Elijah Bakit parang mga pinagbagsakan ng mabigat na bakal ang mukha ng mga police. Hindi na ako nakahabol kaya sumunod na lang ako dito sa bahay nila Jasmine. Pero pagdating ko, mukhang napapailing ang mga police. Mukhang hindi nila nahuli si Jasmine. Kaagad kong nilapitan ang mga ito. Nang tanungin ko, umiling lang ang mga ito. Parang alam ko na ang sagot. "Nakatakas ang dalawang suspek. Dumaan raw ito sa likod." balita sa akin ng isang pulis na ito. Damn it! Bakit ang kalmado nila kung nakatakas na pala? Dalawang tao lang natakasan pa sila ng mga ito. "Saan na natin hahanapin ang dalawang 'yan ngayon? Why did you let them escape? Damn it!" pagmumura ko sa kanila. Sa galit ko tumaas ang boses ko. Ang ganda ng mood ko kanina nang makaalis ng mansion pero itong sumalubong sa aking bal