CHAPTER THREE

1591 Words
Samantala, nadatnan ni Allick Francisco ang mga kaibigan sa tahanan ng mga Mckevin. Ayon kay Brian Niel family house iyon ng mga yumaong great grandparents nila o ang magulang ng Lola Mheljorie at Grandpa Marc Joseph pero doon nakatira ang mag-asawang Marc Joseph at Allien Grace o ang abuela niya na kapatid ng abuelo niya. Kaya kapag nasa Baguio ang mga apo ay doon lahat dumideretso. Brian Niel is just like him na taga Maynila ang ina kaya't bisita lang sila ng Baguio unlike Oliver Carl na tubong Baguio ang ama at tubong Isabela ang ina. "Akala ko hindi ka na darating, Bro. What makes you too long to come?" Salubong ni Brian Niel sa kaniya. "Ayan ka na naman, Mondragon. Papasukin mo kaya muna siya bago mo isalang sa interrogation," ani Oliver Carl. They're just like some other groups of friends, nag-aasaran, naghaharutan. "Ikaw, Oliver Carl, maka- Mondragon ka naman para kang mas matanda kaysa sa amin samantalang magkakaedad naman tayo. By the way paupuin n'yo muna ako bago tayo magpatuloy." Nakangiti niyang pinaglipat-lipat ang paningin sa dalawa. Para naman makabawi ang apo ng may-ari ng bahay ay sa haba ng sinabi ng dalawa niyang kaibigan ay AMEN lang ang isinagot kaya naman imbes na maupo na si Allick ay hindi dahil para silang mga batang naghahabulan na kung hindi pa nila nakasalubong ang tiyuhin ni Brian Niel ay hindi pa sila tumigil. "Hey guys, what's happening here?" agad nitong tanong. Hindi man ito galit kaso marahil ay nagulat sa paghahabulan nila na kamuntikan pa nila itong mabangga kaya't agad silang sinita. "Wala po, Tito. Nagkakatuwaan lang po," sabay-sabay pa nilang sagot. "Para kayong mga bata, oo. Hala sige maghabulan kayo riyan pero mag-ingat lang sa mga mababasag baka eardrums ninyo ang mabasag." Napailing tuloy si Adrian Joseph saka nagpatuloy sa pag-akyat. Nang nawala na ito sa kanilang paningin ay muling nagbatukan ang tatlo bago nagsiupo. "Anong sabi ng Lolo Shane mo, Bro?" tanong ni Brian Niel ng sa wakas ay natigil sila. "Kung ano raw ang gusto ko iyon daw ang susundin ko. Pero sabi naman nila ni Lola wala raw problema kung dito ako mag-aaral kaso sabi ako daw ang kakausap kina Mommy at Daddy." Sumandal sa malambot na sofa si Allick Francisco matapos masagot ang kaibigan. "Sa lagay na iyan, Bro? Hindi ka pa sigurado kung nakakasabay ka sa amin ni Carl sa enrollment? Alam mo kung ako sa iyo sundin mo ang payo ng abuelo mo. Ewan ko ba kasi sa iyo para kang laging natatakot sa magulang mo samantalang mababait naman sila," ani Brian Niel. "Tama si Pareng Niel, Bro. Pag-uwi mo, I mean kayong dalawa pala dahil ako lang naman ang taga rito kaya't kayong dalawa lang. When you will reach your home in the City huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa kausapin mo agad sila Tito at Tita about your plan. Name dito ka sa Baguio mag-aral alam naman nating nakasuporta sila lagi sa iyo. Dahil kung ako ang tatanungin mo ay kahit sino sa mga ninuno ko ako dudulog ay iisa lang ang sagot nila. Go and achieve your goal in life kaya wala akong problema riyan." wika naman ni Oliver Carl. Tama naman kasi ang dalawa niyang kaibigan. Ang mga kaibigan niyang kagaya niyang baliw kung tawagin nilang grupo pero ganoon naman sila kung maglambingan. He made up of his mind kailangang kausapin niya ang mga magulang when he will be at their dwelling place. Kaya naman napagdesisyunan niyang kakausapin ang mga magulang pero hindi niya agad nagawa ang bagay na iyon dahil pagdating niya kinabukasan ay sumalubong sa kaniya ang balitang nasa pagamutan ang kanilang abuela. Kaya't hinintay niyang nakalabas ito bago hinarap ang mga magulang. "Are you sure, Iho? I'm not against to your dream in life but why you prefer to stay in Baguio than here in Manila? You want to be a pilot as you say so then why in Baguio? What if go over seas? Money is not a problem so go on and achieve your goal in life son. Alam kong high standard ang Saint Luis pero alam mo namang mas maganda kung sa ibang bansa mo ipagpatuloy iyan lalo at aircraft ang nais mo," his Dad says. "Pero Daddy, gusto ko sanang kasama ang mga kaibigan ko kaya't kahit dito sa Pilipinas." Napatungo tuloy si Allick Francisco dahil natatakot siyang baka hindi siya payagan ng mga magulang. "Your Dad is right, iho. We have a house in Los Angeles or you can stay with our relatives in London to pursue your dream. We will support you. But wait Iho, ang sabi mo ay gusto mong makasama ang mga kaibigan mo so tatanungin kita anak. Iyan ba talaga ang gusto mong kunin o gagawin mo lang dahil iyan ang kurso ng mga kaibigan mo?" Attorney Samantha Lewiston Cameron says too. In his mind, walang ipinagkaiba ang mga sinasabi ng mga magulang niya sa mga binitawang salita ng mga ninuno niya. "Simula pagkabata ko po ay ito na ang gusto ko, Mommy. Kung napapansin ninyo ang kuwarto ko ay halos lahat ng decorations and designs ay related sa aircraft kaya't sa sagot po ng tanong mo ay ito ang gusto ko kaya't ipinanapaalam ko po sa inyo hindi dahil sa mga kaibigan ko kundi dahil gusto ko ito." Tumingin siya sa mga magulang. Nais niyang patunayan na ang pagkuha niya ng aviation course ay naaayon sa gusto niya not because of anyone else. Ang hindi alam ng tatlo ay nandoon ang matandang Lewiston o si Attorney Emerald Lewiston. Hindi nila ito napansing lumapit dahil seryoso sila sa kanilang usapan kaya naman nag-isang dereksyon ang paningin nila ng nagsalita ito. "Alam mo Iho, tama ang mga magulang mo. We need to patronize our own as Filipino citizens pero mas madali kang maging piloto kung sa America ka mag-aral. Remember hindi basta-basta ang pagpasok sa pagkapiloto. Aside from you need to have a degree kailangan mo pang mag-under go ng training. Air Force Pilot ba kamo, Iho? Kung piloto ng pang-digma ang nais mo sa America ka mag-aral dahil doon mismo sa paaralan ng mga piloto ang papasukan mo. We have it all kung pera ang iniisip mo. Ako ang gagastos sa buong pag-aaral mo basta ang nais ko ay ang tunay at nagmula sa puso mo ang gagawin mo. I overheard sa Baguio mag-aaral ang mga kaibigan mo? You're wrong iho, ang tunay na kaibigan kahit ilang taon man kayong hindi magkita-kita o mawalan man kayo ng communications hindi iyan magiging sagabal sa pagkakaibigan ninyo. Inuulit ko iho if you want to be a air force pilot, go and study overseas," pahayag nito. Sa haba ng tinuran nito'y nahimasmasan silang tatlo kaya't nilapitan nila ito saka inakay paupo sa sofa. "Thank you." Nakangiti nitong pasasalamat. Buong akala ng tatlo ay tapos na ito kaya't magsasalita na sana si Samantha pero itinaas ng Ginang ang kanang kamay na parang nanunumpa tanda lamang na magpapatuloy ito. "Allick Francisco, Iho. Go and enroll yourself in CFI in California and believe me apo ko wala kang pagsisisihan. Basta tandaan mo na ang pangarap mo ay ikaw ang masusunod. And in additional ilang taon din ang bubuin mo sa training kaya't mas maganda kung doon ka mag-aral tapos doon din ang training mo," pagpapatuloy nito. Kaya naman napaisip din ang binatilyo, tama ang abuela niya. Mas mapapadali ang pag-abot niya sa kanyang pangarap na maging piloto. Doon din siya magtraining pagdating ng araw. "Sa lagay na iyan apo ko, tumama ang pangaral ko ano? You're smiling already." Kalabit na pukaw ng Ginang sa apo. "First of all I would like to say thank you sa suporta ninyo sa pangarap ko Lola, Daddy, Mommy. Tama po kayo mas maganda po kung sa Phoenix East Aviation, Florida ako mag-aral. Saka ko na po iisipin kung lilipat ako sa CFI para sa training . I'll take any course related to aircraft. Engineering is my second choice kaya hindi ako mahihirapan diyan. As soon as matatapos ang final examination namin ay lilipad po ako patungong Florida para sa inquiry. But I need companion po. Dahil underage pa lang po ako kaya't kailangan ko ang guardian," sa wakas ay sabi ng binatilyo. His determination to be a pilot someday leads him to be brave total doon din tungo, kailangan niyang matatag para sa kanyang pangarap. "Don't worry anak dahil ako ang sasama sa iyo para makahanap din tayo ng matitirhan mo na malapit doon sa PEA. Kung mayroon lang sana sa California kasi may bahay naman doon at mas maganda sana kung malapit para hindi ka mahihirapan." Nakangiting binalingan ni Shane II ang anak. Nakikita naman kasi nila ang determinasyon sa pagkatao nito. "You and Samantha, Iho. Samahan ninyo ang apo ko. Siguraduhin ninyong maging maayos ang kalagayan niya doon para mas makapag-fucos siya sa pag-aaral," sabad ng Ginang. "No, Mommy. Ako na lang po para may kasama kayo ng mga bata rito. Saka malapit lang ang Florida sa California at may bahay naman po tayo roon kaya't maiiwan na si Sam para may kasama kayo rito with the twins." Umiling-iling tanda ng pagsalungat si Shane II. Hindi sila pumayag na silang mag-asawa ang sasama sa binatilyo sa Florida upang asikasuhin ang kakailanganin nito sa pagpasok sa Phoenix East Aviation. So it be! Allick Francisco Lewiston Cameron will pursue his ambition overseas! He will continue his studies in DAYTONA BEACH, FLORIDA. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD