Chapter 3

1348 Words
Nakasimangot akong naglalakad sa university kasama sina Betty at Banjo. Hindi ko pa rin lubos maisip na nagsinungaling ako para kay Marylle at sa lalaking 'yon pa. On the other hand, kapag natunton non si Marylle ay tiyak na maniningil 'yon ng utang, kapag nagipit itong si Marylle eh tiyak na sisingilin din ako non! Tama. Tama lang ginawa mo Tanya! Niligtas mo na si Marylle, niligtas mo pa ang sarili mo. Grabe ang talino ko din pala. Napatango ako sa naisip ko. "Aso ka dyan, girl?" Napalingon ako kay Banjo ay Betty dahil kanina pa yata sila nakatingin sa akin. "Bakit nga ba nagsinungaling ka don sa guy?" Nagtatakang tanong sa akin ni Betty. "Shems naalala ko na naman ang itsura non. May bakante bang unit si Aling Tonyang?" Biglang segway niya na hindi ko pinansin. "Eh kasi hula ko may utang don si Marylle. Pag siningil nun si Marylle tiyak sisingilin din ako ni Marylle no." "Bobita. Sure ka ba dyan?" Si Banjo "Hindi pero ano namang posibleng pakay non ka Marylle? Eh halatang mayaman." "Malay mo may gusto yon kay Marylle?" "Eh basta sabi din kasi ni Marylle sabihin ko daw dun sa sa lalaki na lumipat na daw siya ng bahay. Kaya naisip kong baka may utang talaga siyang tinatakbuhan don." Pagpapaliwanag ko. "Iyong itsurang 'yon mukha bang maniningil ng utang?" Napaisip ako dahil may point si Betty. Pero wala din akong maisip na dahilan kung bakit kailangan siyang takbuhan ni Marylle. Utang talaga yung pumapasok sa isip ko. Siguro dahil marami ako non. Maya-maya din ay naghiwa-hiwalay na kami ng landas dahil sa kabilang building pa silang dalawa. Business Administration ang kinukuha nilang kurso at pare-pareho naman kaming graduating. Pagkatapos ng klase ay hindi ko na kasabay umuwi sina Betty at Banjo. May mga family gathering sila pareho kaya kailangan nilang umuwi ng maaga. Gusto naman nila akong papuntahin pero dahil sabay silang nag-invite at ayokong mamili sa dalawa kong bestfriends ay tumanggi nalang ako kahit pa nami-miss ko nang dalawin sina Tita Geneva at Tita Berry, ang mga nanay nila. Natatandaan ko pa noon na pareho sila kinukumbinsi ako na sa kanila nalang tumira at huwag nang maghanap ng apartment. Bukod sa bahay nila sa Samay ay malaki din ang bahay nila dito. Tinaggihan ko ang parehong offer dahil ayokong maging abusado. Mabait ang dalawang babae at halos anak na ang turing nila sa akin. Alas nueve ng gabi ang huli kong klase ngayon kaya medyo tahimik at madilim na ang mga eskinita papunta sa apartment. Sanay naman akong naglalakad nang gabi dito ngunit hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon. Siguro dahil nararamdaman kong may sumusunod sa likod ko at tuwing lilingon ako ay wala naman. Creepy. Mahigpit akong humawak sa strap ng bag ko at nagiisip nung mga self defense na nabasa ko sa f*******:. Idinaan ko sa pagsipol ang kaba ko at bahagyang binilisan ang paglalakad pero narinig kong bumibilis din ang yapak ng nasa likod ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko at nang hindi makatiis ay nagsimula akong tumakbo ng mabilis. Ngayon, kumpirmadong sinusundan nga ako ng kung sino mang ponsyo pilatong nasa likod ko! Tanaw ko na ang building ng naabutan ako ng humahabol sa akin dahil nahatak niya ang back pack ko. Napalingon ako sa kanya at bumungad sa akin namumula at nanlalalim nitong mga mata at madilaw na ngipin na hiwa-hiwalay! "Ano ba! Bitawan mo nga! Ang baho ng hininga mo!" Pilit niyang hinahatak ang bag ko at pilit ko namang binabawi ito. Nang mabitawan niya ang bag ko ay ang braso ko naman ang nahawakan niya. Napasigaw ako dahil bumabaon sa balat ko ang mga kuko niya at ramdam na ramdam ko ang magaspang niya palad. Napaupo ako ng pwersahan kong hinila ang aking braso na dahilan para mabitawan niya ako. Nang tumingala ako ay nakita ko ang dahilan kung bakit niya ko nabitawan. Isang lalaking matangkad at may malapad na balikat ang may hawak sa kwelyo ni pilato ngayon! Inambahan niya ito ng suntok kaya kumaripas ito ng takbo. Nakita ko kung pano nito maiwan ang sariling tsinelas dahil sa pagmamadali. Napahinga ako ng maluwag at tumayo. Pinagpagpag ko ang puwitan at ang bag kong bumagsak sa sahig. "Siraulong iyon. Maghintay siya at ipapahanap ko siya kay Kap bukas." Sabi ko sa lalaking nakatalikod pa sa akin ngayon at bahagyang pinapagpag ang white polo shirt na suot niya ngayon. Mula sa likod ay kitang-kita ko kung paano humapit sa kanyang katawan at bicep ang suot na polo shirt. Kahit naman ako ang ambahan niyan ng suntok ay tatakbo rin ako. "Uh, nadumihan ba? Gusto mo labhan ko muna at-" Nabitin sa ere ang aking sasabihin ng bigla itong humarap. Laking gulat ko ng makilala ito. Halos malukot ang noo nito sa inis. "Ikaw yung naghahanap kay Marylle!" Gulat na sabi ko sa kanya na hindi niya pinansin. "Are you always that careless? Walking alone at night?" Masungit niyang sabi habang masamang nakatingin sa akin. Hindi naman ako nakaramdam ng takot doon. "Hindi ako careless. Peraless, pwede pa." "What?" Napairap ako dahil hindi ko alam kung hindi niya ba talaga alam yon o hindi niya lang naintindihan. Pwede ding hindi niya pa nararanasan kasi mukha talaga siyang mayaman. "Wala akong pamasahe. Wala akong choice. Thank you nga pala." Sabi ko at tinalikuran na siya upang magpatuloy ng paglalakad. Atleast ako nag thank you, siya nga hindi eh. Napalingon ako sa kanya ng may maalala kaya napahinto siya sa pagsunod sa akin. Nasa tapat na rin kami ng gate. "Teka, andito ka na naman? Diba sabi ko lumipat na si Marylle?" "I am just making sure you are not lying." "Hah! Hindi ako sinungaling na tao. Kung nagsisinungaling ako ngayon gawin mo 'kong katulong mo ng isang buwan!" "Sure?" Hindi makapaniwalang tanong niya pero halata naman na nagpipigil siya ng tawa. "Oo nga." May patango-tango pa ko dahil sigurado naman akong nasa call center ngayon si Marylle. At sigurado din naman akong hindi magpapakita si Marylle sa kanya. Isipin mo nalang, Tanya, na ginagawa mo ito para sa sarili mo na rin. Tsaka sumusunod ka lang sa utos. Isipin mo din na wala kang karapatan pangunahan si Marylle sa mga desisyon niya. Tama. Tama yon. Hindi naman kasalanan 'to talaga eh. Ayos lang naman magtago ng sikreto ng ibang tao. At wala akong karapatan na sabihin ang sikreto ng ibang tao. Tama ulit yon. Isa pa, win-win naman kami ni Marylle dito. Una hindi siya magbabayad ng utang, pangalawa, hindi din ako mapipilitang magbayad. Muli akong tumango sa naisip. "So you'll be my maid for one month if I found out that you're lying. Am I getting it right?" Nakapamewang akong humarap kanya. Nakaharap ako sa gate habang siya naman ay nakaharap sa akin at nakatalikod sa gate. Pasimple kong sinilip ang building at nakitang sarado at patay ang ilaw ng unit ni Marylle. "Oo nga. Ang kulit mo." Hindi naman siya sumagot at tila nangingilatis kung nagsasabi ako ng totoo. "Promise! Cross my heart! Hindi talaga ko nagsisinunga-" Hindi ko natapos ang sasabihin ng bumukas ang gate at nanlaki ang aking mga mata nang lumabas doon si Marylle na may dalang isang plastik ng basura. Napatingin siya sa akin at bigla akong tinawag, siguro dahil hindi niya pa nakikita kung sinong kausap ko. "Hoy Tanya! Anong-" Nang marinig siya ay bigla naman siyang nilingon ng lalaki. Hindi niya din natapos ang kanyang sasabihin nang tuluyang makita kung sino ang nasa harap ng gate at kausap ko. Anak ng pating! Ang haba ng araw ngayon pa niya naisipang magtapon ng basura?! Pagkatapos matulala ni Marylle ay nakita ko namang matalim ang titig sa akin ng lalaki. Nagpeace sign ako at dahan-dahan na humakbang palapit sa gate. "Uh, may bayad yon ah! Hindi libre!" Pagkasabi ay dali-dali akong pumasok ng gate at patakbong umakyat ng unit ko. Bago ako pumasok ay nakita kong humakbang na si Marylle palapit sa lalaking magiging amo ko sa loob ng isang buwan. Palpak talaga 'to si Marylle! Help me improve my writing skill through your feedback! :) -Danee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD