CHAPTER ONE

1561 Words
"Grandpa, can you help me to convince Dad and Mom?" out of the blue ay tanong ng binatilyong si Allick Francisco sa abuelo na si Allick Shane I o mas kilalang Shane I. "On what apo ko? I mean kukumbinsihin ko sila sa anong dahilan?" naguguluhang balik-tanong ni Shane sa apo. Hindi sumagot ang binatilyo sa abuelo pero nangalumbaba ito sa veranda kung saan sila nakaupong mag-lolo. Ito namang nadatnan ng abuela na si Marga. According to them, his father was not from her Grandmother Marga pero hindi ito naramdaman ng ama. Kung ano ang pagmamahal nito sa mga tiyuhing si Garreth at tiyahing Joy ay ganoon din ang ibinigay sa ama. Sabi nga nila napakasuwerte ng Daddy niya dahil kahit step-son lang ito ay mas higit pa sa ang abuela nila ang nagluwal. History repeat itself sabi nila dahil nangyari din sa tiyuhin niya ang nangayri sa abuelo na may anak sa pagkabinata. "Oh, anong ginawa ng Lolo mo sa iyo apo? Bakit abot hanggang Maynila na yata ang paningin mo?" maang nitong tanong saka hinarap ang asawa na nakangiwi. "Asawa ko may ginawa ka ba sa apo natin? Aba'y kahit matatanda na tayo iiwan na naman kita kung ikaw ang dahilan ng kalungkutan ng apo natin. Anong problema ninyong dalawa?" Nakapamaywang niya itong hinarap. "Asawa ko naman porke ba't malungkot ang apo natin eh kasalanan ko na? Asawa ko naman baka maaring may nais lang siyang ipagawa sa akin." Napangiwi tuloy ang Ginoo dahil sa tinuran ng asawa. Dahil dito'y napangiti ang binatilyo, hindi naman sa ayaw niyang manirahan sa Maynila kapiling ang mga kapatid at magulang pero ang sweetness at lambingan ng mga ninuno'y naaliw siya kaya't gustong-gusto niyang kasama ang mga ito. "Hala ka, Kuya Allick. Baka naman pag-uwi mo sa Maynila ay sa Mandaluyong ka na idederetso ni Papa at Mama." Panunukso tuloy ni Wilmer Gabb. "Bunso naman eh, naaliw lang ako kina Grandma at Grandpa kaya ako napapangiti. Ikaw talaga oo, kumusta ang chicks sa school?" Binalingan niya ito. Maaring naulinigan nito ang kanilang usapan dahil sumabad ito. "Ay huwag mo ngang ipagpilitang ako ang bunso, Kuya. May kambal nga po si Mama Joy eh. I'm older than them kaya't sila ang bunso," giit ng labing-dalawang taong gulang. Ang young version ng ama. Pero sa murang edad ay halatang nasa edukasyon na ang hilig. "Siyempre ikaw ang bunso nina Papa Garreth at Mama Christine kaya't ikaw ang bunso. Sina Jonathan Ross at Juvani Kurt ay bunso nina Mama Joy at Papa BC," paliwanag ni Allick Francisco sa pinsan pero hindi ito kumbinsado dahil ayaw na ayaw patawag na bunso. Pero dahil ang mga ninuno nila lalong-lalo na ang abuela'y hindi nakatiis at muling inungkat ang rason kung bakit nangangalumbaba ang binatilyo sa veranda. "Come closer to Grandma, Wilmer and Allick. Sit besides me. I want to know what's happening between you ang your grandpa." Tinapik pa nito ang magkabilaang bahagi ng kinauupuan. Tanda lamang na pinapaupo roon ang mga apo. Dahil sa abuela'y muling naalala ni Allick ang ipinapakiusap sa abuelo. "Eh Grandma naman po, wala po iyon. I'm just asking Grandpa to help me to convince my parents. Dahil gusto ko sanang dito sa Baguio mag-aral sa kolehiyo. I want be near with my friends here as well as you. Oliver Carl wants to pursue his dream in Saint Luis as well as Brian Niel. So to complete our group total iisang kurso lang naman po eh kaya nagpapatulong ako kay Grandpa dahil alam kong makikinig sina Mommy at Daddy," paliwanag ng binatilyo. "Ay saglit lang, Kuya Allick. Gusto mo bang mag-aral dito sa Baguio dahil dito mag-aaral ang mga kaibiga mo? Ay mali po iyan, Kuya. Sabi ni Daddy kung ano raw ang gusto namin nina Ate at Kuya iyon daw ang susundin namin. Huwag daw kaming magpadikta sa sasabihin ng iba para raw po magaan ang pag-aaral," ani Wilmer Gabb. Kaya naman napangiti ang mga ninuno nila. Di yata't ito ang nakamana sa talino at paninindigan ng ama. Sa pananalita at reasoning pa lamang nito ay halatang manang-mana sa amang abogado. Kaso sa edukasyon naman halatang nahumaling. "Tama naman ang pinsan mo apo ko. Kung gusto mong mag-aral dito dahil lang sa mga kaibigan mo ay kalimutan mo na. Come closer to Grandpa both of you." Iminuwestra ng may edad ng abuelo ang mga braso sa dalawa. Sumunod ang dalawa, pinagitnaan nila ang mga ninuno. Sa tabi ng Ginang si Wilmer Gabb at sa tabi ng abuelo nila si Allick Francisco. "Hindi naman siguro kaila sa iyo, Allick, apo ang kuwento ng Daddy mo. He's my son way back on my younger years of living. Pero hindi kami nagkatuluyan ng Mama niya kasi ang Grandma ninyo ang destiny ko. Tinanggap niya si Shane II ng parang tunay na anak sa kabila ng kalamigan ko sa kaniya. Ninaais ko siyang sumunod sa yapak ko bilang isang mambabatas pero I was dismayed dahil from law courses he shifted to business administration. Kung gaano ko siya pinanlamigan ganoon naman siya inalagaan ng Grandma ninyo. Nagtataka siguro kayong dalawa mga apo ko pero ang koneksyun niyan ay si Shane II pinakialaman ko at ninais ko siyang sumunod sa yapak ko pero hindi kaya ng damdamin niya at sinunod ang idinidikta ng puso niya. Even it came to the point na naging palaboy siya dahil sa pakikialam ko. Doon naman konektado ang Grandma ninyo, dahil noong umalis ang Daddy mo dito sa bahay umalis din siya upang hanapin ang Daddy mo. At anong koneksyon ng Daddy mo Wilmer? Ang Daddy mo ang taong hindi nagpapadala sa sabi-sabi. Naging abogado siya hindi dahil sa pinakialaman ko pero he wants it. Sinunod niya ang bulong ng damdamin niya, unlike ng Daddy mo Allick na malaki ang takot sa akin. I'm not saying walang takot ang Daddy mo Wilmer pero kapag tama siya pinapanindigan niya iyan, doon niya nakilala ang mommy ninyo. At kaya ko iyan sinasabi sa inyo dahil lesson to be learn mga apo. Ayaw kong pakialaman ang mga kurso ninyo or kung saan kayo mag-aaral. Tutulungan ko kayo sa abot ng aking makakaya pero hindi ko papakialaman ang ganyang bagay," mahaba-habang paliwanag ng matanda. "Ay! Grandpa, gusto mo ng tubig?" out of the blue ay tanong ng bagong dating este kung saan man galing ay hindi nila alam na si Janina. "Ate naman eh, bakit ba ang hilig mong sumulpot?" Binalingan ito ni Wilmer Gabb saka sinita. "Hayaan mo siya bunso ay Wilmer pala." Pagitna ni Allick sa dalawa dahil mahilig magbangayan ang mga ito. Dito naman pumagitna ang abuela nila. "Allick apo, ko ganito lang kasimple iyan. Kung gusto mong dito sa Baguio mag-aral ay kausapin mo ng maayos ang mga magulang mo. Our home will always open for anyone of you. Kung gusto mo namang maging piloto some day go and achieve your dream at gaya nang sinabi ng Grandpa ninyo susuportahan namin kayo ng buong-buo," anito. "Grandma, ako ay gusto kong maging kagaya ni Daddy pero ay secret pala." Binawi agad ang binitawang salita. Tumakbo palayo sa kinaroroonan nila. "Nababaliw na naman si Ate. Sige na po Grandma, Grandpa. Mangangapit-bahay ako kina Great Grandma. Pakisabi na lang po kay Daddy baka hanapin po ako. See you around." Hinagkan ni Wilmer Gabb ang pisngi ng mga ninuno bago tuluyang umalis. Iniwan lang ang bag sa isang tabi. Hinintay nilang nawala ito sa kanilang paningin bago muling nagsalita si Shane I. "I'm not saying na tularan mo sila but I only want you to realise what we want to tell you apo. Sundin mo kung ano ang nais mo para din sa iyo iyan apo ko," wika nito. "He's just twelve years old Grandpa, pero parang mas matanda sa akin kung magsalita pero tama po siya Grandpa. And yes pag-uwi po namin ng Maynila ng mga kaibigan ko'y kakausapin ko na po sila Mommy at Daddy," sagot ni Allick. Sa isipan ay desidido siyang mag-aral ng any courses related sa aircraft. "Very good answer apo ko. Siya sige na apo ko, mamayang gabi pa naman yata kayo bibiyahe ng mga kaibigan mo kaya't take your time to have fun here in the City." Nakangiting baling ni Marga sa apo. "Pupunta na lang po ako kina Grandma Allien Grace, nandoon naman po si Niel. Babalik na lang po ako mamayang gabi." Hinagkan ni Allick Francisco ang mga ninuno bago lumabas ng bahay. Pinalipas muna ng mag-asawa ang ilang sandali bago nagsalita ang Ginang. "Ang bilis ng panahon asawa ko, parang kailan lang tayo ang may pinapag-aral. Naalala ko tuloy noong lagi akong nasa school ni Shane II dati pero ngayon ang anak naman niya ang nangangarap. Sana hayaan na lang niya kung ano ang nais ng bata," sabi nito na nakasunod ang tingin sa tinahak ng apo. "Kaya ko nga ikinuwento sa kanila ang nakaraan asawa ko dahil mahirap ang pakialaman ang kursong ninanais nila. Lesson to be learn kako dahil ayaw ko ding maranasan niya ang naranasan ng ama," sagot naman ni Shane I. Kumbaga sa mga teenagers, kinikilig ang Ginang dahil matapos nagsalita ang asawa'y inakbayan pa siya nito saka sila sabay pumanaog para mangapitbahay daw sa mga anak bago nila pupuntahan ang ina nilang kagaya nilang may edad na rin. TBC  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD