CHAPTER SIX

2334 Words
Nakahinga ng maluwag si Annabelle ng sa wakas ay nakarating siya ng Maynila. It was so tiring to have a very long trip, from Cagayan Valley to Manila. Para sa tulad niyang halos ayaw umapak sa siyudad ng Manila ay inis at umuusok ang bumbunan niya. "Kung hindi lang dahil sa seminar na ito hindi ako luluwas ng Maynila. Ano ba naman ito, ang sama ng amoy," himutok niya. Dahil paglabas na paglabas niya sa terminal ng bus. Kung tutuusin ay hindi naman niya kailangang ang mag-bus para sa kaniyang biyahe dahil may sarili siyang sasakyan. Regalo ng mga magulang niya noong nagtapos siya ng pag-aaral. Hindi man niya nakuha ang pinakamataas na marka sa kaniyang pagtatapos ay hindi rin siya nagpahuli. Dahil siya ang pumapangalawa sa pinakamataas na puwesto. "Miss, sakay ka?" tanong ng driver na napadaan. Subalit umiling siya kaya't umalis din ito. Dahil bihira din naman siyang lumuluwas kaya't pinakiramdaman muna niya ang paligid lalo at kaliwa't kanan ang mga nababalitaang pangyayari sa magulong siyudad. Kaso mukhang kamalasan yata ang humabol sa kaniya sa araw na iyon. "Ay wow! Bongga, Pare. Ang kinis niya oh," dinig niya. Ngunit hindi niya alam kung saan galing ang may-ari sa boses. "Kaso mukhang manang. Galing pa yata kung saang lupalop ng mundo," ani pa ng isa. Dito niya napagtanto na siya ang pinag-uusapan ng dalawa. Dahil lumingon-lingon siya subalit wala naman siyang nakitang ibang tao bandang kinaroroonan nila. "Mga hayop ang mga ito. Nais pa yata nila akong gawan ng masama," yamot niyang bulong dahil nakatingin sila sa kaniya. Inayos niya ang bag pack niya saka lumayo sa mga ito para makaiwas. Kaso sinundan naman siya kaya't mas sumibol ang inis sa puso niya. "Buwesit na mga taong siyudad na ito eh. Mga manyakis pa. Kung bakit ba kasi wala man lang napapadaan na sasakyan dito." Binilisan niya ang paglakadpalayo sa naturang lugar kaso gusto niya silang pagtitirisin dahil sumunod pa sila sa kaniya. But the more she walks faster, the more they chases on her. Kaya naman nakaisip siya ng paraan upang makatawag siya ng pansin sa mga mangingilan-ilang taong dumaraan doon. "Hoy kayong dalawa bakit n'yo ako sinusundan? Siguro may balak kayong masama sa akin ano?!" sigaw niya sa mga ito. "Oh Pare, mas maganda pa pala siya sa malapitan ah. Yummy it, Pare." Mas nainis pa siya dahil hinimas-himas pa ang nila ang tiyan na halatang takam na takam sa kaniya. "Pero mukhang taga probinsiya ito, Pare. Tingnan mo naman ang kutis parang nasunog sa araw." Tumawa nang nakakalokong tawa ang isa kaya't mas nainis siya. Kumukulo talaga ang dugo niya sa mga ito. "Gago! Bakit mapapaligaya ka ba ng kaputian? Tandaan mo ang kaligayahan mo ang nakasalalay dito hindi sa kulay 'tado. Mabuti nga ang taga probinsiya. Dahil siguradong birhen hindi kagaya ng taga rito sa siyudad na puro wasak ang banga." Itinuro pa nito ang ibabang bahagi ng katawan. Sa pag-uusap ng dalawang manyakis sa harapan niya ay abala rin siya sa pag-iisip ng gagawin niya. Aba'y sayang lang ang mga itinuro ng mga pinsan niyang nasa linya ng pagkaalagad ng batas kung hindi niya magagamit. Isang bag pack lang ang dala niya kaya't kayang-kaya niya iyong dalahin. "Kita mo, Pare. Napapangiti na natin ang ating pagkain," dinig niyang muli na wika ng lalaki. In her mind, idinadalangin niyang may mapadaan sa kinaroroonan nila. Napangiti lang naman siya dahil nakapa niya mula sa likod ng bulsa niya ang ballpen at gunting. Dala-dala niya ang mga iyon kahit saan man magpunta lalo na kapag harvest time sa palayan ng pamilya nila. "Hmmm, gusto n'yo ba ang ligaya? Sige papayag ako pero dapat isa-isa lang. Aba'y tingnan n'yo nga naman ang sarili ninyo baka naman mamatay ako sa laki ng itinatago n'yo riyan?" patanong niyang wika. Subalit sa isipan ay kumukulo ang dugo. Hindi pa siya nagkaroon ng kasintahan simula't sapol ngunit hindi naman siya nagmamadali para sa "langit" na tinutukoy ng mga gago. At mas wala siyang balak isuko ang sarili nang ganoon na lamang. Dahil maniniwala pa rin siyang ang bagay na iyon ay para sa lalaking maghaharap sa kaniya sa altar. "Huwag kang mag-alala, Miss. Dahil mamatay tayo sa sarap. Halika na at tayo muna, siya ang magbabantay sa atin habang bibiyahe tayo," nakangising sabi ng lalaki saka lumapit at sinunggaban siya. Iyon naman ang hinihintay niyang pagkakataon. Agad niyang isinaksak ang hawak na gunting sa likod ng pangahas. Hindi porket isa siyang probinsiya ay maari na siyang gawan ng ganoon na lamang. Magkakamatayan sila kung magpupumilit sila. "Adelantada!" sigaw ng lalaki saka akmang babawi. Ngunit hindi ito nagwagi dahil tinuhuran naman niya ito at saka muling sinaksak. Talagang makakapatay siya ng walasa oras kapag magpatuloy sila sa paghabol sa kaniya. "Pare! Tulong ah---" tawag nito sa lalaking watch out sana na buong akala'y umuungol ang kasama dahil sa sarap. Kaya naman ay sinamantala rin niya ang lumapit dito. "Ayaw ko ng sabay, Pare. Dahil gusto kong buong-buo ang pagpasok ng akin---" Subalit hindi na nito natapos ang sinasabi. Dahil paglapit na paglapit niya rito ay agad niyang isinaksak ang hawak na gunting sa likuran nito. Wala nang ibang pumasok sa isipan niya sa oras na iyon kundi ang mawala sa landas niya ang mga talipandas. May lakad siya kaya nga napaluwas siya sa magulong siyudad ng Manila kaso ang mga lintik ay inabala na siya. "Mga gago kayo! Kahit probinsiya ako kung tawagin ninyo pero hindi ako basta-basta pumapatol sa mga adik at manyakis!" sigaw niya kasabay nang pagsaksak sa isa pang lalaki sa hawak niyang gunting. Tatlong beses niya iyong isinaksak sa likuran nito. Pagsasaksakin pa sana niya ang mga ito pero biglang nakarinig ng papalapit na sasakyan. At saka pa lang niya naisip na paano siya makakadalo sa seminar ng agriculture kung mapapatay niya ang mga ito. Samantala, habang papunta sa trabaho ang mag-asawang Pierce at Jannelle. "Oh asawa ko, bakit tumigil ka?" maang na tanong ng huli sa asawa. "Mukhang may kaguluhan. Dito ka lang, ako na ang lalapit sa kanila upang alamin ang nangyayari," sagot ni Pierce pero ang mata ay nakatutok sa dalawang lalaking nakayuko. Samantalang ang babaeng naka-bag pack ay abala sa hindi nila mawari kung ano ang ginagawa. "Huwag na asawa mo mamaya eh madamay ka pa diyan." Pigil ni Jannelle sa asawa. Subalit sabi nga nila ang taong matulungin ay hindi ipinagkakait ang tulong. Lumabas at lumapit ito sa mga mga taong parang nagkakarambola. Then... "Mga tarantado kayo hindi porket probinsiya ako ay maari n'yo na akong bastos-bastusin! Sana mamatay na kayo!" dinig niyang sabi ng babae. "Wait lang, Miss. Bakit anong nang---" kaso hindi na natapos ni Pierce ang pagtatanong sana dahil sa pag-ikot niya ay agad niyang namukhan ang bunsong anak ng kaibigan niya at pamangkin pa ito mg mahal niyang asawa. "What are you doing here, Annabelle? Who are those two men?" bagkus ay tanong niya. Sa narinig ay agad napalingon o mas tamang sabihin na humarap ng husto ang dalaga sa nagsalita at nakahinga siya ng maluwag nang mapagsino ang nagsalita. "Papa! Huliin mo ang mga iyan. Gusto pa nila akong gahasahin." Pagsusumbong niya habang nakaturo ang palad sa dalawang lalaki na nakayuko. Wala siyang pakialam kung matuluyan sila. Buti nga sa kanila iyon eh! Mga manyakis at mapagsamantala pa! Dahil hindi mahintay ni Jannelle ang asawa ay sinundan niya ito. Kaso laking gulat niya nang mapagsino ang babae. Walang iba kundi ang bunsong anak ng kambal niya. "Hey Annabelle iha, what are you doing here? Who are those men?" agad niyang tanong dito. "Ah Mama, maari bang saka na lang ako magpaliwanag. Maghahanap pa sana ako ng matutuluyan ko na malapit sa Agrarian Office. Pero dahil nandito na po kayo ni Papa eh sasama na lang ako sa inyo." Umuusok ang ilong nito na humarap sa kaniya. Patunay lamang ang pamumula at pagkalukot ng mukha nito. "You're here in the City not in the province, Iha. Bakit hindi ka kasi nagsabi na darating ka para pinasundo kita sa Kuya mo or sa Ate mo or any of us. Ayan tuloy muntik ka nang mapahamak. Sa liit mong iyan ang lakas ng loob mong maglakad sa ganitong lugar. Hala, halika na sa sasakyan, hayaan mong ang Papa mo ang mag-asikaso sa mga iyan." Hindi mawari kung nanenermon ba o nang-aasar siya sa pamangkin. Aba'y kay liit nito ngunit ang lakas ng loob na maglakad sa hindi mataong lugar samantalang nasa siyudad ito. Sa pamilya nila ay ito lang yata ang nahumaling sa agriculture. Sa edad nitong bbiyente-siyete ay marami na itong napatunayan tungkol sa agrikulura. Iyon nga lang ay ihinambing na yata ang buhay sa probinsiya at siyudad na kahit mag-isa ay walang problema. Nasanay na kahit mga kalalakihan ang tauhan sa palayan nila ay tiwala itong pagala-gala sa buong kabukiran. Wala naman kasing nangangahas na saktan ito dahil kilalang-kilala nila ito bilang maawain at matulunging tao. "Si Mama naman eh. Alam mo naman pong ayaw na ayaw ko ang nangdidisturbo kaya hindi ako nagpasabi. Saka iyon naman po kasi ang kadalasan kong ginagawa. Ang mag-bed space sa malapit kung saan gaganapin ang seminar kaso may mga sira-ulong manyakis na nakasunod ayan tuloy umagang-umaga eh muntik pa akong makapatay. Pervert!" Ayun at lumabas ang init ng ulo. Kaya naman ay tuluyan nang napahalakhak si Janelle. Magpapatuloy pa nga sana siya sa panenermon sa pamangkin kaso naunahan siya ng mahal niyang asawa. "Huwag kang mag-alala, anak. Dahil hindi pa mamatay ang mga iyan. Nagkataon lang na nasaksak mo sila. Total late na kami ng Mama mo ay hintayin na lang natin ang mga police na dadampit sa kanila and they need you there for your explanation. But as of now doon muna kayo sa sasakyan ng Mama mo," anito. But! Upon hearing about police and her testimony, she stood still. "Oh, what's your problem again?" tanong ni Janelle sa pamangkin dahil hindi nakaligtas sa kaniya na natigilan ito. "Mama, makukulong po ba ako?" She asked instead. "Of course not, my dear. You just need to give the policeman your testimony. Just to justify that you are free of charge. Iyan nag sinasabi nating depensa. Dinepensahan mo lamang ang iyong sarili sa kanila. Don't worry, hindi namin hahayaang makulong ka." Nakangiti niya itong tinapik-tapik sa balikat. Natakot na yata dahil sa pagkabanggit ng asawa niya sa police. "Sige po, Mama. Pasensiya na rin po sa abala. Kung hindi lang sana manyakis ang mga iyan disin sana ay hindi ako nagkasala na wala sa oras." Ingos ng dalaga. "Kung hindi mo lang sana ihinalintulad ang buhay probinsiya at siyudad hindi mo iyan mararanasan anak. Pero nangyari na ang lahat kaya't wala na tayong magagawa sa bagay na iyan. Basta sa susunod na luluwas ka ay magpasabi ka para masundo ka namin. Huwag mo nang isipin an mag-bed space dahil marami ka namang matutulugan sa bahay. Kung sasakyan ang kailangan mo ay maari mo namang gamitin ang sasakyan ko para hindi ka na makipagsiksikan sa kalsada." Pangaral pa niya rito. Hindi na siya sumagot dahil alam niyang may katutuhanan ang mga binitawan nitong salita. Tama naman ang sinabi ng tiyahin kaya't hindi na siya sumagot. Iyon nga lang ay hindi siya sigurado kung matutupad niya ang mga ito. Dahil hindi lang naman sa mismong Maynila nagaganap ang seminars na dinadaluhan niya. Siya ang kinatawan ng Agrarian Department sa Cagayan Valley kaya't sa tatlong taon niya sa departamento ay marami na siyang napuntahan. Even she was in Vietnam a year ago for the agrarian meeting. Even in Bangkok Thailand, and recently she was in Cairo Egypt for agricultural meeting. Hindi nga nagtagal ay dumating ang tinawagan ni Pierce na police, agad namang nagpaliwanag ang dalaga o si Annabelle kaya't hindi na siya isinama sa ng mga ito sa headquarters bagkus ay isinama siya ng tiyahin at tiyuhin sa kanilang tahanan. "Alma! Alma!" malakas na pagtawag ng tiyahin niya sa right hand ng Ate Rennie Grace niya. "Nasaan ang sunog, Ate?" sagot at tanong pa nito. Nagaya na yata sa pinsan niyang walang nakakatalo sa kasutilan. Ayon sa mga ito ay dugong Aguillar/Abrasado raw kasi kaya sutil. "Nasa karagatan ang sunog, Alma. Halika rito at iyong samahan ang Ate Annabelle mo sa dati niyang tinutulugan," tugon ng tiyahin niya. "Sureness, Ate." Tinanguan naman nito ang tiyahin niya saka bumaling sa kaniya. "Miss Beautiful, halika ka nasa taas. Doon ka na magpahinga. Huwag kang mag-alala dahil wala si Ate Rennie Grace kaya't walang sisigaw ng pangalan ko," anito. Close na close agad sa kaniya. Tuloy, bahagya niyang nakalimutan ang nangyari sa labas. Susunod na nga sana siya rito kaso nagsalita naman ang tiyahin niya. "Huwag kang mahiyang magsabi ng kailangan mo anak. Feel at home. Kung gusto mo ay magpasama ka sa kaniya sa lakad mo. Itatawag ko na lang sa Ate mo. Nasa trabaho na iyon saka may sariling anino iyon," anito. "Tama ang Mama mo anak. Huwag mo nang ulitin ang mag-isa sa labas. Sa panahon ngayon ay wala na yatang matinong nangyayari sa mundo. You need to be very careful," segunda ng Papa Ninong niya. Best friend ito ng Daddy niya at asawa ng kambal nito. "Opo, Mama, Papa." Tumango-tango niyang pagsang-ayon sa mga ito bago humarap sa dalagang hindi yata marunong sumimangot. Tahimik siyang sumama rito. Tatlong guest rooms ang nasa ikalawang palapag sa bahay ng tiyahin niya. At isa na roon ang tinutulugan niya. Mayroon din sa baba ngunit ang mga best buddies ng Papa Ninong niya ang gumagamit. "Salamat." Pasasalamat niya sa dalaga. "Walang anuman, Ate Anna. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka. Sige na po babalik na ako sa baba," nakangiti pa rin nitong sagot. Hindi na siya sumagot bagkus ay tumango-tango na lamang siya. Hinintay niyang nakababa ito bago siya pumasok at agad na nahilata sa malambot na higaan. Hindi niya alam kung nakatulog ba siya o talagang napalalim ang pagmumuni-muni niya dahil napabalikwas siya nang marinig ang boses ng Ate Rennie Grace niyang mas siga pa sa kapatid nito. Kaya nga kapre and tawag dito mg Kuya Reynold Wayne niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD