Chapter Thirty-one: Realistic
“Gentlemen, this is our little brother, Ryan,” pakilala ni Axel sa isang bata. Pareho silang natahimik ni Tony. Iniisip niya kung saang lupalop nakuha ng binata ang batang ito.
“Saan mo nakuha iyang bata, Boss Axel?” tanong niya.
“Sa gubat! Sa bundok!” sagot sa kanya. Napakunot ang noo niya at naghihintay na ikwento ni Axel ang buong nangyari. Ang alam niya ay nagpunta sa isang bundok sina Renato at Axel upang magtraining. Tapos ito, pag-uwi ng boss niya ay may bitbit na itong isang batang lalaki.
Boss Axel should know whether to trust somebody or not. Delikado ang ginagawa niya dahil baka someone will take advantage of him.
“Baka may pamilya ang batang iyan, Xel. Hindi naman pwedeng kukuha ka lang nang kukuha ng bata out of nowhere,” sabi ni Tony. Tama. Baka nga naman may pamilya ang bata at pwede nilang ibalik sa magulang. Well, tanggap niya ang kalagayan ni Jasmin. Wala din naman siya magagawa kung tututol siya kay Axel. Ang usapan ay hahanapin ang mga tunay na magulang ni Jasmin tapos uuwi na ito. Isang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin natatagpuan ang mga magulang ng dalaga.
“No, he was abandoned,” sagot ni Axel. Natigilan siya at napatingin sa bata. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kurot sa puso dahil sa narinig. Konting kaalaman tungkol sa kanya—he was also an abandoned child.
“He was abandoned there at the mountains. Hindi ko lang maisip kung papaano siya nakasurvive doon. I don’t know kung gaano na siya katagal doon. Umiiyak siya na lumapit sa akin dahil hinahabol siya ng malaking oso. Kaya sabi ko nakipagbuno ako sa isang oso.” Dito na pinakita ni Axel ang mga sugat nito sa braso.
Napabuntong hininga na lamang siya. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag dahil walang nangyaring masama sa kaibigan niya. Ayaw na niyang maranasan ang bangungot na naramdaman niya sa nakalipas na tatlong taon.
“Bahala na kayo diyan. I’m tired,” sabi ni Renato at umakyat na sa kwarto nito. Silang tatlo ay sinundan lang ng tingin ang hitman.
“Maya-maya nandito na din sila mama. Makakakain na din tayo,” sabi ni Axel kay Ryan.
“Ako pala si Tony. Call me Kuya Tony,” pakilala ni Tony. Ngumiti ang bata at niyakap si Tony.
“Wow! Ang lambing!” At sinuklian din ni Tony ang yakap ni Ryan.
“Kuya Harold,” sabi niya. Tumango ang bata at niyakap din siya. Nakaramdam siya ng kasiyahan nang maramdaman ang init na yakap ni Ryan. Hindi niya maiwasang maalala kung papaano din niya niyakap noon si Don Timoteo.
Pero hindi pwedeng magpatuloy ang ganito. Maraming buhay ang mapapasok sa madugong mundo ng Cosa Nostra. Hindi pwedeng madamay ang mga buhay ng inosente. Mahirap na sa kanila na maprotektahan ang ilaw ng tahanan sa bahay na ito.
“Boss Axel, hindi ka ba natatakot para sa kanya? I mean, being the Cielo’s successor ay puno na ng threats. Kaya ka nga naaksident dahil dito. Now, your dragging innocent people in our lives,” sabi niya. Fine. Aaminin na niya, nag-aalala siya para kay Jasmin at ngayon ay para sa batang si Ryan. These people will become an easy target para sa mga kalaban nila sa Cosa Nostra.
“I know what I am doing, Harold. And I will do everything to keep them safe,” sagot sa kanya ni Axel.
“May tiwala kami na kaya mo, Xel,” sabi ni Tony. Ngumiti si Axel kay Tony.
“Salamat. Anyway, may gusto akong sabihin.”
“Ano ‘yon, Boss Axel?”
“I will be redefining Cosa Nostra. Na-orient na ako about the blood shed of that world. At sisikapin kong baguhin ito.”
Napabuga siya ng hangin.
It’s impossible.
“Boss, mukhang imposible ang gusto mong gawin. Cosa Nostra is a world of blood. Hindi nab ago ang p*****n doon. Hindi na bago ang pagkamatay ng isang tao dahil sa isang walang kwentang bagay. Cosa Nostra is big! Hindi sa hindi ako naniniwala sa’yo boss Axel. I’m just being realistic here,” sabi niya. Napalingon siya kay Tony nang tapikin ang balikat niya.
“Harold, hindi ba’t ikaw ang unang-unang magtitiwala kay Xel dahil ikaw ang kanang kamay niya? Kapag sinabi niyang kaya niyang baguhin ang Cosa Nostra ay maniwala tayong kaya niya. I actually don’t have any information about that thing. Katulad ni Xel ay ngayon lang ako papasok doon,” sabi nito sa kanya.
“That’s the thing! Wala pa kayong alam. Nakapasok ako ng Cosa Nostra at the age of nine years old and I witnessed countless killings. Even Don Timoteo killed some people. Nagiging realistic lang ako. Cosa Nostra is big,” paliwanag niya.
“Harold,” tawag sa kanya ni Axel. Napansin niyang nakatulog na si Ryan sa couch kung saan nakaupo si Axel. “I need you to trust me. Ikaw ang right-hand man ko ‘di ba? I need you and Tony sa pagbago sa Cosa Nostra. Sisikapin ko, once na naupo na ako bilang bagong boss ng Cielo Family.”
And somehow, nakaramdam siya ng sinseridad mula kay Axel. Ang tagal niyang kasama si Axel pero ito ang unang beses na naramdaman niyang sincere ang binata sa kanya.
“Boss Axel, may tiwala ako sa’yo. Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. Tutulungan kitang baguhin ang madugong mundo ng Cosa Nostra,” sabi niya. Ngumiti sa kanya si Axel at inilahad ang kamay nito na siyang tinanggap niya.
“I am looking forward to it,” sabi nito. Tumingin si Axel kay Tony at nakipagkamay din.
“Naniniwala akong kaya mo Xel,” sabi ni Tony at tumango si Axel.
“Salamat.”
Sabay-sabay silang napatingin nang bumukas ang pinto at pumasok si Mama Natalie kasama si Jasmin. Mukhang namalengke ang mga ito dahil may bitbit na supot ng mga gulay at groceries.
“Nandito ka na pala, Axel,” sabi ni Mama Natalie. Nakita nilang dumako ang tingin nito kay Ryan na nakatulog na sa couch.
“I’m guessing we have another new family member?” tanong ni Mama Natalie at ngumiti ng malawak si Axel.
“Opo. I can’t just leave him there.”
“Welcome siya sa bahay na ito. Hindi ako makapaniwala na for three years ay tahimik ang bahay na ito. Now, dumadami na tayo. Masaya ako,” sabi ng ginang.
Pakiramdam niya, panaginip ang nakalipas na tatlong taon.