Imbes na magpatarabaho sa palayan araw na iyon si Annabelle ay hindi na. Dahil mas inuna ang pagpapalagay dagdag na bakod pero hindi na ito basta-basta na bakod. Sa biglang tingin ay ordinaryong bakod lang ito pero sa kanilang nakakaalam ay kuryente ito. Nauunawaan niya ang hirap nang pamumuhay sa bukid kaya't ayaw niyang pagsabay-sabayin ang mga trabaho. Siya ang namamahala sa palayan nila at sila ang araw-araw na magkakasama. Kaya't kung ano man ang hirap na pinagdaanan ng mga ito sa pagkabilad sa araw ay siya ang higit na nakakaalam.
"Kuya, tawagin mo na po ang mga kasamahan mo sa kabilang bakod upang sabay-sabay na tayong meryenda. Pero pagpasensiyahan n'yo muna ang nilagang saging at softdrinks. Hindi pa ako nakapunta sa sentro, nakalimutan ko pa ang nagpadeliver ng stock natin dito," aniya sa isang trabahador.
"Masarap po iyan, Ma'am. Lalo at bagong pitas kahapon diyan sa sagingan. Mas maganda nga po sana kung kape kaso softdrinks po ang nakahanda kaya masarap na rin." Nakangit ang lalaki at akmang tatalikod para puntahan ang mga kasamahan sa kabilang panig ng palayan kaso napatigil dahil muling nagsalita ang among babae.
"Hmmm, Kuya, hindi ba't Kuya ang tawag ko sa iyo? Bakit po ka ng po sa akin? Aba'y kaya nga Kuya ang tawag ko sa iyo kasi mas matanda ka. Isa pang Ma'am at po mula sa iyo makikita mo hindi ka sasahod sa sunod na sabado." Nakangising pananakot nito sa kaniya.
Pero para sa mga tauhan ay lambing lang nito sa kanila ang bagay na iyon. Sa lahat ng mga nakilala nilang amo ay ang dalagang Galvez na yata ang ayaw magpatawag ng Ma'am. Paggalang naman kasi nila iyon. Ayaw na ayaw din nilang inaabuso ang kabaitan at pagkamakatao nito kaya't bilang respeto ay Ma'am ang tawag nila rito.
"Anak na lang total kaedaran ko naman ang mga magulang mo. Ma'am kasi amo ka namin. Kahit pa sabihing mas matanda ako sa iyo ay ikaw pa rin ang amo namin," sagot niya.
Akmang magsasalita ang dalaga pero naunahan ito ng isa pang tauhan na papalapit na rin para sa meryenda nila.
"Tama naman si Tatay Andong, Ma'am Annabelle. Dapat lang na Ma'am ang tawag namin sa iyo dahil ikaw ang aming amo. Ikaw ang nagpapasahod sa aming lahat. Puwedi na ring huwag ang po dahil sabi mo nga ay nakakatanda kami sa iyo. Pero huwag naman sana pati ang Ma'am dahil nakakawalang galang naman yata kung tawagin ka na lang namin ng pangalan mo," anito.
"Tama ka, Kuya. Subalit nakalimutan mo yata na ang Ma'am ninyo according sa inyo ang nagsasabing huwag akong tawaging Ma'am dahil hindi naman ako guro. Walang amo, walang tauhan dito dahil pare-parehas naman tayong nagtra-trabaho. Ang sa akin lang ang makita ko kayong nagkakaunawaang lahat, walang away. Dahil nakikita n'yo naman na pantay-pantay ko kayong sinasahuran unless na may mag-over time and undertime." Pinaglipat-lipat ni Annabelle nag paningin sa mga nandoon saka naupo sa pinasadya niyang duyan sa kubo kung daan sila namamahinga kapag oras ng pahinga.
"Hayaan mo na kami anak na tawagin ka kung saan kami komportable. Basta may paggalang sa iyo bilang amo namin." Segunda pa ng isa.
"Aahh, bahala po kayo, Kuya. Basta huwag n'yo akong pinopo kaai biyente-siyete pa lang ako. Baka matuluyan akong mawalan ng love life lalo at wala pang naduling since birth." Bungisngis pa ng dalaga saka ininum ang huling lagok ng softdrink niya.
Kaya naman wala ng nagawa ang mga tauhan niya kundi ang napailing dahil totoo naman kasing parang kapamilya lang sila ng dalaga kung makipagkulitan, makipag-usap. Nakikipagbiruan pa kung may maisip na biro.
Hinayaan lang ng dalaga ang mga tauhan niya na magmeryenda habang siya ay abala sa pag-iisip kung sino ang may kagagawan sa sunog. Hindi lang basta-basta ang perang nawala sa kaniya pero hindi na sana bali kung pera lang ang usapan pero hindi dahil sayang ang pagod at pawis nilang lahat .
Until...
"Humanda ka ngayon hayop ka! Dahil wala ng ibang gagawa nito sa akin kundi ikaw hayop kang tarantado ka. Siguraduhin mong makakaligtas ka sa shut gun ko dahil kung hindi ay sasabog ang bungo mong hinayupak ka." Napakuyom ang palad niya dahil sa panggigigil. Sa buong pag-aakala niya ay sa utak lang niya iyon nasabi kaso nagiging careless whispers na yata siya dahil sumagot ang isa sa mga tauhan niyang nagmemeryenda.
"Annabelle anak, mukhang may kaaway ka na riyan ah? Baka gusto mo ng palamig diyan?" tanong tuloy ng matandang kabiruan kani-kanina lang.
"Wala po, Kuya. Pero magkakaroon din kapag mapatunayan kong siya ang may kagagawan sa pagkasunog ng ilang rice granary natin." Nakakuyom pa rin ang palad niya dahil sa unti-unti na niyang napagdudugtong ang mga pangyayari.
Kaso dahil bihira lamang nilang makita sa ganoong hitsura ang amo nila ay hindi sila mapakali. Hindi rin nakatiis ang isa pa nilang kasama at muli itong nagwika.
"Huwag mo siyang barilin, Ma'am. Mas maganda kung siya ang kauna-unahang makuryente sa mga bakud upang sa ganoon ay malaman ng lahat kung ano ang pagkatao mayroon kung sino man ang hinala mo, Ma'am." Suhestiyun ng isa na halos kaedaran ng dalaga. Subalit dahil sa hirap ng buhay ay mas tumanda ito sa tunay na edad.
Dahil dito'y napangiti ang dalaga, iyon nga lang ay idinaan sa biro.
"Patatawarin kita Kuya sa Ma'am mo. Dahil may punto ka sa sinabi mo pero sa susunod lalo kapag sabado wala kang sahod." Muli ay napahagikhik siya kaya naman umugong ang tawanan nila.
Pero...
Ang hindi alam ng mga nagkakasiyan habang nagmemeryenda ay abala naman ang grupo ni Jubert. Abala sila sa pagmamasid at pagplano kung ano ang susunod nilang atake sa maliit na babaeng kakumpetensiya.
"Boss, mukhang nagkakatuwaan sila ah," sabi ng isang tauhan este alipores nito.
"Hayaan mo lang silang magkatuwaan, Dado. Dahil oras na aatake tayong muli ay sigurado akong abot hanggang langit na naman ang galit ng Aling Maliit maliit na iyan. Kapag nangyari iyon sa atin na bibili ang buyers niya at higit sa lahat ang mga alipores niya ay mapipilitang lilipat sa atin." Nakangising bumaling si Jubert sa kausap.
Hindi pa man sila nagtatagumpay subalit nag-uumapay na ang kaligayahan sa puso niya. Mas matutuwa pa siya kung tuluyan nang mabuta sa mundo ang pamilya Galvez. Subalit pagtutuunan muna niya ng pansin ang palayan ng mismong kaaway niya.
"Sabagay tama ka diyan, Bossing. Maiba ako mukhang tinataasan nila ang mga bakod nila nakita ko doon sa kabilang banda," muli ay sabi ni Dado.
"Lahat Dado, nakita rin namin sa kanang bahagi. Doon sa malapit sa gulayan. Hindi nga sila nagtrabaho sa bukid ngayon dahil sa bakod," saad ng isa pa nilang kasama.
"Sabi ko naman sa inyo, Emping, Dado. Hayaan n'yo silang lahat na gawin ang gusto nila dahil sa susunod tayo naman ang kikilos. Sa susunod ay buong palayan na nila ang nawawala." Animo'y isang demonyo si Jubert sa oras na iyon dahil sa uri nang ngisi niya.
Kaya walang nagawa ang mga ito kundi ang sang-ayunan. Sumang-ayun sila na walang kaalam-alam na hindi basta-basta bakod ang ikinakabit ng tauhan ni Aling Maliit. Sumusunod lamang sila sa utos at plano ng Boss nila. Dahil ayaw din naman nilang sila ang malagay sa panganib. Ang Boss nila ay mapanganib, kaya nitong pumatay sa kaunting bagay o pagkakamali.
As the days goes on, walang sinayang na panahon ang binatang si Allick Francisco. Sa isipan niya ay matatagalan ulit siya bago muling makapiling ang mga mahal sa buhay. Isang linggo silang pamilya sa Baguio, pero dahil sa may trabaho ang mga magulang niya ay nauna na sila kasama ang abuela at mga kapatid niya. Naiwan siya sa piling ng tiyuhin at ninuno niya. Dito naman niya binuo ang isa pang linggo kasama ang buong pamilya ng kaniyang ama and of course ang mga baliw niyang kaibigan.
Pero dahil nag-emergency stop lang si Brian Niel sa Singapore ay bumalik ito upang ituloy ang biyahe. Subalit nangakong uuwi para sasama sa kanilang magkaibigan sa Cagayan Valley. Kung saan gaganapin ang opening daw ng kumpanya ng second cousin ni Oliver Carl na si Franklin Craig. Kaya naman nagpaalam siya sa mga ninuno after one week at sumunod na rin sa mga magulang sa Manila. Sa kanila naman siya magpapaalam sa balak nilang magkakaibigan. It's been long time ago since he's longing to see the Claveria Cagayan Valley pero ayun sa kabigan niya ay malayo ito sa pupuntahan nila na Gonzaga Cagayan.
"You still have two weeks with us here in our country. So you must enjoy yourself while you're not your training," pahayag ng matandang Lewiston nang nagpaalam si Allick Francisco na sasama sa mga kaibigan sa Cagayan Valley.
Kung saan magpapamisa bilang opening ng bagong kumpanya ang isa pa nilang kaibigan. Ang Kuya nilang lahat. Si Franklin Craig Galvez De Luna. Isa na itong matagumpay na negosyante.
"Thank you, Grandma. Pero sasama raw sila Maan at Macoy," alanganing niyang tugon. Sa pagkakaalam niya ay may pasok pa ang dalawa. Kaya't nag-alangan siya dahil ayaw din niyang makaliban ang mga ito sa klase.
"Isama mo sila anak wala naman yatang pasok ang mga iyan. Pero kung mayroon huwag na sayang ang matutunan nila sa araw na ito. Hindi na baling mag-iikot kayo sa ibang araw gamit ang chopper nila Momsky." Lumapit na rin si Shane II sa mag-Lola na nag-uusap.
Nauunawaan naman niya ang panganay niyang anak. Nawala ito sa bansa ng limang taon dahil sa Florida ito nagtapos sa aviation course. Alam din niya kung gaano ito kalapit sa mga kaibigan. Kaya't sigurado siyang gusto rin nitong makasama sila ng mas matagal. Lalo at sigurado rin siyang ilang taon na naman ang bubuin nito para sa air force training sa Vance Air Base in Oklahoma City.
Samantalang ibubuka pa lamang ni AF ang bibig upang sabihin sanang ang chopper ng great Grandpa Oliver ni OC ang gagamitin nila pero naunahan siya ng kaisa-isang kapatid na babae.
"Gustong-gusto ko talagang sasama, Kuya. Pero panira ang thesis namin eh. Isinabay pa talaga pagdating mo." Nakanguso itong lumapit sa kanila. Sa edad nitong labing-siyam ay magtatapos na dahil maaga ding nagsimulang mag-aral.
Kaya naman inakbayan ito ni AF. Hindi naman niya maaring isantabi ang usapan nilang magkakaibigan dahil kagaya lang din ng kapatid niya na bihira lang niyang makita. Buti pa ang kapatid niya dahil nakikibalita siya minsan sa mga magulang, minsan nakakausap niya ito kapag tumatawag siya via internet samantalang ang tatlo ay madalang pa sa patak ng ulan sa Gitnang Silangan kung makausap niya.
"Huwag ka ng magtampo, Maan. I mean huwag ka nang mainis dahil thesis mo iyan. Hindi ka makapagtatapos by the end of this school year kung wala iyang thesis mo. Suwerte mo nga dahil matatapos mo ng apat na taon ang kurso mong education. Samantalang si Macoy hindi, dahil civil engineering ang kinuha. May ibang araw pa naman 'lil sis para mailibot ko kayong dalawa ni Macoy. Kaya't smile na sige ka papangit ka kapag nakanguso samantalang dalaga ka na." Pabirong pang-aalo ni AF dito.
Hindi nga siya nagkamali dahil unti-unti ng sumilay ang ngiti sa labi kaso agad ding napasimangot.
"Oh what happen, anak? Aba'y ang ganda na ng ngiti mo ah, may problema ba?" muli ay tanong ni Samantha.
"Nakakalungkot lang po kasi, Mommy. Limitado ang oras ni Kuya rito sa atin kaya ako nalulungkot." Bumitaw ito sa pagkakaakbay ng binata subalit nangalumbaba naman.
Kaya naman ay muling sumabad si Ginang Lewiston.
"I know you can understand what's happening already, Iha. We need to be considerate to our surroundings. And I know that you also know why your brother time with us is limited. Hayaan mo na, Iha. Dahil as you can see mabilis lang nagdaan ang limang taon at piloto na siya and another five years in military airforce training. Let's pray for him, Iha. Para maging successful ulit ang training niya. Malay natin sa airforce siya makapagtrabaho at maranasan nating makasakay sa pang-military plane." Pang-aalo nito sa dalaga.
Pero bago pa makasalita ang dalaga ay eksakto namang dumating ang mga kaibigan ni AF. Hindi na rin sila nagtagal pa dahil naghihintay ang driver ng sasakyan sa labas na magdadala sa kanila sa helipad. Kung saan naroon ang chopper nila OC na hindi pala tinantanan ang abuelong kagaya ng Daddy niya sa kapangalan ng abuelo.
"You may now take the engin, pilot Allick Francisco Lewiston Cameron and let's go to Cagayan Valley." Binanggit pa ni OC ang buong pangalan ng kaibigan habang abot hanggang taenga ang ngiti.
"Take care of yourselves mga anak. Kahit piloto ang kaibigan ninyo ay papaluin ko pa rin kayong tatlo including Franklin kapag may mabalitaan akong hindi kaaya-aya." Bilin ni Samantha.
"Ay grabe naman si Mommy paluin talaga? We're all adults na po." Napangiwi tuloy si AF. Kaso ang dalawa niyang sutil at luko-lukong kaibigan ay hindi siya pinatawad. Agad siyang pinagitnaan at bago pa siya makahuma ay nahawakan na siya sa kabilaang braso at inilapit sa ina.
"Dali na po, Titaa. Heto na po ang pamalo mo. Ay mali, Maan beautiful young lady halika pakiabot kay Tita ang pamalo," sabayang wika ng dalawa.
At ang isa pang sutil ay iniabot ang tsinelas sa ina. Subalit agad ding binawi dahil ito mismo ang kunwa'y namalo sa kapatid. Tuloy ang kinalabasan ay nagkatawanan silang lahat bago tuluyang umalis sa tahanan ng mga Cameron. Naiwang napapailing ang pamilya Lewiston-Cameron dahil sa paghaharutan ng mga magkakaibigan.
Sa kabilang banda, sa tahanan ng mga Galvez-De Luna.
"Nasabihan mo ba ang kapatid mo na darating ang pinsan ninyo, Iho? Baka naman mapagalitan niya si Oliver Carl kapag hindi mo siya naabisuhan na doon sa bukid lalapag ang chopper nito?" Tanong ni Craig sa anak.
Sa narinig ay natampal ni Franklin Craig ang noo. Dahil talagang nakalimutan niyang sabihan ang kapatid na parating ang mga kaibigan niya.
"Patay na naman ako nito kay bunso! Tsk! Ano bang nangyayari sa earth makalimutin na yata ako," aniya kasabay nang pagtampal sa noo.
Ang second cousin naman kasi niya ang panauhing pandangal nila sa opening ng bago nilang kumpanya. Dahil ito rin ang may hawak sa kumpanya ng mga ninuno. Ang Montereal Engineering Company. Kaso talagang nawala sa isipan niya ang sabihan ang kapatid tungkol sa pagdating nila.
"Iyan ang sinasabi ko sa iyo, Franklin anak. Kung hindi ang asarin ang kapatid mo ay ibinibuhos mo naman ang oras mo sa drawing na iyan. Hala tawagan mo na siya o 'di naman kaya ay puntahan mo na sa bukid para maabisuhan sila." Nakailing na binalingan ni Jezzabelle ang panganay na anak. Alam nila kung gaano kahalaga ang bukid para sa kanilang bunso. Maghahalo ang balat ng tinalupan.
Hindi na nagsayang ng oras si Franklin. Agad niyang dinampot ang car key sa side table at tinungo ang sasakyan niya.
But!
Huli na ang lahat!
Dahil nasa himpapawid na ang private chopper na sinakyan ng taong pinag-uusapan nila! Huli na upang balaan nila ang Aling Maliit. Siguradong umuusok na ang ilong nito. Alam na alam nila kung paano nito pahalagaan ang mga trabahador. Ito ang amo subalit ayaw patawag na Ma'am. Ito ang uri ng amo na pantay-pantay ang turing sa lahat. Agrarian ito pero daig pa ang mga taong nasa puwesto dahil maraming nalalaman tungkol sa batas.
ITUTULOY