"Anong sabi ng anak natin, Honey?" tanong ng Ginang sa asawa.
"Mamayang gabi pa daw sila bibiyahe ng mga kaibigan niya, Hon. Bakit?" sagot at balik-tanong naman ng Ginoo saka ito hinarap.
"Anong bakit ka riyan eh may pasok na sila bukas. Alam mo namang malapit na ang final exam nila natural itatanong ko kasi ikaw ang kausap kanina," ani Samantha. Hindi niya maunawaan ang sarili, kung tutuusin ay wala namang dapat ikagalit sa sagot ng asawa niya.
Kaya naman napangiti si Shane II sa isipan niya ay mukhang may dinaramdam ang asawa niya. Parang wala sa hulog o wala sa mode.
"Any problem, Honey? Mukhang mainit ang ulo mo ah." Nakangiti niya itong inakbayan.
Hindi nga siya nagkamali dahil tinugon siya nito ng buntunghininga.
"I know that sigh, Honey. C'mon speak it up baka makatulong ako," muli ay wika ni Shane II.
"Actually stress lang siguro ito, Honey. Dahil wala naman akong alam na problema. Saka nitong mga nakaraang araw parang iba na ang napapansin ko kay Mommy. Parang may itinatago siyang sakit sana nagkamali lang ako ng obserbasyon. By the way, Hon sabi ni Amelia magsusundalo raw si Johnrey. Baka maisipan din ng anak natin ang papasok sa militar," paliwanag ni Samantha.
"About kay Mommy, mas mabuting kausapin natin siya ng maayos at kumbinsihin upang magpa-check up para maagapan kung ano man ang karamdaman niya. Tungkol kay Johnrey, nakita ko na ang potential ng batang iyon. Maliliit pa lang sila ni Allick ay napansin ko na ang hilig niya sa pagsusundalo. Nasabi rin niya minsan sa akin kaya't hindi na nakapagtataka kung iyan ang kukunin niyang kurso. Maybe he will go back to our hometown in Baguio dahil sa PMA ang sinabi niya dati. At kung tungkol sa anak nating panganay ay ayokong matulad siya sa akin and you know what I mean. Kung ako ang masusunod kahit anong kurso ang gusto niya basta pagbutihin niya at magiging matagumpay someday in God's will susuportahan ko siya," pahayag ni Shane II.
Pero dahil naka-akbay sa asawa'y hindi nakita ang patihayang pagpasok ng kambal nilang anak na galing sa labas.
"Ay naglalambingan sila, may nakahabol ba?" Hagikhik ni Maan, short for Mary Antoinette na agad sinegundahan ni Macoy o Mark Anthony.
"Ayaw mo ba iyon, Maan. Para may baby na ulit dito sa bahay ng hindi tayo ang binibeybi," anito na halatang galing sa basketball. The City Twins kung tawagin ng mga pinsan nila. Dahil kahit anong gawin nila kahit gusto nilang iwan ang Manila ay hindi nila magawa-gawa.
"Hep! Hep! Mga bata pa kayo---"
"Si Mommy talaga oo para iyon lang eh. Opo na po forever kaming baby mo. Pinapatawa ka lang namin ni Kuya eh kasi aksidenting narinig namin ang usapan ninyo kaya't nakaisip kami ng kalokohan kaso baby pa rin kami." Nakangiting putol ni Maan.
"Maka-Kuya naman ito wagas para isang minuto lang eh. Tsk! Papuntahin kaya kita kina Grandpa sa Baguio ng tuluyan mong iwan ang Maynila." Pabirong ismid ni Macoy.
They're just as their big brother, a teenagers pero malalaking bulas na hindi mo aakalaing mga katorse pa lamang.
Pero ang napipintong harutan nila'y naudlot dahil sa kalabog sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan. Hindi sila nagsayang ng panahon, nagsitakbuhan silang lahat paakyat sa pinanggalingan ng kalabog. Only to found out what's the reason of the noise.
Attorney Emerald Lewiston was laying on the floor unconsciously.
Dahil dito'y hindi na nagsayang ng oras si Shane II, agad niyang nilapitan ang butihing biyanan saka binuhat.
"Prepare the car now, Honey. Let's rush Mommy to the nearest hospital!" utos niya sa asawa.
"And you two just stay at home. Don't go anywhere just study your lessons. We will call you later," bilin pa sa kambal.
Kaso hindi pa nakasagot sina Maan at Macoy ay nakababa na ang mag-asawa. Dinampot ni Samantha ang car key sa table at akmang lalabas na pero nasulyapan ang cellphone at wallet ng asawa sa kinauupan nito bago nangyari ang kalabog. Kinuha din niya ito saka may pagmamadaling tinungo ang garahe pero naiparada na pala ng driver nila ang sasakyang gagamitin na naabisuhan na ng asawa kahit dala-dala nito ang inang walang malay tao.
After sometimes...
"She's out of danger already, Mrs Cameron. Just take care of here a little bit lalo at may edad na rin siya. Kung maari'y bawal siyang ma-stress para hindi tataas ang blood pressure niya," wika ng doctor na umasikaso kay Mrs Lewiston.
Payapa na itong natutulog sa hospital bed sa kuwartong kinuha ng mag-asawa para dito.
"Thank you, Doctor," sabayang sagot ng mag-asawa.
"Your welcome. Maiwan ko na kayo rito Mr and Mrs Cameron. I'll go to my daily checkup with the other patients. Have a good day." Tumalikod na ito matapos maipahayag ang tungkol sa pasyente.
Hinintay naman ng mag-asawa na nawala sa paningin nila ang manggagamot bago muling nagsalita si Shane II.
"Hindi na yata natin masyadong naaasikaso si Mommy, Hon. Baka kailangan na natin ang kanyang personal nurse para may magmonitor sa kanya lalo kapag nasa trabaho tayo." Nakatingin ito sa biyanang payapang natutulog.
"Iyan nga rin ang iniisip ko, Honey. Pero mahirap na kasing magtiwala sa ganyan. I mean alam mo naman sa panahon ngayon hindi na lingid ang nangyayari sa paligid natin. Bihira na ring makatagpo ng mapagkakatiwalaang tao lalo na sa sitwasyon ni Mommy. Sina Mommy kaya sa Baguio baka may kakilala sila na maaring magbantay kay mommy rito? Maari pa nating pagkatiwalaan kung kakilala nila sa Baguio." Nagsimulang lumakad si Samantha palapit sa kaniyang ina. Ang napakabait niyang ina ay nagsisimula nang sumuko ang kalusugan dahil na rin sa edad.
"Puwedi rin, Hon. Hayaan mo at itatanong ko kay Mommy kung mayroon silang kakilala. Dalangin ko nga ay mayroon dahil trustworthy basta kakilala nila. Maari rin tayong magpatulong sa foundation nila Garreth. Sigurado naman akong complete papers sila dahil hands-on niya itong inaasikaso." Lumakad si Shane II palapit sa asawa saka ito inakbayan. Alam niyang natatakot din ito para sa ina kaya't kahit sa simpleng paraan lamang ay maipadama niya rito na may kaagapay. Hindi ito nag-iisa sa oras ng pagsubok.
In his mind napakabait ng biyanan niya upang pagdaanan ang gano'n pero kung sino pa ang mabait sila pa ang nauuna, naglipana ang mga masasamang tao pero bakit ang biyanan pa niya.
TBC