Hindi ko mapigilang umaawang ang bibig ko nang nakapasok ako sa loob ng kuwarto ng resthouse nina Zvonimir na narito sa Baguio! Simple pero ang ganda sa paningin ko. Guest room pero daig din na master's bedroom! Teka, hanggang kailan naman kami mananatili dito?
Lumapat ang mga palad ko sa salamin ng bintana na nasa harap ko. Napaletra-O ang bibig ko nang tumambad sa akin ang malawak at magandang hardin na nasa likod lang ng bahay na ito! Sa ambiance pala ng paligid, mukhang magiging panatag nga ang kalooban ko dito. At saka, nawala din sa isip ko ang ako ang mapapangasawa ni Zvonimir dahil nadala ako ng aking emosyon, iyon ay ang excitement ko!
"Nagustuhan mo ba?" rinig kong tanong ni Zvonimir na nasa gilid ko.
Bumaling ako sa kaniya at binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Tumango ako bilang sagot sa kaniyang katanungan. Through my expressions, ipinapakita ko na nasiyahan nga ako sa lugar na ito. Hindi naman siguro ako mabobored masyado dito.
"Kapag nakapasok ka sa pinto na 'yan, walk in closet iyan. Nariyan na ang mga damit at iilang gamit para sa iyo." sabay turo niya sa isang pinto na nasa likuran lang namin.
Hindi ko na naman mapigilang mamangha. Nilapitan ko ang pinto saka pinihit. Nang itinulak ko ang pinto ay nangingislap ang aking mga mata nang makita ko ang mga nagagandahang mga damit na puros mga bestida ang mga naroon. May mga doll shoes, meron ding stilettos. Taka akong bumaling kay Zvonimir, bakit parang alam niya ang taste ko pagdating sa mga damit?
Lyndy naman, syempre, nabasa na niya ang nasa profile mo, malaman ay nalaman niya din ang mga iyon dahil madalas niyang kausap ang parents ko! Kaya huwag ka magtaka!
"Sa Study Room lang ako, may aasikasuhin lang ako. Kapag may kailangan ka, puntahan mo nalang ako. Nasa unang palapag lang iyon, katabi lang ng Living Room." bilin niya. Tumango ulit ako pero ang buong akala ko ay tuluyan na siyang aalis pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa harap ko. Medyo natigilan ako nang sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "Magpahinga ka na muna, gigisingin nalang kita kapag kakain na tayo." then he walked away.
Hinatid ko lang siya ng tingin habang papaalis na siya dito as walk-in closet. Nang tuluyan na siyang nakaalis ay doon gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.
Ibinalik ko ang tingin ko sa mga kagamitan dito sa loob. Napaisip ako. I'm an adult who still has a lot of trouble speaking. Noong unang linggo na hindi na nagsasalita, people around me mostly said to me... Can you speak? Just whisper it in my ear... Why can't you talk? Please talk just one word... That really annoys me. I feel, they force me to speak na hindi naman dapat dahil umiiba ang pakiramdam ko. Pero isang araw lang ay hindi na ako kinulit nina mama at papa na magsalita, instead, they only hand me a phone. Isulat ko lang daw ang mga gusto kong sabihin, kung anong naiisip ko which it helps me to communicate with them atleast. Kahit si Zvonimir ay ganoon din ang ginawa niya. He wasn't distracted when I talk to him voiceless. Parang alam na niya ang gagawin ko sa oras na makipag-usap ako sa kaniya. He looks like, he's awared.
"From now on, I will protect you. No one can harm you. My arms will be your safe haven. As my bride to be, I will support you at every point in life and I won't marry any other girl than you. I will wait until I can hear your voice and say you love me too."
Natigilan ako nang sumagi sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya kagabi.
Maghihintay daw siya... Hihintayin niya na makapagsaltia ulit ako. Pero papaano kung... Kung... Hindi na ako tuluyang makapagsalita? Matatanggap kaya niya?
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Huminga ako ng malalim. Dumilat din ako di kalaunan. Nagpasya akong lumabas ako ng walk in closet. Dinaluhan ko ang kama saka umupo sa gilid n'on. Ikinabit ko ang plug ng earphone sa aking cellphone. Magsasoundtrip muna ako.
I played UPDATE by MIWA. My Hero Academia Season 3 ending song.
Ilang segundo pa ay humiga ako habang nakadapo pa rin ang mga talampakan ko Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Bigla ko naalala ang isa sa mga powerful quotes sa anime na 'yon.
"Sometimes I do feel like I'm a failure. Like there's no hope for me. But even so, I'm not gonna give up. Ever!" - Izuko Midoriya.
Like in life, giving up solves nothing. If it's worth pursuing and you're capable, giving up won't accomplish anything.
"If you wanna stop this, then stand up." - Shoto Todoroki.
Bigla din sumagi sa isipan ko sina mama at papa, pati sina Manang Laida, si Gela, si Bram at Su Fei... Ang mga taong nasa paligid ko. Hindi sila sumuko. Hindi nila ako tinatrato na iba. I wasn't out of the picture... In my family.
Kusang tumulo ang iilang butil ng luha at marahas iyon umagos, pumatak ang mga iyon sa bed sheet.
Gusto ko... Gustong gusto ko na magsalita. I can get the words in my head but something won't let me say them and the harder I try, the more if a failure I feel like when I can't.
Kinuyom ko ang aking kamao. Hindi matanggal sa sistema ko ang nakaraan... Ang ugat ng aking kapansanan. Ang dahilan kung bakit hindi ko magawang magsalita. Ang taong nanatili pa rin sa aking nakaraan...
"L-Lyndy..." tawag niya sa aking pangalan.
Halos mapunit na ang pang-ibabang labi ko sa kakagat. Kailangan kong pigilan ang sarili kong maiyak. Hindi ako maaaring marinig ni Zvonimir kahit ang hikbi ko, hindi niya pupuwedeng marinig 'yon!
-
Pinaghalong pagod at kalungkutan ang nararamdaman ko habang kumakain kamu ng dinner ni Zvonimir. Siya mismo ang nagluto nito dahil tanging kaming dalawa lang narito. Sinabi niya sa akin na may hahired daw siya na magbabantay sa akin kung sakaling kailangan daw niyang umalis at pupunta sa bayan daw para kitain ang mga kliyente niya. Bukas daw ang dating ng mga ito. At isa pa, mukhang alam na din ng parents ko na narito ako sa Baguio, wala kasi akong natanggap na mensahe mula sa kanila. Kahit sa pinsan kong si Su Fei, ay wala rin.
Hindi rin ako nakapagpahinga kanina, sa halip ay nanood lang ako ng anime kanina. Inumpisahan ko nang manood ng Seven Deadly Sins. Ibinaling ko nalang doon ang frustrations ko.
"May problema ba, Lyndy?" biglang tanong ni Zvonimir sa akin na dahilan para matigilan ako. Agad akong tumingin sa kaniya. Binigyan niya ako ng isang nag-aalalang tingin.
Pilit akong ngumiti at umiling. Ibinalik ko ang aking atensyon sa pagkain, kahit na wala akong ganang kumain ay pilit ko pa rin ubusin ang niluto niya. Ayokong iisipin niya na nagsasayang ako ng pagkain. Na nabalewala ang effort niya sa pagluluto.
Pagkatapos kumain ay sinabi niya sa akin na siya na daw ang maghugas ng pinagkainan. Pupwede daw ako magpahangin muna sa gazebo. Wala naman akong magagawa pa kaya sumunod nalang ako.
Lumabas nga ako. Dinaluhan ko ang sofa na narito sa gazebo. Umupo ako doon at tumingin sa kawalan. Hinahayaan ko lang na dumapo ang malamig na hangin sa aking balat. Ang mga ilaw mula sa mga gusali na nasa aking harap, parang akala mo mga bituin. Mabundok talaga ang Baguio.
"Sana naging komportable ka dito, Lyndy." rinig kong boses ni Zvonimir mula sa aking likuran. Lumingon ako sa kaniya na may pagkagulat sa aking mukha. Isang maliit na ngiti ang iginawad niya. Mas lumapit pa siya sa akin hanggang sa nakaupo na siya sa aking tabi. Nasa malayo na din ang kaniyang tingin. Palihim akong tumingin sa kaniya. "Nasabi sa akin ng parents mo, mahilig ka daw sa anime..."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. Napalunok dahil sa kaba, dahil baka umiba ang tingin niya sa akin!
"Ang totoo niyan, kaya din kita dinala dito dahil may gaganaping anime convention dito."
Bahagyang umawang ang aking bibig. A-anong...
Nagtama ang mga tingin namin. Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "Sasamahan kita, gusto mo bang sumali?"
Sa mga ora sna 'to, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Ang tanging alam ko ay umaapaw na sa tuwa at excitement sa sistema ko!
"Kung gusto mong sumali, ako na bahala sa registration mo. Hanggang third week ng buwan na ito ang submission form sa mga gustong sumali sa cosplay." dagdag pa niya. Isinandal niya ang kaniyang likod sa sandalan ng sofa saka tumingin din sa kawalan. "Hmm... Napapaisip nga din ako kung sinong character na nababagay sa iyo. Huwag nga lang masyadong sexy—"
Lumunok ako. S-seryoso ba siya?!
He touch his chin. Tila malalim ang kaniyang iniisip.
Napangiwi ako. Masaya naman ako dahil may alam din siya sa mga anime pero... Hindi ako sasali. Ang tanging gusto ko lang ay kumanta sa event na iyon. Na kaya ko ding iharap ang sarili ko sa maraming tao, na narito din ako, na kaya kong kumanta... Na may boses pa ako... Hindi ko lang maisatinig iyon.
Bigo ako. Sa halip ay yumuko lang ako. Kinuyom ko ang aking kamao. Bakit hindi ko magawa? Kahit isang salita lang, hindi ko masabi? Papaano niya ako maiitindihan kung hindi ko sasabihin 'yon?
Mas kinuyom ko ang aking kamao. Lumunok ako't tumingin ako sa kaniya. Ibinuka ko ang aking bibig at ihahanda ko na ang aking sarili na magpakawal ni isang salita lang... Kahit na ang kaniyang pangalan lang, ay ayos na siguro iyon.
Hindi ko nga lang nagawa. Dahil biglang tumunog ang kaniyang cellphone. I zip my mouth once again. Pinapanood ko siya. Dinukot niya ang kaniyang telepono mula sa bulsa ng kaniyang slacks. Bumaling siya sa akin. "Excuse me, sasagutin ko lang 'to. Natawag si mama." paalam niya sa akin.
Mapait akong ngumiti at tumango. Hinatid ko lang siya ng tingin habang papalayo siya mula sa akin. Umukit ang lungkot sa aking mukha ngunit hindi ko ipinakita iyon sa kaniya. Yumuko ulit ako. Tinititigan ko ang mga nakakuyom kong mga kamao. Lihim ko kinagat ang aking labi.
Siguro ay hindi pa talaga panahon para muli ako makapagsalita.
Lihim ako napangiti dahil may napansin ako. Sa tuwing nakadikit ako kay Zvonimir, parang nagiging magaan ang pakiramdam ko na sa kaniya. Nagiging komportable na ako kapag nariyan na siya sa paligid ko. Nawawala na ang dating ako na lugmok at mahina kahit na sabihin nating maraming natatakot sa kaniya. Hindi iyon ang nakikita at nararamdaman ko.
Hindi man ngayon ang panahon para makapagsalita ako, pero nararamdaman ko ay malapit na... Basta nakadikit lang ako sa kaniya... Na kasama ko lang siya.
-
Hinatid ako ni Zvonimir sa kuwarto kung saan niya ako papatulugin. Siya na din ang pumihit ng seradura. Humarap siya sa akin nang itinulak niya ang pinto.
"Good night," masuyo niyang sambit.
Ngumiti ako at tumango. Humakbang na ako papasok sa guest room. Ako na mismo ang nagsara ng pinto ngunit dahan-dahan. Isinandal ko ang aking likod sa pinto. Parang ayaw ng mga paa ko na humakbang palapit sa kama. Parang may pumipigil sa akin. Parang may nagsasabi sa akin na humabol kay Zvonimir at dapat akong sabihin sa kaniya.
"Huwag na huwag mong kakalimutan na magpasalamat sa mga taong bukal sa kalooban na tulungan ka, Lyndy." sa likod ng aking isipan ay narinig ko na naman ang boses niya.
Mariin akong pumikit. Marahil tama ka nga... Kailangan kong magpasalamat kay Zvonimir!
Humarap ako sa pinto at nagmamadaling lumabas ng guest room. Hindi pa masyado nakakalayo si Zvonimir. Naghalf-run ako. Mukhang natunugan niya ako. Bago man siya lumingon sa akin at nahawakan ko ang kaniyang kamay. Tila may sariling pag-iisip ang katawan ko, hinatak ko siya para mas lalo ko siya mapigilan. Pero ang katawan ko ay mas lumapat pa sa kaniyang katawan. Ramdam ko na humapit ang kaniyang braso sa aking bewang na para bang yayakapin ako bilang suporta kung sakaling matumba kami, mukhang nagtagumpay naman siya.
Hindi pa nagtinag ang katawan ko, I tip my toes to reached him, dahil matangkad siya sa akin.
Hanggang sa lumapat ang aking mga labi ko sa mga labi niya na alam kong magugulat siya sa aking inakto!
Nang binawi ko na ang mga labi ko. Parang nabura ang hiya, takot at kaba sa isang iglap lang. Nagawa ko pang ngumiti sa kaniya nang matamis. "Goodnight, Zvonimir..." halos pabulong kong sambit na hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya.
Dahan-dahan nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig niya ang boses ko. "L-Lyndy..." bakas sa boses niya na hindi makapaniwala.
Binawi ko ang aking tingin. Tinalikuran ko na siya. Inilagay ko aking likuran ang mga kamay ko habang naglalakad pabalik sa guest room. Hindi matanggal ang aking mga ngiti. Mas gumaan ang pakiramdam ko sa mga oras na ito.
Salamat, Zvonimir.