Chapter 5

1312 Words
Chapter 5 "Next week. For now, let me take you to school." Napaatras ako ng bahagya sa narinig ko sa kanya. "Nabasa ko na 'yan." Maikli kong sabi sa kanya sabay irap. Alam ko na ang mga karakas ng mga ganitong itsura. Yung mga ganitong mapanga? May kotse? Mayaman? Fictional na fictional. Natawa naman siya muli at napailing. "What?" Natatawa niyang tanong. "Ganyan 'yung mga nababasa ko eh. Mag-uumpisa sa pahatid-hatid, tapos made-develop ka sakin, tapos makikita kita sa bar na may ibang kahalikan, tapos magbi-break tayo, tapos aalis ako, tapos yayaman ako, tapos pag nakita mo ko hahabulin mo ko -" "What kind of book do you read?" Natatawa niya na namang sabi. Hindi ko agad maialis ang tingin sa kanya dahil ang liwanag niyang tingnan kapag tumatawa. Napansin ko pa ang maliit at cute na cute na dimple nito sa kanang pisngi na hindi mo mapapansin agad sa malayo. "Aba masyado yata kitang napapasaya 'no?" Nakapamewang kong tanong sa kanya. "What time is your first period then?" "Alam mo hindi mo ko madadala sa - oh my gosh! Ihatid mo na 'ko oo na!" Natataranta kong sabi dahil 20 minutes nalang ay mag uumpisa na ang klase ko! Agad kong tinungo ang passenger seat. "Ano na?" Bahagya kong tinapik ang bubong ng kotse niya dahil nagmaamadali na talaga ako. Gosh! Wala nang hiya-hiya! Male-late na 'ko! Hindi naman siguro ako pagiinteresan nito dahil wala akong pera. Muli siyang natawa at pinatunog ang kotse kaya nabuksan ko ito. Inunahan ko na siyang pumasok sa kotse at agad naman nitong pinaandar ang sasakyan. "Kasalanan mo naman 'to kaya okay lang magpahatid." Sabi ko sa kanya sa gitna ng daan. Bahagya kong nilibot ang paningin sa kanyang kotse at napansing malinis ito at walang kung anong amoy. Hindi na kailangan noon dahil nagmistulang air freshener na ang pabango ni Adi. "It's your fault. You talk too much." "Ikaw kaya." "So you accepted the offer." "O edi ikaw nga yung nag-offer hindi ako." "Whatever." Naiiling niyang sabi. "Saan ba 'yung condo mo? Baka naman malugi ako sa pamasahe?" Mahirap nang walang kitain no. "Baka mamaya mamulubi ako sa taxi dahil bawal ang jeep don." Dagdag ko pa. "It's just near your school. And I'm just dropping you by yet you assumed things." Sabi niya at pinaalala ang mala-w*****d kong imagination kanina. Napa-ah nalang ako dahil ayaw kong aminin na nag-assume nga ako doon. "Isa lang naman din ang gusto kong mangyari sa lahat ng nabanggit ko. Ang yumaman ako." "Why do you want to get rich?" "Syempre para masuklian ang kabutihan ng ibang tao sakin no." "How about your family?" "Job interview ba 'to? Next time nalang andyan na yung school eh." Sabi ko ng matanaw na ang school. Agad niyang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Bababa na sana ako ngunit napatigil ako dahil nasa labas ng gate sila Misty, yung laging nambubully sakin sa school. Shemay. May issue na naman 'to sakin si Misty sigurado lalo at nakita niya kong bumaba sa kotse. "I thought you're gonna be late?" Tanong ni Adi dahil nakita niyang naestatwa na ako dito. Napabuntong hininga ako at napakagat sa kuko pagkatapos ay sumandal. "Eh andyan kasi yung mean girls eh." "Mean- what?" Nakakunot noo nitong tanong na parang hindi ako naiintindihan. Bahagya din itong dumungaw sa bintana sa gilid ko. "Ayan oh, sila Misty. Bully 'yan eh. Baka gawan na naman ako ng issue na may sugar daddy ako. My gosh nakakakilabot." "Just kick their asses." Suggestion niya na talaga namang kinonsider ko din. "Legal ba 'yun? Tsaka baka mapano ako? Apat yan eh." "I'm not a lawyer but I'm a doctor. I got you." Nanlaki ang aking mga mata. "Doktor ka?" Gulat kong tanong. "You're already late, Tanya." Sabi niya na parang hindi big deal yung sinabi niya. "Shocks oo nga. Osige na. Salamat ah! Hindi na ko lilingon iwas issue." "Kay." Maikling sagot lang nito at bahagya akong nilingon. Bumuntong hininga muna ako bago lumabas ng kotse. Nag inat ako ng bahagya dahil kung hindi sa suntukan ay sa pagtakbo naman ako mapapasabak. Nakita ko kung paano manlaki ang mata nila Misty nang makita ako na lumabas ng kotse. Sinasabi ko na nga ba. Nang mapadaan ako sa kanila ay- "Sugar daddy mo?" Mapang-asar niyang tanong na sinabayan ng tawa ng mga alipores niya. "Mas mukha kang sugar daddy." Sabi ko kaya napalingon sa kanya ang ilang estudyante na nagpipigil ng tawa. Kailangan kong bilisan ang takbo! Hindi ko naman siguro kasalanan kung mukha siyang lalaki! Ako na naman ba may kasalanan non? Hingal na hingal ako ng makarating sa room para lang madisappoint dahil wala naman pala kaming professor sa first period! Anak ng patola. Nakita ko sa 'di kalayuang bench sina Banjo at Betty at nakapamewang akong huminto sa tapat nila. "Bakit hindi niyo man lang sinabi na wala pala si Maam Dimaluhan?" Nakasimangot kong sabi sa kanila. Kumunot naman ang noo nilang dalawa at itinaas ang cellphone nilang dalawa. "Tinext kita, dzai." Sabay nilang sabi. Kinapa ko ang cellphone sa back pocket ko. "Ha, eh wala naman akong-" Napahinto ako dahil wala sa back pocket ko ang cellphone. Agad kong hinalukay ang bag ko ngunit hindi ko makita - "Are you looking for this?" Napatayo ako ng diretso nang marinig ang pamilyar na boses sa likod ko. Nakanganga naman ang dalawa kong kaibigan sa bagong dating. Nilingon ko si Adi na seryosong hawak ang cellphone sa kanang kamay. Napansin ko ang paglingon ng ilang estudyante sa kanya dahil agaw pansin naman talaga siya. Maging ang ilang teacher ay ganoon din ang reaksyon. Napabuntong hininga ako. "Akala ko nawala na." Sabi ko tsaka lumapit sa kanya at kinuha ang cellphone. "You left it in my car." Sabi niya sa matigas na ingles at napatango naman ako. "Nasa back pocket ko kasi 'to kanina kaya siguro nalaglag." Naalala ko ang dalawa kong kaibigan sa likod ko. Agad kong itinaas ang baba nilang dalawa dahil baka matanggal na nang tuluyan. "Ah, Adi- I mean Doc Adi mga kaibigan ko nga pala. Si Banjo at si Betty." Parang nakabalik naman sa kasalukuyan ang dalawa kaya agad na tumayo at naglahad ng kamay kay Adi. Tinanggap naman ito ni Adi na sobrang slight lang na nakangiti at parang hindi sanay makipagkilala sa tao. "Ikaw 'yung sa coffee shop diba?" Sabay mapanghusgang tingin sa akin na tingin ni Betty. Itinaas ko naman ang dalawang kilay sa kanya. Anong kasalanan ko? "Uh, yeah." "Nice to meet you, Doc." Mahinhin na bati ni Banjo kay Adi na ikinalaki ng butas ng ilong ko. Pabebe. "I gotta go. Nice to meet you." Paalam ni Adi. "Salamat ah!" Iwinagayway ko ang cellphone at tinanguan niya naman ako bago siya umalis. Paglingod ko ay sabay na hinatak ni Banjo at Betty ang buhok ko. "Aray!" "Ano yon ha girl?" Tanong ni Betty. "Anong ano yun? Di ba mukhang tao yon?" Naiinis kong sagot sa kanya. "I mean paanong hinatid ka niya dito?" "Eh nasa coffee shop siya kanina!" "Bakit may pahatid?" Napabuntong hininga ako at wala akong nagawa kundi ikwento ang nangyari. "Seryoso? Niyakap niya si Marylle? Yuck." Sabi ni Betty nang maalala ang binalita ko sa kanila kagabi. "Sigurado ka bang hindi sila?" Tanong naman ni Banjo. "Hindi ko alam. Hindi ko nga tinanong. Edi nalaman non na nakasilip ako sa bintana?" "Pero ano nga bang meron sa dalawang 'yon?" Nagtatakang tanong ni Banjo. "Pero infairness, ang laki ng offer ah? Ako nalang gusto mo?" "Malaki nga yung 3k per day pero malaking kabawasan yun sa problema ko sa tuition. Kaya keri na. Hindi naman siguro masamang tao si Adi." Sabi ko sa kanilang dalawa at tumango naman silang dalawa. "Pero mukhang masama sa puso." Sabi ni Banjo at umiiling-iling. Napailing ako. Malabo yun. Trabaho lang tayo dito guys. Help me improve my writing skill through your feedback! :) -Danee

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD