Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi at ibinaling ko na ang aking mga mata sa malaking screen na nasa harapan namin. Habang ang aking mga kaibigan ay nag eenjoy sa kanilang pinapanood ay ayun namang pagka distracted ko sa aking katabi. Hindi ko magawang mag focus sa palabas sapagkat katabi ko ang aking ultimate crush. Nanginginig ako habang ako ay nakaupo. Hindi rin matanggal sa aking pag-iisip ang tanong n'ya sa akin kahapon. Inaaya n'ya ba ako mag-date nu'n or gusto n'ya lang kami pag-ayusin ng gf n'ya?
Mayamaya pa ay unti-unti na akong nakakapag focus sa aming pinapanuod. Parang nakalimutan ko na katabi ko lang si Bailey kaya naman ay bumalik ako sa pagiging makulit at madaldal. Malakas kaming nagtawanan ng aking mga kaibigan at ganoon din ang iba dahil sa pagpapatawa ng isang character sa palabas. Kumabog ang aking puso ng biglang may sumandal sa aking kaliwang balikat. OMG! Si Bailey ay nakatulog at aksidenteng nasandal sa aking balikat. Nanginginig ang aking katawan na tila ba ay na sa loob kami ng isang malaking freezer. Kinalabit ko si Christine at tinuro ko ang direksyon ni Bailey.
"OMG! Para kayong mag jowa." pabulong nitong ani sa akin habang kinikilig, inabot nito ang kaniyang phone sa bag at sabay niya kaming pinicturan ng palihim. Kilig na kilig si Christine habang nakatitig sa litratong kanyang kinuha sa amin ni Bailey
"Hoy! Mamaya na yan! Anong gagawin ko?" patanong kong ani dito.
"Enjoyin mo lang!" Kinikilig pa rin na ani nito habang nakatingin sa phone.
Napansin ito ni Jeff kaya naman ay tinanong siya nito
"Hoy! Bakit ba kilig na kilig ka diyan ha?" ani ni Jeff, kaya naman ay pinakita ni Christine ang litratong kanyang kinuha sa amin ni Bailey. Napatingin sa direksyon namin si Jeff at napakunot ang noo ng makitang nakasandal sa akin si Bailey.
Tatayo na sana ito upang gisingin si Bailey ng harangin ito ng kamay ni Christine,
"Hayaan muna nating enjoyin ni El ang pagkakataong ito." ani nito habang ngumingisi, kaya naman ay hindi na itinuloy ni Jeff ang kanyang balak gawin at ibinaling nalang ulit nito ang kanyang pansin sa harapan kung saan naka pwesto ang malaking screen. Dahan dahan kong binaling ang aking leeg sa harapan ng screen habang pasimpleng kinakapa ang maliit kong salamin na nasa loob ng aking bag, nang magtagumpay akong makuha ito ay patago ko itong itinapat kay Bailey. Pinagmasdan ko ang kanyang repleksyon sa aking maliit na salamin. Ang kinis ng mukha nito, wala kang makikitang kahit isang marka ng tigyawat. Napansin ko rin ang kanyang maliit na nunal na nakapwesto sa kaliwang banda ng noo nito. Ang tangos ng ilong at ang mga labi nito ay hugis puso, mamula-mula ang kulay at wala kang makikitang batak-batak sa mga ito. Iba talaga kapag mayaman, maaalagaan mo talaga ng maayos ang iyong sarili.
Binalik ko na ang aking salamin sa aking bag at nanuod na ng palabas. Nag tawanan nanaman ang lahat dahil sa pangyayari sa palabas ng bigla kong naramdaman ang pag angat ng ulo ni Bailey sa aking balikat. Nagising siguro ito sa malakas na tawanan na nasa loob ng sinehan.
"Sorry! I didn't mean to lean on you." said Bailey while he was rubbing his eyes
" N-No Worries," I answered. "Kung gusto mo nga kahit hanggang mamaya ka pa matulog sa balikat ko ei" mahina kong bulong sa aking sarili.
"What?" ani ni Bailey habang nakatingin sa akin
"I said, don't worry about it." Paulit kong ani kahit na alam kong hindi iyon ang dahilan ng kan'yang pagtatanong.
"Thanks for letting me sleep on your shoulder," he said in a calm voice, "It was so comfortable! Can I do that again sometime?"
"You're welcome! And Yes, you can! Every day, every night, whenever you want." Pabiro kong sabi sa kanya. I heard him laugh a little bit.
"Sure! Sabi mo yan ah! Wala ng bawian Ms.?"
"Ms. Gomez," I answered,
"Ms. Gomez. Now, this shoulder is officially mine." He said as he pointed at my left shoulder.
Tinawanan ko lamang ang sinabi niya dahil alam kong sinasakyan lang nito ang aking kalokohan. Ayun ang aking akala ng bigla ito bumalik sa pagkakahiga sa aking balikat. Feeling ko ay huminto ang t***k ng aking puso ng mga oras na iyun. OMG! What am I going to do? Nagbibiro lang naman ako sa sinabi ko, hindi ko alam na seseryosohin niya yun.
"Is it that comfortable Mr. Bracken?" I jokingly asked him
"What do you think Ms. Gomez?" He replied. Seryoso ba ito? Talaga bang seryoso siya sa sinabi niyang "this shoulder is official mine"? s**t! kapag nalaman ito ng bruhang girlfriend n'ya ay lalo akong pag-iinitan n'un. Pero bahala na, parehas naman kaming nag e-enjoy ni Bailey, pabiro kong sabi sa aking sarili.
Alam kong narinig ni Christine ang pinagusapan namin kaya naman ay kinalabit ko ito at ngiting-ngiti ng lumingon sa akin.
"Narinig ko ang pinag-usapan ninyo ni Bailey", pabulong nitong sabi sa akin habang ang kaniyang ngiti ay abot hanggang tainga.
"Congrats, Boo." dagdag nitong ani sa akin habang kinikilig.
Nang tapos na itong magsalita ay itinuro ko sa kanya si Bailey na kasalukuyang nakahiga sa aking balikat.
"OMG!" gulat nitong sabi. "Akala ko ay nagbibiruan lang kayo." pabulong na sabi ni Christine sa akin.
"Ayun din ang akala ko! Akala ko ay sumasakay lang siya sa kalokohan ko tapos bigla siyang humiga sa balikat ko." pabulong kong sagot sa sinabi ni Christine.
"Well! Enjoy the moment, I guess." ani sa akin ni Christine habang ito ay kinikilig sa aming dalawa.
Feeling ko ay sobrang awkward ko kaya naman ay kinausap ko ito,
"B-Bailey, I think masyado ka nang nag eenjoy, baka may makakilala sa'yo at malaman pa ng girlfriend mo." pabiro kong sabi sa kanya kaya naman ay ini-angat na ni Bailey ang kaniyang ulo at tumingin sa akin.
"I have a question?" ani ni Bailey, "How did it happen?" He added.
"What happened?" naguguluhan kong tanong sa kan'ya.
"You and Angela?! How did it start?"
"Well let's just say na, nahuli niya akong nakatingin sayo." ani ko habang natatawa.
"Ohh" he replied, "and?" dagdag nito na tila ba ay nag-aantay ng kasunod.
"That's it! Nahuli n'ya akong nakatingin sayo and ayun, tinoyo na." natatawa-tawa kong kwento sa kaniya.
"Pag pasensyahan mo na yun! Ganoon talaga yun, protective." aniya.
Huh? Protective o possessive? Don't confuse being protective with being possessive. Ako ang protective at si Angela naman ang possessive. We're very different.
"I also have a question." ani ko sa kaniya.
"Go ahead!" sagot naman nito sa akin.
"Yesterday, uhm, w-what do you mean about what you asked me? Yung 'Are you free tonight'." tanong ko kay Bailey.
"Oh about that! I wanted to take you to the coffee shop close to our campus, but you didn't answer." sagot nito sa akin habang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa palabas.
"For what?"
"To know you better I guess. Who knows we could be good friends" sagot ulit nito sa akin na ikinataas naman ng aking kilay.
"But I don't want to be friends, I want you to be mine." Napatingin si Bailey sa aking sinabi at napatingin naman ako sa kaniya habang nanlalaki ang aking mga mata.
Shit, Eliza! That was supposed to be an inner comments. Ang daldal mo kasi.
Napakamot nalang ako ng ulo sa sobrang hiya at ibinalik ang aking pansin sa palabas. Tumagal ng halos isang minuto ang titig sa akin ni Bailey bago ulit nito ibaling ang kaniyang pansin sa aming pinapanuod.
Makalipas ang isang oras ay natapos din ang palabas.
Tatayo na sana kami ng bigla kaming pinigilan nila Bailey.
"Hold on! Let's take a group picture." ani nito sa amin kaya naman ay umupo muna kami at hinintay silang mag picture.
"Say cheese!" ani ni Noah na kaibigan ni Bailey. Ngumiti kami at pagkatapos noon ay lalabas na kami ng bigla kong narinig na nagsalita si Bailey
"Nice meeting you, Ms. Gomez!" Nilingon ko siya at nginitian. Syempre kilig to the bone ang ate n'yo. Pero hindi ko iyun pinahalata at tumalikod na kami.
"Who knows in the near future, I'll be yours and you'll be mine."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Bailey. Sa sobrang halong kilig at hiya ko ay hindi ko na ito nilingon at hinatak ko na lang sila Jeff at Christine palabas ng sinehan.
Nang makalabas na kami sa sinehan ay naririnig ko ang dalawa kong kaibigan na excited na pinag-uusapan ang mga nangyari sa palabas. Nakikitawa lang ako sa kanila upang hindi nila mahalata na hindi ko gaanong napanood ng maayos ang palabas sapagkat kadalasan ay nag-uusap lang kami ni Bailey.
"Saan ninyo gustong kumain?" pagtatanong ko sa kanila.
"Saan pa ba?! Edi sa bida ang saya!" pagpapatawang ani ni Jeff kaya naman ay hindi rin namin napigilang tumawa.
Habang inaantay namin si Jeff ay na pag-kwentuhan muna namin ang mga nangyari sa loob ng sinehas.
"Was I sleeping? Was it all just part of my dream? I seriously asked.
"What's part of your dream? The part where Bailey leaned on your shoulder? That, it's officially his? Yes! It's all just a dream." pabiro nitong pag sagot sa akin habang ngumingisi,
"Girl! OMG! I can't believe that happened." kinikilig kong ani dito habang hinahampas ng mahina ang braso ni Christine.
"Hindi ko alam na makulit din pala siya, para kasing mayabang tapos ang tahimik pa pag na sa classroom, parang laging may problema sa buhay." ani ni Christine habang nakapangalumbaba.
"Oo nga ei! Totoo pala ang kasabihan na you should never judge a book by its cover."
"Omg!" ani nito habang kinukuha ang phone sa bag.
"Ang cute n'yo diyan, para kayong mag Couple" dagdag ni Christine at ipinakita ang kaniyang phone na may picture naming dalawa ni Bailey.
"Huy! I-send mo yan sa'kin. Ang cute naming dalawa. Mas bagay talaga kami kaysa sa kanila ni bruhang Angela.
Tumunog ang aking cellphone at nakita ko na sinend sa akin ni Christine ang litrato namin ni Bailey. Napatitig lang ako dito at pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ni Bailey sa aking kaliwang balikat.
"He's so handsome talaga" ani ng aking kaibigan na si Christine,
"I know right! As in wala kang makikitang kahit anong tigyawat o kung ano man. Wala kang itatapon." Sagot ko naman dito.
"OMG!!! Oo nga pala. Kanina sabi n'ya sa'kin, 'who knows, in the near future, I'll be yours and you'll be mine'" Parehas kaming kinikilig ni Christine, "Ano na? Mag pa-plan na ba ako ng wedding namin?" pabiro kong ani sa aking kaibigan.
Habang nag-uusap kami ay dumating na si Jeff sa aming lamesa.
"Bakit parang ngiting-ngiti kayo diyan? Pinag chi-chismisan n'yo ko noh." ani ni Jeff.
"Ay grabe s'ya ah! Pinag-uusapan lang namin yung mga nangyari kanina sa loob ng sinehas.
Tumango ito at inilagay na ang mga pagkain sa lamesa. Nag simula na kaming kumain, at biglang nag salita si Jeff.
"So paano kayo naging mag katabi ni Bailey?"
"Pinagbantaan ko siya na kapag hindi siya umupo sa tabi ko ay kakainin ko ang popcorn na hawak niya." pabiro kong sagot sa tanong niya,
"No! Like, seriously" ani naman ni Jeff.
"Hindi ko rin alam ei! Basta nung nag start na yung palabas narinig ko yung boses nila sa bandang kaliwa ko, tapos nung paglingon ko nakita ko si Bailey sa tabi ko." pag papaliwanag kong turan kay Jeff habang ngiting-ngiti at kilig"
"Kilig na kilig ka naman." masungit na ani nito sa akin.
"Wag ka ngang bitter d'yan. Palibhasa kasi walang nagpapakilig sayo." sabat ni Christine kay Jeff na akin namang ikinatawa.
"Oo nga! Ang bitter mo." ani ko naman.
Nang matapos kaming kumain ay tumayo na rin kami at nag ka-yayaan kami sa arcade na nasa loob lang rin ng mall. Bumili kami ng coins at naglaro. Una naming pinuntahan ay ang Basketball Shooter.
"Paramihan ng masho-shoot!" Paghahamon sa amin ni Jeff,
"Sige ba!" sagot naman namin sa kan'ya.
Nagsimula na kami at syempre, Si Jeff ang nanalo. Pupunta na sana kami sa aming susunod na lalaruin ng biglang pumasok sila Bailey. Nakita ko silang pumasok sa Karaoke, kaya naman ay inaya ko sila Christine duon, pumasok din kami sa katabing Karaoke na pinasukan nila Bailey.