7

1109 Words
Nanlaki ang mga mata ni Valentina dahil sa kaniyang ginawa. Agad siyang umalis sa kama ni Simon at saka binalot ng matinding ka ba dahil nagawa niyang halikan si Simon. Hindi niya sinasadyang gawin iyon dahil naakit siya sa mga labi niito. Bobo ko talaga shet! Bakit ko ginawa iyon? Bakit?! Nagpalinga- linga si Valentina upang tingnan kung may CCTV ba sa kuwarto ni Simon. Mabuti na nga lang at wala kaya naman tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto nito. Napansin naman ni Angela ang pagiging balisa niya. "Hoy, ayos ka lang? Pinagalitan ka ba?" tanong nito sa kaniya. Alanganing ngumiti naman si Valentina. "Ha? Ah ... eh hindi naman. Medyo alam mo naman... kapag nandoon ako sa kuwarto niya kapag kaming dalawa lang, kinakabahan talaga ako dahil baka magkamali ako at magalit siya," palusot niya sabay yuko. "Sabagay ganiyan din ako kapag inuutusan niya ako. Pero siguro wala naman tayong dapat na ikatakot dahil mabait naman siya. Mabait ang amo natin. Palagi natin iyong tatandaan. Mukha lang talaga siyang istrikto..." nakangiting sabi ni Angela. Tumango na lamang si Valentina bago inabala na lang ang sarili sa kaniyang dapat gawin. Nagtungo kaagad siya sa kusina at saka pinunasan ang mga hinugasang plato doon. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang maalala niya ang kaniyang ginawa. Sana lang talaga hindi malaman ni Simon ang tungkol sa ginawa ko sa kaniya. Sana tulog na tulog talaga siya.... dahil paniguradong pagagalitan niya ako kapag nalaman niyang ninakawan ko siya ng halik. Samantala, mabagal na iminulat ni Simon ang kaniyang mata. Kumurap- kurap siya at itinuon ang kaniyang paningin sa kisame. Ang bigat ng pakiramdam niya at ang init na niya. Bigla niyang naalala ang yumao niyang asawa. Kapag nagkakasakit siya, hands on ito sa pag - aalaga sa kanya. Binalot tuloy siya ng matinding lungkot kasabay ng paninikip ng kaniyang dibdib dahil sa pangungulila. Hanggang sa hindi niya namalayang tumulo na pala ang kaniyang luha. "Asawa ko... miss na miss na kita.... bumalik ka na please. I miss you so much...." bulong niya habang lumuluha. Marahan siyang bumangon at saka napatingin sa gilid kung saan may pagkain doon. Kumunot ang noo niya at naisip na baka inilagay iyon ni Valentina. Mabagal ang kaniyang pagkilos nang abutin niya ang pagkain sa kaniyang tabi. Humigop siya ng sabaw na mainit- init pa. Ramdam niya ang pagdaloy ng mainit na sabaw na iyon sa kaniyang lalamunan na talaga namang malinamnam at masarap. Napangiti na lamang siya at saka nagpatuloy sa paghigop ng sabaw. Mabuti na rin pala at nandito ang babaeng iyon. Kahit papaano, pakiramdam ko ay nandito pa rin ang asawa ko dahil magkapareho silang dalawa ng boses. Ngunit hindi ko hahayaan ang sarili ko na mahulog sa kaniya. Dahil nag- iisa lang ang asawa ko sa puso ko. Nang matapos kumain si Simon, ilang minuto muna siyang nagpababa ng pagkain bago muling humiga sa kama. Pinagpawisan siya dahil doon at medyo gumaan ang pakiramdam niya hanggang sa makatulog ulit siya. Habang si Valentina naman, matapos ang ilang oras na pinalipas niya, nagtungo na siya sa kuwarto ni Simon. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa loob ng kuwarto nito. Napangiti siya nang makitang naubos nito ang dala niyang pagkain. Hinaplos niya ang pisngi nito at nalamang bumaba na ang init nito sa katawan. Napakaguwapo talaga siya kahit na may edad na siya. Siguro maraming babae ang papansin sa kaniya pero hindi niya lang pinapansin dahil mahal na mahao niya ang yumao niyang asawa. Huminga ng malalim si Valentina bago iniligpit na ang pinagkainan ni Simon at lumabas siya ng kuwarto nito. PAGSAPIT NG GABI, hindi na naman siya makatulog kaya naisipan niyang lumabas ng bahay. Nagpahangin siya kagaya ng kaniyang ginagawa. Kapag kasi lumalabas siya at nagpapahangin, parang bigla na lang siyang aantukin matapos ang ilang minutong pagdama ng malamig na hangin sa kaniyang balat. Naisip niyang bigla ang guwapong mukha ni Simon habang nakatingin siya sa kawalan. Naisip niya kung paano kapag naging malalim ang paghanga niya dito? Nalaman niya kasi sa kaniyang sarili na may paghanga pala siya para kay Simon. At hindi lang dahil iyon sa kaguwapuhang taglay nito, kun'di dahil sa pagiging mabait nito kahit na mukha siyang istrikto o masungit. Hays.... crush ko lang naman siya. Hanggang doon na lang iyon. Malabo namang magkaroon ng damdamin ang lalaking iyon sa akin dahil kasambahay lang naman niya ako. Papasok na sana sa loob si Valentina nang mapaatras siya sa gulat dahil nasa likuran na pala niya si Simon. Nanlalaki ang kaniyang mga matang nakatingin dito. Habang si Simon naman ay walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. "P- Pasensya na po, sir kung naabutan niyo na naman ako sa labas. H- Hindi po kasi ako kaagad nakakatulog kaya nagpapahangin po muna ako...." nakayukong sabi niya habang pinaglalaruan ang kaniyang daliri. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Simon. "Ayos lang kahit na palagi ka ng magpapahangin dito. Siya nga pala, ikaw ba ang nagdala ng pagkain ko sa kuwarto kanina?" Nanlaki naman ang mga ni Valentina nang maisip na baka nalaman ni Simon na ninakawan niya ito ng halik. Binalot siya ng matinding kaba at pinagpawisan bigla kahit na malamig ang simoy ng hangin. "O- Opo, s- sir..." nauutal niyang sabi nang hindi man lang tumitingin kay Simon. "Salamat. Masarap ang niluto mong iyon. Ikaw nga ba ang nagluto?" Napaangat tuloy ng tingin si Valentina. "O- Opo, sir..." Gumuhit ang isang tipid na ngiti sa labi ni Simon. Napakurap naman si Valentina dahil doon. Bibihira niya lang kasing makitang ngumingiti si Simon. Parang ang damot nito kung ngumiti. At kung ngingiti man ito, maliit o matipid lamang. "Valentina...." tawag nito sa kaniya. "B- Bakit po, sir?" kinakabahang sabi niya. "Puwede bang.... puwede bang payakap ako? Binabalot na naman ako ng matinding lungkot dahil sa pangungulila ko sa aking asawa. At dahil magkapareho naman kayo ng boses, kahit sana sa sandaling minuto ay makasama ko siya sa pamamagitan mo..." puno ng damdamin na pakiusap ni Simon. Namilog naman ang mga mata ni Valentina. "Sige po, sir. Ayos lang..." "Salamat, Valentina..." nakangiting sabi ni Simon bago lumapit sa kaniya. Pinagmasdan muna siya nito ng ilang minuto bago siya niyakap ng mahigpit. Napalunok siya ng kaniyang laway nang madama ang mainit na yakap ni Simon. At hindi niya maiwasang mapapikit habang yakap- yakap siya nito. Na tila ba may sariling isip ang kaniyang braso at kamay na yumakap pabalik kay Simon. Nabigla naman si Simon sa ginawa ni Valentina na pagyakap sa kaniya pabalik ngunit napangiti na lamang siya. At kasabay no'n, ang mabilis na pagtibok ng puso ni Simon na animo'y mabibingi na siya sa lakas ng t***k nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD