"Boss! Boss!" hingal at habol-habol ang hiningang tawag ng isa sa mga tauhan ni Jubert habang siya ay namamahinga sa bakuran ng kanilang tahanan. Kaya naman ay nakaramdam siya ng inis. Mabuti sana kung maayos ang pagtawag nito ngunit para namang hinahabol ng limampung aso. "Oh Emping, anong nangyayari sa iyo at paran may humahabol sa iyo na limampung aso?" inis at yamot niyang tanong dito saka umupo ng maayos. "M-mabuti sana kung a-aso Boss pero hi---" Hindi na natapos ni Emping ang pananalita dahil pinutol na ito ng taong dahilan nang pautal-utal nitong pananalita. Ang paghabol sa hininga na para bang itinakbo ng mga kapre. "Oo mabuti sana kung aso dahil baka mapaamo n'yo pa. Pero malas lang kayong mga kampon ni Satanas dahil ako ang binangga ninyo!" galit na wika nang humabol kay Em