"At kung maaari mong maiwasan si Bailey, ay sinasabi ko na sayo ngayon. Layuan mo!" pagdagdag na ani ni Jeff.
Tinalikuran na ako nito at naglakad na papunta sa kan'yang upuan.
Nag buntong hininga ako habang napapaisip,
"Hindi ko naman nilalapitan si Bailey, napatitig lang naman ako nung nasa canteen kami, ang pogi naman kasi." I mumbled to myself. Tumingin si Christine sa akin habang nakangiti.
"Ang cool kanina ni Jeff." kinikilig na ani nito,
"Ewan ko ba dun! Kaya ko naman protektahan ang sarili ko." ani ko kay Christine,
"Ano ka ba! Intindihin mo nalang, ayaw lang nun maulit yung nangyari dati." Tinignan ko lang ito at tinanguan. Ang aga-aga ay sinisira na agad nila Angela ang araw ko.
Maya-maya ay nakita kong pumapasok sila Bailey at ang mga kaibigan nito habang nagtatawanan.
"Bro! That was funny!" ani ni Bailey habang nagkukumpulan at nagtatawanan ang mga ito sa bandang unahan ng silid.
Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at kinuha ko nalang ang aking kwaderno sa loob ng aking bag.
Tumunog na ang bell, ibig sabihin ay 7:30am na at mag i-start na ang klase, hindi nag tagal ay dumating na ang aming professor kaya naman ay bumalik na sa kaniya-kaniyang upuan ang ibang estudyante.
"Good morning Ms. Gomez!" bungad ni Bailey sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.
OMG! Sa gulat ko ay hindi na ako nakapag salita pa. Napatingin sa akin si Christine na kilig na kilig habang sinusundot ang aking tagiliran.
"Have you seen our picture? Pagtatanong nito sa akin habang nakaupo sa kanyang upuan at nakalingon sa akin,
"H-Huh? W-What picture?" Pag tatanong ko dito habang ako ay kinakabahan. Baka mamaya ay may nag picture sa aming dalawa habang nakasandal ang ulo niya sa aking balikat, at ipinost sa social media.
"The group picture we took at the cinema! Don't tell me you don't remember?!" He answered.
"Ohh! Yea! No! I haven't seen it yet." I replied while trying not to look at him.
"That's weird! Noah posted it on social media, and it got so many likes and shares." He replied as he looked away to grab his phone that was in his pocket.
Ah kaya naman pala ay nag titinginan sa amin ang ibang estudyante nung pagpasok namin sa unibersidad at kaya rin pala parang nag aalburotong bulkan si Angela. Now! It all makes sense.
Lumingon ulit sa akin si Bailey at ipinakita ang litrato namin nung kami ay nasa loob ng sinehan na may nakasulat na "Watched a movie with my friends" with emojis. Marami itong heart reacts, laughing reacts, like reacts, at may iba rin na nag angry reacts, paniguradong isa na si Angela duon.
"BTW! I sent you a friend request; accept it now before I change my mind." He said it jokingly and smirked.
I was going to get my phone at my bag when I realized that I left it charging at home.
"OMG! I left my phone at home." Gulat kong ani.
"It's alright! For you, I'm willing to wait!" Ani nito habang nakangisi.
Ewan ko ba pero, kahit anong pilit kong hindi ito pansinin ay hindi ko magawa, tapos may pa kilig pa "For you, I'm willing to wait." pa, kainis. Anyway, excited na akong umuwi para ma accept ko na si Bailey at baka nga mag bago pa ang isip nito at tanggalin ang friend request niya sa akin. Oh diba! Umpisa pa lang ng klase pero uwing uwi na ako hayst.
Makaraan ang ilang oras ay break time na namin. Inaya ko na si Christine at nilingon si Jeff na kasalukuyang papalapit sa amin.
"Do you guys want to join us?" tanong ni Bailey habang nakatingin sa akin.
"No dude! Thanks for asking." kalmado namang sagot sa kanya ni Jeff habang ito ay papalapit sa amin.
"Let's go!" dagdag na ani ni Jeff kaya naman ay napa bikit balikad si Bailey at tumayo na para pumunta sa kanyang mga kaibigan. Tumayo na rin kami at lumabas na ng aming silid.
"Why is he asking us to join them as if we're friends with them?!" Pagtatakang tanong ni Jeff habang nakakunot ang noo. I just shrugged my shoulders and started walking to the canteen. Nang makarating kami ng canteen ay nagtitinginan pa rin ang ibang estudyante sa amin.
"Why the f**k are they looking at us?" Naiinis na turan ni Jeff.
"Do you remember yesterday when Bailey's friends took a picture with us?" Pagtatanong ko kay Jeff,
"Mhm"
"Well! Noah posted it." dugtong naman ni Christine.
"Oh! I see! Well, I guess we're popular now." Ani nito habang may kinikindatang babae na nakatingin din sa kanya. Nakita kong kinilig ang babae kaya naman ay inasar ko si Jeff.
"OMG, Jeff! I think we found your soulmate."
"Edi iiwan mo na kami ngayon?! Siya na yung sasabayan mong kumain, hindi na kami?! Sa kanya ka na magiging sweet, hindi na sa amin?!" pag dadramang ani ni Christine kay Jeff.
"Oo nga! Tapos hindi na kami ang ihahatid, sundo mo sa school" pag dugtong ko namang ani sa sinabi ni Christine.
Napakamot si Jeff sa kanyang ulo habang natatawa sa aming kadramahan.
"Tara na nga at bumili na tayo ng makakain." Ani ni Jeff habang akbay-akbay kaming dalawa ni Christine. Nang kami ay nakabili na ng pagkain ay napansin ko sila Angela na may hawak na baso na puno ng kung anong makulay na inumin at parang nag aabang at may binabalak na masama habang inaantay akong dumaan sa harapan niya, kaya naman ay pinauna ko ng umupo sila Christine at pinadamay ko na ang aking pagkain. Nang makaupo na ang aking mga kaibigan ay tsaka ako naglakad at nag kunwaring hindi ko napansin sina Angela at ang kanyang mga alipores. Nang papalapit na ako ay nakita kong sasalubungin nila ako at napansin ko na hindi ito iniinom ni Angela kaya naman ay alam ko na ang pinaplano ng mga ito. Ibubuhos na sana ni Angela sa akin ang kanyang hawak na inumin ng maunahan ko ito, tinabig ko ito kaya naman ay tumapon ito sa kanyang damit. Napanganga ito sa gulat habang nakatingin sa kanyang puting uniporme habang ang mga kaibigan niya naman ay tinutulungan siyang punasan ang basang basa nitong uniporme.
"Oops! My bad!" Ani ko habang nakataas ang aking kaliwang kilay. Napatingin sa akin ang mga estudyanteng nakatuklas ng pangyayari, halos pumalakpak ang mga ito sa tuwa. Naglalakad na ako papalayo ng marinig ko ang usapan nila Angela. "How did she know what I'm going to do?" Pagtatakang tanong ni Angela sa kaniyang mga alipores. Hindi ko na sila pinakinggan pa at bumalik na ako sa aking mga kaibigan.
"I was about to stand up when I saw what happened then I realized, naisahan mo sila kaya naman, hindi na ako nakialam." Proud na ani sa akin ni Christine. I proudly smiled at her. Tumingin ako kay Jeff at nakita ko itong nakangiti.
"Oh, bakit ka ngumingiti dyan!" nakangiti kong tanong dito.
"Well! I'm just happy na hindi mo hinahayaan na api-apihan ka lang ng kahit na sino."
"Akala ko ba against ka sa pagpatol ko sa mga mokong na yun?
"After hearing what Angela told you earlier, na realized ko na kung mag papakita ka ng kahinaan sa kanila ay lalo ka niyang pag iinitan." Sagot nito sa akin.
"Wag kang magalala dahil lagi lang kaming naka alalay sayo, hindi ka namin papabayaan kahit na anong mangyari." Dugtong nito habang si Christine naman ay nakangiti habang tumatango sa sinasabi ni Jeff.
Na-touch ako sa sinabi nito kaya naman ay niyakap ko ito at sumali na din si Christine.
"Thank you so much guys!" Pasasalamat ko sa kanila
"Kain na nga tayo at baka mag iyakan pa tayo" pagpapatawang sabi ni Christine. Natawa kami ni Jeff ng mahina at nag start ng kumain.
Pag tapos naming kumain ay nag pahinga lang kami ng saglit bago kami pumunta sa Gym kung saan ang susunod naming subject ay magaganap dito. Nag uusap-usap lang kami ng biglang dumating sila Angela. Makakasama namin ang section nila sa aming Gym subject. Lagi talaga na dalawang section ang pinag sasama-sama nila sa tuwing Gym class, dahil siguro sa sobrang laki ng Gym ng unibersidad na ito, sobrang lawak kaya naman ay sayang kung isang section lang ang gagamit sa tuwing may klase. Napansin kong nakapag palit na ito ng damit. Nakaputi itong plain na T-shirt na naka tucked in sa kanyang pantalon. Mahigpit ang aming school sa Uniform policy kaya naman ay hindi ako makapag-antay na pansinin ng aming professor ang suot nito. Nakita niya kami at umupo sa hindi gaanong kalayuan sa amin.
"This is going to be exciting" Ani nito habang naniningkit ang kanyang mga mata at nakatingin sa akin.
"I know right!" tapang kong sagot dito.
I saw her smirked before looking away. Maya maya lang ay pumasok na rin si Bailey at ang mga kaibigan nito sa gym ngunit napansin ko na kulang sila ng isa, wala si James. Tumuro sa aming direksyon sila Bailey at lumapit ito, siguro ay nakita niya sila Angela kaya ay gusto niya itong makasama. Nagulat ako ng inapiran kami ng mga ito at umupo sa tabi namin.
"Hi Ms. Gomez!" pag bati sa akin ni Bailey. Oh my! Hindi niya siguro napansin sila Angela. Napatingin ako sa direksyon ni Angela na tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Really Bailey?" Galit nitong ani kaya naman ay napatingin ito sa kan'ya.