Lailani Sabay na kaming bumaba ni Elijah. Pagbaba namin ay nasa sala na si Jasmine at ang anak naman nito ay naglalaro. Nagkalat sa sahig ang mga laruan nito. Nakita niya kami pero parang wala lang sa kaniya. Taas noo pa itong nakahiga sa couch habang ang mga paa ay nasa kabilang couch naman. Akala mo kung sinong reyna. Reyna ng mga centepede. "Jasmine, can we talk to you?" mahinahon na pakiusap ni Eli. Mula sa pagkakahiga sa couch, bumangon si jasmine at umupo. Naka-dekwatro naman ng upo at humarao na sa amin. "Sure, what is it?" Sabay kaming umupo ni Eli sa couch. Ngayon magkakaharap na kaming tatlo. Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Jasmine. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Eli na magka-entertwined. "Jasmine..." muli ay tawag ni Eli. "Elijah, ano 'to? Sabihin mo ng