Chapter 2

1081 Words
“Angel!” Tuwang-tuwa si Mr. Deogracia nang makita ako. Sa pagkakatanda ko ang pangalan niya’y Don Juanito Deogracia. “Magandang gabi po,” bati ko sa kanya. Hapunan na kami nagkita dahil nakatulog ako sa pagod. Pilit akong bumangon kahit hindi ko gusto dahil kailangan kong magpasalamat kay Don Juanito na sa pagpapatuloy niya sa ‘kin. Nakita kong nakaupo rin si Tristan sa kabilang dulo katapatan ang kanyang lolo. Pormal pa rin ang suot niya pero iba na ‘yon sa kanina. Ipinaghila ako ng upuan ng isa sa lalaking unipormado. Nang makaupo ako ay binalingan ko si Don Juanito. “Marami pong salamat sa pagtanggap sa ‘kin dito. Nakakahiya man ay nagawa kong humingi ng tulong sa inyo.” “Walang kaso ‘yon, hija. Sinabi ko naman sa ‘yo na napakalaking bagay na ikaw ang naging nurse ko no’ng nasa bingit ako ng kamatayan. Wala itong si Tristan no’n, at iniasa na lamang ako ng mga anak ko sa pag-aalaga ng ibang tao.” Tila may dalang hinanakit ang kanyang boses. “Sobra ang pag-aalala ko no’n sa ‘yo, Lo. Pero hindi ako nakauwi kaagad dahil na-cancel ang flight ko dahil sa bagyo.” Kung gano’n siya ‘yong sinasabi ni Don Juanito na apo niyang nasa ibang bansa at hindi makauwi. Naghihintay ako ng iba pang bababa pero sa dami ng kasambahay nila ay kaming tatlo lamang pala ang pagsisilbihan nila. Naiilang ako na halos lahat ay idinudulot sa ‘min. Napakaraming pagkain na sa mamahaling restaurant ko lang nakikita ang nakahain sa ‘ming tatlo, sobra-sobra at hindi namin mauubos. “Angel, ito bang apo ko ay maganda ang ipinakita sa ‘yo?” Hindi ko alam ang isasagot. Tiningnan ko si Tristan at nakangiti pa siya. “Yes, lo, naging mabait ako sa kanya.” Akala ko ako iyong tinatanong? Pasimple ko siyang inirapan. Lord, dahil sa lalaking ‘to parang nag-iba ‘yong ugali ko! “Totoo ba, Angel?” tanong ni Don Juanito. Ngumiti na lang ako, iyong pilit na pilit. “Napakabait nitong apo ko, minsan ay maloko lamang.” Gusto kong mangiwi, pumait yata ang lasa ng kinakain kong steak dahil sa narinig ko. Ngiting-ngiti naman si Tristan, as if proud na proud sa kanyang kabaitang walang katotohanan. Naging maayos naman ang hapunan, ang iniiwasan kong tanong tungkol sa pag-alis ko sa simbahan ay hindi naman nila nabanggit. Akala ko nga ay babanggitin ni Tristan, pero hindi. Nang makabalik ako sa kuwarto ay nahiga ako kaagad. Kasyang-kasya sa ‘kin ang damit na suot-suot ko ngayon. Simpleng dress lamang siya na binili raw ng kasambahay kanina no’ng natutulog ako. Limang piraso ang ibinili nila sa ‘kin kasama ang mga undergarments. Bukas daw ay mamimili na lamang kami ng gusto ko, medyo nag-alala ako dahil hindi ako nagbigay ng pera dahil wala akong dala-dalang pera. Naiwanan ko ‘yong purse ko sa bridal car na sinakyan ko. Nakatulog ako suot ang isang old rose satin robe kanina. Paggising ko ay nakahanda na ang mga isusuot ko.  Huminga ‘ko nang malalim nang mapadiretso ako nang higa. Nagsimula na namang magtubig ang mga mata ko dahil sa pag-iwan ko kay Emil nang malapit na ‘ko sa altar para abutin ang kanyang kamay. Simula highschool gustong-gusto ko na siya. College nang ma-realize ko na mahal ko siya. Patapos nang kolehiyo nang malaman kong nagkaroon na siya ng ibang karelasyon. Pero sinaktan siya at iniwanan nang babaeng minahal niya, bilang bestfriend niya dinamayan ko siya. Pinahid ko ang mga luha ko. Hindi ko alam kung tamang tumakbo ako sa kasal. Nang maghiwalay sila ni Chanel, isang taon ang hinintay ko bago siya naging handang magmahal uli. Nag-aaral siya no’n, mas maraming pagkakataon na LDR ang relasyon namin. Maalaga at malambing si Emil, masasabi kong ipinakita at ipinaramdam niya naman sa ‘kin na mahalaga ako. Mahal? Minahal niya ‘ko sa tingin ko naman ay totoo ‘yon, sa dalawang taong relasyon namin, alam ko na naramdaman kong minahal niya ‘ko. Biling-baliktad ako sa kama. Natatakot ako sa magiging resulta nang pagtakbo ko sa kasal namin ni Emil. Nagkita sila, ilang linggo bago kami ikasal, sa tingin ko ay kailangan naman talaga nila ng closure at nagtitiwala naman ako kay Emil. Bumalik siyang buo sa ‘kin, ganoon pa rin, malambing at mukhang hindi naman nagbago ang isipan niyang pakasalan ako. Pero bigla, parang ako ‘yong natorete, naging mapag-isip ako masyado sa mga kilos niya kahit wala naman talaga akong dapat i-big deal. Pakiramdam ko kung tututol sa kasal namin si Chanel, iiwanan niya ‘ko sa simbahan at sasama siya. Alam kong nasaktan si Chanel nang malamang ikakasal kami, at tingin ko iyon ay malaking isipin kay Emil, hindi niya gustong nasasaktan ang ex niya. Sobrang daming pumapasok sa isipan ko, maging kung magiging tama bang magpakasal ako sa lalaking hindi naman ako ‘yong mahal na mahal? Magiging masaya kaya kami? Paano kung paglipas ng ilang taon, magkaroon kami ng anak at biglang ma-realize niyang mahal niya talaga ang ex niya at iwanan kami? Hindi na lang ako ang maiiwanan, ang anak din namin. Nayakap ko ang unan. Tahimik akong umiyak. Masikip sa dibdib at para ‘yong binibiyak tuwing maaalala ko kung paano kami naging masaya ni Emil. Itong anxiety ko ang sumisira sa ‘kin. Masyado akong nag-iisip sa problemang hindi pa naman dumarating at hindi ako sigurado kung darating ba talaga. Tumayo ako pagkalipas ng isang oras na pag-iyak. Tumungo ako sa balkonahe ng guest room para tingnan ang kalangitan. Isa ‘yon sa paborito kong tingnan dahil nakakalma ako. Pero hindi ko alam bakit ako tumingin sa ibaba para lamang manlaki ang mga mata ko dahil nakatingin sa ‘kin patingala si Tristan, nasa taas siya ng platform ng pool at hubo’t hubad! Kinawayan niya pa ‘ko at nginitian. “Good Evening, sleeping beauty!” aniya sa malakas na boses. “Aaaaaaaaaaaah!” Hindi ko nga nasilip ang kay Emil, samantalang ‘tong lalaking ‘to ibinabalandra lang ang naghuhumindig niyang pribadong laman! “Aaaaaaah!” Ikalawang tili ko nang bumalik sa alaala ko ang hitsura no’n. Kaagad akong nakarinig ng mga katok sa ‘king pintuan. “Miss, Miss, are you okay?” boses ‘yon ng lalaki, isa marahil sa mga unipormadong lalaki. “Napakabastos mo sa lahat nang aspeto!” sigaw ko. Narinig ko ang malakas na paghalakhak ni Tristan.  Mukhang tuwang-tuwa siya dahil hindi siya matigil!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD