"Okay ka lang ba talaga, Iha? Maari namang magpahinga ka muna," ani Tata Andong sa dalagang amo. Panay ang pakawala nito ng malalalim na hininga. Simula pa noong bumalik ito mula sa pagpapakulong sa mag-anak ng Sebastian. Para itong hindi mapakali lalo at panay ang lingon sa mga kalalakihan na nagkakasiyahan sa silong ng manggahan. Hindi rin naman kasi niya ito masisisi ngunit mas nag-aalala siya bilang ama nito. Hindi na ito iba sa kanilang tauhan ng palayan. "Tata Andong, sabihin mo sa akin ang totoo. Kapag ikaw ang may-ari sa palayan na ito. At basta ko pinalapag ang chopper ko rito. Basta ko ipinarada ang sasakyan ko. Gagawin mo rin ba ang ginawa ko? Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, nasunog ang ilang rice granaries mo, ninais pa na sirain mga machine mo. Magagawa mo rin ba ang nagawa