Chapter 3

1119 Words
“Angela! Sumama ka na sa ‘kin sa party at ikaw ang gusto ni lolo!” Sumunod si Tristan kay Angela na siyang personal nurse ng kanyang lolo at mukhang paborito nitong nurse. Sa ngayon ay nakatira ‘to sa kanilang mansion at buhay prinsesa dahil para sa kanyang lolo ay ito raw ang anghel na nakita nito sa panahon na nagdedeliryo ‘to. Speaking of, nagdedeliryo na nga ang lolo niya pinaniwalaan pang anghel si Angela, ang masama pa ay ang pangalan nito ay Angela kaya ang tingin yata ng lolo niya’y anghel itong lumagapak mula sa langit plakda. “Ayoko ngang kasama ka, puwede ba?” Nameywang ito nang harapin siya. “Sasama ka lang sa ‘kin at pupunta tayo sa isang big event na hindi pa napupuntahan ng katulad mo.” “Wow! Napakahambog mo talaga!” Pinanood ni Tristan ang pagtitiklop ni Angela ng kumot sa pinaghigaan nito. Nasa malaking guest room ito at itinuturing na prinsesa na hindi na nga halos pakilusin. Ang trabaho lamang nito ay kuwentuhan ang kanyang lolo sa loob ng ilang araw na naroon ito. “Bakit ba napakainit ng ulo mo?” tanong ni Tristan. Naupo ‘to sa sapin ng kama na hinihila pa man din ni Angela. Lalong nairita si Angela dahil nagawa pa nitong magdekuwatro sa kanyang harapan at kindatan siya. “Hindi ka ba titigil?” may babalang tanong ni Angela rito. “Pumayag ka na para plus point ako kay lolo. I’ll pay you kahit buhay prinsesa ka na rito babayaran pa rin—“ Natigil si Tristan nang hampasin ni Angela ang mukha niya ng malambot na unan. “Alis!” malakas na sigaw ni Angela. Isang buwan pa lamang pero iyong galit niya hindi yata mawawala kapag si Tristan ang usapan! “Isa pa, palagi kang mukhang magta-trabaho pero parang hindi ka naman nagta-trabaho!” “Ofcourse,” Inayos nito ang necktie nito at nginitian siya. “Tagapagmana at bilyonaryo.” Kumindat pa ‘to. Halos tumirik ang mata ni Angela. May sumilip sa pintuan kaya natigil sila pag-aaway. “Ms. Angela, sir Tristan?” Mukhang maging ang kasambahay ay nagulat na naroon pa si Tristan. “Ma’am and sir, tanghalian na po.” Naiirita si Angela na hindi na nga niya natapos ang kanyang ginagawa umabot pa ng tanghalian na hindi siya nakaliligpit. “Prinsesang-prinsesa ka, anong oras ka na nagigising.” Sinisimulan na naman ni Tristan si Angela. Lumabas sila sa guestroom at bumaba sa dining room. Nahihiya rin si Angela na magising minsan ng tanghali pero hindi naman siya ginigising. Isa pa, gabi-gabi ay iniiyakan niya ang pagkawala ni Emil sa kanya. Kinukumbinsi rin niya ang sarili na tama ang kanyang ginawa. Pero nang mag-usap sila ni Emil, parang binibiyak ang puso niya. Bigla niyang naitanong uli kung tama ba ang ginawa niya kahit mahal naman nila ang isa’t isa? Sadya lang natagalan bago ‘yon naramdaman ni Emil sa kanya. Nasa hapagkainan na sila at giliw na giliw talaga ang matandang Deogracia kay Angela. “Bakit hindi ka pa nagta-trabaho?” baling nito kay Tristan. “Parang hindi naman talaga nagta-trabaho ‘yong apo ninyo,” bulong ni Angela. “Lo, ako ang a-attend sa party ni Mr. Lee at para maging isa sa magbibigay ng big donation sa kanyang charity. I’m trying to convince your favorite nurse to be my partner. I’m so workaholic that I can’t find a perfect partner.” Mukhang nalungkot pa ang hambog na si Tristan sa paningin ni Angela. “Sana lahat ng workaholic may time na mambabae at mamerwisyo ng iba,” bulong ni Angela. Nagulat si Tristan. “What? Hindi ako nambababae. Kung nakulit man kita, sorry, hindi ko ugaling makipag-usap sa babae kaya nahihiya akong umaya ng iba—“ “Ang kalokohan at sinungaling mo,” naiiritang sabi ni Angela. Natawa naman ang matandang Deogracia. “Bagay na bagay talaga kayo, Tristan bakit hindi mo pakasalan si Angela?” Nagulat ang dalawa at mukhang gimbal na gimbal. Habang ang matandang Deogracia ay tuwang-tuwa. “Lo—“ “Fifty shares of my company, Tristan,” paninilaw nang matandang Deogracia sa paboritong apo. Napalunok si Tristan. “Kailan ba ang kasalan?” “Hindi ako magpapakasal sa ‘yo ‘no,” mariing sabi ni Angela. Natawa ang matandang Deogracia. “Lo, ‘wag mong pansinin si Angela, mapapapayag ko ‘yan.” “Wow naman sa fighting spirit, Tristan Deogracia!” “Tristan Villadiego Deogracia, tandaan mo ang buong pangalan ng magiging asawa mo.” Kating-kati si Angela na sampalin si Tristan. “Akala ko ba ay gusto mo si Chanel?” tanong ng matandang Deogracia. Nag-angat naman ng tingin si Angela dahil sa narinig. Umayos nang upo si Tristan. “College pa siya nang maging crush niya ‘yon ang kaso ay naging girlfriend ng kanyang kinaiinisan simula elementary. Pero nito lamang last last month, nakita niya uli at sinabi niya sa ‘kin na bumalik ang first love niya,” biglang natawa si Mr. Deogracia. Halatang nahiya naman si Tristan sa pambubuko ng matandang Deogracia. Alam naman ni Angela na maraming ‘Chanel’ pero sa estado kasi ng pamumuhay ni Tristan, medyo kahawig ito ng estado ng buhay ni Chanel na kilala niya. “Pero lolo sa ganda niyang ‘yon niloko lang pala siya. Ito nga nalaman ko pa nitong reunion na magpaparamdam uli ‘tong si Cedrick kay Chanel kaya gusto ko na talagang mauna naman.” Napakadaldal talaga ni Tristan. “Bakit kasi hindi naging malapit ang pamilya natin sa pamilya nila?” tanong ni Tristan. “Mahabang kuwento ‘yon,” natatawang sagot ng matandang Deogracia. “Siguro lolo kaya hindi kayo magkasundo ni Mr. Villaluna dahil babae rin ang pinagtalunan ninyo ‘no?” Natawa ang matandang Deogracia at sinundan ng apo nito. Napangiwi na lang si Angela. Napasok yata siya sa lugar ng may mga sayad sa utak. “Si Chanel ang a-attend sa kanyang ama.” Nagulat si Tristan. “A-attend akong mag-isa!” sabi ni Tristan, mukhang na-excite. “Ayaw naman ni Angela, ayoko na lang ng iba.” “Hindi mo ba gusto, Angela? Para makalabas-labas ka naman?” marahang tanong ni Mr. Deogracia sa kanya. “Sige po, mamimili lamang ako ng susuotin.” Nabigla naman si Tristan mukhang biglang ayaw naman siya nitong kasama. Inirapan nga ni Angela si Tristan. Hindi pa rin niya makakalimutan ang kabastusan nito, lalo ang pagpapakita nito ng harapan nito! Subukan pa nito ‘yon ng isang beses ay talagang puputulin na niya ‘yon—pero hindi pala niya ‘yon kayang hawakan o tingnan man lamang nang malapitan! Natatakot siya! Paano kung bigla ‘yong manuklaw?!    

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD