HEARTLESS MAFIA 3

1771 Words
------- ***Vienna's POV*** - Hindi ako bayarang babae, I preserved my v*rginity para sa lalaking inilaan ng panginoon para sa akin, para sa lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako. Hindi ako humuhusga sa mga babaeng kayang ibenta ang sarili para sa pera. Sariling desisyon nila ang ginagawa nila, isang desisyon na hindi ko kayang gawin para sa sarili ko. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para matakasan ko ang masamang plano sa akin ng sinasabing Dylan Saavedra ni boss. Hindi ko maatim na makipagtalik sa lalaking hindi ko kilala at mamatay tao pa. "Magdesisyon ka na Vienna, hindi mo pwedeng pinaghihintay ang isang Dylan Saavedra. His time is like a billion to him, wasting even a second of it means you are indebted a lot to him." Ano bang klaseng tao ang Dylan na ito at kung makaasta ito ay parang pagmamay- ari na nito ang lahat? Na para bang kailangan mag- adjust ng lahat ng tao para dito? Pero hindi ako. Hindi ako papayag na pati ako ay gawin kasangkapan ng mapanganib na laro na nilikha nito mismo. "B- Boss----" ani ko sa boss ko habang sapo ko ang puson ko. "Anong nangyayari sayo?" tanong ni boss sa akin. "Ang sakit ng puson ko boss. Ang sakit talaga! Ahhh----" sumisigaw na ako habang sapo ko talaga ito. Pero nagkukunwari lang talaga ko. Hindi masakit ang puson ko. Ito lang ang naisip kong paraan para matakasan ang plano sa akin ng sinasabi nitong Dylan Saavedra. "Ang sakit!" umiiyak na ako kaya napalapit na rin sa akin ang ilan sa mga kasamahan ko. Hindi pa ako nakuntento, umakto pa ako na nahihimatay ako. Sanay akong gawin ang bagay na ito. Sanay akong umakting dahil kasali ako sa drama club noon. Pangarap ko talagang maging artista pero sabi ng isang director sa akin, dahil daw sa mestiza ako at matangkad kaya maraming role talaga na hindi nababagay sa hitsura ko, hindi daw ganun kabagay sa akin ang maging artista, yong tipong mahirap at inapi- api, bagay daw sa akin ang maging beauty queen. Naramdaman ko ang pagkarga ng kung sino sa akin. Bahagya kong ibinuka ang mga mata ko para malaman sa kung sino ang kumarga sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang nakita ko si Aljon na siyang kumarga sa akin at inilapag nya ako sa isang kama. Isang bouncer dito sa night club si Aljon, siya ang madalas na magliligtas sa akin sa tuwing may customer na gusto akong bastusin. Magaan ang loob ko sa kanya dahil sa kaibigan ko sya. Nang nailapag na nya ako sa kama, agad kong ibinuka ang mga mata ko. "Aljon---" "Vienna, mabuti naman at nagising ka na. Ano ba talaga-----" "Hindi naman talaga ako totoong nahimatay eh!" pag-amin ko dito. "Ano? Pero bakit? Bakit kailangan mong magpapanggap? Alam mo naman na iba pag magalit si boss." halata ang pagkaalala sa tinig nito. "I need your help. I need you to cover for me, Aljon. Kailangan ko lang talagang makaalis ngayon din." nakikiusap ang titig ko dito. "Ano? Pero bakit?" kunot- noo ito. Napalunok muna ako bago magsalita. Natatakot naman talaga ako. At parang natutuyo ang lalamunan ko dahil sa takot na naramdaman ko. "Kailangan kong takasan si Dylan Saavedra." "Dylan Saavedra. God! Ano bang nagawa mo sa lalaking ito Vienna? You don't know how dangerous he is. He is cruel and heartless. They said that killing people is just a natural thing for him, para lang siyang pumapatay ng ipis sa tuwing pumapatay siya ng tao. What did you do to him?" "He asked me in a private room, Aljon. I can't do it." Sandaling tumitig sa akin si Aljon, saka sya bumuntong- hininga kalaunan. "Fine, I'll cover for you, Vienna. Sasabihin ko na sinundo ka ng kapatid mo para dalhin sa hospital. Dyan ka sa likod dumaan. Mag- ingat ka Vienna. Mas madilim ang eskinita na dadaanan mo at maraming tambay na naglalasing.Kung pwede pa lang kitang ihatid hanggang sa sakayan ay gagawin ko pero baka magduda na si boss." "Salamat Aljon. Don't worry kaya ko ang sarili ko. Mag- iingat ako." Inihatid muna ako ni Aljon sa likod na pintuan dahil nasa kanya ang susi dito. Nagpaalam din ako sa kanya agad nang tuluyan na akong nakalabas. Tama nga ang sinabi sa akin ni Aljon, madilim ang eskinita na dadaanan ko. Paliko- liko hanggang sa nakita ko na ang labasan. Pero hindi pa talaga labasan kung saan pwede na akong makasakay, kailangan ko pang maglakad ng kunti. Hindi na ganun kakitid ang daan pero madilim pa rin. Mayamaya lang, napayuko ako nang may tatlong lalaki akong nakasalubong. Bigla akong kinakabahan sa mga ito. Wala sa plano ko na huminto sa paglalakad pero hinarangan ako ng mga lalaking pasalubong sa akin. Kaya hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanila. Sobrang pula ng mga mata nila na parang mga adik. Pinalinga ko ang aking mga mata, walang ibang tao sa paligid kundi ako lang at ang tatlong ito, at hindi ganun kaliwanag ang lugar. "Pare, swerte natin, ang ganda nito." nakangising sabi ng isa. Hinagod ako ng tingin saka ito napadila na parang natatakam sa isang masarap na pagkain. "A- Anong kailangan nyo sa akin? Padaanin nyo ako!" Aminado ako na natatakot na talaga ako. "Paliligayahin mo muna kami bago ka makadaan dito sa teritoryo namin." nakangising sabi ng isa. At nagtawanan ang tatlong lalaki. Hindi ako dapat magpadala sa takot ko. Kailangan kong makalayo sa mga lalaking ito. Humakbang ako, pero hinarangan ako ng isa. Sa kabila ako humakbang pero humarang din ang isa sa akin. Hindi ako makadaan dahil hinarangan nila ako habang nagtatawanan sila. Paulit- ulit ang sambit ko sa pangalan ng panginoon. Hiniling ko na sana makawala ako mula sa mga lalaking ito at maligtas ako mula kapahamakan. Nanginginig na ako sa takot. Napaatras ako nang humakbang sila palapit sa akin. Kitang- kita ko ang matinding pagnanasa sa kanilang namumulang mga mata. Napatigil ako sa pag- atras nang wala na akong maatrasan. Nasa dead end na kasi ako, isang sementadong pader ang nasa likod ko. "Hawakan nyo, ako ang mauuna dahil ako nakakita sa babaeng ito." nakangising sabi ng isa. Ginawa naman ng dalawa ang sinabi ng lalaki. Walang kahirap- hirap na nahawakan ako ng dalawa, nagpupumiglas ako, pinilit kong makawala sa mga ito pero malalakas ang mga ito at hindi ko magawang kumawala. Nagsisigaw ako, nag- iiyak na pakawalan nila ako. Natatakot ako, pakiramdam ko, ito na ang katapusan ko. Pero pinagtatawanan lang nila ako. Tuwang- tuwa sila sa ginawa nila sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata nang nagsimula ng maghubad ang isa sa mga lalaking humarang sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mayamaya lang, naririnig ko na parang may mga kaluskos at parang wala nang nakahawak sa akin. Kaya ibinuka ko ang mga mata ko. At sobrang panlalaki ng mga mata ko nang nakita ko ang tatlong lalaki na nakahandusay na sa lupa, duguan ang mga ito. Isang lalaki ang nakatalikod mula sa bungad ko ang nakita ko rin, alam kong ito ang nagpabagsak sa mga lalaking gusto akong gawan ng kasamaan. "No one is allowed to touch of my gatita!" ani ng lalaking nakatayo at mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa takot nang nakita ko ang hawak na baril nito at napasigaw ako nang binaril nito sa ulo ang tatlong lalaki. Mas lalo akong nanginig sa sobrang takot. Hindi ko lubos akalain na masaksihan ko ang ganitong karahasan. Agad naman napaharap sa akin ang lalaki at mas lalo akong nakaramdam ng takot. Takot na hindi ko na kayang ipaliwanang nang nakita ko na naman ang kanyang mabangis na titig na parang titig ng isang mabangis na agila. Gusto kong tumakbo. Gusto kong tumakas. Pero hindi ko man lang kayang ihakbang ang mga paa ko, sobra akong naninigas. Ang lakas ng t*bok ng puso ko nang humakbang siya palapit sa akin. Mas lalo akong napaatras at para na akong idinikit sa pader. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa akin. He is pinning me against the wall. My heart pounded in my chest, each beat echoing the panic rising within me. The cold brick wall pressed against my back, a stark contrast to the heat radiating from his body as he pinned me in the wall. I could feel the strength in his grip, firm yet not painful, as if he was asserting his dominance while still holding back. His face was inches from mine, his breath warm against my skin. I couldn't tear my eyes away from his, those deep, piercing eyes that seemed to see right through me. They were dangerous, a predator's gaze, and I was the prey caught in his snare. He leaned in closer, his lips brushing against my ear as he spoke in a low, gravelly voice. "You're scared," he murmured, a hint of satisfaction in his tone. "Good. You should be. Escaping from me is not a good idea kitten."His words sent a chill through me. Ang lakas ng t*bok ng puso ko na parang may mga kabayo na nagkarera sa loob ng dibdib ko. "P- Pakawalan mo ako!" lakas loob kong sabi sa kanya. "You owe me your life, kitten. What can you give me in return?" he said like a whisper pero nagdulot naman ng panginginig sa akin. Nag-init na ang bawat sulok ng mga mata ko. "P- Please. J- Just let me go. I am just nothing, wala kang mapapala sa akin." Hindi siya nagsasalita, mas lalo nyang inilapit ang mukha nya sa leeg ko. I was overwhelmed with chills from his actions. It felt like my breath was caught in my throat from the intense fear. Yet, at the same time, a jolt of electricity seemed to surge through my body when I felt his lips on my neck, as if he were savoring my scent. "I love your scent kitten." "Please!" Mayamaya lang, tumunog ang cellphone nya, kaya bahagya niyang nailayo ang mukha mula sa akin, pero nakaharang pa rin sya sa akin. "Just make sure this call is important before I cut your throat." Nakikinig naman ito sa sinabi ng nasa kabilang linya. Dumilim bigla ang anyo nito at mas lalong tumalim ang mga mata na para bang hindi nagugustuhan nito ang sinabi ng nasa kabilang linya. Mabilis naman ibinalik nito ang cellphone sa bulsa ng jacket nito saka napatitig na naman ito sa akin. Mas lalo akong kinilabutan sa kanya. "You need to sleep!" aniya, may ginawa siya sa akin na hindi ko alam kung ano dahilan para bigla nalang magdilim ang paningin ko. Ang huli kong naramdaman ay nag pagsalo ng mga matitipunong braso sa katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD