Kinagabihan, sa pagod pa lamang niya sa maghapong trabaho ay dapat tulog na siya. Subalit naiinis siya dahil napakailap nang tulog sa kaniya ng gabing iyon. At sa inis niya ay bumaba siya sa unang palapag ng kanilang bahay. Upang sa garahe sana magtambay kaso pagkalabas pa lamang niya sa kuwarto niya ay nakasalubong niya ang ama na may dalang tubig.
"Oh Daddy, bakit hindi ka pa natutulog?" may pagtata niyang tanong. Sa buong pag-aakala niya ay siya na lamang ang gising sa oras na iyon ngunit mukhang pare-parehas silang hindi makatulog sa hindi malamang dahilan.
"Matutulog na sana anak kaso wala palang tubig sa ref diyan sa kuwarto namin ng Mommy mo. How about you, Iha? Where are you going?" balik-tanong ni Craig sa dalaga niyang anak.
"Eh hindi po ako makatulog, Daddy. Napapagod na ako sa kahihiga ngunit napakailap ng antok ngayon sa akin. Magpapahangin sana ako sa garahe dahil may duyan ako doon." Iniwas niya ang paningin upang ikubli ang damdamin niyang talagang hindi mapakali. Pakiramdam niya ay parang may mali. Para bang may naupuan siyang siling labuyo.
"Mas hindi ka aantulin doon, anak. Hindi pa yata naayos ang ceiling fan doon. Maraming lamok sa labas ngayon. Diyan ka na lang sa balkonahe anak," anito.
But out of the blue, she said something different.
"Daddy, may bala po ba iyong shut gun diyan sa baba?" Out of the blue she asked instead. Her instinct's is really telling something to her.
"Ha? Bakit? Aanhin mo ang baril sa disoras ng gabi?" sunod-sunod na tanong ni Craig na halatang nahimasmasan sa tanong ng anak.
Nawala na yata ang antok dahil sa pagtatanong nito sa shut gun. Aanhin nito ang baril sa disoras ng gabi? Naging amazona na rin ba ito? Nauunawaan niya ang pagiging mainitin ng ulo nito dahil nasa dugo na nila ngunit ang shut gun? Unbelievable!
Ngunit dahil talagang hindi mapakali ang dalaga ay hindi na siya sumagot. Bagkus ay muli siyang pumasok sa kaniyang kuwarto. Pero hindi rin siya nagtagal at lumabas siya. Nakasuot na siya ng paborito niyang jacket. Naka-sumbrero na rin siya.
Sa paggalaw nito ay nasulyapan ni Craig ang calibre kuwareta isingko sa bewang ng anak. Wala siyang maunawaan sa ikinikolos nito subalit base na rin sa kilos nito ay may kaaway ito. Lisensiyado naman kasi nag mga baril na nasa kanila dahil issued ito ng 4C Detective Agency Cagayan Valley branch o ang agency na pagmamay-ari ng bunso niyang kapatid. Magtatanong sana siyang muli subalit hindi na siya natuloy dahil inunahan siya nito.
"Huwag kang mag-alala, Daddy. Dahil kayang-kaya ko ito. Iba ang nagpaparamdam sa akin kaya't sasaglit muna sa bukid. Pakiramdam ko ay may nais ipakahulugan ang nerbiyos na lumulukob sa akin. Sige na po mauna na ako," anito saka mabilis na pumanaog at nakahinga ng maluwag dahil fully loaded ang shut gun na parang dekorasyun sa biglang tingin.
Naging mabilis ang kilos niya. Langitngit na lang ng metal na gate at tunog ng owner niya ang pumumit sa tahimik na gabi. Kulang na lang ang paliparin niya ang owner niya dahil iba ang bumabagabag sa kanya.
Then...
Ang ilang rice granary ay nilalamon ng apoy!
Kaya naman halos maging apoy din ang galit niya. Agad siyang nagtawag sa mga tauhang nasa malapit o ang ilang upang may makasama siya sa pag-aapula ng kumakalat na apoy. Basta na nga lamang niyang ipinarada ang owner niya. Agad niyang pinuntahan ang emergency drum ng palayan saka niya iyon pinatunog kaya't hindi nagtagal ay nagsidatingan ang mga nakarinig na trabahador.
Dahil sa sunog sa ilang rice granary ay lumikha ito ng malaking ingay sa paligid. Idagdag pa ang pagtatawag ng dalagang namumuno sa palayang iyon. Hindi nagtagal ay nagsidatingan ang mga nasa malapit o ang mga mambubukid na nasa paligid. Halos hindi sila makahinga dahil sa nakikitang sunog. Dis-oras man ng gabi subalit kitang-kita nila ang galit at poot na bumabalot sa mukha ng kanilang amo. Mabait ito, mayaman pero nakaapak pa rin sa lupa. Hindi mapanglait kagaya ng ibang amo at iyon ang nagustuhan nila. Maliit itong babae pero may malaking puso para sa lahat. Aling Maliit na may matabang puso ang tawag ng kapatid nito. Sa Liit nito ay nagawa pa ring tumulong sa pagbuhos ng tubig upang apulahin ang apoy.
After sometimes, when the huge fire was stopped by the workers of the said granary. Kuyom ang mga palad ay pabagsak na naupo si Annabelle sa pinagpatong-patong gayami na hindi inabot ng apoy. Hindi kaila sa mga nandoon ang galit na lumulukob dito. Kaya naman ay nagtulakan pa sila kung sino ang lalapit. Mabait naman ito kaso sa nakikita nilang galit sa mukha nito ay doon sila nag-alangan.
"Boss, ano ngayon ang plano mo?" tanong ng pinakamatanda sa kanila. Ito ang nagboluntaryong lumapit.
"Sa ngayon wala pa, Manong. Kaya't maari na po kayong umuwi para makapahinga na. Ipagpaumanhin n'yo na lang ng mga kasamahan mo ang disturbo. Huwag kayong papasok ng maaga mamaya. Kahit late na kayo pumarito lalo at late na rin ngayon." Napakuyom ang palad ni Annabelle.
Galit na galit siya. Gustong-gusto niyang kalabitin ang gatilyo ng shut gun niya. Ngunit kanino niya ito itututok? Sino ang sasalo sa bala samantalang pare-parehas naman silang walang kaalam-alam sa nangyaring sunog? Damn those who did that to their rice granaries. Kung siya lamang sana ang umaasa sa palayan na iyon ay walang problema. Subalit paano na lamang ang mga trabahador niya? Paano na lamang ang mga pamilya nila na sa pagsasaka lamang umaasa?
"Ma'am Annabelle, hindi kami uuwi hanggat nandito ka. Alam naming mas kailangan mo ang kasama sa ngayon. Hindi natin alam kong ano ang motibo ng may kagagawan nito." Napailing tanda nang pagsalungat ng isa.
Kilala nila ang dalagang apo ng mga Galvez. Hindi man nila naabutan ang mga ninuno nito pero ayon sa mga nakakita ay maganda ang ugali mayroon ang mga ito. Hindi na rin nakapagtataka na mabait ang dalaga nilang amo dahil ganoon din naman ang mga magulang nito. Sila rin ang may-ari sa malalaking kumpanya sa buong Cagayan Valley at isa na roon ang rice mill. Sila ang isa sa pinakamalakas na supplier ng bigas sa buong CAR Region.
"Okay lang ako, Manong. Kayo ang inaalala ko dahil pagod na kayo sa maghapon tapos napuyat pa kayo ngayon. Ano na lang ang lakas ninyong magtrabaho bukas? Huwag n'yong alalahanin ang may kagagawan nito sa sunog, Manong. Dahil hindi siya makakalayo at mas hindi siya makakaligtas sa galit ko." Napaangat ang paningin niya saka iginala sa mga trabahador niya. Kaya siya napatigil sa pagsasalita. Ngunit agad din siyang nagpatuloy.
"Hindi na lang nila inisip na hindi ako ang kawawa sa pinsalang dulot nang pagkawala ng ilang rice granary natin. Mga bagong aning palay para sana sa lahat. Pero humanda ang may kagagawan nito dahil kinawawa kayong lahat. Oras na malaman ko ang katauhan niya ay simulan na niya ang pagtatago. Dahil malas niya at ako ang kinalaban ng sinumang may kagagawan nito. Hahabulin ko siya kahit saang korte siya magtungo!" Sa pagkakaalala sa nasayang na palay ay muli siyang napakuyom.
Lalo at ready to deliver na sana para sa mga manggagawa niya at shipment sa siyudad ng Maynila. Subalit dahil sa kagagawan ng sinumang poncio pilatong hudas ay naging abo na. Money is not a problem to her pero ang kaisipang magugutom ang mga trabahador niya'y abot hanggang langit ang pagsulak ng dugo niya. Sila ang kaawa-awang nagbanat ng buto subalit nauwi lamang sa abo. Damn those whoever caused the fire! She will do everything to know who they are.
"Alam namin, Boss. Kami ang iniisip mo at labis kaming nagpapasalamat dahil diyan. Subalit wala na tayong magagawa dahil nangyari na. Wala namang may kasalanan sa atin kaya't magpasalamat na lang tayo dahil ligtas tayong lahat. Nawala man ang ilang granary ay laking pasasalamat pa rin natin dahil walang namatay sa atin. Mababawi pa naman natin iyan sa mga susunod na anihan lalo at malapit na naman tayong magpaani. Dalawang buwan mula ngayon ay mapapalitan na ang naging abo." Pang-aalo na lamang nila sa butihin nilang amo.
Bata pa ito sa edad pero hindi naging ito hadlang para makisalamuha sa kanila. May mga kaedaran din naman ito sa kanila subalit dahil sa maagang nagbanat ng buto ay mas naging matured sila kaysa sa tunay na edad.
Ang hindi nila alam dumating ang pamilya ng dalaga sa kasagsagan nang pag-aapula nila sa sunog. Dahil na rin sa pag-aalala kaya't sinundan nila ito. Ngunit dahil sa naglalagablab na apoy ay hindi sila agad nakalapit. Nandoon na sila nang nagtulakan ang mga magsasaka kung sino ang lalapit sa amo nila. Kaya't nang narinig nilang mag-ama ang usapan ng mga ito ay hindi na rin sila nagdalawang-isip na sumabad.
"Tama naman sila, Annabelle anak. Pera lang ang nasayang diyan. Kasama na roon ang pawis at pagod ng mga kasama mo rito sa palayan. Subalit ang perang nasayang ay mapapalitan iyan. Ngunit kung ang buhay ninyo ang nawala ay hindi na iyan maibabalik ng pera. About sa granary na nasunog hayaan mo bukas na bukas magpapagawa tayo ng bago. Ang mga palay na nakaimbak diyan ay mapapalitan iyan sa susunod na anihan. If I'm not mistaken within two or three months from now you will be able to filled those rice granaries again," pahayag ni Craig kasabay nang paglapit nilang mag-ama.
"Sir!"
"Daddy!
Sabayan nilang sambit. Ang dalaga at mga tauhan. Mula pagkaupo ay parang sinaniban ng masamang espirito ang dalaga dahil bigla itong napatayo. Kung hindi naagapan ng isang tauhan ay baka natumba na.
"Grabe naman po kayo parang nasa platoon na may training, sabay-sabay pa talaga?" Nakatawang pinaglipat-lipat ni Franklin ang paningin sa mga naroon ngunit agad ding sumeryoso nang nakita ang pandidilim ng mukha ni Annabelle. Ang kapatid niyang maliit na babae subalit may matabang puso para sa lahat.
"Baby Liit este my dearest sister ang Aling Maliit pero may napakalaking puso lalo na ang big mouth este ang boses. Pinapagaan ko lang ang pakiramdam ninyo ng mga kasamahan mo dahil alam kong bukod sa pagod kayong lahat sa maghapon n'yong trabaho dito ay napagod pa kayo ng husto dahil sa pag-aapula ng apoy. Pero tama naman si Daddy mababawi n'yo pa ang perang nasayang dahil sa sunog. Look at those rice fields with almost golden rice. Pero kung ang buhay ninyo ang nawala suntok sa buwan wala ng pag-asang makabawi kayo. Kaya't pumayag ka nang lagyan ng kuryente at alarm device ang bawat bakod na hindi nalalaman ng iba bukod sa inyong taga rito rice fields mo. Oras na may intruder lupaypay na iyan bago makagawa ng kalokohan. Ang nangyaring ito sa inyo, I mean dito sa palayan ay maging aral na huwag masyadong magtiwala sa nakapaligid sa inyo. Napapaligiran man kayo ng bakod pero maari nilang akyatin pero kapag malagyan ng kuryente hindi na." Masayang umakbay ang binata sa kapatid na kahit maghahating-gabi na ay kitang-kita sa mukha nito ang pandidilim ng mukha dahil sa nangyari.
Magsasalita pa sana si Jezzabelle na hindi rin nila namalayang nakalapit upang sigundahan ang tinuran ng anak pero naunahan ito ng isa sa mga tauhan ng palayan.
"Ay tama po ang kapatid mo, Bossing. Papayag kami na maglalagay tayo ng kuryente para hindi na sila makaulit pa sa paggawa ng sunog. Bukas na bukas magpupulong tayo ng iba nating kasamahan para malaman nila. Hindi na baling kami nag magsalitan sa duty dito sa gabi. Dahil para rin naman ito sa ating lahat kaysa naman maging abo ang pinaghirapan natin, Boss," saad nito na sinang-ayunan ng lahat.
Kaya naman napagkasunduan nilang magpalagay ng kuryente sa buong paligid. Iyon ang gagawin nila sa pagsikat ni inang araw. Hindi na raw muna sila gagawa ng trabahong konektado sa palay para makasiguradong hindi na mauulit ang nangyaring sunog.
"Let's go home, Iha. Nauunawaan ka namin kaya't hayaan mo na ang nangyari. Malalaman at malalaman natin kung sino ang may kagagawan nito one of this days. Kung gusto mo ay tawagan natin ang pinsan ninyong nasa immigration at siya ang hawak sa kaso. Ah, si Lady Boss din I mean si Claudette, alam mo namang kahit tahimik iyon ay matinik siyang abogada." Umakbay ang Ginoo sa anak na babae. Halatang hindi pa rin nahihimasmasan sa galit.
"Salamat, Daddy. Pero huwag na po. Wala pa akong ebidensiya sa ngayon ngunit kailangan ko ang makasigurado. At oras na tama ang hinala ko ay hindi lang ang rice granaries ang nawawala sa kaniya. Pero sa ngayon ay sisiguraduhin ko ang lahat kaya't uwi na po tayo," tugon ng dalaga.
"Ako na ang magmaneho sa owner mo, Sis. Sila Daddy at Mommy na sa sasakyan ni Daddy," ani Franklin.
Tumango na lamang ang dalaga. Kayang-kaya pa naman niya ang magmaneho subalit nanlalambot ang katawan niya dahil sa nangyari. Hindi na niya sinalungat ang kapatid dahil kailangan niyang makabawi ng lakas para sa susunod niyang plano.
ITUTULOY