Chapter 3: Pangako

2744 Words
Halos tatlumpung minuto ang ginugol ni Giordano sa pakikipagbuno niya sa matinding traffic sa tanghaling tapat na iyon bago niya tuluyang marating ang building na tirahan ng kasintahan. Nanlalagkit man sa balat ang init ay nagawa pa nitong ngumiti pagka-ibis niya ng sariling sasakyan. Hindi mapawi ang ngiting nakadikit sa kanyang nauuhaw na labi nang kunin niya ang palumpon ng mga bulaklak na nasa likuran ng kanyang sasakyan. Gahol man sa oras ay hindi niya pa rin nakaligtaang dumaan sa flower shop upang bumili ng mga bulaklak, na para sa kanya ay sumisimbolo iyon ng wagas niyang pagmamahal sa kasintahan. Ang mapang-akit na halimuyak nito ay tila ba pabango na ng kanyang kasintahan sa pang-amoy niya. Kulay pink iyon na may matamis na amoy,at para sa kanya ay kasingtamis rin ito ng labi ng kanyang kasintahan na miss niya ng muling tikman.   “Here we go,” bulong niya sa sarili na maingat na isinara ang pintuan ng nasabing sasakyan, “Let’s meet the lady who are now waiting for us,” muling bulong nito sa talutot ng mga bulaklak na halatang sariwa pa at bagong pitas sa taniman nito.   Nagsimula ng humakbang si Giordano papasok ng lobby ng matayog na building. Sa Makati iyon nakatayo, city na may kalapitan lang rin sa BGC na hotel ni Jason. Payak na ngumingiti ito sa mga guard ng building na kanyang nilalampasan, sa tagal na rin ng relasyon niya kay Chanel ay halos kilala na siya dito. Once a month or twice a month ay nagtutungo siya dito, bagay na hindi na bago sa mga staff at guard na kanyang nakakasalubong. Ang building na iyon ay isang ekslusibo na para lang sa mga nilalang na may sinasabi sa antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng salapi. May mga politiko rin na nagmamay-ari sa ilang unit doon, halos sampung tabi-tabing building iyon na nasa isang compound. Sekluded iyon at may maayos at safe na security para sa mga kilalang tao sa lipunan.   “It’s been a while, Sir.” kaagad na ngiti at bati sa kanya ng elevator girl na hindi niya na matandaan kung ano ang pangalan kapag hindi niya titingnan ang name tag nitong suot, maliit siyang ngumiti sa masiyahing dalaga at tumango. “Ngayon lang po kayo nagawi ulit dito?”   Muli siyang marahang tumango habang umuusog sa likod at tinitingnan ang kamay nitong pumipindot na sa button ng palapag na kanyang pupuntahan. Sa tagal na nito sa trabaho ay siguradong memoryado na nito ang bawat palapag.   “Oo, medyo busy rin ako nitong nakaraang mga buwan, kaya ngayon lang ulit nakapunta.” tugon niya na nakangiti pa rin sa dalaga, ilang saglit pa ay nabaling na ang kanyang mga mata sa palumpon ng mga bulaklak na dala. Nakatitig na rin doon ang mga mata ng dalagang kasama, may kislap ng lungkot ang mga mata.   “Miss ka na rin po siguro ni Ma’am,” anitong iniiwas na ang tingin sa mga bulaklak, “Ang swerte po niya na nakilala niya kayo, sabagay ang ganda niya rin kung kaya bagay na bagay kayong dalawa.”   Pagak na tumawa si Giordano upang pagtakpan ang pagkailang na agaran niyang naramdaman sa tono ngayon ng dalaga sa kanya. Sanay naman siyang kinakausap ito pero hindi siya sanay na makitang may lungkot at panghihinayang sa mga mata nito. O siguro dahil nasanay siyang napaka-positibo ng aura nito noon.   “Malungkot ka, mayroon ka bang problema?” hindi nakatiis ay tanong niya na dito, hindi likas sa kanya ang maging matanong. Wala iyon sa katauhan niya, subalit hindi niya mapigilan ang sarili lalo pa at parang mabigat ang saloobin nito. “Hindi ka ganyan noong huli kitang makita dito, Teresa.”   Kaagad na napatitig sa kanya ang dalaga nang banggitin nito ang kanyang pangalan. Mabilis na lumipad naman ang mga mata ni Giordano sa pulang numero sa taas na patuloy na umaakyat. Hindi siya sanay na magpakita ng ganung emosyon at reaksyon sa ibang tao, hindi niya lang iyon mapigilan ngayon. Wala siyang kapatid na babae kung kaya siguro nararamdaman niya iyong ganun.   “Pasensiya ka na kung mausisa ako,” nilakipan niya iyon ng pagak na halakhak, “Masyado na ata akong nanghihimasok sa buhay ng ibang tao ngayon.”   “Ayos lang po Sir,” masiglang tugon ni Teresa sa kanya, nang lingunin niya ito ay wala na ang lungkot na nakabalot sa kanyang mga mata. “Naaalala ko lang po ang aking yumaong kasintahan sa mga bulaklak na iyong dala-dala ngayon.”   Kaagad na bumaba ang mga mata ni Giordano sa palumpon nito na yakap. Naisip niya na wala namang bago sa mga bulaklak na kanyang dala ng araw na iyon, dahil nakasanayan na niya iyong gawin noon pa man. At ngayon lang rin ito nalungkot. Bago pa siya makapagtanong ay muli na itong nagsalita na tuluyang ikinatahimik niya. Tila ba nawalan siya ng dila sa mga salitang bianggit nito na mayroong sakit.   “Sa amoy ng mga bulaklak na hawak mo ay naaalala ko ang aking yumaong kasintahan, hilig niya rin akong bigyang ng mga bulaklak na ganyan. At sa araw na yumao siya, yakap niya pa rin ang mga bulaklak na pambigay niya sana sa akin.”   Sandaling napatitig si Giordano sa kanya, nararamdaman niya ang emosyon nito. Ganun siguro kapag nagmamahal ka at habangbuhay ka ng iniwan, naisip niya habang nakatingin sa mga mata nitong nangingilid na ang malungkot na luha. Wala sa sariling humila siya ng isang piraso ng bulaklak mula sa palumpon nito, walang imik niya iyong ini-abot sa dalagang nagpupunas sa panyo ng luha.   “Hindi magagawang pawiin ang lungkot mo nito,” wika niya habang pilit ang ngiti, “Pero sana aluin ka ng amoy nito at yakapin para maibsan ang iyong kalungkutan at pangungulila na nararamdaman. Kunin mo na, huwag ka ng mahiya Teresa.” Bantulot man ay tinanggap iyon ng dalaga, “Salamat, Sir.”   Tumango lang si Giordano sa kanya, sa araw na iyon ay nalaman niya na ang mga bulaklak na may hatid na kakaibang saya ay may epekto rin pala ng kalungkutan. At ang nararanasan ni Teresa ay ayaw niyang matikman kahit ng kanyang nobya. Bumukas ang pintuan ng elevetor sa palapag ng unit ni Chanel, bago siya lumabas ng elevator ay tinapik niya sa balikat ang dalaga. Hindi na inintindi pa ang mga alikabok o mga germs na hindi nakikita ng mga mata na maaaring makuha niya sa katawan ng iba.  Muli siyang ngumiti sa dalaga na maaliwalas na ang mukha.   “Sana ay matanggap mo na ang nangyari, at sana makahanap ka na ng lalaking muling magbabalik ng ngiti at saya sa iyong puso na labis na nangungulila.”   Tumango lang si Teresa, lalo pang humanga sa ugali ng lalaking kaharap niya.   “Salamat po ulit, Sir,” ngiti nitong itinaas pa ang kamay sa kanya.   Lumingon siya at muling ngumiti sa papasara ng pintuan ng elevator. Pagkatapos na humugot ng malalim na hininga at isilid sa bulsa ang isang kamay ay marahan nang  tinalunton ni Giordano ang daan patungo sa hindi kalayuang unit ng kanyang nobya. Ilang pindot pa ang ginawa niya sa doorbell nito bago siya pagbuksan ng humahalimuyak sa bango, nakangiti at bagong ligong kasintahan.   “Hi, Hon!” pagbati nito na kaagad yumakap sa kanya nang mahigpit, “Kumusta ang naging biyahe mo?” kapagdaka ay saglit na halik nito sa kanyang panga.   Pagak na tumawa si Giordano nang lumapat sa kanyang mainit na katawan ang balat nitong malamig at medyo basa pa ng tubig. Ilang saglit pang hinagod niya ang likod ng kanyang nobya bago siya sumagot sa naging katanungan nito.   “Ayos lang naman,” wika niya habang kumakalas ito ng yakap sa kanya, “Na-miss kita.” makahulugan niyang sambit habang nakatingin sa mukha ng kasintahan.   Umangat ang gilid ng labi ni Chanel habang nakatingin pa rin sa mukha ng kanyang nobyo na kakarating lang. Tuluyan na siyangn ngumiti nang makita niya itong bahagyang kumagat sa pang-ibaba nitong labi na animo nang-aakit. Kakaiba naman ang sensasyong hatid sa katawan ni Giordano ng mga titig nito. Kakaibang bagay na rin ang naglalaro sa kanyang utak ngayong magkatitigan palang silang dalawa nito ng malagkit at mayroong pang-aakit.   “Pasok ka,” tila nahihimasmasang wika ni Chanel pagkaraan ng ilang minuto, itinulak niya ang pintuan at nagpatiuna nang pumasok sa loob ng kanyang unit.   “Hon...” anas ni Giordano habang nakasunod ito sa kanya, “Flowers mo.”   Tumigil si Chanel sa paghakbang at muling bumaling sa kanya. Doon ay napagtanto ni Giordano na manipis ang suot nitong damit na lalong nagpadepina ng kanyang magandang hubog ng katawan. Agad iyong sinuri ng lalaki na lalong nagbigay sa kanya ng kakaibang init sa loob ng kanyang katawan. Sa relasyon nilang dalawa na tumagal na ng ilang taon ay kasama na ang bagay na iyon na kanilang madalas na ginagawa tuwing nagkikita. Iyon ang tanging paraan nila upang ibsan ang pangungulila sa isa’t-isa nang dahil sa matagal nilang pagkikita.   “Akin na,” naiiling at natatawang sambit ni Chanel habang nakalahad ang kamay nito sa kanya, “Ayaw mo pa bang ibigay sa akin? Ayaw mo pa bang kumain?”   Sa usapan nilang dalawa bago lumuwas si Giordano ay nagkasundo silang kakain ng tanghalian sa araw na iyon, na madalas rin nilang gawin. Ini-abot ni Giordano sa kanya ang palumpon ng mga bulaklak. Saglit lang iyong inamoy ni Chanel bago ipinatong sa katabing upuan na sofa. Pinagmasdan niya si Giordano na halos hindi na makatingin sa kanya. Alam niya na kung bakit ito ginagawa ng binata ngayon.   “Halika, kumain muna tayo.” Hawak niya sa palad nitong mainit, “Nilalagnat ka ba?” nilakipan niya pa iyon ng tawa na tila isa lang iyong biro, “Hindi mo siguro ako na-miss, ayaw mo akong tingnan ngayon.” pagdra-drama niya pa sa lalaki.     Nag-angat ng mukha si Giordano sa kanya, kagaya ng palagi niyang inaasahan sa itsura nito ay mapungay na ang mga mata nito na akala mo siya ay nagsusumamo.   “Anong hindi na-miss ang—”   Hindi niya na nagawa pang ituloy ang sasabihin nang siilin siya ng mapagnasang halik ng kanyang fiancee. Nag-aalab iyon na punong-puno ng pagmamahal. Wala siyang nagawa kung hindi ang suklian iyon, gantihan ang tawag ng kanilang laman. Bahagyang napaungol si Chanel nang hapitin siya ni Giordano sa beywang, kapwa nagsara ang kanilang mga mata habang ninanamnam ang haplos nila sa isa’t-isa.   “Matusok ako...” paanas na bulong ni Chanel nang ihiga siya ng sabik na si Giordano sa sofa kung saan naroon ang palumpon ng mga bulaklak, nagawa na nitong tanggalin ang manipis na saplot ng kasintahan, “Magkakapeklat ako.”   Hindi iyon pinansin ni Giordano na hinuhubad na ang suot na pang-ibaba.   “Oo, saglit lang, tutusukin na kita...” pilyo nitong tugon sa nobyang malakas na tumawa sa mga kalokohan niya, “Ilang tusok ba ang gusto mo?”   Muling bumunghalit ng tawa si Chanel sa naging turan nito sa kanya. Ini-unat niya ang isang binti upang sipain ito na kaagad namang hinawakan at sinalo ng nobyo.   “Huwag, masakit iyan!” bulalas nitong tiningnan siyasaglit, “Ayaw mo ba ng tusok? Ano bang gusto mo? Sumisid ako?” tanong nitong tumawa na dahil naalala niya ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya kanina. “Sige, sisid nalang.”   “Ang kulit mo, sabi ko iyong mga bulaklak baka matusok ako.” piglas niya pero hindi hinayaan ni Giordano na makawala ito, “Hindi pwedeng magkapeklat ako. Ang dami mo ng sinabing mga kalokohan diyan, para kang ano.” tawa pa rin nito.   Malakas na humalakhak si Giordano sa sariling kalokohan. Maayos niyang inilagay ang hinubad na damit sa kabilang gilid at sabik ng binalingan ng tingin si Chanel.   “Hindi kita susugatan at ni gasgas ay wala kang matatamo mula sa akin,” pilyong tugon nito na kumubabaw na sa hubad na katawan ni Chanel, “Kissmark lang.”   “Loko ka talaga,” halakhak ni Chanel na pilit dinadala ang bigat ng katawan ni Giordano, “Kaya mahal na mahal kita eh.” anitong yumakap pa sa hubad at mainit nitong katawan, “Ako mahal mo ba?” tanong nito sa kanyang nobyo na ngumuso pa.   “Mahal na mahal,” tugon ni Giordano bago lumapat ang kanyang nagbabaga sa init na labi sa bibig ng nobyang naghihintay sa kanya, “ Hanggang dulo na tayo.”   Ginantihan iyon ni Chanel, marahan, mainit at punong-puno ng pagmamahal. Kasabay ng mga halik na iyon ay ang marahang paggalaw ng nilalagnat na mga kamay ni Giordano sa hinaharap ng kanyang nobya. Marahan niyang minamasahe iyon na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa hubad nilang katawan na dalawa.   “Pangako hanggang dulo tayo?” paos na taong ng babae sa kanya nang bumaba ang mga halik ni Giordano sa leeg nito, “Mangako ka ng paulit-ulit sa akin, Hon...”   “Pangako...” tugon ni Giordano na bumaba pa ang halik sa kanyang dibdib, “Walang makakabago sa pangako sa’yo, Chanel.” dagdag pa nito sa pagitan ng kanyang mga halik sa malulusog nitong dibdib, “Walang sinuman, Hon.”   Sa salitang iyon ay tuluyan nang muling nagpaubaya si Chanel sa nobyo at tuluyan niya nang pinakawalan ang init sa kanyang katawan na dulot ng mga haplos nito. Bumaba pa ang halik ni Giordano sa tiyan nito na siyang nagbigay ng kakaibang sensasyon at init sa katawan nilang dalawa. Naramdaman na rin niya ang matalas na mga kuko nito na bahagyang bumabaon sa anit ng kanyang ulo ang hubad na likod kasabay ng mga halinghing nitong lalo pang nagpa-init sa kanya.   “Hon, i-ilagay mo na.” daing nito na sinabunutan pa siya.   Malawak na napangiti si Giordano nang marinig ang pakiusap nito.   “Lakasan mo...” pilyong tugon nito dito.   “Ang sabi ko ohh...ilagay mo na.”   “Ayaw mo bang sumisid mo na ako?”   Kaagad na napadilat ang mga mata ni Chanel kasabay ng marahang pagpalo niya sa likod nito. Nang dahil sa mga kalokohan nito kaya lalo niya itong minahal nang sobra. Lalo pa siyang napalapit sa binata nang makilala niya ang ugali nito.   “Huwag na, mamaya ka na sumisid at ilagay mo na.”   “Sige, mamaya nalang ako sisisid.” pagsakay na naman nito sa kalokohan ng nobya, “Mamaya na.” ngumisi ito ng nakakaloko, “ Mamaya na,” taas-baba pa nito ng kanyang dalawang kilay sa nobyang natatawa na naman sa kanya.   Malakas siyang napa-ungol sabay kagat sa kanyang labi nang ipasok ng kasintahan ang kasarian nito sa kanyang namamasa ng lagusan. Maliit na napangiti si Giordano nang maramdaman niya ang paglandas ng p*********i niya sa loob nito. Lalo pa siyang napangiti nang pumungay ang mga mata nitong mataman nang nakatingin sa kanya na tila nang-aakit. Para sa kanya ay senyales iyon na gusto ng kanyang nobya ang kanyang ginagawa dito.   “Gusto mo ‘to?” muling tanong niya sa napapaos na tinig sa  nobya.   Tumango sa kanya ang dalaga at ngumiti, bagay na lalo pang nagpatikas at nagpalakas sa kabog ng dibdib ni Giordano. Inayos niya ang pwesto at ilang saglit pa ay marahan na siyang gumalaw sa ibabaw nito. Sumasabay sa bawak bagsak ng kanyang pawis sa mukha, sumasabay sa bawat indayog ng hinaharap ni Chanel. Malakas na mga ungol ang maririnig sa loob ng unit na iyon ng mga sumunod na minuto, kasabay ng kakaibang tunog ng kanilang mga katawan at labing paulit-ulit na nagsasalpukan. Binabasag ang tahimik na paligid, sinasabayan ang mahinang tunog ng aircon at ng sofa sa lugara na kanilanhg kinaroroonang dalawa.   “Hon, faster...” paungol na daing ng babae na tila ba malapit na siya sa rurok ng tagumpay ng mga oras na iyon.   Isang bayo pa at tuluyan na itong paungol na sumigaw kasabay ng pagbagsak ng patang katawan ng lalaki sa kanyang katawan na tinakasan na ng kanyang lakas. Habol ang hininga na gumulong si Giordano sa tabi ng kanyang fiancee na hinihingal rin. Walang imik na niyakap niya ito habang ipinipikit ang kanyang mga mata. Mabilis na gumuhit ang kakaibang ngiti nito sa labi nang maramdaman ang pagdampi dito ng mainit pa nitong labi at ang bunga ng tila nilalagnat na hininga.   “I love you,” bulong ni Chanel habang titig na titig sa pagod na mukha ng fiancee.   “I love you too,” tugon ni Giordano na inilagay ang ulo nito sa isang braso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD