PROLONGED

207 Words
"DAMN you! Ano ba ang problema mo?!" "TangNa! Ikaw na nga itong sinagip kay kamatayan ikaw pa itong galit!" "That's not the issue here, woman! Ikaw at walang iba!" "Ganoon na rin iyon, lampang lalaki! Kung hindi ka lang ihinabilin sa akin ng abuela mo ay kanina ka pa lumipad na walang pakpak!" Galit na galit siya. Oo, patunay lamang ang mga murang nanulas sa labi niya. Subalit sa narinig o pagkabanggit ng mahal niyang abuela ay natahimik siya. "LINTIK namang lalaki! Nasa gitna ka ng giyera, Mr Calvin! Aba'y maaring saka mo na lang pagpantasyahan ang nilalaman ng utak mo!?" muli ay angil ng dalaga. Nasa kalagitnaan sila ng engkuwentro ngunit nakuha pa nito ang mag-imagine! Nakakainit ng bumbunan! Siya na lang kaya ang ibala niya sa kaniyang baril! But! "Captain Smith! Ma'am Smith! Full force attack na ito, Captain! Sa bawat sulok na ng paligid nagmumula---" Kaso ang pananalita ng bigla ring sumulpot ay hindi na natapos. Galit na galit siya sa lalaking walang kasing lampa ngunit nang nakita niya ang nakaumang na baril dito ay hindi siya nagdalawang-isip. Itinulak niya ito upang hindi tamaan ng bala. Kaso sa inasta niyang iyon ay sa kaniya tumama ang pinakawalang bala ng hindi nila maubos-ubos na rebelde.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD