Kinuha na namin ang song book at namili ng kanta at ng makapili ng kanta si Christine ay pumunta na ito sa videoke para itype ang numero ng napili nitong kanta. Habang nagta-type si Christine ay bigla kaming nagkatinginan nitong dalawa ng may marinig kaming kumanta na lalaki. "Mad by Ne-Yo" Oh my! Ang ganda ng boses, sobrang smooth at clear na clear ang bawat liriko na lumalabas sa mga labi nito.
"Oh my gosh! Ang ganda ng boses." Ani ko sa kanila.
"Tara tignan natin kung sino ang kumakanta," pag-aayang ani sa akin ni Christine kaya naman ay sumilip kami sa kaliwang karaoke.
Si Bailey ang kumakanta. "Ahh! Okay! Now I know! I see why!" Ani nito habang ang mga mata nito ay namumungay na nakatingin sa akin.
"What?! I didn't know they were here too!" palusot kong turan kay Christine.
"Mhm!" Sabi nito na parang hindi naniniwala sa akin
"Bahala ka diyan! Babalik na ako kay Jeff." ani ko at naglakad na kaya naman ay sumunod na rin ito.
Nang bumalik kami kay Jeff ay naabutan naming kumakanta ito. "Jumbo hotdog kaya mo ba 'to" Kaya naman ay nag-tawanan kaming tatlo.
"Ano ba yun Jeff?! Akala ko ba ang napili mong kantahin ay Miss Independent by Ne-Yo?" Pagtatanong ni Christine habang natatawa.
"Nagbago na isip ko, iniwan n'yo kasi ako dito mag-isa". "Para sa inyong dalawa pa naman sana iyun!" Nagtatampong ani nito. "Aww! Ang cute naman ng baby Jeff namin!" Ani ko sa kanya habang pinipisil ang kanyang mga pisngi habang si Christine naman ay yumakap dito. "Wag nyo na ako iiwan ah?!" Pagpapa-cute naman nitong turan. "Yes babyboo!" Ani naman ni Christine habang nakatingin sa kanya.
"Tara kanta na tayo." Ani ko sa kanila kaya naman ay kinuha na ulit namin ang song book at namili na ng kanta. Nag kakantahan at nag sisiyahan na kami ng biglang magutom si Christine kaya naman ay gusto nitong bumili ng pagkain.
"Ako na ang bibili." Pagkukusang ani ni Jeff kaya tumango si Christine at mag bibigay na sana ng pera ng biglang hindi nito tanggapin.
"It's on me! Ikaw ba El, nagugutom ka rin ba?" Pag tatanong nito.
Tumango lang ako habang naka ngiti sa kanya, lumabas na ito at sinarado ang pinto ng karaoke.
"Ang sweet talaga nun! Kung hindi lang natin kaibigan iyun ay matagal na akong nag kagusto duon." Ani ni Christine habang nakatingin parin kay Jeff na kasalukuyang nag lalakad palabas ng arcade.
Napatingin ako dito at natawa. "Ano ka ba naman, pati ba naman kay Jeff na kababata natin ay parang na-iinlove ka na!" Ani ko,
"Ang sweet kasi ei!" Sagot naman nito sa akin.
Kinuha na ulit ni Christine ang mikropono at nag patuloy ng kumanta habang ako naman ay napaisip sa sinabi nito. Minsan ay parang nararamdaman ko rin ang nararamdaman ni Christine kay Jeff, Napaka sweet kasi nito at gentleman pa. Lagi siyang nag kukusang gawin ang dapat na kami ang gagawa. Lagi din na nandyaan sa tuwing ikaw ay nangagailangan ng kasama. Matangkad ito at may itsura pa, kaya naman ay ang suwerte ng makakatuluyan nito.
Makaraan ang ilang minuto ay dumating na din si Jeff na may dalang tatlong hotdog sandwich at tatlong inumin. Tinulungan ko itong ibaba ang mga pagkain at nagpasalamat kami sa kanya. Huminto na muna kumanta si Christine at nag miryenda na kami. Napatitig ako sa mga labi ni Jeff at napansin niya ito. "Nahuhulog ka na siguro sa akin", pabiro nitong ani sa akin. "Tanga! May ketchup ka sa labi mo." ani ko habang natatawa-tawa kaya kumuha ito ng tissue at pinunasan ang kanyang labi. "Assumero ang baby Jeff namin," patawang ani ni Christine kaya naman ay natawa rin si Jeff sa sinabi nito.
Kinuha ko ang aking phone na nasa loob ng aking bag pag bukas ko ay napansin ko ang oras. "Guys late na pala! Bilisan na nating kumain at umuwi na tayo." Ani ko sa kanila kaya naman ay binilisan na namin kumain at pag tapos aylumabas na kami sa loob ng karaoke at ng mapalingon ako sa katabi naming karaoke ay wala na rin tao. Malamang ay umuwi na rin sila sapagkat ay mag a-alasingko na ng hapon. Lumabas na kami ng mall at naglakad pa punta sa sasakyan ni Jeff na naka parada sa gilid ng parking lot. Nang makarating kami ay sumakay na rin kami. Nauna na nila akong inihatid sa amin kaya naman ay ng makarating ako sa aming bahay ay nagpaalam na ako sa kanila. Pumasok na ako at binati ang aking mga magulang at kapatid na kasalukuyang nanunuod ng pelikula at nakaupo sa salas. Binati rin nila ako, sinabi ko na rin na hindi na ako kakain ng hapunan sapagkat kumain na kami sa mall. Pumasok na ako sa aking kwarto at humiga na sa aking kama.
KINABUKASAN. Sabay-sabay kaming pumasok nila Jeff at Christine sa school. Medyo napaaga ang aming pagpunta kaya naman ay napag-isipan muna naming pumunta sa malapit na coffee shop dito sa aming campus.
Sa tuwing napapaaga ang aming pasok ay dito kami madalas pumunta para kumain at tumambay. Pare-parehas lang ang aming inorder sapagkat pare-parehas ang aming mga paborito dito sa coffee shop na ito. Sa sobrang dalas namin dito sa shop na ito ay nakilala na kami ng cashier dito. Maganda ang kahera dito at ito ay may gusto kay Jeff. Hindi man niya aminin ay halata pa rin sa kaniyang tingin at tono ng pananalita na may gusto siya sa aming kaibigan. Ito namang si Jeff ay medyo maloko at sa tuwing nakikita niya ang kahera ay kinikindatan niya ito.
Makalipas ang isang oras ay bumalik na rin kami sa campus at saktong dumating kami ay kakarating lang din nila Bailey. Sobrang naiilang ako sa kaniya dahil sa nangyari kahapon, Hindi ko na sana ito papansinin ng bigla akong tinawag.
"Ms. Gomez!" pasigaw nitong tawag sa akin.
Hindi ko ito pinansin at dali-dali kong hinatak ang aking mga kaibigan at naglakad ng mabilis. Akala ko ay natakasan ko na ito pero ang hindi ko alam ay sinundan pala ako nito.
"Ms, Gomez!" sigaw ulit nito kaya wala na akong choice kung hindi ang tumingin sa kaniya.
"Hi, Mr. Bracken." ani ko sa kaniya habang pinipigilan ang aking sarili na kiligin.
"I called you not long ago. I thought you ignored me," nakangiting turan nito sa akin.
"Ay! Sorry, hindi kita narinig, sa susunod kasi baby ang itawag mo sa akin." Nanlaki ang mga mata ko sa aking sinabi habang si Bailey naman ay natawa. s**t! bakit ba ang daldal ko? Pati mga thoughts ko nasasabi ko na out loud. Syemay, lagot ako sa mga kaibigan ko. Dahan-dahan kong nilingon ang aking mga kaibigan na nasa aking likuran at ang mga mukha nito ay hindi mo maipipinta, lalong lalo na si Jeff na nakasibangot. Ngumiti ako sa kanila ng pilit at may sasabihin pa sana si Bailey sa ak ngunit ay tinalikuran ko na ito.
"I'm telling you Eliza. Hindi maganda yang ginagawa mo. May siraulong girlfriend yan at ayaw kitang mapahamak." disapointed na ani sa akin ni Jeff pagkatapos ay sabay iling sa akin.
"Hindi ko naman sinasadya e, inner thoughts lang namans ana yun kaso nasabi ko ng medyo malakas." pagpapaliwanag ko naman sa kaniya ngunit ay napailing lang ito sa akin.
Tinignan ko si Christine at tinignan din ako nito.
"I support every bit of your actions and decisions, but this time, baka tama nga si Jeff, baka mapahamak ka pa sa ginagawa mo." payo naman sa akin ni Christine.
Habang naglalakad kami papunta sa aming silid ay napansin namin na marami ang nakatitig sa amin. Nagkatinginan kaming tatlo nila Jeff.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanila,
"Wala naman. Ako ba?" tanong naman sa amin ni Christine,
"Wala, kapangitan lang meron sa mukha mo!" pang-aasar na ani ni Jeff kay Christine na ikina-asar naman nito.
"Wow ha! Coming from you? EW!!" sagot naman ni Christine kay Jeff.
Si Jeff ay tawang-tawa at si Christine naman ay inis na inis.
"Huy! Maganda kaya si Christine!" sabat ko naman sa asaran nilang dalawa.
"Buti pa si Eliza, na a-appreciate ang beauty ko, di tulad ng isa d'yan."
"Wala ka naman kasing beauty e, so, what's there to appreciate? At wag ka nga'ng maniwala kay Eliza, na a-awa lang yan sayo. Diba Eliza?" patuloy na pang-aasar ni Jeff kay Christine.
Habang nagkakatuwaan kami ay bigla kaming hinarang ni Angela at ng mga alipores nito. Natigil kami sa aming katuwaan ng bigla akon itulak ni Angela.
"Ang landi mo! Pati ang jowa ko balak mo pang agawin." nag aalburotong bintang sa akin nito.
"Ano bang binibintang mo sa'kin? May sira ka na ba talaga d'yan sa utak mo?" sagot ko naman sa kaniya.
Sinampal ako nito kaya naman ay ginantihan ko rin ito ng sampal. Nagulat ito sa aking pagganti. Sasabunutan na sana ako nito ngunit pinigilan ito ni Jeff at Christine. Hinawakan ni Jeff ang magkabilang kamay ni Angela at sabay tulak dito na naging dahilan ng pag bagsak nito sa sahig. Gulat na gulat ito pati na rin ang mga alipores niya na itinatayo si Angela sa pagkakabagsak.
"Kapag ginulo mo pa si Eliza ay hindi lang iyan ang mangyayari sayo!" pagbabanta ni Jeff kay Angela.
Hinatak na ni Jeff ang aking kamay at dumiretso na kami sa aming silid.
"Hindi pa tayo tapos." pagbabanta ni Angela sa akin habang papalayo kami sa kanila. Nilingon ko ito at kasalukuyang nanlilisik ang mga mata sa akin kaya naman ay binelatan ko ito.
Nang makapasok kami sa aming silid ay binitawan din agad ni Jeff ang aking kamay pagkatapos ay humarap ito sa akin.
"See what I was saying? Napapahamak ka dahil sa pagkakagusto mo d'yan sa Bailey na yan." galit na turan nito sa akin.
"Alam natin na hindi titigil si Angela hanggat hindi n'ya nakukuha ang gusto n'yang mangyari."