CHAPTER NINE

2086 Words
"Mas uusok pa ang ulo mo sa susunod kong gagawin babae ka. Pero sa ngayon ay ang imbakan n'yo muna palay ang puntirya ko. Hindi basta-basta ang nawala sa iyo ngayon at sigurado akong  abot hanggang langit ang galit mo." Tumatawa na parang demonyo ang lalaking may kagagawan sa nangyaring sunog sa palayan ni Cow Girl/Aling Maliit. Iba ang nagagawa ng inggit, dahil inggit at pagkamuhi ang nagtulak sa lalaki upang magbayad ng tao para unti-unting ibagsak ang kabuhayan ng pamilya Galvez. "So, tama pala ang hinala ko, Iho? Ikaw at ang mga tauhan mo ang may kagagawan sa nangyaring sunog sa rice granaries ng mga Galvez," tinig na nagmula sa likuran niya. Kaya naman ay agad siyang napalingon sa pinanggalingan. Ang kaniyang ama. "D-daddy, kanina ka pa?" tanong niya. "Yes, Jubert. Pero huwag kang mag-alala dahil Hindi ako galit. Ang masasabi ko mag-ingat kayo dahil sigurado akong mainit ngayon ang ulo ng may-ari sa palayan. At siguraduhin ninyong safety ang ginagawa ninyo upang hindi kayo masabit sa problema," tugon nito. Sa narinig mula sa ama ay muling nanumbalik ang ngiti sa kaniyang mukha. Matagal na ring kumukulo ang dugo niya sa babaeng maliit sa palayan ng mga Galvez. Marami itong ani sa tatlong crops sa palayan nito. Masagana ang mga produkto galing gulayan at palayan nito kahit sabay-sabay. Mayroon naman kasing ilang deep well na pinagmulan ng tubig. Idagdag pa ang malapit ito sa irrigation. Halos nandoon na lahat ang mga tao sa lugar nila o ang mga magsasaka. Samantalang sa rice fields nila ay karamihan sa mga trabahador nila ay ang mga may utang sa pamilya nila. Kaya nga gustong-gusto niyang ibagsak ang granaries ng pamilya Galvez para lilipat sa kaniya ang mga taong nandoon. "Yes po, Daddy. Huwag kang mag-alala dahil binilinan ko ang mga pumasok doon kagabi na huwag mag-iiwan ng bakas na magtuturo sa akin o sa kanila. Sa nangyaring ito sa gagang iyon ay sigurado akong maraming nawalan ng trabaho. Sigurado rin akong maghahanap sila ng panibagong mapapasukan. Wala silang ibang choice kundi ang lalapit sa atin, Daddy." Hindi mawala-wala ang ngiting nakapaskil sa labi niya dahil sa iniisip. "Very good, anak. Lumakad ka na at pulungin angga tauhan mo. Kailangan ninyo ang maghanda sa panlabansa maaaring counter attacks ng babaeng maliit. Sigurado namang may nakahanda nang panlaban iyon sa sinumang may kagagawan sa sunog." Tinapik-tapik pa ni Mr Sebastian ang anak. Hindi na sumagot si Jubert bagkus ay tumango na lamang siya. Talagang maghahanda siya ng susunod niyang hakbang. Kung paano niya isasagawa ang iba niyang plano. Hindi siya papayag na solohin nito ang lahat. Kung hindi rin lang niya makuha ay mas hindi nito makukuha. "Anong sabi ng anak mo, Rosendo?" tanong ng Ginang nang nakaalis na ang kaisa-isa nilang anak. "Umamin naman aiyao, asawa ko. Siya at ang mga tauhan niya ang may kagagawan sa sunog," tugon nito. "Mabuti na nga iyon upang magtanda sila. Hindi sa lahat ng oras ay nasa kanila ang suwerte. Sila na nga nag supplier ng buong CAR Region at halos buong Cagayan Valley Markets ay gusto a yatang saklawan ang Manila." Nakaismid na tumabi si Mrs Melba Sebastian o ang ina ni Jubert. "Kaya nga hindi na ako umimik nang narinig ko ang balita kanina sa labas. May hinala rin naman ako na ang anak natin ang may kagagawan ngunit dahil hinala lamang ay nanatili akong tahimik. At kanina ay nakumpirma ko. Well, we will see kung paano makabawi at babangon ang lintik na babaeng iyon," segundang saad ng Ginoo. Hindi man sumagot ang Ginang subalit sa mukha pa lamang nito ay halatang sang-ayon na sa ginagawa ng mag-ama. Matagal na nilang gustong hilain pababa ang palayan ng mga Galvez dahil sila ang malaking balakid sa palayan nila. Kaya't imbes na salungatin ang mag-ama niya ay naisipan din niyang suportahan sila. At sigurado siyang kapag mawalan na ng trabaho ang mga magsasaka roon ay mapipilitan silang lilipat sa palayan nila. Samantala... Dahil  nakasanayan naman ng binatang si Allick Francisco ang maagang gumising ay ganoon din ang ginawa niya. bago pa nagpakita ang sikat ng araw ay gising na siya. Kaya naman ay maaga rin siyang pumanaog sa unang palapag ng kabahayan. But... Halos hindi pa siya nakababa sa huling baitang ng hagdan ay sinalubong na siya nang sapak! "What a hell!" Napamura tuloy siya ng wala sa oras dahil dito habang nakahawak sa batok. Ngunit agad din siyang umayos nang napagsino ang nanapak sa kaniya. Kaso bago pa siya makapagsalitang muli ay isa pang sapak ang dumapo sa batok niya. Ang mga kaibigan niyang wala na yatang magawa sa buhay at ang batok na naman niya ang napagtuunan ng pansin. Ngunit teka lang! Ang mga kulukoy! Paano sila nakapasok sa tahanan ng mga ninuno niya samantalang kung tutuusin ay tulog pa ang mga tao? "Maka-what a hell ka diyan Cameron wagas. Ang daya mo nga eh. Imagine that natiis mo kami ng limang taon? Ano kaya kung ipatakwil kita kay Grandpops." Kunwa'y  ismid ni Brian Niel sa binatang si AF. "Anong ipatakwil eh hindi mo kaano-ano si Lolo. Mag-isip ka nga muna, Mondragon." Sang-ayun pa ni Oliver Carl na naka-make face. Ah! Maaga pa subalit mukhang may dramahan na ang dalawa niyang makukulit na kaibigan! Nasaan na kasi ang Kuya nila. Disin sana ay may tagabatok sa mga ito. "Tsk! Tsk! Haller kambal ni Mamita si Grandpa MJ at asawa nito ang Mamita ng Cameron na ito. Kaya't manahimik ka kung ayaw mong pati ikaw ay palayasin ko oh di kaya'y ipahila kita sa MARGARITA." Nakangisi pang baling ni BN kay OC. Kaya naman nanng nakahuma ang pinagsasapak nila ay nagsalita sa wakas. Gumanti rin siya ng singhal! Abah! Hindi lang sila ang marunong maninghal! "Heh! Manahimik kayong dalawa! Ang aga-aga pa eh nambubulabog na kayo. Tulog pa sina Grandpa at Grandma. Kayo ang madaya dahil bigla na lang kayong sumulpot sa pamamahay ng may bahay. May internet din pero hindi n'yo ako kinumusta habang nasa Florida ako!" Pabiro na rin niyang angil. Hindi naman siya galit. Dahil sa katunayan ay normal na sa kanila ang magsinghalan, mag-ismiran. At dahil maaga siyang sinugod ng dalawa ay nauwi sa maagang harutan ang kanilang unang meeting nakalipas ang limang taon. Kaso ang inaakala nilang mga tulog ay may gising na. Napatingala na lamang sila nang may nagsalita. "Hey you, three handsome. Will you stop that flirtation early in the morning? Don't you know that your disturbing my imaginary?" Paninita nang pupungas-pungas na si Janina. Ang pinsan ng piloto. "Good morning, beautiful lady. Huwag ka ng magalit na-miss lang namin ang Kuya mong piloto," agad ay pa-cute ni Oliver Carl. Cute na cute kasi ang dalagitang wala yatang kaartehan sa katawan. "Ah, anong maganda sa umaga kung nakakabulahaw kayo?" taas-kilay na sagot ni Janina sa bisita ng pinsan niya. "Ay ikaw naman, Miss beautiful. Hindi kami nambubulahaw. Actually hihiramin namin ang Kuya pilot mo early in the morning dahil limang taon din namin siyang hindi nakasama. Nag-emergency stop ako sa Singapore para lang makasama ang baliw naming kaibigan kaya peace na tayo, Miss beautiful. Smile ka na para mas maganda ang umaga kaya mong maganda," nakangiting pahayag ni BN. "Hmmm, go ahead at ako ay lalakad na rin. But take note ha bakasyon lang din ang Kuya ko at kailangan ding ibalik n'yo siya on time." Naka-pout nitong pagsang-ayon bago nawala sa paningin nila. Maaring bumalik sa sariling kuwarto upang maghanda sa maagang pagpasok sa law school. Hinintay lang din nila itong nawala sa paningin nila bago sila nagpatuloy sa maagang flirtation. "Pre, kung hindi lang siya nag-aaral baka akalain kong abogada na siya. Makasita wagas." Bungisngis pa ni BN. "Manahimik ka 'Tol malakas pandinig ng mga lawyers. Pero maganda talaga siya." Panggagatong pa ni OC at huli na upang bawiin ang huling sinabi dahil nakatanggap na ng batok mula kay BN. Muli nilang ipinagpatuloy ang maaga nilang harutan. Hindi inalintana kung may nanonood sa kanila. They're just enjoying themselves. At saka pa lang sila tumigil nang maalala nila ang dahilan nang pagdalaw ng maaga sa binatang piloto. "Seriously, Pare, sa ating tatlo ay ikaw lang ang nakapasa at nakapagtapos sa ating pangarap na pagpipiloto. Masaya ako para sa iyo at sana bago ka babalik sa ibang bansa for your training ay mailipad mo kami as I'll do some other day sa inyo. Babakantehin ko ang VIP ng MARGARITA para sa inyong tatlo ni Kuya Franklin. Ngunit bago iyan ay kailangang mailipad mo muna kami gamit ang chopper ng mga ninuno mo," wika ni Brian Niel makalipas ang ilang na puro sila harutan. "Sure, Pare. No problem pero maka-ninuno ka naman eh ninuno mo rin sila ah. Hindi pa tapos ang papers ng chopper ni Grandma Emerald kaya't chopper iyan nila Grandpops MJ," sagot ni AF na agad namang ginatungan ni Oliver Carl. "Wala ka talagang matinong maririnig diyan, Pare. Kaya't huwag ka nang umasa sa kaniya. Ang mabuti pa ay bisitahin na lang natin si Kuya Franklin sa Cagayan Valley. Maganda doon---" "Heh! Maganda doon bakit may maganda chika babes kang maipapakita sa amin?" Supla at putol ni BN sa pananalita ni OC. "Kita mo 'Tol Allick hindi naman pala pamamasyal ang purpose ng taong iyan eh. Ang paghahanap ng chika babes pala. Huwag mong isakay iyan Tol." Nakangising pang-aasar ni Oliver Carl. Dahilan niya ay upang makabawi sa pamumutol at panunupla nito sa kaniya. Iyon ang isa sa namimiss niya sa mga kaibigan niya, ang kaingayan nila. They are just same as any other group pero NOTHING COMPARES kung tawagin nila ang kanilang  grupo. "I miss those days mga 'Tol. Hindi man natin sabay-sabay na naabot ang ating pangarap na maging pilotoay naging matagumpay pa rin tayo. Ikaw Pareng Brian, ikaw na mismo ang nagpapatakbo or nagmamanage sa cruise ship ng Daddy mo in other words, you are the captain of your own ship. And you too Pareng Oliver, hindi ka man naging piloto pero sa mura mong edad ay malaking kumpanya na ang hawak mo ang Montereal Incorporation. Saan ka pa, nagtapos ka ng sabay sa  civil engineering at business, management. Samantalang ako binuro ko ang limang taon sa Florida to have my aviation degree. Congratulations to all of us mga Pare." Seryosong pagitna ni Allick Francisco. Subalit ang mga kaibigan niyang ipinanganak yata nang umulan ng kasutilan ay muling nakaisip ng kalokohan. Sa hinaba-haba ng binitawang salita ay sinagot siya ng "AMEN". That lead them into laughter. "Ikaw na Mondragon ang magsabi kay Grandpops  mo tungkol sa chopper malakas ka naman kay mamita JP mo eh. Kaya't ikaw na para may magamit tayo papuntang Cagayan Valley. Masaya roon kina Papa Craig lalo kapag ganitong panahon ng pag-aani," muli ay sabi ni Oliver Carl. "Tsk! Tsk! Diba may helipad ang great Grandpa Vincent mo? Natural may chopper din siya kaya't huwag mo ngang ipasa sa akin. Kahit malakas ako kay Mamita baka magalit si Grandpops eh sa pagliliwaliw lang naman gagamitin. Saka ikaw nga eh mismong asawa ni Mamita ang Papa JC mo samantalang  pinsan lang ni Daddy si Mamita JP." Nakangising ismid ni BN. Kaya naman ay napapailing na pumagitna ang piloto. "Ayan na naman kayong dalawa ang gulo ninyo. Ako na lang kung ayaw n'yo total ako naman ang hahawak sa engine." Nakailing na pagitna ni AF sa dalawang naulanan ng kakulitan. But... "Kung mamasyal kayo gamit ang chopper nila Mamita dapat kasama kami ni kambal dahil kung hindi ay ako mismo ang magsasabi kay Mamita na huwag ipagamit ang chopper," singit ng bagong gising na si Maan. Kaya naman ay nag-isang linya ang paningin ng tatlong. Napatingin silang tatlo sa babaeng kapatid ni AF na hindi mawari kung nagbibiro o seryoso. "Kambal is right mga Kuya kaya't huwag n'yo nang isiping lokohin kami este pagkaisahan kami dahil sasama kaming dalawa sa pagpapalipad ni Kuya." Nakabungisngis namang pagsang-ayon ni Macoy sa kambal nito. Dahil dito ay napangiti ang tatlo saka sabay-sabay nagsabing "sure you can come with us" sa kadahilanang nais ding makasama nina BN at OC ang piloto nilang kaibigan. Ang hindi alam ng mga  ito ay nakamasid ang mga magulang ng binata. Kasama ang old Cameron o ang mag-asawang Marga at Shane I. "They are all gworn up men with degrees but they are acting like innocent people," nakailing na sambit ng una. "Hayaan mo lang sila, asawa ko. Let them enjoy their innocence of being single," sagot naman ni Marga saka bumaba at ipinaalam sa mga ito ang kanilang presensiya. Tuloy, parang nasa ROTC training ang lima na nag-about face at nagbigay-galang sa mga matatanda. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD