Nang magising si Valentina, umunat- unat muna siya bago tuluyang bumangon sa kaniyang kama. Napakagat labi siya nang maalala ang kuwentuhan nila ni Simon noong sinamahan siya nitong magpahangin kagabi. Base sa mga sinabi sa kaniya ni Simon, halatang mahal na mahal ni Simon ang yumao niyang asawa. At sa tingin niya ay talagang faithful na asawa naman ito. Lalo na noong sinabi ni Simon na wala siyang balak na mag- asawa pang muli kahit wala na ang asawa niya. Dahil para kay Simon, isa lang ang asawa niya at babaeng mamahalin niya.
Malabo pala na magkagusto sa akin si sir Simon dahil iisang babae lang ang nasa puso niya. Hayaan na nga. Crush ko lang naman siya. Paghanga lang naman ito na mawawala rin.
Tuluyan na siyang bumangon at saka niligpit ang kaniyang pinaghihigaan. At nang matapos siya pagliligpit, bumaba muna siya sa kusina upang magkape. Maaga pa. At talagang nasanay siyang maaga magising. Maaga sa oras na sinabi sa kaniya kung anong oras siya dapat magigising upang magsimulang magtrabaho.
Nang matapos niyang magkape at kumain ng tinapay, bumalik na siya sa kuwarto niya upang maligo na. Inayos niya ang kaniyang itsura bago lumabas ng kuwarto. Nagwalis muna siya sa bakuran at garahe. Pagkatapos ay nakita na niyang nagising na si Angela pero hindi na muna niya ito nilapitan dahil diniligan na muna niya ang mga halaman. At nang matapos siya sa kaniyang ginagawa, naisipan na niyang lapitan si Angela dahil may itatanong siya dito.
"Angela... may tanong ako sa iyo..." sabi ni Valentina nang lapitan niya ang dalaga.
"Oh bakit? May chika ka ba diyan?" Tila excited namang sabi ni Angela.
Tumawa naman si Valentina. "Mukha ka talagang chika! May itatanong lang sana ako."
"Ano naman iyon?" kunot noong sabi nito.
Tumikhim naman si Valentina. "Ilang taon na ba si sir Simon? At anong masasabi mo sa ugali niya? Base sa experience mo dito sa bahay niya bilang kasambahay?"
"Ang sabi sa akin ng yaya ni Jamaica, forty one na raw si sir Simon at ang masasabi ko lang sa kaniya, sa ugali niya ay mabait siya. Mabait naman talaga na parang ano... masungit? Pero hindi naman totally masungit. Ano kasi ang hirap i- explain pero alam mo iyong kapag kakausapin ka niya? Tapos parang medyo nakakatakot na hindi ko maipaliwanag na parang dapat tama lahat ng isasagot mo sa kaniya. Ganoon..." paliwanag ni Angela sa kaniya.
Tumango naman si Valentina. "Parehas pala tayo ng nararamdaman kapag nandiyan siya. Oo mabait siya na parang nakakakaba 'no? Kaya kapag kinakausap niya ako, sinisigurado ko talagang tama ang sinasabi ko o ang gagawin ko. Tapos iyong tingin niya parang tumatagos sa buto 'no? Parang may ibig sabihin na kapag tiningnan ka lang niya, dapat hindi ka patanga- tanga..."
"Ay tumpak ka diyan, girl!" sabi ni Angela sabay palakpak.
Akala ko ako lang ang may nararamdaman na ganito pero parehas pala kami ni Angela.
Bumuntong hininga si Valentina. "Pero mabait siya. Medyo nakakatakot lang na ewan..."
"Oo pero bakit mo pala naitanong? Hindi mo na ba gusto dito dahil sa kinakabahan ka kapag nakakausap siya? Balak mo na bang umalis dito? Hahanap ka na ba ng ibang trabaho?" sunod- sunod na tanong ni Angela sa kaniya.
Agad namang umiling si Valentina. "Loko, hindi! Natanong ko lang sa iyo kasi gusto kong malaman kung parehas ba tayo ng nararamdaman kapag kausap si sir Simon."
"Ah okay, okay akala ko aalis ka na eh," ani Angela sabay tango- tango.
"Hindi 'no. Kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko ng pera para maibigay kina mama ko at sa kapatid ko..." sagot naman ni Valentina.
Naging abala na sila sa kanilang ginagawa. Nagpunta na sa likod ng bahay si Angela upang asikasuhin ang kaniyang mga lalabhan na damit habang si Valentina naman ay naging abala sa paglilinis sa malawak na sala ng bahay ni Simon. Habang naglilinis niya, nakatanaw mula sa taas si Simon at pinagmamasdan ang dalaga. Naalala niya ang naging kuwentuhan nila kagabi. At napahanga siya ng dalaga dahil sa pagiging masipag nito.
Bakit ba natatagpuan ko na lang ang sarili ko na tinitingnan ang babaeng ito? Bakit parang naaakit akong titigan siya sa mahabang oras? Mali ito. Hindi ako dapat nagkakaganito sa isang babae dahil ipinangako ko na ang yumaong asawa ko lang ang mamahalin ko. At siya lang ang magandang babae sa paningin ko.
Naisip ni Simon na hindi na dapat pa mas maging malapit ang loob niya kay Valentina dahil wala naman talaga sa plano niya na buksan ang kaniyang puso sa ibang babae. Kahit na pinipilit siya ng kaniyang anak na magmahal ulit upang magkaroon ito ng pangalawang ina, ayaw niyang palitan ang yumao niyang asawa. At alam niyang maiintindihan din ni Jamaica ang tungkol doon.
"Valentina...." tila kulog ang tinig ni Simon nang tawagin niya ang pangalan ng dalaga kaya naman bigla itong kinabahan.
"B- Bakit p- po, S- Sir?" nauutal na sabi ni Valentina kasabay ng pagkabog ng kaniyang dibdib dahil sa matinding kaba.
Humingang malalim si Simon bago nagsalita. "Ayusin mo lang ang paglilinis mo dito, ha? At kung sakali sana, huwag ka ng lumabas pa sa gabi. Bakit ba labas ka nang labas? Hindi ka ba komportable sa kuwarto mo?"
Napalunok ng laway si Valentina dahil nakaramdam na siya ng takot. "O- Opo sir... aayusin ko po. At k- komportable naman po ako sa kuwarto ko. N- Nagpapahangin lang po talaga ako sa l- labas. Pero huwag po kayong mag- alala, h- hindi na po ako lalabas," wika niya sabay yuko. Nakagat niya ang kaniyang pang ibabang labi dahil sa kaba.
Nakakatakot naman siya! Parang may nagawa akong malaking kasalanan! Blangko lang ang mukha niya pero nakakatakot na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon!
"Okay sige," tipid na sabi ni Simon bago umalis sa harapan ni Valentina.
Nakahinga naman siya nang maluwag dahil wala na sa kaniyang harapan si Simon. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa at pilit na inalis sa kaniyang isip ang pagiging masungit ni Simon.
Habang si Simon naman ay bumuga nang hangin nang makapas9k siyabsa kaniyang sasakyan. Nakaramdam siya bigla nang awa para kay Valentinan nang makita niya ang takot sa mata nito nang kausapin niya. Na para bang natakot ito ng sobra sa kaniya kaya hindi na siya nagawa nitong tingnan at yumuko na lamang.
"D amn!" bulyaw niya sabay hawak sa kaniyang sintido.
Hindi... hindi dapat ako maawa sa kaniya dahil tama lang naman ang ginagaw ako. Tama lang na hindi ako mapalapit sa kaniya. Tama lang ito. Na maging masungit ako sa kaniya dahil baka matagpuan ko na lang ang sarili ko na may nararamdaman na pala sa kaniya at iyon ang ayokong mangyari.