CHAPTER FIVE

2314 Words
Maluwalhating lumapag sa Ninoy International Airport ang eroplanong sinakyan ni Allick Francisco. Halos hindi pa nag-anunsiyo ang pamunuan ng naturang flight ay nagsitayuan na ang mga pasaheros. Kulang na lamang ay magtulakan na sa mismong daanan. Kaya naman ay hinintay niyang nakalabas lahat ang mga kapwa pasaheros bago siya tumayo. "Oh kabayan, nahuli kang lumabas. May problema ba?" tanong ng male flight attendant. Sa boses pa lamang nito ay halatang nag-aalala na. Sabagay hindi niya ito masisisi dahil iyon ang trabaho nito. Ang pangalagaan at siguraduhin ang kaayusan at kakumportablihan ng bawat pasahero. "Wala po, Kuya. Hindi lang ako sanay na makipagsiksikan sa paglabas kaya nagpahuli ako sa paglabas," tugon niya rito. "Sa tingin ko pa lamang sa iyo ay napakabait mong tao. Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw iyong tinutukoy ng kasama ko na piloto. Dahil sa pagpapahuli mo ay sigurado akong nasanay ka na maluwag ang daanan mo." Nakangiti itong nagpakawala ng malalim na paghinga. Halatang nakahinga ng maluwag dahil sa isinagot niya. "Yes, Kuya. Ako nga po. Sige po, maiwan na kita," aniya. "Thank you for having a long journey with us. May you enjoy your stay here in your country," dinig pa niyang wika ng lady flight attendant na nadaanan niya. Hindi man siya sumagot subalit nakangiti niya itong tinanguan bago siya tuluyang lumabas sa passengers plane. Tahimik siyang nagtungo sa immigration. Kaso ganoon pa rin. Nais tuloy niyang mainis dahil nagpahuli siya sa paglabas ng eroplano ngunit napakahabang pila pa rin ang naabutan sa immigration kaya't wala na siyang nagawa kundi ang dumugtong sa sa kasing haba na yata ng San Juanico bridge na pila. "Wala na yatang ipinagbago ang paliparang ito. Ilang taon akong nawala sa bansang ito subalit wala na yatang ipinagbago. Tulakan dito, tulakan dito," sa inis ay nasambit niya. Sa pag-aakala niya ay sa isipan niya lamang iyon nasambit kaso nagulat siya nang may nagsalita sa kanang bahagi ng pila. "Tama ka riyan, 'Toy. Huwag ka nang umasa na may pagbabago sa paliparang ito lalo na rito sa immigration. Sa haba ng pila ay baka aabutin tayo ng isang oras dito. Kaya't kung naiinip ka ay kalimutan mo na iyan dahil wala na tayong magagawa pa," anito. Tama naman ang sinabi nito. Naiinis siya dahil kung kailan nasa bansa na siya ay saka pa nagkaroon ng napakahabang pila. Ngunit hindi ang basta na lamang pagsabad nito ang nakakuha sa atensiyon niya. Mukha na ba siyan bata? Professional Pilot siya ngunit tinawag siya nitong 'Toy? Abah! Biyente-dos anyos na siya subalit tinawag siyang Toy. At bago pa niya napigilan ang sarili ay naitanong na niya ang nasa isipan niya. "Ah, mawalang-galang na po, Tata. Mukha po ba akong bata? I mean, kasi tinawag mo akong 'Toy. Ilang taon po ba ako sa pag-aakala mo?" tanong niya na hindi naitago ang pagtataka. Kaso sa tinuran niya ay napangiti ito. Halatang tuwang-tuwa pa dahil sa pagtatanong niya. Kaya't lihim siyang nainis dahil pakiramdam niya ay nakarami na ito. Ang maputi at makinis niyang mukha ay nagkulay kamatis lalo na nang nagsalita ito. "Iho, sa tingin ko ay hindi ka purely blooded Filipino. Dahil kung puro kang Pinoy ay alam mo kung ano ang kahulugan ng Totoy o Toy. Sa opinyon ko ay wala ka pang biyente. Nasa pagitan ng labing-walo at labing-siyam. Ang Totoy ay maari nating itawag sa nakababata sa atin lalo na sa tulad kong may edad. Kaya't huwag mo sanang masamain ang pagtawag ko sa iyo ng ganoon," pahayag nito na hindi naitago ang ngiti. "Po? I'm sorry po, Tata. Pero ngayon ko pa lang nalaman. Hindi naman po kasi nila ako tinatawag ng ganyan. By the way maraming salamat po sa paliwanag mo, Tata. I'm already twenty-three," namumula niyang tugon. Nais tuloy niyang batukan ang sarili niya dahil parang kahapon lamang siya ipinanganak na walang kaalam-alam sa mundo. Nag-aral at nakapagtapos siya sa pamosong paaralan sa Florida subalit ang sarili niyang wika ay halos wala siyang alam. Siya na nga ang walang alam siya pa nag nag-jumped into conclusion. "It's alright, Iho. You look like younger than your age. Go back to your line before anyone will takeover your line." Nakangiti pa nitong tinapik-tapik ang balikat niya. Nais talaga niyang sapakin ang sarili dahil sa nangyari. Kalalapag lamang niya sa bansang sinilangan ngunit nakagawa na siya ng hindi kanais-nais. Lihim tuloy siyang napapamura dahil dito. Para siyang...damn! After sometimes... Makalipas ang pakiramdam niya ay ilang oras na pagpila niya sa immigration ay nakalabas din siya sa wakas. Palihim din niyang iginala ang paningin. Nais sana niyang kausapin ang may edad na lalaki dahil pakiramdam niya ay nagkautang siya rito ng wala sa oras. Subalit ang kumpol-kumpol namang sundo ng mga kagaya niyang bagong dating ang sumalubong sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung maiinis ba siya o matatawa dahil wala na yatang katapusan ang crowded niyang paligid. Ganoon pa man ay tahimik niyang hinila ang may kalakihang maleta niya saka nagtungo sa nakalinyang taxi. "Kuya, pakihatid ako sa Dasmarinas Village. Sa Lewiston residence," aniya sa driver. "Sakay na po, Sir," tugon nito matapos nilang pinagtulungang ilagay sa compartment ng sasakyan ang maleta niya. Agad siyang sumakay sa passengers seat ng taxi. Gusto niyang ipikit pansamantala ang mata dahil hindi siya nakatulog sa eroplano. Napaingay ng mga nasa likuran at harapan niya. Para silang nasa palengke. Ngunit pinigilan niyang makaidlip dahil hindi rin lingid sa kaalaman niya ang mga kababalaghang nangyayari sa mga bagong dating sa bansa. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa kapwa niya subalit walang mas sigurado sa nag-iingat. Kaya't kahit antok-antok siya ay pinigilan niya ang sarili. Inabala na lamang niya ang sarili sa pagmamasid sa bawat nadadaanan nila. Few minutes later... Laking pasasalamat niya dahil walang masyadong traffic kaya't hindi sila natagalan sa biyahe. Ilang minuto lamang mula sa airport hanggang sa Village nila. Particularly to their residence. "Kuya, heto na po ang pamasahe ko. Keep the change." Inilagay niya sa palad nito ang isang libo. Sobra pa sa lampas ang ibinigay niyang pers ngunit sinadya niya iyon dahil sa kagustuhan niyang maibalik ang kabaitan nito. Siya ang uri ng tao na makikilatis niya ang pag-uugali ng kapwa. Naging palatandaan din niya nag pagiging tahimik nito. Hindi nagtatanong bagkus ay diretso lamang ito. At isa pa ay hindi ito gumamit ng alternative routes para lamang mapalayo sila. Hindi na nga niya ito hinayaang makasagot lalo at kitang-kita niya ang pagtutol sa mukha nito. "Kung nakikimaneho ka lang po ay ang eksaktong pamasahe ko ang idagdag mo sa e-remit mo, Kuya. And the rest take it with you." Nakangiti niya itong tinapik sa balikat saka tumalikod. Hindi na niya nakita ang pagkamot nito sa ulo at mas hindi niya narinig ang tinuran nito. "Ang bait ng taong ito. Sa ilang pasahero sa araw na ito ay siya pa ang nagbigay ng ganito kalaki. Itinuro pa ang gagawin ko sa sobra ng pamasahe niya. Pagpalain sana siya ng Poong Maykapal," bulong ng driver bago tuluyang nilisan ang naturang lugar. "Magandang ara---" agad niyang pinutol ang pagbati sana sa kaniya ng guwardiya sa main gate nila. Matagal na ito sa pamilya nila. Tandang-tanda pa niya noong nasa elementary siya na ipinasok ito ng kusinera nila. "Huwag kang maingay, Kuya. Walang nakakaalam sa kanila na umuwi ako," mahina niyang sabi. Itinuro na lamang niya ang maleta niya. Agad din nitong nakuha ang ibig niyang sabihin kaya't tumango-tango. Kaya't dahan-dahan siyang naglakad sa hallway mula main gate hanggang sa main door nila. Kaso papasok pa lamang sana siya sa main door nila nang tumili ng pagkalakas-lakas ang kapatid niyang babae. Para bang nasa kabilang barangay siya. "Kuyaaa!!!" malakas nitong tili. Tuloy imbes na papasok na siya ay napaatras siya sabay takip sa kaniyang taenga. Samantala, nagulat ang mag-asawang Samantha at Shane II, Ginang Lewiston dahil sa nakakabinging tili ng labing-walong taong gulang na si Maan. Kaya't agad nilang inalalayan ang Ginang at agad na nagtungo sa sala. "Hey, young lady! What's on that screaming?" agad na tanong ng una. Hindi naman kasi sila agad pumasok sa mismong sala. Dahil nasa bungad pa lamang silang pintuan ay nagtanong na si Samantha. Malinaw naman ang pagkarinig nila sa Kuya na sinambit nito kaso wala naman silang nakita. Kuya naman kasi ang tawag nito sa mga pinsan na paminsan-minsan ding dumadalaw sa kanila. Kuya rin ang tawag sa mga kaibigan ng panganay nilang anak. Subalit hindi iyon pinansin ni MaAn. Dahil mas binigyang pansin niya ang Kuya Allick niya na napaatras sa lakas ng tili niya. Ah! Basta! Wala siyang pakialam kung magalit sila sa kaniya. Tumakbo siya palapit sa kapatid niya at yumakap dito. "I miss you, Kuya Allick! It's been five years since you left us." Naglambitin siya sa leeg nito. Para siyang bata na iniwan ng magulang sa napakahabang panahon. "Matutumba tayo sa ginagawa mo, MaAn." Nakangiwing pang-aasar ng binata rito. Pero totoo namang kulang na lamang ay matumba sila. Mabuti na nga lamang at naging mabilis ang guwardiya na bumalik na papaalis na sana. Kaya't umayos-ayos din ang dalagitang nakanguso. Bumitaw nga ito sa pagkakayakap sa kaniya subalit umangkla naman kasabay nang pagpasok nila. Para bang may aagaw sa kaniya sa uri nang pagkapit nito sa kaniya. Sa narinig ng tatlo at kumpirmadong ang binata nila ay agad nilang dinala sa malambot na sofa si Mrs Lewiston. Inalalayan nila itong naupo saka lumapit sa panganay na anak. Hindi na nila itinuloy ang panenermon sa kaisa-isang anak na babae. Dahil ang panganay nilang anak ang dumating at ito rin ang dahilan kung bakit ito tumili nang halos ikabasag ng eardrums nila. "Welcome home, Iho. Bakit hindi ka man lang nagpasabing darating ka? Aba'y tamang-tama ang sinabi ni Mommy na nasa paligid ka, anak. Subalit nagsabi ka man lang sana upang nasundo ka namin. How are you, son?" Hindi magkandatuyong wika at tanong ni Shane II sa bagong dating. Sa boses pa lamang niya ay banaag na ang pangungulila rito. Thanks to the social media because they have intact communication to him. Subalit iba pa rin ang personal nila itong nakikita at nakakasama. "I miss you too, Daddy. Surprise nga po kaya hindi ako nagpasabi. Kumusta po kayo rito?" Kumalas siya sa pagkaangkla ng kapatid niyang babae saka masayang yumakap sa ama. Ilang sandali rin ang pinalipas niya bago bumaling sa inang halatang ring gusto siyang mayakap. "Walang kupas ang ganda mo, Mommy. Kaya nga in love pa rin si Daddy sa iyo eh. Kumusta ka na po?" tanong niya rito saka yumakap at hinagkan sa noo at pisngi. He terrible miss them all. "Salamat anak at naisipan mong umuwi. Kaso kagaya nang sinabi ng Daddy mo ay dapat nagsabi ka sana upang nasundo ka namin sa airport. By the way, welcome home, anak. Kahit ramdam kong bakasyon mo lang ito. Mamang-mama ka na anak. You're grown up young man already. I miss you." Gumanti nang yakap ang kaniyang ina. Hinagkan pa nga siya sa noo. Ang Mommy niyang natumbok agad ang dahilan nang biglaan niyang pagdating. Ganoon pa man ay ayaw niyang sirain ang masaya nilang atmospera. Kaya't masaya pa rin siyang tumugon. Lalo at nasulyapan niya ang ever supportive niyang abuela. His very kind and loving grandmother, Emerald Lewiston. "We'll talk that later, Mommy. I mean about sa bakasyon na iyan. For now, let's be happy po dahil nandito po ako. Nasaan pala si Macoy, Mommy?" aniya kasabay nang pagtanong. Kaso bago pa makasagot ang nangungulilang ina ay inunahan na ito ni MaAn. "Naku, Kuya, may pasok iyn ng maaga. Kaya't huwag mo nang hanapin. Ikaw, kuya, kumusta ka na?" patanong nitong sagot. "Gaya nang sinabi ko, Sis, okay lang ako lalo at nandito ako sa piling ninyo nila Mommy, Daddy , Macoy at si Grandma. Let's celebrate dahil isa na akong ganap na piloto and one of this days ililipad ko kayong lahat sa eri. Hihiramin natin ang chopper nila Grandma Allien Grace( chopper ng Mckevin) at ako ang hahawak," masayang pahayag ni Allick Francisco. Sa narinig ay parang batang nagtatalon-talon si Maan. Halatang excited nang maranasan sasakay sa chopper at ang kapatid ang hahawak sa engine. At marahil ay hindi na sila mahintay ng abuela na lalapit ay ito na mismo ang sumabad. "We have our own, my dear Allick Francisco. Thee pilot of our family. Matanda man ako pero maari kong tawagan ang kaibigan ko na may-ari ng helipad. And later on, maglalabas ako ng pera upang makabili tayo ng sarili mong papaliparin at kami ang pasahero mo. Maybe not now lalo at wala si Macoy baka magtampo sa ating lahat. For now let's enjoy your time with us. And of course come closer to Grandma and let me hug you too." Nakangiti ito kasabay nang pagmuwestra sa mga braso. Kumalas siya sa ina saka mabilis na lumapit sa matanda. Niyakap niya ito ng buong higpit. Ang Lola niya na wala na yatang ginawa kundi ang suportahan at ibigay ang pangangailangan nila. Halos hindi pa nga umiinit ang puwet niya sa kanilang tahanan ay ang pagbili nito ng sarili niyang chopper ang sinabi. "I miss you, Grandma. Kagaya ni Mommy, walang kupas pa rin ang ganda mo," aniya kasabay nang pagyakap niya rito. "Sa akin nagmula ang Mommy mo, apo. Kaya't natural lamang na parehas kaming maganda." Dulot nang pangungulila sa apo na nawalay sa kanila ng limang taon ay hinaplos-haplos ng Ginang ang likuran ng bagong dating na apo. Naging masaya ang araw na iyon para sa kanilang lahat. Hinintay nilang dumating si Macoy saka sila muling lumabas upang mag-celebrate sa kaniyang pagdating at pagtatapos niya ng kaniyang aviation course. Isinantabi na rin niya ang pagsasabi sa mga ito na isang buwan lamang siya sa bansa dahil may training siya sa Oklahoma. Instead, nag-enjoy silang lahat sa pamamasyal na kung hindi pa umangal si Maan na may pasok na ito ay hindi pa sila nakaisip umuwi. They're having fun lalo at dumating ang nawalay sa kanila ng limang taon. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD