"Hala seryoso?" nanlalaki matang tanong ni Angela dahil hindi siya makapaniwala sa kwento ni Valentina sa kaniya.
Ngumiwi si Valentina. "Oo nga! Sobra nga akong kabado kasi baka mamaya, hindi niya magustuhan ang ginagawa kong pagmamasahe sa kaniya. Mabuti na lang, wala siyang reklamo. Napansin ko nga na parang pagod siya sa ginagawa niya. Kaya siguro nagpamasahe sa akin..."
"Sabagay, lagi naman siyang pagod kapag umuuwi. Minsan niya lang nakaka- bonding si Jamaica, 'di ba? Mabuti nga, nilalaro mo ang batang iyon. Sabik pa naman sa mommy iyon. Kaya siguro magaan ang loob niya sa iyo. Parang mas gusto niya na nga na ikaw ang kasama niya kaysa sa yaya niya eh!"
Kumamot si Valentina sa kaniyang ulo. "Iyon na nga kaya nahihiya ako sa yaya niya. Kasi dapat doon siya close kaysa sa akin. Kasi syempre, nakakahiya na kapag nandiyan ang yaya niya, sinasabi ni Jamaica na ako ang gusto niyang magsundo sa kaniya at maghatid sa school. Nagkakatinginan tuloy kaming dalawa ng yaya niya. Alam kong medyo masakit sa kaniya iyon kasi sa kaniya ng alaga niya..." sabi niya sabay hingang malalim.
"Eh hayaan mo na. Anong magagawa natin kung ikaw ang gusto ng bata? Wala tayong magagawa kaya hayaan mo na lang. Maiintindihan naman siguro iyon ng yaya niya..." sabi naman ni Angela.
"Iyon na nga... pero bahala na. Ang mahalaga naman ay nagagampanan ko ng maayos ang trabaho ko. At isa pa, nagpapalusot ako kay Jamaica na busy ako para hindi niya ako isama sa school niya," sabi naman ni Valentina.
"Oo ganoon na lang. Medyo iwas ka ng kaunti sa bata. Kaboses mo raw kasi ang mommy niya kaya siguro gusto niya na palagi kang kasama. Pero basta, huwag ka ng mahiya pa diyan dahil ikaw naman talaga ang gusto ng bata eh. At wala kang magagawa kun'di ang tanggapin iyon dahil nga sa naaalala niya siguro ang mommy niya. At nami- miss niya ito..." sabi pa ni Angela.
Hindi na umimik si Valentina pero nahihiya talaga siya sa yaya ni Jamaica. Matapos niyang linisin ang bawat kuwarto sa bahay na iyon, nagtungo siya sa labas ng bahay upang diligan ang mga halaman. Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ang nga naggagandahang bulaklak. Ang mga bulaklak na ito ay nakapalibot sa buong bahay ni Simon at marami pa sa likod bahay niya. Kaya naging abala si Valentina sa pagdidlig at hindi napansing dumating na pala si Simon.
"Nasaan si Valentina?" bungad na tanong ni Simon.
"Nasa labas yata, sir nagdidilig po ng halaman," sagot naman ni Angela.
"Bakit po, sir? May ipagagawa po ba kayo sa kaniya? Gusto niyo po bang masahe, sir?" dagdag pang sabi ni Angela.
Mabilis namang umiling si Simon. "Hindi.... hindi iyon ang iuutos ko," aniya bago nagpunta na sa labas ng kaniyang bahay.
Naabutan niyang nagdidilig nga ng halaman si Valentina. Pinagmasdan niya ito. At hindi maiwasang humanga sa gandang mayroon ang dalaga. Ang maganda nitong mukha ay tila ba nang- aakit. Dahilan para mapatitig sa kaniya si Simon nang ilang minuto.
"F uck..." sambit ni Simon nang mapagtantong kanina pa siya nakatingin kay Valentina kaya naman pumasok na lang siya sa kaniyang bahay at nagtungo sa kuwarto niya.
Hindi pa sana siya uuwi dahil marami pa siyang dapat asikasuhin sa kaniyang negosyo. Ngunit sumakit kasi ang ulo niya at bumigat ang pakiramdam niya kaya siya umuwi. Pinilit naman niyang maging okay pero iba ang bigat ng kaniyang pakiramdam. Huminga siya ng malalim bago mahiga sa kama. At sa kaniyang pagpikit, naisip na naman niya ang magandang mukha ng dalagang si Valentina kaya agad siyang napamulat.
Hindi na talaga maganda ito... masyado ng ginugulo ng babaeng iyon ang isipan ko. Mali na ito....
Susubukan sanang bumangon ni Simon ngunit nahilo lang siya kaya siya nahigang muli. Tuluyan na nga siyang nagkasakit dahil sa dami niya ring inaasikaso at madalas na napupuyat pa.
Habang si Valentina naman, nang matapos siyang maglinis ay nag- asikaso naman siya ng lulutuin niyang ulam para sa tanghalian. Habang abala siya sa pagluluto, lumapit sa kaniya ang yaya ni Jamaica.
"Valentina..." tawag nito sa kaniya.
"Yes po? May iuutos po ba kayo? Si Jamaica po?" mabilis niyang tugon.
"Wala naman at saka nakatulog si Jamaica. Napagod yata sa school. Eh si Sir Simon kasi nakita ko, mukhang hindi maganda ang pakiramdam. Kapag mga ganitong oras umuuwi siya ng bahay, madalas na hindi okay ang pakiramdam niya. Kasi palagi naman siyang gabi umuuwi. Tamang- tama ang niluto mong sinigang. Dalhdan mo siya ng sabaw sa itaas at ikaw na ang bahala sa kaniya...."
Agad namang tumango si Valentina. "Opo si, ate Pacing. Malapit na po itong maluto."
"Sige... babalik na ako sa kuwarto ni Jamaica..." sabi naman ni Pacing sabay alis.
Bumuntong hininga si Valentina bago itinuon ang kaniyang atensyon sa niluluto niya. At nang matapos siya sa kaniyang ginagawa, nagsandok siya ng tamang dami ng ulam bago maingat na naglakad patungo sa kuwarto ni Simon. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Nakahiga sa kama si Simon kung saan mapungay ang mata nitong nakatingin sa kaniya. Napalunok ng laway si Valentina dahil tila tumagos na naman sa kaniyang loob ang titig ni Simon.
"Ayos lang po ba kayo, sir? Nagluto po ako ng may sabaw na ulam natin ngayon. Kumain po muna kayo..." magalang niyang sabi sa lalaki.
Marahan namang bumangon si Simon at saka sumandal sa kaniyang kama. "S- Sige..." tipid na ngumiti si Simon matapos niyang sabihin iyon.
Maingat na sinusubuan ni Valentina ang lalaki at sinisigurado niyang hindi ito mapapaso. Hinihipan niya ng maigi ang mainit na sabaw upang hindi na ito ganoon kainit kapag isusubo na niya kay Simon. At habang abala siya sa kaniyang ginagawa, nakatitig lamang sa kaniya si Simon at naalalang muli ang kaniyang asawa. Na kapag may sakit siya, inaalagaan siya nito.
"Sir... uminom na po tayo ng gamot para hindi na lumala pa ang sakit niyo," wika ni Valentina matapos niyang pakainin si Simon..
Kinuha naman ni Simon ang gamot at isang basong tubig na inabot sa kaniya ng dalaga. Humingang malalim naman si Valentina habang nakatingin kay Simon.
"Magpahinga na po kayo, Sir. Mamaya po ay babalik ako dito upang i- check kung bumaba pa o tumaas ang lagnat ninyo..." sabi ni Valentina bago tuluyang lumabas sa kuwarto ni Simon.
Mariing napapikit si Simon habang inaalala ang mapupulang labi ng dalaga. Doon kasi siya nakatingin habang sinusubuan siya nito kanina. Napahilamos na lamang siya bago tuluyang humiga dahil naiinis na naman siya sa kaniyang sarili. Muntik na kasing hindi siya makapagpigil na mahalikan ang dalaga.
Ilang oras ang pinalipas ni Valentina bago bumalik sa kuwarto ni Simon upanh tingnan kung tumaas ba ang lagnat nito. Napangiti siya dahil hindi na ganoon kainit ang lalaki katulad kanina. Hinaplos niya ang pisngi nito at saka naupo sa tabi ni Simon. Umungol naman si Simon na tila ba nagising sa kaniyang ginawa kaya nagulat si Valentina at akma sanang tatayo ngunit bigla siyang hinatak ni Simon sabay yakap ng mahigpit sa kaniya.
Nakadagan tuloy ang dalaga sa matipunong katawan ni Simon habang yakap- yakap siya nito. Ngunit nakapikit pa rin ang mga mata ni Simon kaya naisip ni Valentina na baka nananaginip ito.
"Mahal na mahal kita mahal ko... huwag mo akong iiwan, please nagmamakaawa ako..." bulong ni Simon na mas lalo pang hinigpitan ang yakap kay Valentina..
Napakurap naman si Valentina at hindi nagawang makagalaw. Hindi niya alam kung paano makaaalis sa mahigpit na yakap ni Simon. Pero dahil sa kaniyang narinig, naisip niyang hindi na lang muna gumalaw at hayaan siyang yakapin nito. Mabilis na tumibok ang kaniyang puso na para bang kakapusin na siya ng hininga. At napatitig siya sa mapupulang labi ni Simon. Ilang beses siyang lumunok ng kaniyang laway habang nakatingin doon. Parang nang aakit ang labi ni Simon na halikan niya ito. At iyon ang unang beses na makaramdam siya ng ganoon dahil wala pa namang lalaki ang humalik sa kanya. Wala pang first kiss si Valentina.
At hindi namalayang dinampian niya ng halik sa labi si Simon.