SA ILALIM NG BUWAN ay naglakbay sila sa ilog, ang ilaw na mula sa buwan at sa apoy na nasa garapon ang nagsisilbing liwanag nila. Ang Prinsipe na prenteng nakaupo at siya na nagsasagwan, halos sumayad na ang nguso niya sa bangka sa sobrang inis. Maganda na sana, mukha silang nasa isang pelikula kung saan silang dalawa ang bida. Kadalasan ay ang lalaki ang nagsasagwan, ngunit ngayon ay siya ang gumagawa dahil ano pa raw ang silbi ng pagsama niya kung wala siyang maitutulong.
Akala niya mabait na talaga ito.
"Malayo pa ba tayo?" naiirita na niyang tanong.
"Magsagwan ka na lang diyan ay huwag kang tanong nang tanong. Baka mas lalos tayong matagalan."
She raised her brow. "Anong kinalaman ng kaartehan ko sa pagdating natin? Eh kung magsagwan ka na lang rin kaya para mas mapabilis tayo!"
"Kung ano ang iniisip mo ay maaring iyon talaga ang magiging resulta. Dahil negatibong enerhiya ang iyong inilalabas, negatibong enerhiya rin ang ibabalik ng kalangitan sa 'yo. Kaya kumalma ka at magsagwan ka na lang diyan, ilang minuto na lang ay dadaong na tayo."
Natahimik siya sa tinuran ng binata, tama nga naman. Kung ano ang kinakatakutan mo ay yun ang mismong mangyayari, we attract what we think. Iyon din ang sinasabi sa kanya ng tiyahin niya, kaso hindi naman siya ganoon. Kung ano ang ibabato sa kanya, she'll face it.
Inaantok na siya at nagugutom, dahil na rin sa nawalan siya nang ganang kumain kanina dahil sa naging takbo ng usapan nila ng reyna at hari. She suddenly want to stop and sleep, namamahid na ang braso niya sa kasasagwan. Bumibigat na rin ang talukap ng mata niya.
"Aray!" she yelped when she felt something hit her leg. She saw Prince Vard looking at her, "ano problema mo?"
But the Prince didn't answered instead he avoided her gaze. Ang sagwan ay ipinasok niya muna sa bangka. She took the bag, she took it and opened it. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang laman, it was fruits and a bottle of water. Walang kung anu-ano'y kinuha niya ang saging at nag umpisang kumain, Prince Vard on the other hand paddled.
She only ate a piece of banana and apple, baka kasi ay gutumin sila sa daan at uhawin. After that, she felt energized.
"Bakit kailangan pa nating tumakas at hindi na lang hinintay ang takdang panahon na inilaan ng tubig ng karunungan?"
"Kung sa 'yo ay maari kang walang biyayang matanggap mula sa mga diyos at diyosa. Puwes, sa aming angkan ay hindi. Dahil patunay lamang iyon na hindi ka karapatdapat sa dugong bughaw. Sa amin, ako ang pinakamatagal na nabiyayaan. Kaya lahat sa aking angkan ay duda. Nais kong tanungin sa ikalawang tubig ng karunungan ang sagot sa aking problema," he sound problematic.
"Ano bang masama sa pagiging normal?"
"Ang hindi pagkakaroon ng kapangyarihan ay isang sumpa sa aming mga maharlika. Kung ang normal sa inyo ay mabuti, sa amin iba ang depinisyon ng normal—"
"Teka!" Prince Vard raised his brow at what she had uttered. "Ikalawang tubig ng karunungan? Ilan ba ang tubig ng karunungan?"
"Dalawa, ang mabuting tubig ng karunungan at ang masamang tubig ng karunungan."
She crinkled her nose, "Pinagloloko mo 'ata ako. May masama bang tubig at mabait na tubig?"
He shook his head lightly, "Oo at masasaksihan mo iyon pagdaong natin."
"Ano ba ang kaibahan nila?"
"Ang mabait na tubig ng karunungan ay ang siyang nagbibigay kapangyarihan ngunit sa panahon at paraan nito gusto. At ang masamang tubig ng karunungan ay maaring sumagot sa iyong katanungan at bigyan ka ng kapangyarihan. Ngunit hihingi ito ng isang alay kapalit ng iyong nais."
"Weh? Seryoso? Eh, ano ang pupuntahan natin?" she even wiggled her brows.
He snorted, "Ang masamang tubig ng karunu—"
"Gagawin mo 'kong alay?!" she screamed in panic.
He rolled his eyes. "Ang alay na hinihingi ng masamang tubig ng karunungan ay ang mga bagay na mahalaga sa 'yo. Hindi ka naman mahalaga sa 'kin."
She was completely taken aback at what he had said, pero nilimot na lamang niya iyon. Oo nga naman, hindi siya importante dahil hindi naman siya nababagay sa Ardeun.
They reached their destination, a large tree was near the river. The prince throw a rope tied with a dagger in it, bilang palatandaan na rin. Nag sagwan sila papalapit sa puno, when they reached the tree Prince Vard tied the rope to the tree and to the end of the boat. Siya naman ay sumunod sa
binata, bitbit niya ang bag na may lamang pagkain. The Prince handed her the dagger. In the dark forest, they walked and walked. She was trembling in fear that it might be the end of her life, at sising-sisi siya sa mga nagawa niyang kamalditahan noon.
Halos quince minutos silang naglakad sa kagubatan, and then they saw a cave. Hindi na niya natiis ay kumapit na siya sa laylayan ng damit ng Prinsipe. The Prince didn't mind though, she almost screamed as they enter she saw a lot of eyes staring at them. The bats are everywhere, watching their every move. But what scared her the most were bones of humans and animals inside they caved. Huminto sila sa isang butas na may tubig sa ilalim.
Ito ang pangalawang beses na nagakot siya dito sa Ardeun. The place screams different aura, pakiramdam niya ay nasasakal siya sa enerhiyang mayroon sa loob. Halos manginig siya sa takot bang makita ang buto ng tao sa gilid niya, hindi na niya mapigilang mapaluha sa takot when she saw Vard kneeling in front of the dark whole.
"Kambal na tubig ng karunungan. Narito ako upang humingi ng pabor!"
The caved suddenly shake, "Boss!"
Mabilis pa sa alas kwatro ang paglapit niya rito. She was whimpering in fear.
Prince Vard held her hand, "Hindi kita iaalay. Ang kailangan mo lang gawin ay tumayo sa tabi ko at paniwalaan ako."
She nodded as she wiped her tears. The Prince turned her back at her again and faced the black hole.
"Kambal na tubig ng karunungan kailangan ko ng iyong kapangayarihan. Pagbigyan mo ang aking hiling at silipin kung ano ang ipagkakaloob sa 'kin ng iyong kakambal!"
Ang malaking butas ay biglang umilaw ng kulay asul. Patuloy ang pag-uga ng kweba, ang palahaw ng mga paniki ay nangibabaw.
"O kambal na tubig ng karunungan ako ay iyong dinggin!"
Isang hugis tao ang lumabas sa tubig ng karunungan, wala itong mukha o kung anuman. May katawan lamang itong hugis tao.
"Ano ang maipaglilikod ko sa 'yo, Mortal!"
Yumuko ang Prinsipe bilang pagbigay galang.
"Sa loob ng ilang daang taon ay iilan lamang ang naglakas loob na humarap sa 'kin. Kadalasan ay matindi ang pangagailangan, ngayon ano ba ang maipaglilingkod ko sa 'yo?"
"Nais kong malaman kung mabibiyayaan ba ako ng kapangyarihan mula sa iyong kakambal?"
"Ano ang kapalit na maari mong igawad sa 'kin? Iyan ba ang kasama mo ang ipagpapalit mo?"
She shook her head lightly, fear was written all over her face. The Prince stood up, "Hindi siya ang aking alay!"
"Hmm. Hindi siya ang alay, pero handa kaba sa kapalit ng iyong katanungan?"
She held Vard’s hand and pulled it gently. The Prince looked at her, deeply.
Bakit kinakain siya ng takot sa desisyon ng binata? Bakit pakiramdam niya ay mabigat ang kapalit na gustong hingin ng kakambal ng tubig karunungan?