5

1100 Words
"Pakitimpla ako ng kape," utos ni Simon sa dalagang si Valentina. Agad naman itong sumunod. Kasalukuyang nasa kaniyang mini office si Simon sa loob ng kaniyang bahay at inaasikaso ang mga dapat niyang aprobahan sa kaniyang kompanya. Hindi naman siya mahilig sa kape. Isang timpla nga lang ng kape ay ayos na sa kaniya pero ipinagtimpla na siya ni Valentina ng dalawang beses. At kaya niya iyon ipinagawa sa dalaga ay dahil nais niya itong makita sa loob ng kaniyang opisina habang may ginagawa siya. "Sir... ito na po ang kape ninyo..." magalang na sabi ni Valentina nang ibigay niya ang kapeng naitimpla niya. "Good. Salamat," tipid na sambit ni Simon na pasimpleng pinagmasdan ang dalaga. Susubukan ko muna ang sarili ko kung ano ang mararamdaman ko kapag napapalapit sa akin ang babaeng ito. At kapag nalaman ko na may iba na pala akong nararamdaman, kailangan ko na s'yang paalisin sa pamamahay ko. Mabilis na lumabas ng kaniyang opisina si Valentina nang maibigay niya kay Simon ang kape na ipinatimpla nito. Pagkatapos ay agad siyang kumuha ng walis at dustpan upang makapalinis na. "Oh bakit ganiyan ang itsura mo?" natatawang sabi ni Angela kay Valentina. Ngumiwi si Valentina. "Wala naman. Nagpatimpla kasi sa akin si sir Simon ng kape. Dalawang beses na. Tapos ayon, kapag nag- uutos siya, talagang kinakabahan ako. Ayoko talagang magkakamali ako..." sabi niya sabay ngiti ng pilit. Natawa naman ng mahina si Angela. "Hayaan mo na. Baka ganoon lang talaga siya. Mukhang nakakatakot pero hindi naman. Mukhang masungit pero mabait naman. Eh 'di ba nga ang bait niya sa atin? Kaya galingan mo lang lagi sa trabaho mo at iwasan mo talagang magkakamali kapag inuutusan ka niya..." Bumuntong hininga naman si Valentina. "Hindi pa naman ako nagkakamali at natatakot akong magkamali. Baka kasi hindi ko kayanin ang sasabihin niya kapag nagkamali ako. Baka bigla niya akong murahin." "Loka, hindi iyan! Mukhang hindi naman siya ganoon kalupit na amo. Oh sige na, magwawalis na muna ako sa taas. Ikaw na ang bahala dito sa baba," wika ni Angela bago umalis sa harapan ni Valentina. Nagpatuloy na si Valentina sa kaniyang ginagawa. At dahil masyado siyang naka- focus sa kaniyang ginagawa, hindi niya napansing nasa likuran na pala niya si Simon. Pinagmamasdan siya nito habang naglilinis. Talagang focus siya sa trabaho at hindi niya hinahanyaang magkamali. Kaya wala rin akong masabi sa trabaho niya dito. Malinis talaga ang bahay. Tumikhim si Simon kaya naman napaatras si Valentina at nagulat sa kaniyang pagsulpot sa likuran niya. "S- Sir... b- bakit po? May iuutos po ba k- kayo?" nauutal na sabi ni Valentina sabay lunok ng kaniyang laway. "Oo.... tapos ka na bang maglinis dito?" Agad na umiling si Valentina. "Hindi pa po, Sir. Kasisimula ko pa lang na maglinis." "Okay sige. Pagkatapos mong maglinis dito, pakilinis na rin sa loob ng opisina ko. Alisin mo ang mga alikabok sa mga cabinet doon. Basta, gusto ko ng malinis," may diing sabi ni Simon at sinadyang takutin ang dalaga sa pamamagitan ng kaniyang pananalita. "O- Opo, S- Sir..." natatakot na sabi ni Valentina. Tumalikod na si Simon at saka lihim na napangiti dahil nakita niya sa mukha ng dalaga ang takot nito sa kaniya. Bakit ba takot na takot siya sa akin? Mukha bang lalapain ko siya o mukha ba akong nakakatakot? Binilisan ni Valentina ang paglilinis ngunit sinigurado niyang malinis ito. Huminga siya ng malalim bago pumasok sa loob ng opisina ni Simon. Nagtama ang kanilang mga mata at agad na umiwas si Valentina nang tingin dahil pakiramdam niya, tumatagos sa buto niya ang tingin ni Simon. "Mag.... maglilinis na po ako, sir...." aniya at saka pilit na ngumiti upang hindi mahalata na kinakabahan na naman siya. Tumango lamang si Simon at saka itinuon ang kaniyang paningin sa mga dokumentong hawak niya. Habang si Valentina naman ay naging abala na sa kaniyang trabaho. Pinunasan niya ang bawat cabinet at inisa- isa ang mga libro at kung ano- anong nandoon sa cabinet para talagang pulido ang kaniyang linis at walang alikabok. At habang abala siya sa paglilinis, hindi niya alam na pinagmamasdan na siya ni Simon. At hindi napansin ni Simon na napatagal na pala ang pagtitig niya sa magandang mukha ni Valentina. Ano bang mayroon sa babaeng ito bakit parang kaya kong pagmasdan siya buong araw? Hindi naman siya sobrang ganda. Maganda lang siya. Mas maganda pa rin ang asawa ko. Humingang malalim si Simon at itinuon na ang kaniyang mata sa papel na hawak niya. Ngunit natatagpuan na naman niya ang kaniyang sarili na napapatingin sa dalaga. "F uck!" bulyaw niya kaya naman napatalon sa gulat si Valentina. "S-Sir... b- bakit po? May mali po ba akong nagawa?" naghihintakutan niyang sabi sabay lunok ng kaniyang laway. Tumitig naman sa kaniya si Simon sabay iling. "W- Wala. Wala kang maling nagawa," sabi nito sabay hawak sa kaniyang sintido. Huminga ng malalim si Valentina at binilisan na ang kaniyang paglilinis para makaalis na siya sa opisina ni Simon dahil kanina pa dumadagundong ang kaniyang dibdib sa takot at kaba na nararamdaman niya. Nakakainis naman! Parang May saltik ata itong si sir Simon! Bigla- bigla na lang magmumura! Nang matapos sa kaniyang paglilinis si Valentina ay agad na siyang lumabas ng opisina ni Simon. At doon, nakahinga siya ng maluwag. Agad siyang nagtungo sa kusina upang uminom ng malamig na tubig at maalis ang kaba sa kaniyang dibdib. Habang si Simon naman ay mariing napapikit dahil bigla siyang nawalan ng gana sa kaniyang ginagawa. Nawalan siya ng gana dahil wala na sa loob ng kaniyang opisina si Valentina. Kainis! Bakit parang ayaw kong mawala siya sa paningin ko? Nagkakaganito ba ako dahil sa pangungulila ko sa asawa ko? Siguro nga. Dahil kaboses niya ang asawa ko. Iyon lang iyon. Nagkakaganito ako dahil sa asawa ko. Lumabas ng kaniyang opisina si Simon at naabutang umiinom ng tubig ang dalaga. Nanlaki naman ang mga mata ni Valentina nnag makita si Simon na palapit sa kanya. "Valentina...." tawag nito sa kaniya. Hindi alam ni Valentina sa kaniyang sarili ngunit tila kay sarap pakinggan nang banggitin ni Simon ang kaniyang pangalan. "B- Bakit po, S- Sir?" aniya sabay kagat labi. Bumuntong hininga si Simon bago nagsalita. "Ma... m- marunong ka bang magmasahe?" Kumunot naman ang noo ni Valentina. "Ha? Marunong naman po." Ngumisi si Simon. "Good. Gusto kong masahiin mo ako. Ngayon." Napatulala na lamang si Valentina dahil sa sinabing iyon ni Simon. Agad na nawala sa kaniyang harapan si Simon dahil nagtungo na ito sa kaniyang opisina. Ano raw? Masahe? Grabe naman! Hindi lang pala ako basta kasambahay dito, masahista rin pala! Bahala na nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD