Chapter 5: Kahulugan

3149 Words
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Giordano sa fiancee bago ito lumabas ng unit. Hindi pa siya nakuntento at ilang minuto pa niya itong siniil ng halik, tila ba matagal pa bago sila muling magkita ulit.   “Parang matagal ulit bago tayo muling magkita ah?” pabirong turan ni Chanel sa kanya, “Last week ng buwang ito ang photoshoot ko sa resort mo, Hon.” paalala pa nito sa lalaki na tinawanan lang siya.   “Masama na ba ang yumakap sa’yo nang matagal?” tanong ni Giordano na hinawakan pa ang kaliwang pisngi niya, ang mga mata nitong nakatutok dito ay nangungusap ng ilang milyong emosyon ng kanyang wagas na pagmamahal sa nobya, “Gusto ko sana ditong matulog at mamayang gabi ay sumisid.”   Malakas siyang pinalo sa balikat ng dalaga sa kanyang huling sinabi, “Loko ka talaga!” kalakip noon ay ang pamumula ng kanyang mukha, “E ‘di huwag kang umalis kung gusto mong sumisid.” sakay niya dito.   Sensuwal na napakagat labi si Giordano at napapikit nang dahil sa sinabi nito, para tuloy ayaw niya ng makipagkita sa kanyang tropa at manatili nalang sa pugad ng babaeng ngayon ay nasa harapan niya.   “Ano, hindi ka na ba aalis at pipiliin mo nalang na magdamag na sumisid?” hamong tanong ni Chanel sa kanya, “Madali naman akong kausap.” mapang-akit na hinawakan pa nito ang strap ng suot niyang damit, “Pababayaan kitang sumisid at—”   “Enough!” hindi makapagpigil na hawak ni Giordano sa bibig ng fiancee, “Inaakit mo na naman ako.”   Malakas na tumawa si Chanel nang dahil dito, kilala niya ang nobyo oras na papiliin niya ito between her and his friends, Giordano will choose her without regrets. Ganun siya kamahal ng lalaki simula pa lang noong una. At ayaw naman niyang dumating sila sa puntong kailangang mamili ito dahil alam niya na parehong mahalaga kay Giordano ang tropa at ang katauhan niya. Nakangiting marahang hinaplos ni Chanel ang tiyan ni Giordano pababa sa kanyang puson, malakas siyang tumawa nang humugot ito ng  malalim na hininga sabay sulyap sa pambisig niyang orasan, at sa mukha ng dalagang labis ang pula.   “Makakapaghintay naman sila sa akin,” paanas na saad ni Giordano na kaagad hinawakan ang magkabilang pisngi ni Chanel at siniil ito ng nag-aalab na halik, “Gusto kong sumisid bago umalis.” Makahulugan at pilyo nitong saad nang saglit maputol ang kanilang nagsisimula ng umapoy na halik.   “Anong sinabi mo?” gulantang na tanong ni Chanel na tila ba nabingi sa mga ipinahayag ni Giordano.   “Sisisid ako bago umalis,” tugon niya pagkatapos na putulin muli ang mainit nilang halikan, “At wala kang ibang magagawa kung hindi ang pagbigyan ako dahil binuhay mong muli ang tulog na p*********i ko. Ginising mo siya at inistorbo, kaya ngayon ay pagbayaran mo ito.”   Nanlalaki ang mga matang bumitaw si Chanel sa pagkakahawak sa dahon ng pintuan ng kanyang unit. Nangunyapit siya sa kuwelyo ng suot nitong damit nang bigla at walang hirap siyang buhatin ni Giordano. Naglalabas na naman ng kakaibang init ang katawan nilang dalawa bagama’t nakasuot pa rin ito ng damit. Humakbang si Giordano papasok ng unit, bahagyang sinipa ang dahon ng pintuan para sumara. Ipinulupot naman ni Chanel ang kanyang dalawang braso sa leeg ng nobyo kasabay ng kanyang dalawang bulugang hita na nakayakap sa beywang ng lalaki. Nararamdaman na niya ang nagbabaga nilang pagnanasa na bagama’t naapula na kanina ngayon ay muling nasindihan ito ng naglalagablab na walang patid na halikan ng kanilang mga labi na walang dala at hindi napapaso sa darang ng apoy.   “Hon...” sensual na ungol ni Chanel nang marahang ilapag siya ni Giordano sa malambot na kama.   Nababalot na ng dilim ang kapaligiran na makikita sa nakabukas na bintana ng silid. Walang kahirap-hirap na hinubad ni Giordano ang kanyang saplot kahit pa naghuhuramentado na ang cellphone nito. Hindi niya iyon pinansin, pagapang siyang sumampa ng kama at tinulungang maghubad ang fiancee. Sumasaludo na ang kanyang p*********i na ngayon ay buhay na buhay na sa harapan ng fiancee nito.   “Bilisan mo,” may pagmamadali sa tinig ni Chanel habang pilit na inaabot ang kanyang labi.   “Sandali lang,” wika ni Giordano na hinihila na pababa ang natitirang saplot ni Chanel sa kanyang maselang parte ng katawan, “Ang ganda mo talaga...” maya-maya pa ay bulong na ni Giordano na pumwesto na sa ibabaw ng fiancee niya, maliit na ngumiti si Chanel sa kanya. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang muling nabuhay na pagnanasa sa katawan ng bawat isa, “Ready ka na ba?” pilyong tanong nito sa dalaga na bahagya siyang kinurot ng pino sa kanyang brasong nasa magkabilang gilid nito.   “Kailan hindi?” palaban na tugon ng babae sa kanya, “Paliligayahin rin ba kita o ako nalang muna?” tanong nito na halos magkabuhol ang kilay at mapaliyad nang hawakan ni Giordano ang perlas nito gamit ang mainit niyang mga kamay, “Ahh...” ungol nito na agarang namungay ang kanyang mga mata.   Malawak na napangiti si Giordano sa reaksyong nakuha niya mula dito. Sa dami ng mga babaeng natikman niya ay dito lang siya labis na nahumaling. Bukod sa birhen ito ng kanyang makuha ay hindi maikakailang mahal na mahal niya rin ang babae. Kasal nalang ang kulang sa kanilang dalawa upang matawag na silang dalawa ay legal na sa mata ng batas, ng lahat at maging sa mata nglumikha sa kanila.   “Basa ka na,” may kakaibang kislap sa mga mata ni Giordano nang sabihin iyon.   Pagdating sa ganung bagay ay vocal na sila, siguro dahil kilala na nila at komportable sila sa isa’t-isa.   “Magulat ka kung tuyo pa rin rin iyan gayong niro-romansa mo na.” pabalang na tugon nito na sa kanya.   Malakas na humagalpak ng tawa si Giordano, pagkatapos noon ay walang imik niyang dinagan ang katawan ni Chanel na napapiksi sa bigat niya at napaungol at daing naman sa kakaibang sensasyon na hatid nito at sa kanyang katawan ay dala-dala. Bakas ang panggigil sa bawat galaw ni Giordano, mula iyon sa paghawak niya sa dibdib ni Chanel hanggang sa pagkababe nitong basang-basa na.   “s**t!” pagmumura nito nang lalo pang lumaki ang nagwawala niya ng p*********i.   Sinimulan niyang halikan si Chanel sa kanyang leeg, pababa sa kanyang dibdib na humantong sa kanyang flat na tiyan. Halos mapasigaw si Chanel sa pakiramdam na tuluyan nang lumukob sa kanyang katawan. Tila ba nawawala na silang dalawa sa wisyo, inililipad na sila sa kalawakan ng hindi nila maipaliwanag na pakiramdam. Dalang-dala na sila ng sensayong silang dalawa lang ang makakapagsabi kung ano ito. Ang nadarang sa apoy na mga katawan nila ay tuluyan nang nagningas at sumiklab sa pagitan nilang dalawa.   “Giordano...”  tawag dito ni Chanel nang magsimula na itong dahan-dahang sumisid sa kanyang nanunubig na p********e. Mahigpit niyang inihawak ang kanyang kamay sa buhok nito sa ulo, hinila niya iyon na tila ba kapag ginawa niya ito ay maiibsan ang kakaibang pakiramdam niya. Nagpabiling-biling ang kanyang katawan kasabay ng kanyang mga halinghing na hindi mo alam kung tunog nasisiyahan ba ito o nasasaktan, “Ahh...shit! Bakit ang...s-sarap?” anito pang itinaas ang dalawang paa.   Lalo namang ginanahan ang sumisisid na si Giordano sa kanyang pagkababe, walang pag-aalinlangan na nilulunod ang kanyang sarili. Iginalaw-galaw niya pa ang kanyang dila sa bukana ng lagusan, habang sinusulyapan niya ang reaction ng kanyang nobya. Sa mga daing nito ay lalo niya pa iyong pinagbuti.   “Ipasok mo na...” nagsusumamo na daing ni Chanel dito na hinila pa ang buhok nito palayo sa kanyang p********e, “Ipasok mo na... please...Hon...”     At dahil masunurin ang binata ay sinunod niya iyon. Kumubabaw na siya dito at walang imik na ipinasok ang kanyang p*********i sa p********e nitong kaagad iyong tinanggap. Marahas siyang gumalaw sa ibabaw nito, hawak ang isang binti nitong nakataas. Naglabas-pasok siya doon kasabay ng mga ungol at daing na bumasag sa loob ng tahimik na unit. Tumagal pa ng ilang oras ang kanilang mainit na pag-iisa.   “Hon, kailangan ko ng umalis.” Bangon ni Giordano at kuha ng tuwalya, sinipat niya ng relo at sa bedside table na lalo pa sa kanyang nagpataranta, alas-nuwebe na ang sabi ng oras doon. “Sasabay ka pa ba?”   “Hindi, mauna ka na ang sakit pa ng balakang ko.” tugon ni Chanel sa kanya at niyakap pa ang unan.   “O sige,” anitong pamartsa ng tinungo ang banyo ng silid.   Mabilis siyang naligo, tumatakbo na sa kanyang isipan ang tiyak na pang-aalaska ng mga kaibigan niya. Siguradong kukuyugin na naman siya ng mga nakakaloko nitong mga tanong na minsan ay nakakapikon.   “I’ll call you tomorrow,” paalam ni Giordano sa fiancee na inihatid siyang muli sa pintuan. Tumango lang ito sa kanya, bakas na ang pagod at antok sa maganda nitong mga mata. “Ingat ka bukas sa guesting.” muli itong tumango sa kanya, “Bukas after ko mag-sky diving titingnan ko kung makakadaan ako dito.”   “Alright,” ngiti ni Chanel at yumakap sa kanya ng mahigpit, “Mag-iingat ka, huwag ka ng mag-inom ng sobra kung may lakad ka pa bukas. Hindi maganda sa katawan na mag-sky diving kung lasing ka.”   “Opo, sige aalis na ako.” paalam nito na muling tinaniman siya ng mainit na halik sa labi.   Tumalikod na siya at humakbang palayo, nang lingunin niya si Chanel ay nakatingin pa rin ito sa kanya. Kumakaway ang kanyang mga kamay sa kanya, ngumiti lang muli si Giordano bilang tugon niya dito. Nang may maalala ay kaagad na napa-preno si Giordano at nilingong muli ang nobya na nasa pintuan pa rin, hinihintay na sumakay siya sa elevetor at tuluyang makaalisa sa palapag ng kanyang unit.   “I love you, Hon!” malakas na saad niya na bumasag sa pasilyo ng building.   Ngumiti si Chanel at tumango sa kanya. Itinaas nito ang kamay at dinala sa bibig upang bigyan siya ng hindi nakikitang lumilipad nitong halik.   “I love you, too, Giordano!”   Nakangiting tumango si Giordano at tuluyan nang pumasok sa elevator. Pagkasarado ng pintuan nito ay kaagad niyang kinuha ang cellphone sa kanyag bulsa na nagvi-vibrate na naman. Halos mabitawan niya ang cellphone nang makita kung gaano karami ang missedcalls at text messages ng kanyang mga tropa.   “Mga gago, anong akala nila sa akin nawawala na?” usal nito bago tumikhim ng mahina at sinagot iyon. “Hello—”   “Bro, nasaan ka na? Anong nangyari sa’yo? Nag-aalala na kami!” histerikal na saad ni Maximo sa kabilang linya   “Sabi sa inyo, ayos lang iyan.” tinig iyon ni Roch.   “Oo nga, siguradong sumisid lang iyan kaya natagalan.”si Octavo na pigil ang pagtawa.   “At isa pa wala iyang pupuntahan maliban sa pugad ng fiancee niya, upang maglimlim.” si Zach iyon.   “Anong tingin niyo kay Gior, manok o ibon?” si Maximo na tumatawa na nang malakas.   Malakas siyang tumawa sa reaksyon at mga pinagsasabi ng mga ito. Kahit hindi niya rin ikuwent at sabihin, alam niyang alam ng mga ito ang kanyang gawain dahil ginagawa rin ito ng mga barkada niya.   “Loko kayo, papunta na ako.” kuwelang tugon niya sa mga ito, “Nandiyan na ba kayo?”   “Wala pa, nandito pa rin kami sa suite ni Pariston.”   “O sige, saang bar ba tayo pupunta?’’ tanong niya na lumabas na ng building, humahakbang na siya patungong parking lot ng kanyang sasakyan, “Doon ko na lang kayo mismo tatagpuin mamaya.”   Sinabi ni Maximo ang address ng bar na madalas nilang puntahan, malapit lang iyon sa BGC at malapit sa uuwian ni Giordano na hotel in case na malasing ito sa gabing iyon. Sumakay na si Giordano ng kanyang sasakyan pagkababa ng tawag. Ilang saglit na natigilan at kapagdaka ay binuhay na rin ang makina ng sasakyan. Doon palang niya naramdaman ang kakaibang pagod at antok, para tuloy ayaw niya ng tumuloy at pumunta pa ng bar sa gabing iyon. Nais nalag niyang bumalik na lang sa itaas ng unit ng kanyang nobya at matulog buong magdamag habang yakap ito. Pahapyaw niyang hinawakan ang labi, binabalikan sa kanyang balintataw ang mga sandali ng mainit nilang pagniniig ng kanyang kasintahan. Pagkatapos muling mapakagat sa labi ay pinaharurot niya na ang sasakyan paalis ng naturang lugar.   “Baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili,” bulong niya na naiiling, “At bumalik ako sa itaas at hindi ko siputin ang mga mokong sa aming naging usapan. Bagay na ngayon ko pa lang magagawa sa kanila.”   Ipinarada na ni Giordano ang kanyang sasakyan sa pinakasulok na parking lot ng bar dahil doon ang bakante. Nang umibis siya ng sasakyan ay halos mapalingon sa kanyang banda ang mga babae na nagkataong nasa parking lot pa rin. Samu’t-saring magagandang papuri ang kanyang naririnig, at sanay na siya doon ganundin ang mga kaibigan niya. Agaw-eksena ang kanilang mga itsura kapag magkakasama. Bagay rin na kinasanayan na nila magmula noong nasa kolehiyo pa sila. Ang pagkakaibigan nilang tumagal na ng ilang taon, ang mga tampuhan ay nilumot na rin. Tanggap nila ang baho ng isa’t-isa at ang kakulangan nila bilang tao. Pinatibay pa nito ang kanilang samahang pito. Nagsimula na siyang humakbang papasok ng maingay na club habang inilalagay sa tainga ang cellphone. Tinatawagan niya ang mga kaibigan na sigurado siyang nasa loob na ng maingay na lugar.   “Guwapo nga, pero mukha namang palamunin pa rin ng kanyang mga magulang.” naulinigan niyang saad ng isang babae na mayroong alon-alon na buhok, nakatalikod iyon sa kanyang banda at kaharap ang isang babae na pahapyaw na sumusulyap sa paligid kaya hindi niya alam kung siya ba ang pinaparinggan ng babae. Ganunpaman ay hindi niya maiwasang mapataas dito ng kilay, sa kanyang pagsusuri sa tindig nito at kasuotan ay halatang lumaki ito sa malayong kabihasnan. “Tama ako di ba?”   “Gaga ka talaga, ang judgemental mong babae ka! Kaya hindi ka nagkakaroon ng boyfriend eh.” hampas sa kanya ng kasamang kaibigan, napangisi si Giordano sa kanyang narinig. Doon niya napagtanto na kaya siguro ganun nalang ito manlait sa kanya, o sa kanya nga ba iyon. “Ayaw mo bang magkaroon ng kasama kapag tumanda ka na ha? At anak na mag-aalaga sa’yo kapag naging mahina ka na, ayaw mo?”   “Sanay naman akong mag-isa, ano pang bago doon?”   “Ayon na nga, kaya kailangan mong magkaroon ng asawa at anak.”   “Eh, paano kung walang lalaking dumating na nakalaan para sa akin?” inosente nitong tanong na ikinailing ni Giordano ng ulo habang napatda na sa kintatayuan niya, “At isa pa ay bakit dito tayo pumunta kung date naman ang pupuntahan ko?” bakas sa tono nito ang pagiging inosente, “Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa maingay na mga lugar, tapos dinala mo pa ako dito.”   “Saan mo inilagay ang common sense mo?” pairap na tanong ng babae sa kanya, “Mahilig gumimik iyong nirereto ko sa’yo, kaya para makausap mo siya ay dinala na kita dito.”   “Ayoko, uuwi na lang ako.” anitong tumalikod sa kaibigang kausap niya.   Tila naging slow motion ang buong paligid sa paningin ni Giordano nang mapaharap ito sa kanya. Ang hula niya kanina na hindi ito maganda ay taliwas. Maganda ito, hindi sa unang tingin pero oras na titigan mo ay hindi ka magsasawa sa mukha nitong maamo, inosente at tila ba isang anghel na bumaba sa lupa. Marahang ibinaba ni Giordano ang cellphone na nasa kanyang tainga. Bakas sa mukha ang paghanga.   “Bro? Hello? Nasaan ka na?” si Pariston na kaagad nangunot ang noo at tumingin sa cellphone, “Binabaan niya ba ako?” tanong niya sa mga kasamang naka-upo palibot sa malaking lamesa. Nasa harapan na nila ang alak na kanila ng in-order, hinihintay lang nila ang pagdating ni Giordano dito.   “Baka naman nasa labas na?” hinuha ni Octavo sa sinabi ni Pariston.   “Parang?” marahang iling ni Pariston ng ulo, “Maingay na ang background niya eh.”   “Lalabas ako, titingnan ko.” Suhestiyon ni Maximo na kaagad na tumayo na upang umalis.   “Sasamahan ko,” si Jason na tumayo na rin.   Sa kabilang banda ay nakatulala pa rin si Giordano sa babaeng slow motion na humahakbang palapit sa kanya. Hindi niya maiwasang kumabog ang puso na nasa loob ng kanyang dibdib. Kakaiba ang dating at hatid nito sa kanyang kalamnan at hindi lang sa tawag ng makamundong pagnanasa at hilaw na laman.   “Bro, anong ginagawa mo pa dito?” si Maximo na humawak pa sa kanyang isang balikat.   Mabilis na napakurap-kurap si Giordano at nagbaling ng tingin sa dalawang kaibigan na nasa harapan.   “Ha? P-Papasok na ako.” senyas niya sa dalawa na itinuro pa ang loob ng maingay na bar.   “Anong papasok? Nakatulala ka lang dito, sino bang tiningan mo ha?” lingon pa sa paligid ni Jason.   Pasimpleng sinulyapan ni Giordano ang babaeng sumakay na ng taxi habang hinahabol ng kaibigan nito. Mahina siyang tumawa nang makita niyang ngumisi ito sa kaibigan, at sa pag-andar ng sasakyan ay inilabas nito ang kanyang dila. Halos maningkit naman ang mga mata ng kaibigang naiwan nito sa lugar.   “Kilala mo sila, bro?” usisa ni Maximo nang mapansin ang paninitig niya dito.   “Hindi,” tugon niya na inilagay na ang cellphone sa bulsa. “Tara na sa loob.” pag-aaya pa nito sa kanila.   “Bro, ipapaalala ko lang na may fiancee ka na.” si Jason na animo mayroong pinupunto sa kanya.   “Anong connection noon?” lingon ni Giordano na bahagya sa kanilang lumingon, “Nag-cheat na ako agad sa kanya kapag tumingin ako sa mukha ng ibang babae?”   Tumawa si Maximo, “Chill mga bro, nag-aaway ba kayo?” tinapik niya pa sa balikat ang dalawa.   “Hindi!” duet nilang tugon at magkasabay na iniwan si Maximong natitigan lang sa asta ng dalawa.   Sa pagpasok ni Giordano sa pintuan ng umiingay ng bar ay maliit siyang napangiti, hindi mawala sa kanyang isipan ang maamong mukha ng babae na animo ang kanyang buhok ay koronang yari sa alon. Hinubog ng bawat hampas nito sa dalampasigan, habang tinatamaan ng kumikinang na sinag ng araw.   “Ano kayang pangalan niya?” bulong niya na siya lang ang nakarinig sa lakas ng musika.   “Alam ko iyang mga ngiti mong iyan, may bagong crush ka ano?” si Jason na kasabay niyang naglalakad, “Kilalang-kilala kita Giordano, ang mga ngisi mong ganyan ay mayroong kahulugan na alam na namin.”   “Sira ka, bro!” halakhak lang ng lalaki dito.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD