akin ang resort?” tanong ng kanyang Kuya na alam niyang nagbibiro.
“Hindi Hughes, masyado ka ng busy.” ang kanilang ina na sumabat na, “Kumusta na pala si Yuriah, Hughes?” pag-iiba pa nito ng topic na tuluyang tumakip sa issue nila kay Giordano.
“Ayos lang, Mom.”
“Kailan mo siya dadalhin ulit dito para ating makasalo?”
“Mom, busy siya—”
“Mom, I told you matagal na silang nag-break.” sabat sa usapan nila, “Di ba, Hughes?”
Sinamaan lang siya nito ng tingin. Natigil sa pagbabaliktanaw si Giordano ng makarinig siya ng singhot ni Chanel, lumuluha na ito nang dahil sa kanyang mga sinabi. Walang pag-aatubili niya itong niyakap, at magaan na hinalikan sa ulo. Pinalis niya ang mga luhang naglandas sa mukha nito kasabay ng pag-usal niya ng mga salitang alam niyang magpapagaan sa pakiramdam nito.
“I am sorry, Hon, o sige hindi na ako magagalit pa o magtatanong ng tungkol dito mula ngayon.” yakap niya sa katawan nitong nakahubad pa rin, “Tahan na at maligo ka na.”
Tumango sa kanya si Chanel at tumingkayad upang abutin ang kanyang labing saglit nagulat.
“Gusto mo bang maligo ulit?” tanong nito na ikinatawa ni Giordano ng pagak.
“Tapos na akong maligo, ang mabuti pa ay bilisan mong maligo at nagugutom na ako.”
Kaagad nanlaki ang mga mata ni Chanel sa huling sinabi ng kanyang fiancee.
“Hala, oo nga, hindi tayo kumain ng tanghalian, Hon!” anitong hinila sa beywang ang tuwalya.
“Chanel!” malakas na sigaw nito sa tumatakbong fiancee papasok ng banyo, “Marumi na iyan!”
Hindi siya nito pinansin, marahas niyang kinamot ang kanyang ulo habang nakatingin pa rin sa banyo. Sa buong buhay niya ay hindi siya nag-uulit ng tuwalya kapag ito ay nagamit niya na. Sabihan na siyang maarte pero pagdating doon ay ingat na ingat siya sa kanyang sarili.
“Akala mo hindi ito artista o maykaya,” bulong pa nito sa kanyang sarili na dumampot na ng brief mula sa cabinet na lalagyan niya ng damit, nang magsimulang may mangyari sa kanila ng babae ay nag-suggest siya na bigyan siya nito ng cabinet. Hindi naman iyon tinutulan ni Chanel, dahil alam niya na maarte ang nobyo at ayaw ng inuulit na suotin ang damit na hinubad na. “Kapag naging mag-asawa na tayo, hindi pu-puwede sa akin ang bagay na iyong nakasanayan.”
Tinungo niya ang kusina pagkatapos na magbihis ng damit, muling iniinit sa microwave ang mga pagkain na tuluyan nang lumamig bago pa nila makain at matikman kanina. Sinipat niya ang orasan habang naka-upo sa stall na malapit sa counter ng kusina. Alas-kwatro na iyon ng hapon.
“Ilang oras lang rin pala kaming nakatulog.” bulong niyang sinulyapan ang cellphone sa bulsa ng kanyang leather bag, “Kinulit kaya ako ng mga kumag habang natuitulog ako?”
Malawak siyang napangisi, sigurado niyang iba-iba na naman sila ng hula sa ginawa niya habang hindi siya ng mga ito makontak at makausap. Tumayo siya sa pagkakaupo upang kunin ang cellphone, lalo pa siyang napangisi nang tadtad siya ng mga mensahe sa kanilang groupchat.
“Mga ogag, akala mo hindi magkakasama kung mag-usap.” turan niya habang buma-backread sa ilang daang mensahe nila na pulos kalokohan lang naman ang mga pinagsasabi, malakas siyang humagalpak ng tawa nang mabasa niya na ginawa siya ng mga itong pulutan nang dahil sa siya lang ang offline. “Anong klaseng kalokohan ito ng mga gunggong sa groupchat?”
Maximo: Hoy, walang magbubura!
Zach: Oo nga takot ba kayo kay Gior?
Octavo: Nag-iingat lang, hayaan niyo na siya.
Roch: Anong binura? Wala akong binubura.
Jason: Tatanggi ka pa? May screen shot ako dito.
Pariston: Ano? Tatanggi ka pa sa ebidensiya?
Giordano: Ano iyong binura?
Roch: Ayan na siya, ibig sabihin ay nakaahon na siya!
Giordano: Gago, saan ako lumusong na balon para sabihin mong nakaahon na ako?
Maximo: Gago na ba ang bagong tawagan natin?
Giordano: Mga hudas kayo, ano iyong binura niyo ha?
Zach: Edited picture mo na hindi makaahon sa ilalim ng tubig.
Halos ma-imagine na ni Giordano ang tunog ng halakhak nito dahil sa mga emoji na inilagay nito sa kanyang reply. Hindi siya nakuntento, kailangan niyang makita ang naging kabulastugan nito.
“Bro?” kaagad na sagot ni Roch sa kanyang tawag, malakas na tawanan ang background nito.
“Send mo sa akin ang kalokohan mo.” utos niya dito.
“Ano iyon? Wala naman.”
“Bilisan mo, kapag ako ang gumanti sa’yo tingnan mo.”
“Bro, wala talaga.”
“Ang baboy ng edit niya, Giordano!” tinig iyon ni Maximo.
“Oo nga, uusok ka panigurado kapag nakita mo.” si Zach na tumatawa pa rin dito.
“Wala nga iyon bro, patawarin mo na ako, hindi na ako uulit.”
“Gasgas mo ng linya iyan.”
Hindi niya na naintindihan pa ang sagot nito sa kanya dahil lumabas na si Chanel ng silid.
“Hon, gusto mo bang sa veranda tayo kumain?” tanong nito sa kanya na ikitango niya lang.
“Wait, Giordano, ang aga mo naman maghapunan.” curious na saad ng kaibigan niyang kausap.
“Anong hapunan? Tanghalian pa lang naming dalawa iyon.” proud niya pang sagot dito, nakalimutan niyang advance at kadalasang tama ang laman ng mga utak nito.
“Ano? Tanghalian pa lang? Oras na para sa hapunan, anong ginawa niyo kanina ha? Iba yata ang kinain mo, hilaw yatang laman ang iyong sinakmal pagkarating mo diyan.”
Malakas na tumawa si Giordano sa kalokohan ng kaibigan, naiiling na tiningan siya ni Chanel.
“Ayaw ngang magpakain eh,” pagsakay niya sa kalokohan ng kaibigan na agarang malakas na nagtawanan sa kabilang linya, sinamaan naman siya ng tingin ni Chanel na nahuhulaan na ang daloy ng kanilang usapan. “At hindi rin siya nagpapasisid sa akin,” nilakipan niya iyon ng malakas na halakhak na halos ikapula na ng kanyang dalawang tainga habang tumatawa.
“Giordano,” saway sa kanya ni Chanel na tapos nang dalhin sa veranda ang kanilang pagkain, “Halika na, bilisan mo at kumain na tayo.”
Narinig ni Giordano ang malakas na namang tawanan sa kabilang linya.
“Bilisan mo na bro, pakakainin ka na niya!” halata ang excitement sa tinig ni Octavo.
“Pagkakataon mo na talaga iyan bro, tusukin mo na bago umalis.”
“Anong tusukin?” tanong niya na malakas pa ‘ring tumatawa, “Natusok ko na kanina—”
“Hindi mo bibilisan? Para kang siraulo diyan!” sungaw ng ulo ni Chanel sa pintuan.
Malakas na tawanan ang huling narinig ni Giordano bago niya pinatay ang tawag.
“Para kang may sira sa ulo, bakit mo kinukuwento sa kanila iyong mga ginagawa natin?” tanong nito habang inaabutan siya ng kutsara at tinidor, “Privacy natin iyong dalawa eh.”
“Hindi naman ako nagkuwento, magaling lang talaga silang manghula dahil gawain din nila ang mga bagay na iyon.” paliwanag nito sa nobya at kumuha na ng pagkain para sa plato niya, “At isa pa, biru-biruan lang iyon. Ganun ang trato namin sa isa’t-isa, hindi ka pa nasasanay sa ugali ng mga iyon? Ilang taon mo na rin silang kilala at minsang nakakasama.”
“Kahit na, hindi ba awkward iyong pag-usapan niyo?” umiling si Giordano dito, kalokohan lang naman nila iyon, hindi dapat e-seryoso. “Sa aming mga babae ay nakakailang na pag-usapan iyon. Hindi sa ikinakahiya namin ang partner namin, kumbaga respeto nalang ganun siya.”
Hindi sumagot si Giordano, inabala nalang niya ang sarili sa pagkain dahil alam niya sa sarili niya na hindi titigil ang mga kaibigan na mang-alaska kahit pa pagsabihan niya. Nature na nilang mga lalaki iyon, dinadaan sa mga biruan ang mga kalokohan ng bawat isa. At sanay na rin siya dito. Ayaw naman niyang pagmulan ng away nilang magkasintahan ang mga immature na kaibigan.
“Sige, mula ngayon ay susubukan ko silang pagsabihan.” labas sa ilong na tugon niya kay Chanel para huwag lang sumama ang loob nito sa kanya, hindi niya naman iyon gagawin sa mga tropa.
“Dito ka ba matutulog?” kapagdaka ay tanong nito, tuluyan nang nalihis ang topic nila kanina.
Marahang umiling si Giordano sa kanya nang magtaas ito ng paningin.
“Hindi, Hon, nangako ako sa kanila kanina na gigimik kami mamaya.” alanganin niyang tugon dahil baka magalit ito sa kanya, taliwas naman iyon sa naging sagot nito.
“Okay iyan, gusto ko sanang sumama kaso may biglaang guesting ako bukas.”
“Guesting? Saan?”
Dinampot ni Chanel ang baso ng kanyang tubig at uminom dito bago sumagot.
“Late night show iyon, alam mo na para e-promote na rin ang bago naming movie.”
Tumango-tango si Giordano sa kanya, naalala ang front page sa diyaryo ng kanyang nobya.
“Akala ko makakasama kita bukas,” tunog ng panghihinayang iyon, “Hindi rin pala.”
“Saan ang lakad mo bukas?”
“Sky diving sa Batangas.”
“Ha? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?”
Naburo ang mga mata ni Giordano sa kanya at nabanaag niya sa kanyang mga mata ang labis na pananabik nang dahil sa kanyang sinabi. Nang makilala niya ito ay takot ito sa heights, nawala na lang iyon nang magkasama silang nag-sky diving. Kinahiligan niya na rin iyong gawin sa paglipas ng araw at kapag mayroon siyang pagkakataon na gawin ang mga bagay na iyon.
“Nakalimutan kong sabihin sa’yo na mag-sky diving ako bukas siguro after lunch,” saad ni Giordano na uminom na ng tubig, “At isa pa dapat memoryado mo na iyon na kapag lumuwas ako ng mainland, isa iyon sa nagiging sadya kong gawin. Walang pagbabago pa dito.”
“Sorry, nakalimutan ko rin.” pagak na tumawa ang babae sa kanya, “Hon, subukan ko kayang e-cancel? Matagal na noong huli ko iyong nagawa, gusto kong makasagap ng sariwang hangin.”
“Subukan mo, baka sakaling pumayag sa hiling mo.”
“Sige,” sang-ayon nitong itinipa ang numero ng kanyang manager.
Nakatitig lang si Giordano sa mukha ng nobya habang nakiki-usap ito na re-schedule na lang ang guesting. Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot nang bahagyang ngumuso ito sa kanya. Doon pa lang ay alam niya na ang naging sagot dito ng kausap niyang manager.
“Hindi ka pinayagan?” tumango siya, malungkot pa rin. “Bakit raw?”
“May taping na pupuntahan iyong partner ko sa movie after ng guesting namin, conflicts raw sa schedule nito.” tugon niyang nadidismaya pa rin, “Pwede naman sana nila akong pagbigyan, kaso uma-attitude itong partner ko at nagiging gamol sa kasikatan. Pwede namang re-schedule ang taping niya, at isa pa ay hindi siya isa sa main role, extra lang siya sa movie na iyon.”
Pagak na tumawa si Giordano ng umikot sa ere ang mga mata nito. Hindi bagay sa maamo niyang mukha ang umasta at maging mataray. Believe siya dito, halos lahat ng movie nito at teleserye ay main role ang ginaganapan niya. Bagay na nakaka-proud para sa kagaya niya.
“Hayaan mo na, sa sunod ka nalang sumama sa akin mag-sky diving.”
“Ganun na nga Hon.”