CHAPTER FOUR

2018 Words
But... That was five years ago! Parang kailan lang nang iniwan niya ang bansang sinilangan para ipagpatuloy ang pag-aaral sa PHOENIX  EAST AVIATION. Five consecutive years na nalayo siya sa pamilya niya sa bansang sinilangan para sa pangarap niya. He successfully completed his aviation career in Florida pero kinausap niya ang pamunuan ng naturang paaralan na kung maari ay papasok siya sa American Training Center for jet fighter pilot. "You've successfully completed your five year aviation course, Mr Allick Francisco Cameron. So you have your freedom to go for your training. You are qualified to be a pilot of any engine now. We witness how you dedicated and devoted yourself to your studies. Your grades are the proof on your devotion. We are offering here aviation services but since that you want to be a jet fighter pilot I'll recommend you and give you a referral to go for Columbus Air Force Base in Mississippi, Laughlin Air Force Base in Texas, or Vance Air Force Base in Oklahoma. It's up to you where you want to pursue your jet fighter plans." The director explained. "I'll go in Oklahoma, Sir. But can I go home in Philippines first before I'll starts my training? I've been thousands miles away from them for more than five years. So, I'll ask you sir if I can go first to see my parents and siblings?" lakas loob na sagot at tanong ng binata. The twenty-two years old, one of the youngest pilot in town. "Sure, Mr Cameron. I'll  give you one month vacation and if I were you come back here after that one month to take my referral in Oklahoma. Good luck and enjoy your vacation," masayang sagot ng director sa PEA, Florida. Kaya't hindi na siya nagsayang ng panahon. Agad niyang inayos ang lahat ng kakailanganin niya sa kaniyang pag-uwi. Nagtungo sa ticketing booth para makabili ng ticket niya. Hindi naman kasi problema ang pera dahil kung ilang taon siyang nasa Florida,  ganoon din katagal na nagbibigay ng full allowance ang abuela niya puwera pa ang perang galing sa mga magulang niya at ang trust fund galing sa magulang ng ama o sa pamilya Cameron. "Someday ako naman ang magpapalipad isa sa mga eroplanong ito but for now I'll pursue first my training in Oklahoma." He stepped in to the Florida Airlines na magdadala sa kaniya sa bansang sinilangan. "Piloto ka pala kabayan? Well, may job offer ngayon ang Florida Airlines if you want," saad ng isang lalaking flight attendants na nag-aassist sa mga kapwa pasaheros. Nasa economic flight naman kasi siya kaya't maraming pasaheros. "Yes, kabayan. And thank you for the information. Don't worry I will." Isinandal niya ang sarili sa upuan. Kung ano-ano ang sumusulpot sa isipan niya. Ang mga magulang, ang kambal niyang kapatid, ang ninuno sa magkabilang panig at higit sa lahat ay ang mga kaibigan niya. Limang taon na silang hindi nagkikita. Sa kanilang apat at siya ang mag-aaral sa ibang bansa. Samantalang ang dalawa ay sa Pilipinas. Dahil ang Kuya nilang tatlo ay isa na itong matagumpay na entrepreneur. Ngumiti na lang din ang flight attendants bilang sagot dahil dagsa na ang pagpasok ng mga pasaheros. In his mind (AF) hindi pampasaherong eroplano ang nais niyang paliparin kundi ang mga jet fighter planes, his ultimate goal in life. Kung kinakailangang papasok siya sa military gagawin niya para sa jet fighter pilot dream niya. "Kumusta kaya ang mga luko? I miss them all. Hopefully, we will be able to see each other again." He uttered as he closed his eyes. Samantala... "Kumusta kaya ang biyahe ng anak natin?" tanong ni Jezzabelle sa asawa. Kasalukuyan silang nagkakape sa garden. "Wala pa tayong balita sa kaniya asawa ko. Hindi pa naman kasi tumatawag. Hayaan mo at tatawagan ko mamaya," tugon ni Nathaniel Craig sa pagitan nang paghigop sa umuusok na kape. "Minsan napapaisip pa rin ako hanggang ngayon. Hanggang kailan niya ikukulong ang sarili sa nakaraan? Hindi nalalayo ang edad nila ni Franklin subalit sa ginagawa niya since that day ay parang mas matanda na siya rito. Sa mga kaedaran niya ay nasa mgae opisina, sa ibang trabaho. Samantalang siya ay ikinulong niya ang sarili sa bukid." Bahagyang inilapag ng Ginang ang mug niya dahil sa biglang pagkaalala sa anak na babae. "Hindi rin naman natin siya maaaring diktahan sa nais niyang gawin. Ang makita natin siyang lumalaban sa agos ng buhay ay masaya na ako. At kagaya mo ay umaasa akong makapag-isip-isip siya na mas nababagay sa kaniya ang opisina kaysa ang bukid. Ang maganda nga ay mahal na mahal siya ng mga tao sa bukid. Mas nag-aalala pa sila kapag hindi siya nakikita," muli ay saad ng Ginoo. Kahit siya ay nalukungkot din para sa anak nilang babae. Pero wala naman silang magawa dahil ito mismo ang pumili sa buhay na mayroon ito sa kasalukuyan. Kung sila lamang ang masusunod ay nasa opisina ito kasama ang kapatid nitong lalaki. Kahit saan na sana ito magtrabaho basta huwag ikulong ang sarili sa nakaraan. Ganoon pa man ay wala silang magawa kundi suportahan ito sa buhay na tinatahak. "Mukhang maaga po ang dramahan ngayon, Mommy, Daddy?" tanong ng anak nilang lalaki kaya naman ay bigla silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig. "Walang drama ngayon anak. Nag-uusap lang kami ng Daddy mo sapagkat hindi pa tumawag ang kapatid mo. Gusto mo ng kape, anak?" balik-tanong ng Ginang. "On the way na po, Mommy. Dumaan ako sa kusina dahil naamoy ko ang halimuyak ng bagong aning palay. Idagdag pa ang aroma ng kape. Kaso walang tao doon bukod kina Manang. Kaya kako isunod niya rito. Mano po pala." Magalang nitong inabot ang kanilang palad at nagmano bago naupo sa bakanteng upuan. "Akala nga namin ng Mommy mo ay pumasok ka na. Kaya dito na kami nagpahanda ng almusal. Siya nga pala, kumusta ang preparation sa inauguration ceremony?" ilang sandali pa ay tanong ng Ginoo. "Maayos naman po, Daddy. Next ay kasado na po iyon. Umaasa nga po akong makadalawa ang mga kulokoy. Sigurado akong tuwang-tuwa na naman ang mga City boys." Pagbabalita ng binata. Sasagot pa sana ang Ginang subalit eksakto namang dumating ang tagaluto na may dala-dalang tray. Sigurado rin naman siyang almusal ng binata niyang anak ang dala-dala nito kaya't hinayaan nilang inilapag nito. Hinintay din nilang nakaalis ito bago sila nagpapatuloy. "Speaking of your friend, Iho. It's been five years since Allick Francisco went overseas to fulfill his aviation course. How is he now? I guess he's done on his studies by now," wika ni Nathaniel Craig nakalipas ang ilang sandali. "Yes po, Daddy. Ang sabi niya noong huli ko siyang nakausap ay uuwi siya para sa bakasyon bago siya pupuntang Oklahoma Airbase. Doon daw po siya magtraining upang maging air force pilot. And that will be another three to five years. Pero alam naman po nating lahat kung gaano ito kaadik sa pagpipiloto. I'm so sure na kakayanin niya iyon," nakangiting pahayag ni FC sa pagitan ng pagsubo ng toasted bread with his favourite coffee. Kaso hindi nakaligtas sa kaniya ang naging expression ng mga magulang sa pagkakabanggit niya sa pilots practice ng kaibigan niya. Kaya naman ay ibinaba niya ang hawak na coffee mug. "May nasabi po akong mali? Bakit bigla po kayong nalungkot?" bakas sa kaniyang tinig ang pagtataka. "Nothing to worry about it, son. Just finish your meal. Alam namin kung gaano kahigpit ngayon ang schedule mo. Susunod din kami ng Mommy mo." Pinilit ding ngumiti ng Ginoo dahil ayaw masira ang magandang mode ang anak na binata. "Okay lang po, Daddy. Ano po ba kasi iyon? Kanina ay naulinigan ko ang malungkot ninyong usapan kahit hindi ko alam kung ano ito. Kaya't alam ko po na may bumabagabag sa inyo," giit ng binata. "Walang problema, anak. Naisip lang din namin kung kumusta ang kapatid mo. Pinag-uusapan namin hanggang saan niya ikukulong ang sarili sa nakaraan. Ilang taon na ang nakalipas, ilang taon na rin siyang nagtapos sa Agricultural course. Sabi nga ng mga taga bukid ay ilang ulit na rin daw nila itong pinapaalalahan subalit masaya ako sa ginagawa lang daw ang tangi niyang sagot. But don't worry we're just talking about it." Nakangiting pagsang-ayon ng Ginang sa tinuran asawa. Hindi na sumagot ang binata. Bagkus ay tinapos na lamang niya ang pagkain. Nauunawaan din niya ang mga magulang niya. Dahil kahit siya ay nahahabag din minsan sa kapatid. Ngunit wala rin silang nagawa dahil kahit anong gawin nila para lang kumbinsihin ito ay walang nangyari. Mas isinubsob nga nito ang sarili sa sakahan na minana pa ng kanilang ina sa mga ninuno nila. Sa kabilang banda, sa tahanan ng mga Lewiston/Cameron sa siyudad ng Manila. Umaga pa lang subalit hindi na mapakali ang may edad ng si Mrs Emerald Lewiston. Bagay na hindi nalingid sa mag-asawang Shane II at Samantha. "May dinaramdam ka po ba, Mommy?" tanong ng una. "Wala, Iho. Excited lang ako," tugon nito na panay ang tingin sa main door. "Saan po, Mommy? Aba'y wala naman po tayong party ah." Pagbibiro ni Samantha kaya naman ay agad napatingin dito ang Ginang. "Ibalik ko nga ang tanong mo, Iha. Bakit? Party lang ba ang dahilan ng excitement natin? Party ba kamo? Well, nararapat lamang na magkaroon tayo ng party dahil kung hindi ako nagkakamali ay tapos na sa aviation course ang binata ninyo. Teka lang, nakalimutan n'yo ba ang bagay na iyan o sadyang hindi ninyo alam?" napatanong tuloy ang Ginang. Aba'y ang mga magulang ng panganay niyang apo ay mukhang mas nauna pa na naging ulyanin kaysa kaniya. Nakalimutan na yata nila na nasa huling taon ang apo niya sa aviation course nito. Kung nga siya nagkamali ay nasabi na nito sa huling tawag na ilang araw na lamang ang nalalabi sa pag-aaral nito. Sa tinuran ng kaniyang biyanan ay napakamot sa ulo si Shane II. Talagang matalas pa rin ang isipan memorya ng biyanan niya. Kahit madalas na itong nagpapabalik-balik sa pagamutan. Hindi nawaglit sa isipan nito ang tungkol sa pagtatapos ng panganay niya. Samantalang silang mag-asawa ay talagang nawala sa isipan nila ang tungkol doon. "Sorry naman po, Mommy. Talagang nawala sa isipan ko ang tungkol diyan. Although alam ko po na tapos na siya sa pag-aaral. Hindi naman kasi niya nabanggit noong huling tawag niya kung uuwi ba para sa celebration nang pagtatapos niya." Nakangiwi niyang paghingi ng paumanhin. "Mother dearest, ang kaisa-isa mong anak ay mas nauna na yatang naging makalimutin kaysa sa iyo. Please forgive me on that mother dearest. Pero tumawag po ba si Allick Francisco? Kasi sabi mo po na excited ka ibig sabihin ay hinihintay mo siya," saad din ni Samantha. Pero umiiling-iling ang Ginang. Napangiti pero walang nasabi. Panay pa rin ang pagtingin sa main na kung tutuusin ay hindi naman nila nakikita dahil nasa dinning room sila dahil kasalukuyan silang nag-aalmusal. Lumipas din ang ilang sandali bago ito nagsalita. "Hindi siya tumawag ilang araw na kung hindi n'yo rin nakalimutan. Ang sabi ninyo ay tapos na siya sa pag-aaral niya. Limang taon siyang hindi umuwi rito para sa pagpipiloto niya. Sa pag-aakala n'yo ba ay hindi siya excited na uuwi? Pustahan tayo, nasa himpapawid iyon kaya't hindi siya tumatawag." Umaabot pa rin hanggang taenga ang ngiti niya. Dahil pakiramdam niya ay nasa paligid ang panganay niyang apo. He was just a teenager that time. He's just seventeen years old way back then before he left them to pursue his dream as a pilot in Florida. She is so sure that he's a fine young man already. Her daughter and her husband is asking her if she's excited? Yes, she is. Sa internet lamang nila ito nakikita sa loob ng limang taon. Out of the blue. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang nagsisigaw ang dalagitang si Mary Antonette. Sa pag-aakalang may nangyaring masama rito ay agad na inalalayan ng mag-asawa ang Ginang saka sila nagtungong lahat sa sala kung saan ito naroon. "What's the matter with you, My dearest?" agad na tanong ni Mrs Lewiston kahit na nasa pintuan pa sila papasok sa sala. Subalit wala silang nakuhang sagot mula rito dahil nagpatuloy ito sa pagtili. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD