Episode 1
DIFFERENT LIVES
Napangiti ako nang mahagip ng aking mga mata si Ken sa repleksyon ng salamin habang nagsusuklay ako ng buhok. Natutulog pa siya dahil bakasyon na. Siya ang magwa-walong taong gulang kong anak na lalaki na mag-isa kong binubuhay.
Ako naman ay maagang gumigising para bumili ng karne sa palengke, ibababad ko at palalambutin, gagawing BBQ. Limang taon ko nang ginagawa ito sa araw-araw at dito kami nabubuhay ng anak ko simula nang umalis kami sa hacienda de la Cueva. Isang buwan pa lang siya noon sa t’yan ko nang mas piliin ko na umalis at magpakalayo-layo. Iyon ang naging desisyon ko dahil sa takot na baka itakwil ako ng aking mga magulang sa oras na malaman nilang buntis ako sa edad na desi-seis. Anong sasabihin ko sa mga magulang ko? Na disgrasyada ako at ang ama ay ang amo nila sa hacienda? Maniniwala ba sila na si Enrique Gabriel ang nakabuntis sa akin? Baka naman pagtawanan pa ako ng sarili kong mga magulang at ang masama ay sabihin nila na nilandi ko ang kababata ko, kababata ko na walang ibang ginawa kung hindi lumapit sa akin kapag nasasaktan ng girlfriend niyang taga-kabilang bayan. Naturingan na mas matanda sa akin ng limang taon pero parang mas bata pa kung mag-isip. At dahil sa maling akala ay heto at may anak na ako ngayon.
Pero ni minsan hindi ako nagsisi. Nasaktan ako pero ibinangon ko ang aking sarili bilang babae at dalagang ina. Nagkamali man ako pero hindi pagkakamali ang anak ko. Bunga siya ng pagmamahal ko sa isang lalaki, maling lalaki nga lang dahil mas pinili niyang sumama sa isang babae na paulit-ulit naman siyang sinasaktan noon.
Baka masaya na sila ngayon at nagmamahalan na talaga.
Napatitig ako sa salamin. Siyam na taon na ang lumipas pero ramdam ko pa rin sa puso ko ang masakit na nangyari sa akin. Sa tuwing naaalala ko ay palagi pa ring sumisikip ang dibdib ko at may luha na dumudungaw sa aking mga mata. Hindi man iyon gumugulong pababa sa pisngi, sapat naman iyon para maramdaman ko ang bigat sa dibdib.
Tanga yata ako sa pag-aakalang mahal niya rin ako noon. Akala ko ako na ang gusto niya dahil palaging balikat ko ang hinahanap niya sa tuwing nasasaktan siya. O ngayon na may edad na ako ay saka ko lang naiisip na mukhang ginamit lang niya ako at ginawang panakip butas. Ano ako, epoxy? Sira ulo ang gagong iyon. Kapag nag-krus ang landas namin at humara-hara siya sa daanan ko, mababasag ko ang kapulahan ng itlog niya.
Napatigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pintuan, kasusunod ang pag-ere ng boses ni Aling Susing. “Kendra, gising ka na ba, iha? Narito na ako at titingin kay Ken.”
“Opo Aling Susi, gising na gising na. Mas dilat pa ako sa manok ni San Pedro.” Napabungisngis ako nang buksan ko ang pintuan na parang isang maling kilos lang ay babagsak na. Ang masama ay kung mabagsakan pa si Aling Susing na mahal na mahal kami ng anak ko. Siya ang may-ari ng inuupahan namin ni Ken kaya kahit na halos giba na ang bahay ay hindi ko maiwanan kasi parang pangalawang magulang ko na ang matandang babae na mag-isa lang sa buhay. Kami na ang pamilya ng matanda at karamay sa lahat ng paghihirap sa buhay.
Tulad ko, bigo rin siya sa lalaki. Isinuko raw nito hindi lang Bataan kung hindi buong planeta pa pero wala raw. Ipinagpalit daw ito sa isang sosyal na babae na aristokrata. Ang pagkakaiba lang ay walang bunga ang kanila at ang sa akin ay meron, isang bunga ng kahapon na kahit mapait balikan ay hinding-hindi ko kailanman pinagsisihan.
“Bilisan mo na at baka madugas na naman ang karne mo.” Anito na humihikab pa nang pumasok.
“Subukan naman ni Mang Teban na ipagbili ang karne ko at makikita niya ang hinahanap niyang karne. Tatapyasin ko na ang ilong niya at papalitan ko ng ilong ng baboy.” Sabi ko naman habang ipinupusod ang buhok ko.
Pangiti-ngiti si Aling Susing nang silipin si Ken sa loob ng kwarto. “Ulyanin na kasi ang matandang iyon at mukhang pera kaya kahit suki ay ibinibigay pa sa iba.”
Dinampot ko ang body bag at saka isinuot iyon.
“Mag-ingat ha.” Paalala ni Aling Susi sa akin nang humakbang ako papalabas ng bahay.
“Salamat Aling Susi pero sila ang mag-ingat sa akin.” Sabi ko naman saka ako lumabas ng bahay. Pero nang maalala ko na hindi pa ako humahalik sa anak ko ay nagmamadali akong bumalik. Kahit ni minsan ay hindi ko nakalimutan na huwag halikan ang baby ko. Siya ang buhay ko at kapag nawala siya ay mamamatay ako nang wala sa oras. Lahat ay kaya kong gawin para sa kanya at ipaglalaban ko siya ng p*****n.
Nagpapasalamat nga rin ako sa Diyos kasi hindi siya naghahanap ng ama. Ibinibigay ko kasi ang lahat ng pagmamahal sa abot ng makakaya ko kaya yata kuntento siya. Saka ang mga Papa niya ay ang mga tumador sa katapat na sari-sari store. Kung sa pagmamahal ay busog na busog siya at nagmumula iyon sa ibang tao na nakapalibot sa kanya, sa amin. Kinupkop kami ng mga taga rito. Isang maliit na baranggay na puro hikahos sa buhay ang nakatira pero ang mga tao ay masaya at nagkakaisa.
Hindi niya kailangan ng lalaking katulad ng kanyang ama na hindi kayang manindigan. Kung hindi man lang naisip ni Enrique Gabriel na pwedeng nagbunga ang ginawa niya sa akin, o ginawa namin, wala na siyang aasahan kung dumating ang panahon na mag-krus ang landas nila ng anak namin. Malaki na si Ken sa mga panahon na iyon at alam ko na hindi na niya ako basta iiwan lang katulad ng ginawa ng ama nitong herodes na hinila lang ng babae, sumama naman hanggang sa America.
Buhay pa kaya ang dyablo na ‘yon?
Napapatanong ako habang naglalakad papunta sa labasan. Paminsan-minsan ay sumasaglit sa isip ko and tungkol kay Enriel, pero bakit nitong mga nakaraang araw ay madalas yata? Buhay pa nga kaya siya? Wala rin akong balita at mas lalong wala akong pakialam.
Hindi ko rin mapigil na huwag mapuno ng hinanakit ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Kahit ang pagpaalam ay hindi niya nagawa nang maayos. Nag-usap kami pero kahit na umiiyak ako ay iniwan niya ako sa batis na mag-isa pagkatapos niya akong halikan at yakapin. Basta na lang siya lumayas matapos na sabihin na binalikan na siya ni Amethyst. Binalewala niya ang nangyari sa amin sa loob ng kotse niya at ni minsan ay hindi niya nabanggit man lang ‘yon. Umakto siya na parang walang nangyari at ni minsan ay hindi man lang nailang. Tapos noong huli ang tanong sa akin ay kung hindi raw ba ako nabuntis? Sinabi ko na lang na hindi kahit na ang dahilan naman talaga ng pagpunta ko sa bahay niya ay para sabihin na buntis ako. Pero paano ko iyon gagawin kung lumabas galing sa kwarto niya si Amethyst na balot ng kumot at walang saplot? Paano kung nag-uulap ang mga mata nila sa saya? Paano kung ang mukha ng babae at parang sukdulan hanggang langit ang ligaya?
Parang pinatay ako nang makasampung ulit sa mga sandaling ‘yon pero pigil na pigil ko ang mga luha ko na pumatak. Walang kasing sakit na isipin na siya ay masaya sa iba at hindi niya pinahalagahan ang pagiging isang babae ko na walang ibang nakakuha kung hindi siya lang.
Oobligahin ko pa siya na pakasalan ako dahil buntis ako? Hindi ko kailanman gugustuhin na makasal sa isang lalaki na hindi ako totoong mahal at naitali lang sa akin ay dahil sa bigat ng responsibilidad. Hindi magtatagal ang ganoong pagsasama lalo kung may nagmamay-ari sa puso na ibang tao.
Napabuga ako ng hangin nang parang may kumirot sa puso ko. Masakit pa rin na balikan pero hindi na ako ang Kendra na parang aso na kung saan hilahin ay doon susunod. Ibinaon ko na sa kasuluksulukang parte ng puso ko ang pagmamahal ko kay Enrique Gabriel, o mas tamang sabihin na pinatay ko na nga.
Enriel
“Hayop ka! Saan ka na naman galing?!” Hagulhol ang isinalubong sa akin ni Amethyst habang nakatayo siya sa may center table pagkabukas ko ng pintuan.
I just arrived home and it is 1:00 AM. Napainom ako sa barkada dahil may pa-bachelors party ang isa sa mga business associates ko. I admit, may babae, marami. But never had it come to the point that I was indulged to taste one. I respect my wife though she’s acting so paranoid most of the time.
Ito na ang buhay ko makalipas ang siyam na taon at mas piliin kong pakasalan siya.
I locked the door and walked toward her, loosening my tie and unbuttoning my shirt. I know what she needs, s*x. Tumayo ako sa harap niya at ibinuka ang mga braso ko at saka ako tumingin sa kanya na walang emosyon. Alam kong aamuyin niya ako mula ulo hanggang paa, hanggang sa singhutin na niya ang leeg ko na parang isang aso habang nakatayo ako at nakatulala.
I couldn’t hide it. A woman sat on my lap and kissed my neck at the party, but that just stopped there.
“Damn you, Enrique Gabriel!” She cried as she banged my chest.
Ano na naman? Nakakapagod na. kaagad na tumigas ang panga ko at napasinghot ako ng hangin. Ayoko ng magpaliwanag dahil mahirap magpaliwanag sa taong sarado ang isip. Mariin kong itinikom ang mga labi sa pagtitimpi na huwag ko siyang mapatulan. Hindi ko pa siya napagbubuhatan ng kamay kahit na kailan, at sana ay huwag umabot sa puntong ‘yon dahil unti-unti na ngang nauubos ang pasensya ko.
“May babae ka na naman!” Singhal niya na para bang walang pakialam kung nakabulahaw siya ng kapitbahay.
Na naman? Tumango-tango ako at marahas na initsa ang coat ko sa sofa. Kailan ba ako nagkaroon ng babae? Kating-kati na nga ako kasi nakakasawa na siya. Actually there are lots of women who were trying to seduce me, mostly blondes, but I never gave them the honor to ruin my married life. Pero mismong asawa ko ang sumisira roon dahil wala siyang sawa sa pambibintang sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa aming dalawa at bakit nagkaganito ang takbo ng lahat. She’s like a freak, acting so wild most of the time. Lagi siyang nagdududa at kahit na sinong babae ay inaaway niya basta mapadikit sa akin. Nasasakal na ako at pakiramdam ko ay hindi na ako ang lalaki sa relasyon namin.
Iniintindi ko siya kasi iniisip ko dahil lang iyon sa kawalan namin ng anak. Maybe she’s afraid to lose me just because of that, but isn’t this too much?
I can’t even get her pregnant. Palagi siyang nakukunan at pagkalipas ng dalawang beses na miscarriages ay hindi na siya nabuntis pa. Ang sabi ng duktor ay milagro na lang kung makabuo pa kami. Sinubukan na rin ang artificial insemination pero wala, sadyang palpak ang matris niya na mgdala ng bata dahil laging nahuhulog. Tapos ayaw niyang kumuha ng surrogate mother. Sinubukan kong kumausap ng babae at handa kong bayaran ng isang milyon para lang dalahin ang anak namin, pero sinabunutan niya ang babae nang mahuli niyang nakatitig sa akin. Paglabas ko sa laboratory ay umiiyak na ang babae at ayaw na sa alok ko.
From then on, I never tried. I was badly traumatized because my wife is insane. Saka nakaaawa ang mga baby na kamuntik mabuo pero namamatay. Masakit din ‘yon para sa akin kasi ako ang ama. I want a child and im growing old too fast. And as much as possible, I want a happily married life, not a mess!
“I don’t have.” I replied,feeling so tired, evading her. Nakakawala ng bayag ang ginagawa niya sa akin.
“Liar!” bulyaw niya sa akin saka ako hinampas ng flushed pillow sa likod. Sumusobra na siya pero hindi ko pinapatulan. Hindi ako nanakit ng babae pero ang pinapatay naman niya ay ang pagmamahal ko. Minsan nga ayoko ng umuwi dahil para siyang pusa na pangalmot na lang nang pangalmot.
“Naghahanap ka ng mabubuntis mo?! Naghahanap ka?!” Dinaig niya ang may microphone sa lakas ng iyak at boses niya.
Napipikon na ako kaya pumihit ako at walang habas na siniil siya ng malalim at galit na halik. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya nang may kariinan. I punished her with a kiss of rage.
I sucked her lips angrily, ripping her night dress at the forefront. Tumunog lang ang tela at saka ko siya papatalikod at itinulak sa sofa. Nawalan siya ng imik at hindi nakahuma. She fights, this is my best revenge, f**k her hard and sometimes it makes me feel that she’s no longer my wife. She’s like a w***e to me, a wanton woman, a f*****g slut!
“You want this? Is this all you want? Now we’ll make a baby to stop you from acting so paranoid! I’m gonna f**k you and you have to count every drop of my sperm to prove you that I am not cheating. Damn, Amethyst! I am trying my best to be the perfect husband but you keep on crushing my balls!” Litanya ko habang kinakalas ang sarili kong sinturon.
Inaapakan na niya ang p*********i pero hindi ko magawang umalis. Umaasa ako na babalik ang babaeng minahal ko noon pero ibang-iba na siya ngayon. Kung noon talagang may ugali na siya, mas lumala pa ngayon na ilang taon na kaming kasal.
When I was done, I pulled down my fly and spared my d**k. It wasn’t hard. Damn! Pati p*********i ko ay nagma-malfunction na dahil sa ugali ng babaeng minahal ko buong buhay ko. I played with myself just to make it stand.
Walang pag-iingat na ipinasok ko sa kanya ang aking ari nang maramdaman ko na kahit paano ay nabuhay ‘yon, kaya natahimik siya. I hold her hips and thrust hardly. She’s wet. How could she even be so wet while she’s so mad at me? Naging ugali na niya na awayin muna ako bago siya magpagamit sa akin? Sirang-sira na talaga siya.
Walang imik na inilabas-masok ko ang aking kahabaan sa loob niya. Dumadaing siya at humawak nang mahigpit sa likod ng sofa. She parted her legs even more. I had a better access but damn for I am not enjoying her company anymore. Noon halos mabaliw ako sa kanya at halos isa, dalawang ulos ay nilalabasan kaagad ako, pero ngayon ni hindi ko na nararamdaman na masarap sa pakiramdam ang makipagtalik sa sarili kong asawa.
What is damn wrong with me?
Or is it really my fault?
“Love, ohhhh my god…” Amethyst cried in pleasure. Humihiyaw sa laki na parang gusting-gusto niya at kapag inaaway naman niya ako ay parang halos hindi niya maalala na ito ang paborito niya?
Love? That sounded new to me. Love kapag nagtatalik kami pero Enrique Gabriel kapag hindi? Putang-ina!
Hinawakan niya ang sariling s**o at marahan na nilamas ang sarili at maya-maya ay kusang pumunta sa sarili niyang p********e at pinaglaruan ang sarili. She played with her own clit and moaned sensually.
Years ago, I found it so sexy but now, I find it so disgusting. Lalo kong binilisan ang paggalaw sa likod niya na halos ikatumba niya sa sofa. She’s screaming but I am making no sound at all. I’m mad and I’m releasing my anger through this s**t, through my d**k, through my f*****g d**k!
Nangatal si Amethyst. Saka ko lang binunot ang akin. And to my surprise, I didn’t come. This always happens and I can’t believe that it’s been my d**k’s regular habit not to release any semen.
Tumulo ang kanya sa hita at nanlulumo siyang napaupo.
Walang imik na tumalikod ako at iniwan siya. Now she looks so relaxed. Mabuti na lang hindi niya napansin na hindi na naman ako nilabasan, kung hindi hampas na naman ang aabutin ko.
God, if this is all the p*****t for all the wrongs that I’ve done then, I’m sorry…
I'm tired but I love her...
Or do I still love her?
Kung minsan nagtataka na rin ako sa sarili ko. I am staying though our marriage was already f****d up. I'm still trying my best to fix what we have but if I have to do it all alone, I guess there'll be no more chance to keep the relationship and tuck it in the right place where it must be.
Ako lang yata ang mapilit pero hindi naman siya humihingi ng annulment. I am not also opening a curtain about it. I don't want to. I don't want to make another mistake. Puro na lang kasi mali ang nagagawa ko sa buhay ko. At least itong kasal man lang ay mapanindigan ko at maituwid pa kung kakayanin pa. Anak lang naman ang kulang sa amin at handa ko naman na gawin ang lahat para magkaroon, kahit pag-aampon. Kaya lang si Amethyst ang mapilit na magbuntis kahit na alam naman niyang hindi niya kaya at sa ugali niya, natatakot akong kumuha ng bata dahil baka maltratuhin lang niya at pagselosan pa.