Lewis Roy Calvin II o Tandang Maliit sa mga kaedarang pamangkin. Lumaking walang nakagisnang magulang dahil na rin umano sa pagkaaksidenti o plane crashed habang pauwi mula sa outside the country business meeting noong dalawang taong gulang pa lamang siya. Subalit hindi naging sagabal iyon upang maramdaman niyang isa isang ulila. Dahil sa katunayan ay napapalibutan siya ng malaking pamilya sa magkabilang panig. Calvin's and Hardens."Kung pumarito ka upang asarin ako ay mas mabuting umuwi ka na lang sa bahay ninyo!" sigaw niya sa kaedarang pamangkin at best friend na rin."Tsk! Tsk! Paano mo maligawan ang amasonang military Captain kung mas masungit ka pa sa kaniya," nakangising pang-aasar ni Aries Dale sa tiyuhing kaedaran.Ngunit ang senaryong iyon ay hindi na bago sa pagitan nilang dalawa. Sabay silang lumaki, nag-aral hanggang sa pumasok at pinamahalaan ang TWIN TOWER EMPIRE na itinatag ng kanilang ninuno."They fears him a lot, yet they respect him that much." Madalas ngang sabihin ng mga pinsan at nakakikilala sa kaniya."ANO ba?! Pag-aari mo ba ang daan, Mr Whoever you are? Kung mayroon kang balak matulog at mag-imagine sa gitna ng kalsada ay huwag kang mandamay! Look around, you've caused a long traffic already!"Tinig ng isang babaeng hindi nalalayo sa kaniyang edad. Hindi lang iyon! Walang babala nitong kinalampag ang sasakyan niya at saka sinipa.Tuloy!Napalingon-lingon siya. Doon niya napagtantong hindi nagbibiro ang amasonang lion na basta nangalampag sa kaniyang sasakyan."Maliit lang ang Pilipinas, masungit na lion. Manalangin ka na lang na hindi kita makikitang muli. Dahil kapag mangyari iyon patay ka sa akin. Wala pang nakagawa niyan sa akin kundi ikaw pa lang babaeng kampon yata ni satanas."Bulong niya saka nagmaniobra pauwi sa kanilang tahanan where his loving old grandmother's waiting for him."GRABE ka naman, Ate. Aba'y paano kung pinatulan ka ng taong iyon?"Heh! Wala akong pakialam kahit sino man ang poncio pilatong iyon! Abah! Bakit, pag-aari ba niya ang kalsada? Hah! Bagay lang sa kaniya iyon! Saan ba kasi kita ihahatid? Bilisan mo, bawal ang makupad lalo at may lakad ako.""Nandoon na tayo, Ate. Kahit anong tapang mo dahil lalaki iyon. Aba'y mas malayong malakas iyon kaysa sa iyo.""Tsk! Tsk! Bahala siya riyan, Zel. Dahil kahit magsanggang muli ang aming landas ay ganoon pa rin nag gagawin ko. Kaya't sabihin mo na kung saan kita ihahatid---"Kaso ang usapang iyon ng magpinsang Ma Liezel at Darlene Faith ay naudlot. Dahil sa nakakabingi namang busina!