"Sigurado akong naisagawa na ni Jonel ang utos mo, Boss. Magwawala na naman ang Aling Maliit na iyon," nakatawang wika ni Dado sa binatang amo. "Maganda kung ganoon para hindi tayo mahirapang sunugin ang mga malapit na niyang anihin. Kapag mawala sa kaniya ang pinakamalaking bahagi ng palayan nila ay sigurado akong bankrupt ang bagsak niya. At higit sa lahat ay mahihirapan na siyang makabawi pa lalo at sunod-sunod na ang nawala sa kanya," malademonyong sagot ni Jubert. "Huwag mo sanang masamain Boss pero ayon sa balita ay mayaman daw ang angkang ng mga Galvez?" sabad at tanong ni Emping. "Wala akong pakialam kahit sila pa ang pinakamayamang tao sa mundo. Ang sa akin lang ay maibagsak ang babaeng iyon. Dahil siya ang tinik sa lalamunan ko." Paismid itong tumingin sa gawing bahagi sa pala