Nene Mahinang katok sa pintuan ng silid ni senyorito Edrick ang ginawa ko. Mahina lang, mahinhin na katok. Hindi naman ito sumagot. Kanina lang galing ako rito at nakita ko siyang nakatutok sa kaniyang laptop nakikipag-usap sa puti, puting bakulaw. Bakit nga ba ako naiinis? Nagseselos ba ako? Bakit naman ako magseselos? Wala namang kami. Isa pa mapaglaro sa mga babae si Edrick. Pumasok na 'ko ng tuluyan sa loob ng silid ni senyorito Edrick. Hindi naman kasi sumasagot. Baka abala pa sa pakikipag-usap sa puti. Pagpasok ko tumambad kaagad sa akin ang malinis nitong kwarto. Kaya hindi na ako nakakapaglinis ng kwarto niya eh! Malinis na kasi walang kalat. Nanunuot rin sa ilong ko ang pabango ng kwarto niya sarap amuyin pakiramdam ko, nasa tabi ko si sir Edrick. Nananaginip na naman ako ng