Few days later...
"Nasaan si bunso, Mahal?" tanong ni Nathaniel Craig sa asawa.
"Akala ko ba ay kasama n'yo siya ni Franklin?" balik-tanong ni Jezzabelle.
Iyon naman ang senaryong nadatnan ni Franklin galing kusina na halatang kumuha ng tubig. Dahil sa pakiusap dati ng mga namayapang ninuno ng Ginang ay sa Gonzaga Cagayan sila nanirahan. Doon sila bumuo ng pamilya, ang rason nina Don Romano at Don Fernando ay wala namang ibang magmamana sa kayamanang dapat para sa huli dahil ito lang naman ang ala-ala ng kanilang mga anak.
"Oh, what's on that worry faces, Mommy, Daddy?" tanong din nito.
"Ikaw anak parang hindi mo kapatid ang hinahanap namin. Nasaan ba siya?" pigil naman ang galit na baling dito ni Jezzabelle.
Kaso hindi iyon pinatulan ng binata dahil alam na alam naman niya ang ugali ng ina. She's just the same as the other mothers who always worry if they can't see their children. Maalaga at mapagmahal itong ina. She's one of the best mother on earth. As well as his father.
"Mali naman po kasi ang tanong mo, Mommy. Dapat saan ba nagpunta ang kapatid mo. Saka bakit n'yo siya hinahanap, Mommy? Hindi ba't harvest time ngayon? Natural nasa bukid iyon. Parang hindi n'yo kilala ang Liit na iyon eh. Kung gaano siya kaliit na tao ay ganoon din kalakas ang loob na lumusong sa sikat ng araw." Nakatawa siyang humarap sa mga magulang dahil alam naman niya kung nasaan ang hinahanap nila. Nasa palayan lang naman ito. Hindi rin naman kasi taong-gala ang kapatid niya.
Kaso!
"Kapag ako ng napuno sa iyo, Kuya Kawayan talagang bibilinan ko ang taga-luto para huwag kang isali sa hapunan tingnan ko lang kung may makain ka. Aba'y ako na naman nag napagdiskitahan mo ano? Haler! Kung City boy ka go ahead and live your life in the City of Manila where mama Janelle's living. Doon ka sa mabahong siyudad!" asik ng kapatid niyang hindi nila namalayang sumunod lang pala sa kanilang pag-uwi.
Hindi lang naman kasi nakasabay si Annabelle sa kapatid at Daddy niya. Dinaanan siya sa rice fields galing sa kumpanya na hawak ng mga ito. Ngunit tumanggi siyang sumabay dahil nagpasahod siya sa mga tauhan ng palayan. Wala naman kasi siyang kinakatakot dahil kilala niya lahat ang mga tauhan as well as ang mga tao doon. Pinauna niya ang mga ito dahil bukod sa may owner type jeep siyang ginagamit sa bukid ay hindi niya akalaing mabilisan lang ang pagpapasahod niya. Weekly din naman kasi ang pagbibigay niya dahil hindi man niya naranasang naghirap pero bilang namamahala at laking probinsiya ay nauunawaan niya ang bawat isa. Mahirap ang buhay sa probinsiya kaya't ayaw niyang abusuhin ang mga tauhan niya dahil sa sahod din nila bilang magsasaka sila umaasa.
Kaya naman ay nag-isang dereksyon ang paningin nila. Para bang sinasabing patay ka ngayon. Kaya't inunahan na ng binata ang sinumang nais magsalita. Humarap siya sa bigla na lamang sumulpot.
"Oh, akala ko ba ay may gagawin ka pa sa bukid?" agad niyang tanong. Pero sinusupil ang pagsilay nang ngiti sa labi.
"Tapos na, Mr De Luna. Kaya't ihanda mo ang iyong sarili na magugutom sa magdamag. Dahil hindi kita isasali sa hapag ngayong hapunan. Well, masarap ang kanin ngayon lalo at bagong ani." Taas-kilay itong sumulyap sa kaniya bago isinabit sa pinasadyang sabitan ng sumbrero. Tinanggal ang cowboy hat saka isinabit.
"Ay, anak, hindi na ba magbabago iyan? Baka naman matuluyang maging kawayan ang Kuya mo kapag hindi mo siya pakainin?" nakangiwing tanong ni Craig. Alam naman niyang nagbibiro lamang ito. Aling Maliit nga lamang kung tawagin ng Kuya nito dahil mas matanda pa ito kung magsalita kaysa rito.
Ganoon naman silang lahat sa pamilya. Hindi nawala sa kanilang angkan ang pagkaalaskador na namana raw nila sa kanilang ama o the retired general De Luna. Ayun sa kanilang ina ay dito nagmana ang mga anak nila sa kakulitan. Bagay na totoo naman, kasi tahimik naman ang asawa niya at hindi rin naman niya masabing makulit siya. Subalit kapag silang magkakaibigan ang magkakasama ay pari kung tawagin siya. Dahil siya ang taga awat sa dalawa niyang makukulit ding kaibigan.
"Hmmm, depende po, Daddy. Basta huwag niyang pakialaman ang pagiging maliit ko ay maari na siyang kakain kasama natin. Ngunit kung hindi sila titigil sa pakikialam sa kaliitan ko, aba'y sabihan ko si bunso (Crystal Angela) para ibitin siya sa eroplano niya at ihulog sa Vietnam upang pagkaguluhan ng mga bad people doon." Hagikhik nito.
Dahil dito ay nakaisip din ang binata ng pangganti sa kapatid. Alam niyang nagbibiro lamang ito kaya't naisipan din niya itong biruin. Hindi sila perpektong pamilya ngunit ginagawa nila ang lahat upang maging masaya.
"Grabe ka namang maka-bunso. Aba'y parang hindi ka bunso ah. Saka wala si CA nasa America iyon. At kapag hindi mo ako pakakainin ngayon hindi rin kita isasama sa Baguio. Pupuntahan ko si Grandpa---"
Laking probinsiya, Manila hater, pero Baguio lover. Hindi na nakaimik ang mga magulang ng magkapatid dahil pagkabanggit pa lang ni Franklin sa Baguio ay hindi na pinatapos ni Annabelle ang pananalita ng kapatid.
"Ikaw naman kasi Kuya eh. Sige na peace na tayo, sabay-sabay na tayong kakain mamaya. Masarap ang bigas ngayon dahil bagong ani. Maraming gulay diyan bagong pitas din ibinigay nila sa akin sa bukid. Kailan ka pupuntang Baguio para magawan ko ng paraan. I miss grandpops na," anito at halos magpakarga sa kapatid.
"Bukas na bukas din kapatid." Pang-aasar pa ni Franklin saka palihim na kumindat sa mga magulang.
Pagkarinig sa tinuran nga kapatid ay agad ding lumayo este tumayo ang Liit ng mga De Luna na halos maaring sabitan palay ang nguso.
"Ay bakit ang daya-daya mo, Kuya? Eh may---Ahhh! Go ahead! Ako na lang pupunta pagkatapos ng meeting sa Tuguegarao. Pero take not tatawagan ko si grandpops ba huwag kang pakainin doon." She's giggling as she walked away from them. Para pa itong bata na patalon-talon habang paakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Hindi man nito sinabi kung saan pupunta ay halata namang pupunta sa sariling kuwarto.
Nang nawala na ito sa paningin nila ay ang binata naman ang hinarap ng mag-asawa.
"Ayan anak kung hindi mo lang inasar-asar nag kapatid mo ay hindi ka sana tameme ngayon." Nakailing itong hinarap ni Jezzabelle.
"Saan ka pa, Mahal. Si Annabelle cow girl kung tawagin nilang magpipinsan, si Rennie Grace laglag bala kung tawagin nila dahil sa permanent job niya sa Manila City bilang City lawyer eh mas ginustong magtrabaho sa immigration. Si Crystal Angela, kung gaano katahimik si Clyde ay kabaliktaran naman ito. Madaldal siya at sinalo na yata lahat ang pagkamainitin ng ulo nilang lahat. Sila ang mga babae subalit sila pa yata ang may mainiting ulo." Nakailing na ring tumabi si Craig sa mag-ina niya.
"Huwag ka ng magtaka, Daddy. Dahil hindi na nakapagtataka kay insan Rennie Grace dahil ayun sa inyo ganoon may si Mama Jannelle. Si CA eh ganoon naman din daw ang Mommy niya. Si cow girl eh----" Pabitin namang luminga-linga ang binata. Para bang sinisiguradong walang makakarinig sa sasahihin.
"Hayan ka na naman, anak. Mamaya ay marinig ka na naman ng kapatid mo." Nakailing na pananawata ng Ginang. Dahil alam naman nila ang kasunod nito o ang karugtong nang sasabihin nito.
"Huwag na kayong magtaka dahil nagmana kay Princess Ann." Iyon ang madalas na idugtong ni Franklin. Ang pinsang buo ng kanilang ama.
Nagpatuloy sila sa kanilang maagang talakayan habang hinihintay ang pag-anunsiyo nh
Sa kabilang banda, sa bagbabalik bansa ng binata ay para silang isang batalyon na sumugod sa Baguio upang bisitahin ang magulang ni Shane II at ang iba pa nilang kapamilya. Gamit ang chopper na hiniram ng binata sa abuela pero hindi hinayaang ang piloto nito ang humawak ng engine. Limitado man kasi ang araw niya sa bansa kaya't sinalungat na lang niya ang pagbili ng abuela niya ng sariling chopper pero nangako ito na magkakaroon siya ng sariling papaliparin in the future.
"Hanep ka, Kuya. Ang galing! Kakausapin ko si Mamita at maglibot-libot tayong dalawa gamit ang chopper." Hindi pa rin makapaniwalang si Maan nang sa wakas ay lumapag ang sinakyang chopper sa helipad ng Baguio City.
"Oo naman, bunso. Puweding-puwedi basta papayag si mamita," sagot ni AF.
Mamita man kasi ang tawag nila sa kambal ng abuelo nila. Samantalang Grandpa at Grandma ang tawag nila sa mismong ninuno including Mrs Lewiston.
"Grabe ka naman, kambal. Aba'y halos hindi pa sumasayad ang paa mo sa lupa ay mag-iikot na naman ang sinasabi mo? Maawa ka naman kay Kuya. Umuwi iyan para magbakasyon hindi para maging alalay mo." Buska naman ni Macoy sa kambal.
"Heh! Manahimik ka, kambal. Aba'y sumama ka kung gusto mo!" Pinandidilatan pa talaga ng dalagita ang kambal.
"Para walang gulo ay maari kayong sumamang dalawa. Ngunit mamaya na para makapag-bonding muna tayo kina Grandpa at Grandma. Siyempre darating din sina mamita." Pagitna ni AF sa kambal niyang kapatid.
Ganoon talaga ang dalawa. Walang pinipili kung magbuskahan. Parang pag-aari nila ang mundo. Mabuti na nga lang at pumasok na ang mga magulang nila na nakaalalay sa abuela nila kaya't walang sumaway sa dalawa although hindi naman nag-aaway. At sa narinig ay parang mga batang yumakap sa kaniya ang dalawa. Kulang na lamang ay maglambitin sila sa kaniya. Kahit pa sabihing matangkad siya sa mga ito pero malaking tao din si Macoy kaya't para silang nagsusuntukan sa biglang tingin.
"Oh anong ginawa ninyo sa Kuya ninyo mga apo? Aba'y pinagtulungan n'yo na yata ah," wika ng bagong dating na walang iba kundi ang pinag-uusapan nilang abuela. The original Kaskasera.
Sa narinig ay ito naman nag binalingan ng dalawa. Ito ang isinunod na pinaglambitinan at halos ikatumba nito. Kung hindi pa nasalo ng asawa nitong kapwa may edad na ay nagaya ito kay AF.
"Na-miss ka lang namin, Mamita. Kaya't pasensiya ka na po. Siya nga po pala Mamita, Popsy, maari ba kaming mag-ikot-ikot sa himpapawid gamit ang chopper ninyo? Si Kuya po ang piloto." Talagang tinutoo ni Maan ang pagpapaalam sa mga ito.
"Oo naman, Iha. Pero sa ngayon ay kailangan muna nating pumasok sa loob para makapag-bonding muna tayong lahat. Later ang himpapawid," agad namang sagot ni MJ sa mga apo ng asawa.
"Thank you, Popsy," sabayang sagot ng kambal saka mabilis na pumasok. Hindi man lang hinintay ang sagot ng kausap.
Napailing naman ang tatlo dahil dito saka sila sumunod sa pagpasok.
"Welcome home, Allick apo ko. Parang kailan lang, noong sinita kayo ng Tito Adrian mo sa bahay pero ngayon ganap ka ng piloto. You're a grownup man already. Congratulations to your achievements," masayang wika ni AG.
"Thank you, Mamita. Sa tulong po nila Mommy at Daddy as well ay Grandma. Kung hindi nila ako kinumbinsi na sa ibang bansa nag-aral ay hindi ko po alam kung naabot ko ang aking pangarap. Ayun nga po kay Daddy hindi daw natuloy sa pagpipiloto sina Oliver Carl at Brian Niel," sagot ng binata.
"Yes, Iho. Si Brian Niel mula ng hindi siya pumasa sa aeronautical engineering ay sa lumipat siya sa marine engineering na nagdala sa kanya sa tagumpay. Nasa MARGARITA na siya. Siya ang pumalit sa magulang niya kahit pa sabihin dumadalaw pa rin sila doon. Si Oliver Carl ang hindi ko matandaan. Ang sabi ng bayaw ko kung siya ang namumuno sa iniwang kabuhayan ng abuelong ama ng Lola Sheryl Ann niya. Kasi parehas naman silang bumagsak sa aeronautical engineering. If I were you Iho tawagan mo sila malay mo kung nasa Maynila si Brian Niel," pahayag ni MJ.
"Iyan po ang gagawin ko, Popsy. Matagal-tagal na rin kaming hindi nag-bonding. Halina po kayo, Mamita, Popsy, pasok na po tayo." Nakangiti niyang inakay papasok ang mga ninuno. Kambal ng Grandpa Shane niya ang kaniyang Mamita.
Limang taon din siyang nawalay sa mga ito. Kaya pala bihira na siyang nagkaroon ng balita sa dalawa niyang kaibigan dahil hindi pala natuloy ang pagpipiluto nila. Siya lang sa kanilang tatlo ang nakatapos sa pangarap nilang tatlo. Hindi naman kasi problema ang perang pang-internet at pangtawag pero kasali sa training nila sa FEA ang limitation sa gadget kaya't hindi siya nakakatawag sa mga ito.
Naging masaya ang hapunang iyon sa pamilya Cameron. Idagdag pa ang pagdalo ng Kaskasera at Iyakin. Wala daw sumama sa mga apo sa mga anak dahil nasa Laoag ang pamilya ni Jamellah at nasa bakasyon ang Smith o pamilya ni Janellah as well as the eldest. Nasa Ilocos Sur naman for short vacation naman ang pamilya ni Adrian Joseph.
ITUTULOY