Chapter 4

1354 Words
Chapter 4 Pagpasok ko sa loob ng unit ko ay agad kong sinara ang pinto. Hingal na hingal ako dahil tinakbo ko lang naman ang unit ko para lang makatakas sa matalim na tingin nung lalake. Hindi ko pa rin pala alam kung anong pangalan non! Nasabunutan ko ang aking sarili dahil sa pagkabuking ko dahil kay Marylle. Kita mo 'tong taong 'to? Sabihin ko daw na wala siya pero siya 'tong biglang lumalabas para magtapon ng basura? Hindi man lang ba muna siya sumilip kung sinong poncio pilato ang nasa labas dahil siya naman 'tong may tinataguan? Ako na nga itong tumulong pero ako pa 'tong nalagay sa alanganin? Mali 'yon eh! Muli akong napasabunot at dahan-dahang lumapit sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at sumilip sa labas. Nakita kong nandoon pa din sa labas si Marylle at 'yung lalaki. Mukhang seryoso ang kanilang pinaguusapan. Niliitan ko ang aking mga mata upang makita sila ng maayos. Seryosong nakatingin ang lalaki kay Marylle habang nagsasalita. Si Marylle naman ay nakahalukipkip habang matamang nakikinig sa lalaki. "Lalo talaga akong nacu-curious sa dalawang 'to." Bulong ko sa aking sarili at halos sumandal na sa bintana. Bakit parang ang yabang pa nitong si Marylle para sa isang nangutang? O baka yung lalaki yung nangutang? Hah! Imposible. Sa yaman niyan? Maya-maya ay napayuko si Marylle at binaba niya na din ang dalawang kamay. Teka? Umiiyak ba si Marylle? Nakita kong bahagyang nagpunas si Marylle ng luha. Nanlaki ang aking mga mata dahil unti-unting lumapit ang lalaki at niyakap si Marylle! Omg! Sana naligo man lang si Marylle! Pagkatapos noon ay tumango si Marylle sa lalaki at pumasok na sa loob ng gate. Sinundan naman ng tingin ng lalaki si Marylle. Ilang segundo pa siyang nanatiling nakatayo doon ngunit nagulat ako ng bigla itong tumingin sa bintana ng unit ko! Agad akong napaupo kaya naman tumama ang tagiliran ko sa kanto ng maliit na lamesang nasa tabi ng bintana. "Oh s**t!" Napahimas ako ng aking tagiliran at unti-unting sumilip muli sa bintana. Nakita kong kakasakay niya lang sa kanyang kotse at agad na humarurot paalis. Napahinga ako ng maluwag. Sana talaga nakalimutan niya na yung sinabi kong magkakatulong ako sa kanya. Aba napapagod din ako! Mabilis akong pumasok ng kwarto at kinuha ang cellphone ko para mag-chat sa GC namin nila Betty. Me: andito na naman yung lalaki!!! Nakita ko na mabilis na nag-seen ang mga chismosa kong kaibigan at si Betty naman ay typing na agad. Betty: Picture! Pag ganyan picture agad. Kupad naman. Me: Nakaalis na. Pero nagkita na sila ni Marylle. Grabe para akong nanunuod ng MMK! Banjo: Oh mukha bang naningil? Me: Hindi! Nagyakap! Betty: Baka hindi na lang din muna ako maligo. Ganyan pala sikreto. Banjo: Maligo kana lang Betty. Maawa ka samin. Betty: Gago Banjo: O tingnan mo ang baho agad Betty: Hahalikan talaga kita bukas Banjo: Unahin mo ang kalinisan Betty. Me: O tama na. Kakampi niyo ang isa't-isa Banjo: Isa pa tong mabaho ang ugali Betty: Hindi sana masarap ulam mo buong taon Tinawanan ko ang mga ito at pinatay na ang data ng phone ko. Ngunit sa kalagitnaan ng gabi, kagaya sa mga nagdaang taon, ay humahangos akong nagising. Gaya ng nakasanayan ay bubuksan ko muli ang ilaw at babalik sa pagtulog. Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok sa coffee shop. Nadaanan ko ang saradong pinto ni Marylle at napairap nang maalala kung paano ako nabuking kagabi dahil sa kanya. Paglabas ng gate ay napalingon pa ako sa paligid sa takot na baka biglang sumulpot yung lalaki dito na whatever ni Marylle. Nang makitang wala ito dito ay napahinga ako ng maluwag dahil bukod sa pagsisinungaling ko sa kanya ay masyado siyang intense para sa akin. Kapag tumitingin eh para bang alam niya lahat ng kasalanang nagawa mo sa buhay. Malaki ang ngiti ko pagpasok ng coffeeshop at nakitang may mga maaagang customer ngayon. Sumenyas ako ng sorry kay Alvira pero nag okay sign lang siya akin dahil wala pa naman talagang 8:00 am. Mabilis akong nagpalit ng uniform at nagsuot ng cap at apron. Nang mabuksan ang line ko ay agad na lumipat ang ibang customer na nakapila kay Alvira. Ang busy ng umagang ito! Walang patid ang pila sa amin ni Alvira ngunit sadyang may mga ganito talagang araw. Abala ako sa pagkuha ng order nang matanaw ang isang pamilyar na lalaki sa dulo ng pila ko. Yung whatever ni Marylle! Nang tumingin siya pabalik ay agad akong napayuko sa ilalim ng counter at kunwaring nag abala sa pag aayos ng mga gamit sa ilalim. Shemay! Maya-maya ay naramdaman ko ang pasimpleng sipa sa akin ni Alvira. Nang iangat ko ang tingin sa kanya ay pinanglakihan niya ko ng mata kaya wala akong nagawa kundi harapin ang mga customer. Hanggang sa maubos ang mga customer sa unahan niya ay pilit pa din ang ngiti ko. Sana lang hindi ako mukhang constipated dito. Pinilit ko namang bagalan ngunit nakakatanggap ako ng sipa mula kay Alvira. Huminga ako ng malalim nang makaalis ang huling customer na ginamit kong shield mula sa lalaking 'yon. Kahit kinakabahan ay pinilit kong ngumiti sa kanya. "G-good morning. W-w-what's your order sir?" Shet naman oh! Nakita kong tinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa counter at bahagyang tumingala sa menu kaya naman bahagya akong napaatras dahil halos ilang pulgada lang ang layo namin. Napatingin siya sa ginawa ko kinagat ang labi. Sa tagal mo dyan kanina hindi ka pa nakapili? Ibinalik niya ang tingin sa akin at nakita kong bahagya siyang nakanguso upang magpigil ng ngiti. Mukha siguro talaga akong constipated ngayon! Tumikhim muna siya bago sabihin ang kanyang order. "1 americano with 2 shots of espresso." Walang emosyong sabi niya. Agad akong nag-punch ng order niya at halos kurutin ang aking sarili dahil bahagya pang nanginig ang kamay ko at muntik pang magkamali ng pindot. "W-hat's your name Sir?" Mahina kong sabi na parang ako lang yata ang nakarinig. Ang hirap naman nito? Bakit ako pa yung unang magtatanong ng pangalan niya? "I'm sorry. What?" Sabi niya na tila aliw na aliw sa itsura oo ngayon. "Name, sir." Nilakasan ko ng konti ang aking boses. "Adi." Maikling sagot niya sabay kuha ng resibo sa kamay ko. Anak ng patola. Nakalimutan ko yatang huminga! "Ay kabayo si Betty!" Bulalas ko nang makita si "Adi" daw sa labas ng coffeeshop. Nakasandal ito sa pader habang nakapamulsa. Nakasuot ito ng isang white button down shirt at slacks. Sinasabi ko na nga bang pagpapawisan na naman ako sa oras na lumabas ako ng coffee shop. "Ang init naman dito sa labas." Parinig ko at agad akong umikot upang bumalik sana sa loob at magpasundo nalang kay Banjo at Betty nang- "You can't get away from me, you know." Napahinto ako humarap sa kanya. "Ano pa bang kailangan mo? Nakita mo na si Marylle, diba? Patola naman 'to." Sabay irap ko. "I thought about your offer." Napatigil ako dahil parang nag-loading-unloading-loading ang utak ko. "Anong offer?" Wala nga akong mai-offer sa sarili ko sa kanya pa kaya? "About you being my maid?" Napatawa ako ng sarkastiko. "Hindi ko alam na pala-patol ka Adi." Diniinan ko ang bigkas sa pangalan niyang ang lakas maka-gwapo. "You promised, Tanya." Sabi niya habang nakatingin sa bandang dibdib ko. Aba't- Napatingin ako sa nameplate kong nakakabit sa school uniform ko ngayon. Bakit nakakabit dito sa uniform ko yung nameplate ko sa coffee shop?! Sobrang lutang ko na ba kanina para gawing ID 'to sa school? Bahagya akong tumalikod sa kanya upang tanggalin ito. "FYI, Mr. Adi, nag-aaral at nagtatrabaho ako. Baka gusto mong pati sa panaginip ko magtrabaho na din ako?" Sabi ko pagharap ko ulit sa kanya. "You can just clean my condo and maybe cook some food for me every Saturday." "Busy ako." Tumalikod na ako sa kanya upang umalis. "3000 pesos per day." Agad akong humarap sa kanya. Akala niya ba madadala ako sa pera? Teka. "Kelan pwede mag-start?" Nakita kong napailing siya at natatawang nakatingin sakin. "Next week. For now, let me take you to your school." A.N. Help me improve my writing skill through your feedbacks! :) -Danee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD