Chapter 1

1686 Words
"Ano ka na dyan, girl?" Mula sa pagkakatulala ay naagaw ni Banjo ang atensyon ko. Nang lumingon ako sa kanya ay bumalik siya sa pagaayos ng kanyang kilay. Buti pa 'to walang problema sa buhay dahil mayaman naman sila. Samantalang ako, natutulala na lang dahil hindi ko alam kung makaka-graduate ako ngayong taon. Wala pa kong pambayad ng tuition! At deadline na next month kasama pa yung graduation fee! "Bakla kasi. Hindi ko alam kung makakagraduate ako ngayong taon." Sabi ko sa kanya habang sinasabunutan ang sarili. Masisiraan na talaga ako ng ulo. "Magkano pa ba ang balance mo?" "15k pa 'yon. Plus 7500 na graduation fee. Oh diba? Saan naman ako kukuha non?" "Tsk. Ba't kasi ayaw mong humingi samin ng tulong ni Betty? Alam mo namang ikaw lang purita sa ating tatlo. Kaya naming bilhin pagkatao mo." Nalukot lalo ang aking mukha. Totoong ako lang talaga saming tatlo ang kinapos sa yaman. Si Banjo, may business ang pamilya nila. Si Betty, mayaman din pero hindi kagandahan. Pero at least mayaman. Si Banjo, keri lang. Ako naman, maganda lang. Hindi naman sa pagmamayabang pero totoo naman. Nakuha ko ang maputing kutis kay Mama maging ang itim kong buhok na nagkukulay brown kapag nasisinagan ng araw. Maliit ang ilong ko ngunit matangos samantalang bilugan ang aking mga mata. Ang labi ko naman ay maliit lang ngunit hindi ko naman masasabing maninipis dahil hugis puso ito. Hindi ko alam kung anong itsura ng tatay ko o kung may nakuha man lang ba ako sa itsura niya. Walang nabanggit si nanay na kahit na ano tungkol dito at hindi na rin ako nagtanong. Basta ang alam ko lang, iniwan niya ang aking ina nang pinagbubuntis niya pa lamang ako. Matanda na 'ko ngayon. Siguro naman kung gusto niya akong hanapin ay baka matagal na kaming nagkita. "Buti nalang maganda ko 'no?" "Oo maganda ka pero wala kang pera. Si Betty naman, eh, kaibigan natin." Tumatango-tango pa siya habang parang ini-imagine ang mukha ng isa naming kaibigan. "Tapos ikaw din mayaman lang." Sabi ko habang nakapangalumbaba sa kanya. Umakto siyang kukutusan ako kaya nilayo ko agad ang sarili sa kanya. "Daming laman ng bibig mo. Sana pati wallet mo." Pang-aasar niya sakin na ikinatawa ko lang. "Seriously, girl. Pwede ka naman humiram samin. Bayaran mo nalang pag may trabaho ka na." Agad akong umiling sa kanya. "Madami na kayong naitulong ni Betty sakin. Sa tingin mo makakasurvive ako sa college kung wala ang libreng lunch ni Betty at laptop at wifi mo para sa mga research at projects?" Inaamin ko na kung hindi ko sila naging kaibigan nung elementary ay baka hindi na din ako umabot ng college. Si Betty at Banjo ay magkaibigan na mula pa noong bata sila. Magkaibigan din ang kanilang mga magulang. Muntik pa silang maipakasal kung hindi lang umamin si Banjo sa kanyang pamilya na may pusong babae siya. Samantalang nakilala ko sila noong elementary dahil nasa star section sila. Yung section na pinaghalong mayaman at matalino. Kasi hindi naman katalinuhan 'tong mga kaibigan ko pero may pa-T.V at electricfan sa classroom. Sila yung magkaibigan na takot lapitan ng iba naming schoolmate. Sila yung mga tipikal na mayamang bully sa room. Hindi ko lang alam kung bakit nasama ako sa dalawang 'to. Ang pagkakatanda ko eh binubully nila ako noon pero hindi ako nag-alinlangan na sabunutan si Betty at sikmuraan si Banjo. Naaalala ko pa kung paano lumaki ang mata nilang dalawa, maging ang mga guro at ilang estudyante. Pero mas nakakagulat dahil imbis na magalit ay hinatak nila kong dalawa at tumakbo kami papunta sa canteen. Pagkatapos ay binilhan nila ko ng mga pagkain tulad ng mamon, zest-o, chuckie, spaghetti at kung ano-ano pa. Dun nila sinabing kasama na ako sa grupo at kaibigan na nila ako because I passed the test daw. Napaubo ako ng may malakas na humampas sa aking likod at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Betty. "Ano ba naman, Betty! Paano kung lumabas yung baga ko?" Sigaw ko sa kanya. "Edi bibilhin ko." Sabi niya sakin pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi na agad kong pinunasan. "Sa lahat ng mahirap ikaw yung maarte." Sabay irap niya sa akin. "Nag-iingat lang." Sagot ko sa kanya. "Saan ka ba galing, babaeng mukhang bakla?" "Na-late ako ng gising. Napuyat ako kakanuod kay Jerdon Gael Geronimo." Sabay tili niya. Napakunot ako ng noo. "Sino ba 'yon?" Habang dumudukot ng wet wipes ni Banjo para punasan ang pisngi kong hinalikan ni Betty. "Duh? Si JGG!" "Oo nga. Yung Jerdon nga 'yon diba? I mean ano ba siya or sino ba siya?" Nalilito kong tanong. "Gerl alam kong mahirap ka pero may tv naman sa apartment mo diba?" "Wala akong time manuod ng T.V." "Sikat na singer 'yon gagita!" "Hindi ko kilala." Kibit-balikat kong sagot. Inirapan naman ako ni Betty. "Hayaan mo na nga yan si Tanya. Boring ang buhay niyan. Tsaka walang pera 'yan." "Oo nga pala. Ayaw mo bang pahiramin kita para makabayad kana sa balance mo? Para grad fee nalang problema mo." Sabi ni Betty. "Hindi na Betty. Next month pa naman so subukan ko na lang mag overtime sa coffee shop." "Sure ka ba?" Tanong ni Banjo. "Oo. Dagdagan niyo nalang pag kulang ha?" "Kami na nga kasi bahala ayaw mo pa." "Okay na 'ko dun." Ngiti ko sa kanila. Pagkatapos ng klase ay nagpasya na akong umuwi ng apartment kahit nagyayaya pa sa mall si Banjo at Betty. Hindi naman sa ayaw kong sumama pero ayoko lang na ilibre na naman nila ako dahil siguradong iyon ang mangyayari. Masasabi kong kinulang ako sa pamilya pero sinwerte naman ako sa mga kaibigan at ibang tao. Katulad nalang nila Banjo at Betty na hindi ko naman kadugo pero laging nandyan para sa akin. Katulad nalang ng mga professors kong naiintindihan ang kalagayan ko sa buhay at minsan sila pa ang nago-offer ng tulong. Katulad nalang ng land lady naming si Aling Tonyang na kahit masungit eh nagbibigay naman ng palugit. Napangiti ako nang maalala si Mother Juliet. Nang magkaisip ay siya na ang kasama ko. Siya ang kumupkop sa akin at siya din ang nagpapa-aral sa akin. Ayon sa kwento niya, namatay ang aking ina sa panganganak. Ang nanay ko daw ay isang simpleng mamamayan ng Laoaong, isang bayan sa Northern Samar. Aktibo daw sa mga gawain ng simbahan ang aking ina. Linggo-linggo din itong nagsisimba kahit pa noong pinagbubuntis niya na ako. Isang babaeng malakas ang pananampalataya kahit pa maagang naulila at iniwan ng nakabuntis sa kanya. Minsan, iniisip ko kung paano kaya kung nakilala ko siya? Paano kaya kung siya yung kasama ko paglaki? Siguro, malapit din ako sa Diyos kung nagkataon. Don't get me wrong. Nagdadasal ako at may pananampalataya. Hindi nga lang katulad ng aking ina at ni Mother Juliet na lantad sa pagmamahal nila sa Diyos na kailanman ay hindi ko pinagdudahan dahil alam kong mabubuti silang tao. Saktong banal lang ako, ganon. Isa pa, hindi ko kailangan ipangalandakan na may diyos ako. Hindi na kailangan marinig pa ng tao na nagdadasal ako. Some people pray so loud they didn't notice they sound so insincere. Some people think highly of themselves just because they go to church every Sunday. Some people even call themselves religious but they have the audacity to judge people. Hello, kailan pa naging basehan ng pagiging mabuting tao 'yung pagpunta mo sa simbahan kada linggo? Sina Banjo at Betty ay sa bayang din iyon lumaki kaya doon kami nagkakilala. Nang mapagpasyahan nilang mag Maynila para mag-aral sa kolehiyo ay isinama nila ako. Gusto pa nga nila akong isama sa condo na tinutuluyan nila pero ako na 'tong nahiya kaya kahit gipit ay naguupa ako. Itinaguyod ko ang sarili ko at kailanman ay hindi ko iyon nakitang kaawa-awa. Medyo madilim na nang makarating ako sa street kung nasaan ang apartment ko. Sisipol-sipol pa ako ng matanaw ang isang lalaking nakatayo sa tapat ng gate ng apartment building namin at nakatanaw sa ikalawang palapag. Napakunot ang aking noo at tinitigan ang lalaki habang dahan-dahan naman ang lakad ko. Mahirap na, baka kulto eh. Wala akong time para sa recruitment ngayon. Nakaitim itong jacket at nakahood. Kupas ang pantalon at naka-rubber shoes habang ang kamay ay nakapasok sa bulsa ng jacket. Base sa aking nakikita eh seryoso itong nakatingala sa building namin. Sino bang hinihintay niya dyan? Nang ilang hakbang nalang ang layo ko sa kanya ay tumikhim ako ngunit hindi pa rin ito gumagalaw. Hindi naman siguro kulto ito no? "May bibisitahin ka ba? Wala naman kaming curfew kaya okay lang. Kung gusto mo sabihin mo nalang sa akin ang pangalan at-" "Marylle." Napahinto ako hindi dahil sa pangalan ng babaeng nasa tabi ng unit ko ngunit dahil sa lamig at lalim ng boses niya na may slight accent pa. Bahagya ko siyang sinilip at nanlaki ang aking mata dahil bumungad ang side view ng matangos niyang ilong at mahahabang pilik-mata. Napaatras ako ng bigla itong lumingon sa akin at halos tingalain ko siya. Sa tangkad niya ay hanggang dibdib niya lang ako. Malalim ang kanyang mga mata at manipis naman ang labi. Lalo namang pumusyaw ang kanyang balat dahil sa itim na hoody na suot nito. Nagtagal ang kanyang tingin sa akin at hindi ko alam kung bakit tila huminto ang oras nang magtama ang aming paningin. "A-ah. Si Marylle? Sure ka?" Aba. Mukhang pinalad 'to si Marylle ah kahit kulang sa ligo. "Yes." "Talaga? May putok yun eh." Mahina kong bulong at iniisip kung anong posibleng pakay niya kay Marylle. "What did you say?" Agad akong napalingon sa kanya at umiling. Hindi ko naman sinasadyang masabi ang totoo! "Ah ang sabi ko may pasok yon. Oo, may pasok nga pala yon, graveyard shift sa call center. Mamaya pa sigurong 7am ang uwi non, gusto mo ba-" "No thanks." Maikling sabi nito sabay talikod at naglakad palayo. Ni hindi man lang ito nag thank you! "Bastos naman." Napairap ako at binuksan na ang gate ng apartment. Itatanong ko lang naman kung gusto niya bang sponsoran ng tawas si Marylle! Please leave a comment and help me improve my writing skill! :) -Danee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD