Chapter 2

1584 Words
Maaga akong gumising kinabukasan para pumasok sa coffee shop. Nagsimula akong magpart-time doon 5 months ago. 8:00 am nagbubukas ang coffee shop at nage-end naman ang shift ko ng 3:00 pm para pumasok sa school ng 4:00pm. Yes, hectic ang schedule ng ate mo pero nakakapagtaka dahil wala pa rin akong pera. Simula nang mapadpad dito sa Maynila ay ito na siguro ang pang lima kong trabaho. Nasubukan ko nang maging sales lady, yaya, tindera, at kahera sa canteen para matustusan ang pag aaral ko. Minsan ay nagpipilit si Mother Juliet na padalhan ako ng pera ngunit ako ang tumatanggi dahil alam kong sariling ipon niya ang pera na 'yon. Paglabas ko ng unit ay saktong nakabukas ang pintuan ng unit ni Marylle at nakita kong kakadating niya lang galing sa trabaho niya. Lalagpas na sana ko pero bigla kong naalala yung lalaking naghihintay sa labas kagabi. "Hoy, Marylle." Tawag ko sa kanya. Hindi kasi kami close at saksi ang mga kapitbahay namin sa bangayan namin lalo kapag sabay kaming natetengga dito sa building. Pero kahit ganon ay mabait at may itsura si Marylle. Naka bob cut ang asul niyang buhok, matangos ang ilong at makapal ang palaging mapulang labi. Hindi kami madalas magkasundo dahil may pagkamasungit pero madali naman utangan basta handa kang salubungin ang irap niya. Wala naman talaga siyang putok, or hindi ako sure. Basta hindi siya amoy babae minsan. Nakita kong nakakunot na agad ang noo niya sa akin. "Ano?" Masungit niyang tanong. "May naghahanap sa'yo kagabi ah." Lalong kumunot ang noo niya at nakapamewang na lumapit sa akin sa may pinto. "Sino?" "Malay ko. Basta matangkad tapos matangos ang ilong, mahaba ang pilik-mata, maputi? Mukhang mayaman." Saglit siyang natigilan at bahagyang nanlaki ang mga mata. "Anong sinabi mo?" "Sabi ko nasa trabaho ka. Gabi na dumating eh." "Sa susunod sabihin mo umalis na ko dito." "Aba hindi ko marunong magsinungaling!" "Basta!" "Siguro may utang ka -" Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil sinara niya na ang pinto sa mukha ko. Bastos. "Akala mo ang bango neto." Bulong ko. Siguro may utang talaga 'yon don. Pagbaba ko sa apartment ay nanlaki ang aking mga mata nang makita ang aming land lady na si Aling Tonyang Yuyuko sana ako para magtago ngunit - "Hoy, Tanya!" Anak ng pating! Ngising aso at peace sign ang sinalubong ko sa kanya dahil wala na naman akong pambayad ng upa. "Ang ganda ganda niyo po talaga, Aling Tonyang!" Bati ko sa kanya. "Wala ka na namang pambayad 'no?" "Aba! Hindi lang maganda, magaling din maghula!" Puri ko ulit sa kanya. Sarkastiko naman itong ngumiti sa akin. "Aba eh akalain mong tatlong buwan na akong tumatama sa hula ko sayo." Pinilit kong tumawa dahil ang ibig sabihin non ay tumataginting na 12k na ang utang ko sa kanya! Pwede ko na talagang ilibing ang sarili ko sa utang. "Eh alam mo naman graduating kasi si ate mo girl, Aling Tonyang. Huwag kang mag alala. Pag nagkatrabaho ako o kahit may sumobra man lang sa sahod ko, magbibigay ako kahit magkano." Inirapan naman ako at bahagyang umiling. "Alam ko na 'yan. O siya, kumain kana ba?" "Hindi pa po pero may libre naman kaming pagkain sa coffee shop." "O tapos buong araw iyon lang ang laman ng tiyan mo? Sumunod ka sakin pinagbalot kita ng kanin at menudo." Napangiti ako sa kanya. Minsan talaga nakakaiyak nalang ang kabutihan ng mga tao sa paligid ko eh. Parang 'yung pamilyang dapat kasama ko eh nilagay ni Lord sa mga tao sa paligid ko ngayon. Hindi talaga siya unfair at hindi ka niya hahayaang malugi. Ang mga taong binigay niya ang dahilan kung bakit kahit mukhang imposible ay nagagawa kong ipagpatuloy ang buhay. Shems. Naiiyak naman ako! Pasimple pa 'to si Lord. Alam ko namang favorite ako niyan kaya nga hindi niya ako pinapabayaan. "Hi, Tanya!" Nakangiting mukha ni Alvira ang bumungad sakin pagpasok ko sa coffee shop. Siya ang kasama ko sa shift at pareho kaming working student. "Hi!" Bati ko sa kanya pabalik at dumiretso na sa locker para ilagay ang gamit at magpalit ng uniform. Kinuha ko din ang apron at cap ko. Naglagay din ako ng konting pulbo sa mukha at pink lipstick. Hays. Wala akong magagawa. Ganito na ko kaganda eh. Saktong pagbalik ko sa counter ay unti-unti nang dumadami ang tao. Pag ganitong gyera na, hindi na kami nagpapansinan ni Alvira. Abala ako sa pagkuha ng order ng mapansin ko ang isang lalaki sa pinakasulok ng coffee shop. Nakacap itong black at naka ray ban. Itim din ang polo nito maging ang pantalon kaya naman litaw na litaw ang maputi niyang balat. Parang familiar? "Excuse me, miss?" Natauhan ako at napatingin sa magandang babae sa harap ko, si Betty. Syempre joke lang. Hindi si Betty 'to. Hindi ko siya kilala pero mukha siyang model. "Sorry Maam, what's your order again?" Ngumiti ako sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Aba, maagang challenge 'to ah. "Next time, pay attention to your customers instead of checking someone out." Ngumiti naman ako sa kanya kahit gusto ko na siyang kurutin. "I'm sorry for that, Ma'am, what's your order?" Pagpipigil ko ng inis. Napabuntong hininga naman siya bago sabihin ang order niyang pandalawang tao. Nang makuha ang kanyang order ay nakita kong pumunta siya sa table nung tinitingnan kong lalaki kanina. Kaya siguro nagalit dahil nagselos. Bagay na hindi ko maintindihan sa mga katulad nilang pinagpala sa ganda at pinaulanan ng yaman. Ano pa bang dahilan para mainggit pa ang mayayamang tulad nila lalo sa mga mababang taong tulad ko? Ganda lang naman ang meron ako. "Hoy ayusin mo yung mukha mo!" Nagulat ako ng tumambad sina Betty at Banjo sa harap ko. "O ba't nandito kayo?" Takang tanong ko sa kanila. "Eh wala kang pamasahe diba?" Kaswal na tanong ni Betty at napalingon pa sa amin ang ilang nasa coffee. "Ang ingay ng bunganga mo." Gigil na bulong ko sa kanya. "Isasabay ka nga namin." Mabuti nalang talaga at sila nalang ang customer na nakapila. "Eh 1:00pm palang bobita, 3:00 pm pa out ko." "Duh, may pera naman kami so we can stay here." "Osya, ano bang order niyo?" Pagkatapos nilang makuha ang kanilang order ay napailing nalang ako. Madalas talaga sakto ang dating nila. Hindi ko naman sinabi na wala akong pamasahe pero bigla silang dumating ngayon para sunduin ako. Totoo kasing kukulangin ang pera ko ngayon at nagbabalak na sana kong maglakad. Pero, mukha ba talaga kong walang pera? Sakto alas tres ay nakapag-out na kami ni Alvira pero dumiretso muna ako sa table nila Banjo dahil binilhan nila ako ng pagkain. Grabe. Sobrang kawawa ko na talaga. Nakita kong nandun pa din ang lalaki at yung ka-date niya pero this time ay hindi na siya naka-cap at ray ban. Grabe. Ang ganda ng mata niya na lalong pumupusyaw kapag natatamaan ng sinag ng araw. Ang buhok niya naman ay itim pero nagiging brown din sa sinag ng araw. "Daming kwento ni ateng no? Parang ayaw naman siya kausap nung pogi." Napalingon ako kay Banjo at Betty na pareho na palang nakatingin sa dalawang tinitingnan ko kanina. Napakunot naman ang noo ko dahil parang nakita ko na talaga siya. Nanlaki ang aking mga mata nang may maalala. "Omg!" Sabay malakas na palo ko sa lamesa kaya naman napatingin ang lahat sa amin pati na ang lalaki at kasama niyang babae na masama na agad ang tingin sa akin. Agad naman akong napatakip ng kamay sa mukha ko sa kahihiyan dahil nakita kong nakatingin siya sa 'kin. "Eskandalosa naman 'to!" Sabay bato sa akin ni Betty ng tissue. "Ano ba kasi 'yong omg moment mo girl?" Nagtatakang tanong sakin ni Banjo. "Siya yun! Siya yung nakita ko kagabi sa tapat nung apartment!" Sabay pasimpleng turo ko sa lalaki. "Talaga? Ano naman ginagawa niya don?" "Hinahanap niya si Marylle!" Bulong ko sa kanilang dalawa. "Yung may putok?" Kaswal na tanong ni Betty at muntik ko na siyang masabunutan dahil napalingon na naman samin ang ilang kumakain. "I mean may pasok tayo diba, tara na?" Pasimpleng lusot ni Betty habang tumatayo at kinukuha na ang bag niya. Tumayo na kaming tatlo at naglalakad na palabas ng coffee shop nang biglang sumulpot sa harap ko yung lalaking naghahanap kay Marylle kagabi. Anak ng! Narinig ko ang pagsinghap ng dalawa kong kasama. "You're that girl right?" Tanong niya gamit ang malamig na boses. Napatingala ako sa kanya at malapitang nakita ang brown niyang mga mata dahil hindi na niya suot ang ray ban. May itsura talaga ang isang 'to! "Oo. Ikaw yung bastos eh. Tinalikuran mo ko habang kinakausap kita." Sabay irap ko sa kanya. "Is she at her home right now?" Tanong niya kaya naman bigla kong naalala ang sinabi ni Marylle na sabihin ko daw sa lalaking ito na lumipat na siya ng bahay So magsisinungaling talaga ko at wala akong choice, no? "L-lumipat na siya ng bahay." "Uh-huh. When?" "Kaninang u-umaga." Tagaktak pawis kong sagot. "Are you lying right now?" Tanong niya habang ang malalalim na mata ay humuhukay sa pagkatao ko. Halata ba ko masyado? "B-bakit naman ako magsisinungaling? Wala sa b-bokabularyo ko iyon!" Tinalikuran ko na siya sa sobrang inis at kaba. Isang lingon ang ginawa ko at nakitang nandoon pa din siya at matamang nakatingin sa akin. Bakit kasi ganon siya tumingin? Parang tumatagos! Ugh. May something siguro ang amoy nong si Marylle at napasunod niya 'ko ng ganito! Please leave a comment and help me improve my writing skill. :) -Danee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD