Sina Bram at Gela ang pinapaasikaso muna kung kailangan ng verbal explanations. Kumbaga, sila ang spokesperson ko. Hindi ako nagkamali na isama sila dahil ganito pala ang pakiramdam kapag tutulong ka sa ibang tao. Ang sarap lang. Kasi naniniwala ako na mas maraming blessings na dadating sa iyon kapag may matutulungan ka na bukal sa isang puso.
Dahil sa hindi ako nakakapagsalita, nasa tabi lang ako ni Zvonimir at siya ang nagluluto. Hindi rin ako nagkamali na isama siya. Anak siya ng isa sa mga sikat na Molecular Gastronomy Chef, si Vladimir Ho kaya paniguradong marunong din siya magluto. Kahit ang iba pa niyang kapatid, or sabihin natin na karamihan sa pamilya nila. Ano pa bang silbi na meron silang food business tapos hindi sila marunong magluto, hindi ba?
Habang abala ang mga kasamahan namin sa labas para asikasuhin ang mga residente, ay inumpisahan na din ni Zvonimir sa pagluluto. Arozcaldo daw ang lulutuin niya.
"Siopao, pakiabot ang mga hiniwang manok." bigla niyang sabi habang nakatutok siya sa kaniyang niluluto.
Ewan ko ba kung bakit kusa akong kumilos. Kanina pa niya akong tinatawag na siopao sa hindi ko malaman na dahilan. Humihingi ba siya sa akin na siopao eh sa pagkaalam ko ay wala akong nautusan na magdala ng mga iyon. Nilapitan ko ang mesa na yari sa kawayan. Kinuha ko ang dalawang planggana na naglalaman ng mga hiwa nang mga manok. Inabot ko ang mga iyon sa kaniya. Pinapanood ko siya kung papaano magluto. Sa lagay namin ngayong dalawa ni Zvonimir, ako ang sous chef, kumsabagay ay tama na din ito para naman may maitulong at kumikilos pa rin ako kahit na hindi ako nagsasalita o makakausap ng mga tao sa paligid ko.
Ilang minuto pa ay luto na ang arozcaldo na niluto ni Zvonimir. Tingin palang ay natatakam na ako. Hindi lang tingin, kahit sa amoy palang! Ano pa ba ang maaasahan ko sa anak ni tito Vladimir Ho?! Basta mga Hochengco, magagaling magluto. Kahit si Rowan na anak ni tito Finlay ay magaling din magluto!
"Young lady, ayos lang po ba kayo?" biglang tanong ni Bram na napasok siya dito sa Kusina.
Bumaling ako sa kaniya pagkatapos kong ipatong ang mga mangkok sa mesa. Ngumiti ako't binigyan ko siya ng thumbs up bilang sagot ko. Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong apron. Nagtipa ako ng tanong para sa kaniya. Ipinakita ko din iyon di kalaunan. "Nadistribute ninyo na ba ang mga donations?"
"Ah, opo. Naibigay na po namin." magalang niyang sagot.
"Kakain na," biglang sabat ni Zvonimir sa gilid namin. Bumaling ako sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mukha. Napangiwi ako dahil naramdaman ko na naman ang awra niya na nagiging halimaw na naman siya! Bumaling siya kay Bram. Itinuro niya ang malaking kaldero sa kaniyang likuran. "Dalhin mo na ito sa labas para makakain na sila." utos niya.
Naniningkit ang mga mata ni Bram. Sa huli ay wala na siyang magawa kungdi sundin nalang ang inuutos nito. Nilagpasan niya kami't kinuha niya ang malaking kaldero. Lihim ko kinagat ang aking labi. Binibigyan ko ng simpatyang tingin si Bram dahil mukhang nahihirapan siya dahil sa bigat n'on. Pero hindi ko inaasahan na tutulungan din naman pala siya ni Zvonimir!
Pinapanood ko lang sila hanggang sa nakalabas sila mula dito sa Kusina. Lihim ako napangiti dahil biglang may nag-activate mula sa aking sistema-base sa nakikita ko, ang sweet nilang tingnan...
YAOI!!!
Kinuyom ko ang mga palad ko saka inilapat ko ang mga iyon sa aking mga labi. Para akong kinikilig sa nakikita ko. Bakit hindi ko man lang naisip ang bagay na 'yon?! Ano kaya kung gagawa ako ng paraan para magkasundo silang dalawa? Tapos, tapos...
"Oh, Lyndy? Bakit narito ka pa?" biglang pumasok dito sa Gela. Tumingin ako sa kaniya na medyo nagulantang pa. Pakurap-kurap siyang tumingin sa akin. "Kakain na din tayo."
Hilaw akong ngumiti. Tumango ako't lumabas na din ako dito sa Kusina.
Hindi mawala sa aking mga labi ang ngiti habang binibigyan ko ang mga bata ng pagkain. Hindi lang arozcaldo ang niluto ni Zvonimir. Nag-ihaw din siya ng mga isda na binili pa niya sa Maynila. Laking tuwa ng mga residente na sobrang tulong na naibigay namin sa kanila. Hindi lang 'yon, nakikinig din ako sa lider ng komyunidad na ito kung papaano sila nakaraos noong panahon na pumutok ang Mt. Pinatubo. Kung anong naramdaman nila habang lumilikas sila. Kung gaano katagal sila nanatili sa mga evacuation centers bago man sila nakabalik sa kani-kanilang tahanan at nagbagong buhay.
Naging interisado ako at mas lalo tumatag ang prinsipyo ko na tumulong sa kanila. Magpupursige pa ako sa pagtulong. Ngayon, alam ko na. Kahit may pagkukulang din ako ay hindi iyon hadlang para makatulong sa iba. Hindi lang sarili ko ang tinutulungan ko, maski ang iba.
Pagkatapos namin kumain, naghandog ang mga katutubo ng isang magandang sayaw. Nakakatuwang pagmasdan ang mga batang aeta. May mga tumutugtog din na mga tradisyonal na istrumento. Mukhang ipinapasa sa kanilang henerasyon ang tradisyon at kultura nila.
Kinagabihan din iyon ay naisipan namin na dito na muna kami magpapalipas ng gabi sa kanila. Nakakatuwa lang dahil pinahiram muna kami ng isang bahay dito sa lugar na nila. Nakakahiya nga dahil ang pamilya na nakatira dito ay sila pa ang nag-adjust para sa amin. Makikitulog muna sila sa kanilang kamag-anakan na narito lang din sa kanilang komyunidad.
Kaming dalawa ni Gela ang narito sa kuwarto habang sina Bram at Zvonimir naman ay nasa bandang salas matutulog.
Habang inaayos ni Gela ang mahihigaan namin ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaniya. Alam ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakamove on kahit ilang taon nang nakaraan. Bigla ako nakaramdam ng pagkirot sa parte ng aking dibdib. Alam kong hinding hindi pa rin niya nakakalimutan ang taong iyon dahil labis niya itong minahal. Kung hindi dahil sa akin, eh di sana, masaya na si Gela ngayon. Na sana ay hindi niya ikukulong ang kaniyang sarili sa isang madilim at masikip na kahon kahit na suot niya ang maskara para takpan ang tunany niyang nararamdaman.
"May problema ba, Lyndy?" bigla niyang tanong. Mukhang napansin niya ako na nakatingin sa kaniya.
Isang maliit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. Umiling ako. Nilapitan ko siya saka binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap. Yakap na punung-puno ng pagpapasalamat. Na kahit anong mangyari ay hindi niya ako iniwan o umiba man lang ang tingin niya sa akin. Na siya pa rin si Angela Jung na nakilala ko sa loob ng maraming taon.
Hindi ko na nalamayan ang oras pero hanggang ngayon ay hindi parin ako dinadalaw ng antok kahit na pagod ako mula sa byahe hanggang sa pag-aasikaso sa community outreach kanina. Ramdam ko na mahimbing na din ang tulog ni Gela na nasa tabi ko.
Nagpasya akong bumangon. Maingat akong umalis sa katre. Sinuot ko ang jacket na nakasabit lang sa gilid bago ko man buksan ang pinto. Dahan-dahan ko iyon binuksan. Sumilip ako kung gising pa ba sina Bram at Zvonimir pero umukit sa aking mukha na wala si Zvonimir dito. Ang tanging nadatnan ko lang ay si Bram na malalim na ang tulog, tulad ni Gela.
Maingat akong lumabas para hindi ko maistorbo ang tulog nila. Hinahanap ng aking mga mata si Zvonimir. Kung nasaan ito. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Halos lahat ng tao dito ay tulog na din pero napansin ko ang bulto ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Nakaharap ito sa umaalab na apoy. Kumunot ang noo ko. Kusang gumalaw ang mga paa ko at humakbang palapit sa lalaking iyon. Kahit likod palang nito ay kilala ko na kung sino ito-si Zvonimir.
Nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya, ay bahagya siyang gumalaw. Lumingon siya sa akin. Bakas sa mukha na ang pagkagulat. "Oh, bakit gising ka pa?" tanong niya habang nakaupo siya sa malaking sanga ng kahoy.
Tahimik akong mas lumapit pa. Umupo ako sa kaniyang tabi. Dinukot ko ang aking cellphone at ipinakita ko sa kaniya ang mensahe na isinulat ko. "Hindi ako dinadalaw ng antok, eh. Bakit ikaw? Bakit hindi ka pa tulog?"
Bago man niya sagutin ang tanong ko ay tumitig siya sa apoy na nasa harap namin. "Marami lang akong iniisip."
Nagtipa ulit ako sa aking telepono. "Tulad ng ano?"
"They called me as a man with pride. Kinakatakutan pagdating sa business world. But suddenly, pumayag ako sa isang kasunduan. Ang kasal." seryoso niyang sambit na hindi tumitingin sa akin.
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Tungkol ba sa amin ang tinutukoy niya? Hindi ba niya na maging asawa niya ako? Pupuwede naman siyang umatras kung gugustuhin niya. Wala namang problema sa akin. Maiitindihan ko naman ang magiging rason niya.
"Pero, nang nakaharap ko na ang babaeng iyon, bigla nalang niyang nabura ang dating ako. Bakit?" kusang lumabas sa bibig niya ang mga salita na iyon.
Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng pag-aamok sa aking dibdib. Parang nagwawala ito nang wala sa oras. 'Yung tipong hindi ako makahinga ng maayos. A-ano bang ibig niyang sabihin doon?
Bumaling siya sa akin. Nagtama ang aming paningin. "Anong gusto mong pamilya na meron tayo kung sakaling ikinasal na tayo?"
Nanatili lang akong nakatitig sa kaniyang mga mata. Baka sa aking mukha ang hindi makapaniwala. Mas naghuhuramentado sa bilis ang aking puso. B-bakit ganito ang epekto ng isang Zvonimir Ho sa akin? Lalo na sa ganitong eksena?
Marahang ipinikit ni Zvonimir ang kaniyang mga mata. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.Parang hahalikan niya ako! Gustuhin ko man umiwas ay hindi ko magawa. Parang may parte sa akin na tanggapin ko nalang ang gugustuhin niya! Sa huli ay mariin akong pumikit. Pero agad ko din idinilat ang aking mga dahil hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin. Idinikit niya lang ang noo niya sa akin.
Zvonimir...
"Bukas na bukas, sumama sa akin, Lyndy." namamaos niyang sambit. "I want to take you in a safe haven with me. I want to know you more and more..." muli nagtama ang aming paningin.
Bakit ganito? Bakit ganito?
Bahagya niya akong binitawan. May dinukot siya mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. Pinapanood ko lang siya sa kaniyang ginagawa. Napalunok ako nang inilapat sa lupa ang isang tuhod niya. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. May itinali siya doon. Umaawang ang bibig ko nang isinulot niya sa akin ang isang pulang tali sa aking pulsuhan.
"According to Chinese Proverb, an invisible thread connects those who are destines to meet, regardless of time, place and circumstance. The thread may stretch or tangle. But it will never break." pahayag niya. Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. Bakit sa tuwing nagtatama ang mga tingin namin, nagiging intense ang pakiramdam ko? Bakit tumitindig ang balahibo ko?
Bakit...
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "I believe you are tied to me by the red thread of fate, Lyndy... So take my hand and I will ease your pain."
Pakiramdam ko ay may pumiga sa aking puso ng mga oras na ito. Those words hits me. Direktang tinamaan ang puso ko sa sinabi niya. Nanumbalik sa aking mga alaala ang mga masasaklap at mapait kong karanasan noong bata palang ako. Hindi ko namalayan na tumulo ang butil ng luha at marahas iyon umago sa aking pisngi. Nagawa ko pa rin nakatitig kay Zvonimir.
Siya ang nagpunas ng aking mga tumakas na luha. "From now on, I will protect you. No one can harm you. My arms will be your safe haven. As my bride to be, I will support you at every point in life and I won't marry any other girl than you. I will wait until I can hear your voice and say you love me too." masuyo niyang sambit. Mas humigpit ang pagkahawak niya sa akin. "And I promise you one more thing,"
Inaabangan ko ang susunod niyang sasabihin.
"No matter who enters your life, I will love you more than any of them."