Chapter Thirty-two: Another Helpless Girl
“Good morning!” bati niya pagkababa mula sa kanyang kwarto. Ngayong araw ay pahinga niya sa kanyang training. Mabilis namang lumingon sa kanya sina Jasmin at Ryan at agad na bumati ang dalawa.
“Good morning!” bati ni Jasmin. Umupo na siya sa kanyang pwesto sa dining table at agad namang inilapag ni Jasmin ang kanyang plato.
“Good morning, Kuya Xel,” bati naman ni Ryan at inilagay sa harapan niya ang mga kubyertos.
“Good morning, anak,” bati naman ni Mama Natalie sa kanya. Napangiti siya. Wala sa hinagap niya na mararansan niya ang ganitong buhay. Waking up with a family. Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam ng may pamilya. Inilapag na ni Mama Natalie ang niluto nitong bacon and eggs.
“Thank you, Mama Natalie,” sabi niya. Maya-maya ay narinig na niya ang mga yabag ni Renato at pumasok na ito sa dining area. Mukhang bagong ligo na din ito dahil maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito at dahil basa pa ay malayang nakalugay lang ito. Talagang nakikita niya na iba ang awra ni Renato kapag nakalugay ang buhok nito.
Parang gusto ko tuloy magpahaba ng buhok.
“Good morning, Renato,” bati ni Mama Natalie. Ngumiti ang hitman sa kanyang ina.
“Good morning, Mama Natalie.”
“Here’s your coffee.” Inilapag ni Jasmin ang isang tasa ng espresso sa hitman. Bumulong ng pasasalamat si Renato at sumimsim sa kape.
“Hmm… You have a talent, Jasmin,” sabi nito sa dalaga. Kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito dahil sa papering natanggap mula sa hitman.
“Kumain na tayo. Mama, Jasmin, Ryan, maupo na kayo,” sabi niya. Sumunod naman ang tatlo. Sa unahan ng lamesa nakaupo si Mama Natalie, sa kanan nito siya nakaupo, sa kaliwa si Jasmin at katabi nito si Ryan, Katabi naman niya si Renato.
Umusal sila ng maikling panalangin at sabay-sabay na kumain. A very peaceful morning.
“Oopps! Akala mo ah!” sabi niya ng tangkaing kunin ni Renato ang bacon sa kanyang plato. Mabilis niyang hinarang ang tinidor nito gamit ang tinidor niya.
“Wow! Mabilis na reflexes mo ah,” sabi ni Renato sa kanya.
“Of course! Kailangan mabilis ako especially if puntirya mo ang pagkain ko!” sagot niya.
“But not very fast!” at gamit ang kaliwang kamay ay kinuha nito ang bacon.
“W-what?!” Wala na siyang nagawa kung hindi panuorin ang pagkain ni Renato sa kanyang bacon.
“That’s mine!”
“We need to focus on your reflexes next time!”
“No!!”
Yeah. Indeed, a peaceful morning.
***
“Boss, limang buwan na pong hindi nagbabayad ng utang si Angel Aquino,” sabi ni Sebastian—ang right-mand man. Pinanuod niya ang kanyang boss na inisang lagok ang tsaa na itinimpla niya. Hindi alintana ang init nito. Napapitlag siya ng ibagsak nito ang tasa sa lamesa. Dinig niya ang pagtama ng babasaging tasa sa marmol na lamesa.
“She is overdue. Gawin niyo ang lahat, magbayad lang siya,” sagot sa kanya. Tumango siya at yumuko—tanda ng paggalang sa mas nakakataas sa kanya.
“Yes, boss!” At tuluyan na siyang lumabas ng opisina nito.
Paglabas niya ay nakaabang na ang ilang tauhan nila.
“Come on boys, may trabaho tayo,” sabi niya at sumunod naman ang mga ito.
“Hanapin niyo si Angel Aquino. Gawin niyo ang lahat para magbayad lang siya ng kanyang utang. Lagpas na siya sa due date niya,” utos niya.
“Yes, Certo,” sabi sa kanya ng mga ito at nagsiunahan ng umalis ng kanilang headquarters.
***
“Saan ka na naman pupunta, Axel?” tanong sa kanya ni Renato. Nakaupo ito ngayon sa couch at hawak ang isang tablet. Mukhang may binabasa itong article.
“Sa clubhouse. Maglalaro lang kami ni Victoria ng table tennis,” sagot niya. Hindi na niya hinintay pa magsalita ang kanyang trainer at tuluyan ng lumabas ng bahay.
“Magkikita na naman kami ni Victoria. Uggh! I miss her actually especially kapag nag-uusap ako about adult stuffs. Hays, kumusta kaya siya? Did she mourn for me? Nagsisi kaya siya na hindi niya ako agad tinikman? Ilang buwan na ba akong walang s*x life?”
“B-bitawan niyo ako! Tulong!” Napalingon siya sa isang eskinita. Doon ay nakita niya ang isang babae na hinaharass ng ilang mga kalalakihan. Iba ang mga lalaking nakikita niya ngayon. Pare-parehong nakasuot ang mga ito ng itim na longsleeves at slacks.
At dahil pakialamero siya, pumagitna na siya sa mga nangyayari.
“Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?!” sigaw niya at napatingin ang lahat sa kanya. Binilang niya ang mga lalaki. Anim na lalaki ang kumokorner sa kaawa-awang babae. Lumapit sa kanya ang isang lalaki. Mas malaki ang katawan nito kumpara sa mga kasama nito. Sa tingin din niya ay mukhang ito ang lider ng mga ito. Mayroon itong itim na buhok na naka-brush up style at may peklat sa noo pababa sa pisngi.
“Huwag kang mangialam dito, bata. Mind your own business!” sabi sa kanya.
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi niyo lulubayan ang babae,” sabi niya.
“Bibilangan kita ng lima at kung hindi ka pa rin aalis ay mapipilitan kaming saktan ka,” sabi nito. Umismid lang siya at nameywang pa.
“Kahit magbilang ka pa ng isangdaan diyan ay hindi ako aalis,” matapang na sagot niya.
“Isa.”
“I told you I’m not leaving.”
“Dalawa.”
“Lubayan niyo ang babae.”
“Tatlo.”
“’Wag niyo siyang hinaharas.”
“Apat.”
“Minamahal ang mga babae.”
“Lima!”
“O ano na?” Kita na niya ang inis sa mukha ng lalaki at agad na sumenyas sa mga minions nito.
“Haaa!!!” sigaw ng isa at sinugod siya. May hawak itong isang tubo. Inihampas sa kanya ngunit mabilis siyang nakailag. Makailang beses siyang tinangkang hampasin nito pero mabilis niyang iniiwasan ito.
“O relax lang kasi. Naduduling ka na eh!” pang-aasar niya kaya mas lalong naasar ang lalaki.
“Bugbugin niyo ng husto ang lalaking iyan! Bigyan ng leksyon!” sigaw ng lider at sabay-sabay ng sumugod ang mga tauhan nito.
“Hindi ako basta-basta, manong!” May sumuntok sa kanya ngunit nasalo niya ang kamao nito. Pinilipit niya ang kamay kaya humiyaw ito sa sakit. May susugod na naman sa kanya at kahit hawak niya ang braso ng isa sa mga kasama nito ay nakailag siya at sinipa ito sa dibdib.